You are on page 1of 7

Ang Mapanagutang

Paggamit ng Kalayaan
ESP 10
Ang Kalayaan - ay karaniwang gumigising sa puso
ng bawat tao.
 Ipinaglalaban ng bawat tao ang kaniyang karapatang mabuhay at
magpasiya ayon sa kaniyang nais, sa pangangatwirang walang panlabas na
hadlang na sisirain sa paggawa ng isang bagay na nais niyang gawin o ang
karapatang sabihin ang anumang bagay na nais niyang sabihin.
 Karaniwang sa pag-asam at pagsisikap na makamit ang kalayaan,
nakaliligtaan ang mahalagang hakbang sa pagkamit nito.
 Karaniwang tinitingnan ang kalayaan bilang kawalan ng panlabas na
hadlang na pagkamit. Karaniwang tinitingnan ang kalayaan bilang kawalan
ng panlabas na hadlang sa pagkamit ng ninanais ng tao.
 Bibihirangkinikilala na ang pinakamalaking hadlang sa
kalayaan ay hindi ang nagmumula sa labas kundi ang
nagmumula mismo sa loob ng tao.
 Itoay hiwalay sa ginagawa o kilos ng iba kaya’t kailangan
ng tao ng “higit” pa sa malayang kilos-loob (free will)
upang maging malaya.
 Ang tinutukoy na ‘higit’ ay makikita kung tinintingnan ang
kalayaan sa aspektong mayroon itong kakambal na
responsibilidad o sa madaling sabi, ang kalayaan ay may
kasunod na responsibilidad.
Ang dalawang pakahulugan sa pananagutan na
nakaaapekto sa ideya ng kalayaan ayon kay Johann ay
ang mga sumusunod.
1. Ang malayang kilos ay kilos na “mananagot ako.”
▪ Ito ay kilos na nagmula sa akin .
▪ Ang kalayaan ay nakakabit sa aking sarili (sa pagiging ako),
sa aking kakayahang kumilos, sa aking sariling kagustuhaan,
sa pagsasabi ng oo o hindi sa mga nakapalibot sa akin sa
pagpapasiya ko kung ano ang aking gagawin.
▪ Ito ang kalayaang kaugnay ng malayang kilos-loob at
mayroon ako nito dahil ako ay tao, likas ito sa akin.
▪Sapagkat ang tao ay tao, siya ang pinagmulan ng kaniyang
kilos. Kaya may panangutan siya sa kaniyang ginawa.
▪ Nangangahulugan itong kailangan niyang harapin ang
kahihinatnan ng kaniyang ginawa.

Halimbawa, maaring bumagsak ang marka ng isang mag-aaral


na hindi pumapasok sa klase. Hindi niya maiiwasang harapin
ang resulta ng pagliban niyang ito. Ang tao ay karaniwang
pinananagot sa paggawa ng isang bagay na hindi niya
mabigyan ng mapangangatwirang dahilan (justifiable reason).
Siya ay dapat managot (be accountable) sa mga kilos na ito.
2. Bagama’t ako ay responsable sa aking ginawa, hindi
ito nangangahulugan na ang kilos ko ay mapanagutang
kilos.
▪ Bilang tao, ako ay responsible sa aking mga kilos, subalit hindi
ito nangangahulugang ako ay isang responsableng tao.
▪ Ang responsibilidad sa sukdulang kahulugan nito ay hindi lamang
pananagutan kundi ito ay kakayahan o abilidad na magbigay
paliwanag (give account).
▪ Ibig sabihin, may kakayahan akong bigyang dahilan kung bakit
kailangan kong gawin ang aking kilos ayon sa hinihingi ng
pagkakataon o sitwasyon.
▪ Ibig sabihin, kakabit ng pananagutan ang kakayahan ng taong tumugon sa
obhektibong tawag ng pangangailangan ng sitwasyon.
▪ Ang responsableng tao kung gayon ay ang taong tinutuon ang kaniyang kilos,
may pagsisikap siyang tumugon ayon sa mga salik na ito at hindi ang pagpapairal
ng sariling kagustuhan; kaya hindi siya mahihirapang ipaliwanag at bigyang-
katwiran ang kanyang ginagawang kilos.

Kung ang pagiging mapanagutan ay hindi makapagbibigay sa akin ng kakayahang


ipaliwanag ang aking kilos, gayundin ang pagkakaroon ng malayang kilos-loob,
hindi masisigurong ako ay totoong malaya (sic underline). Ang kalayaan ay hindi
lamang nangangahulugan ng pagkakaroon ng kakayahang kumilos ayon sa
kagustuhan, ang pagiging malaya ay nangangahulugang mayroon akong
kakayahang kumilos nang rasyonal o naaayon sa katwiran. Kaugnay ng tunay na
kalayaan, ang malayang kilos-loob ay paraan lamang upang makamit ito,
sapagkat ang makatuwirang kilos ay humihingi ng pagiging malaya sa pagiging
makasarili (egoism).

You might also like