You are on page 1of 22

KALAYAAN

KAILAN MO BA
MASASABI NA IKAW
AY MALAYA?
ANG MAPANAGUTANG
PAGGAMIT NG KALAYAAN

MODYUL 3
LAYUNIN
1. Napatutunayan na ang tunay na
kalayaan ay ang kakayahang tumugon sa
tawag ng pagmamahal at paglilingkod;
2. Nakagagawa ng angkop na kilos upang
maisabuhay ang paggamit ng tunay na
kalayaan: tumugon sa tawag ng
pagmamahal at paglilingkod
Panuto: Gamit ang concept map, ibigay
ang inyung konsepto, kaisipan, o kahulugan
ng salitang KALAYAAN.
“ANG KALAYAAN AY KARANIWANG
GUMIGISING SA PUSO NG BAWAT
TAO”
“ANG KALAYAAN AY MAY KAAKIBAT
NA RESPONSIBILIDAD”
KALAYAAN?
“Katangian ng kilos-loob na itakda
ng tao ang kanyang kilos tungo sa
kanyang maaaring hantungan at
ang paraan upang makamit ito”.
-Santo Tomas de Aquino
ANG 2 PAKAHULUGAN SA
PANANAGUTAN NA NAKAAAPEKTO SA
IDEYA NG KALAYAAN (JOHANN)
1. Ang malayang kilos ay kilos na
“mananagot ako.”
▪ Ang tao ay tao, siya ang pinagmulan ng
kaniyang kilos. Kaya may pananagutan siya
sa kaniyang ginawa.
HALIMBAWA
Pag-aaral ng Mag-aaral: Ang isang mag-aaral na
may malayang kilos ay may pananagutan sa
kanyang pag-aaral. Ito ay ang kanyang
responsibilidad na mag-aral nang mabuti,
sumunod sa mga paaralan, at maglaan ng oras at
pagsisikap para sa kanyang edukasyon.
2. Bagama’t ako ay responsable sa aking ginawa,
hindi ito nangangahulugan na ang kilos ko ay
mapanagutang kilos.

▪ Ang pagiging malaya ay nangangahulugang


mayroon akong kakayahang kumilos nang
rasyonal o naaayon sa katwiran. Kaugnay ng
tunay na kalayaan, ang malayang kilos-loob ay
paraan lamang upang makamit ito, sapagkat ang
makatuwirang kilos ay humihingi ng pagiging
malaya sa pagiging makasarili (egoism).
HALIMBAWA
Pagtutok sa Pag-aaral: Ang isang mag-aaral na
totoong malaya ay hindi lamang nag-aaral dahil
ito ang gusto niya, kundi dahil alam niyang ito
ay isang responsibilidad niya bilang mag-aaral.
Ang kakayahang magbigay ng dahilan kung
bakit mahalaga ang pag-aaral at paano ito
makakatulong sa kanyang kinabukasan ay
bahagi ng kanyang kalayaan.
2 URI NG KALAYAAN

Kalayaan mula sa (freedom from)


Kalayaan para sa (freedom for)
Kalayaan mula sa (freedom from)
Malaya ang tao kapag walang nakahadlang sa kaniya
upang kumilos o gumawas ng mga bagay-bagay.
Subalit kailangang kilalanin na ang tunay na
nakahahadlang sa kalayaan ng tao ay hindi ang
nagaganap sa labas niya o sa sa kaniyang paligid kundi
ang nagmumula sa kaniyang loob.
Kalayaan para sa (freedom for)
Ang tunay na kalayaan ayon kay Johann ay ang makita ang
kapuwa at mailagay siyang una bago ang sarili. Kung malaya
ang tao mula sa pagiging makasarili at maiwasang gawing
sentro ng kaniyang buhay ang kaniyang sarili lamang,
magkakaroon ng puwang ang kaniyang kapuwa sa buhay niya.
Kailangang maging malaya ang tao mula sa mga pansariling
hadlang upang maging malaya siya para sa pagtugon sa
pangangailangan ng kaniyang kapuwa- ang magmahal at
maglingkod.
PAANO MO
MALALAMAN
KUNG NAGING
MAPANAGUTAN
KA SA
PAGGAMIT NG
KALAYAAN?
Narito ang ilang palatandaan ayon kay
Esteban (1990):
1. Kung naisaalang-alang mo ang
kabutihang pansarili (personal good)
at ang kabutihang panlahat (common
good).
2. Kung handa kang harapin
ang anumang kahihinatnan
ng iyong pagpapasya.
3. Kung ang iyong pagkilos
ay hindi sumasalungat sa
Likas na Batas Moral.
“Ang pagiging malaya ay
nangangahulugang mayroon akong
kakayahang kumilos nang rasyonal o
naaayon sa katwiran. Kaugnay ng tunay
na kalayaan, ang malayang kilos-loob ay
paraan lamang upang makamit ito,
sapagkat ang makatuwirang kilos ay
humihingi ng pagiging malaya sa
pagiging makasarili “(egoism).
Ang tunay na kalayaan ay hindi sariling
kalayaan ng tao na hiwalay sa
sambayanan kundi isang kalayaang
kabahagi ang kaniyang kapuwa sa
sambayan. Ginagamit ang kalayaan sa
pakikipagkapuwa-tao sapagkat ang
tunay na kalayaan ay ang
pagpapahalaga sa kapuwa; ang
magmahal at maglingkod. (Lipio, 2004).
“Ang tunay na
KALAYAAN ay ang
paggawa ng
kabutihan”
Panuto: Balikan at suriin mo ang
iyong mga naging pasiya at kilos
nitong mga nagdaang araw. Isa-
isahin mo ang mga negatibong
katangiang naipamalas mo na
maaaring naging hadlang sa iyong
paggamit ng tunay na kalayaan.
Sundin ang porma sa ibaba.
Mga negatibong katangian Mga sitwasyon na Ano ang naging epekto
na naging hadlang sa
naipakita ko ito sa akin at sa aking
aking paggamit sa tunay na
kalayaan kapuwa

Nagkatampuhan kami ng kaibigan Isang taon kaming hindi magkabati,


Halimbawa: ko, hindi ko siya binabati at hindi nag-iiwasan, at hindi komportable
sa presensya ng isa’t isa.
pagiging ako hihingi ng paumanhin kasi para
Nabagabag ako, kaya
sa akin, siya ang may kasalanan
mapagmataas kaya siya ang dapat maunang naapektuhan ang aking pag-aaral.
gumawa ng hakbang para magbati
(pride) kami.
1.

2.

3.

4.

5.

You might also like