You are on page 1of 13

MAPANAGUTANG PAGGAMIT

NG KALAYAAN
PAGSUBOK:
Panuto:Isulat ang TAMA kung wasto ang pahayag at
isulat ang MALI kung hindi, sa sagutang papel.
1. Ang pagsasabi ng katotohanan ay nagpapasaya sa
damdamin.
2. Magsuot ng damit na nakikita ang pusod dahil uso
ngayon.
3. Isulat ang nais ipahayag sa gusali ng paaralan.
4. Hindi sumamang magcutting class si Jed kahit
bestfriend niya ang nagyaya sa kanya.
5. Alam mong pwedeng ulitin ang isang asignatura sa
darating na pasukan kaya hindi ka na pumasok
pagkatapos ng ikatlong markahan.
6.Sinuntok mo ang isang kaibigan dahil sa matalim na
pagtingin niya sa iyo.
7. Ang pagsigaw at pagsabay-sabay na pagsasalita
habang may klase ay pagpapakita ng aktibong
partisipasyon sa klase.
8. Pinagsabihan ka ng iyong ina na basahin ang mga
messages sa cellphone ng iyong kapatid para malaman
kung sino ang manliligaw niya.
9. Bilang pangulo ng isang samahan sa inyong paaralan,
sumama kang pumunta sa inyong punungguro upang
isumbong na hindi nag-lilinis ang mga kaklase kung
iskedyul nila.
10.Kapatid ng nanay mo ang prinsipal, pumipila ka ng
maayos.
KONSEPTO NG ARALIN:
Ano nga ba ang kalayaan?
Isang napakahalagang karapatan ng isang tao ang
kalayaan-walang sinuman ang pwedeng na humadlang o
pumigil sa anumang naisin at gawin sa kanyang buhay.
Ang KALAYAAN ay may kakambal na
responsibilidad o may kasunod na responsibilidad. Ito ay
may hangganan o limitasyon.
Dalawang responsibilidad na nakaaapekto sa
ideya ng kalayaan:
1. Kalayaang kaugnay ng malayang kilos-loob- ito ay
ang pagkilos sa sariling kagustuhan
2.Kakayahang tumugon sa tawag ng panga-
ngailangan ng sitwasyon – pagkilos ayon sa hinihingi
ng sitwasyon.
Dalawang Aspekto ng Kalayaan
1. KALAYAAN MULA SA (freedom from)- Ang
kalayaan mula sa ay ang kawalan ng hadlang ng isang
tao sa pagkamit ng anumang naisin. Malaya siyang
kumilos o gumawa ng mga bagay-bagay at para maging
ganap na malaya ang tao, DAPAT KAYA NIYANG
PIGILIN AT PAMAHALAAN ANG NAIS NG
KANIYANG SARILI. Ano kayang katangian
kailangang iwasan para maging ganap na malaya?
Mga negatibong katangian at pag-uugali na kailangang
iwasan para ganap na maging malaya:
a. makasariling interes b. katamaran
c. kapritso d. pagmamataas
2. KALAYAAN PARA SA (freedom for )- Inuuna ang
kapakanan ng iba bago ang sariling kapakanan. Ang isang
tao ay malaya sa pagiging makasarili. Upang patuloy na
makapagmahal at makapaglingkod ang isang tao,
kailangang MALAYA SIYA SA PAGTUGON SA
PANGANGAILA- NGAN NG KANIYANG KAPUWA –
ANG MAGMAHAL AT MAGLINGKOD.
2 URI NG KALAYAAN
1. MALAYANG PAGPILI O HORIZONTAL
FREEDOM- tumutukoy sa pagpili sa kung ano ang
tingin ng taong makabubuti sa kaniya(goods).
2. VERTICAL FREEDOM O FUNDAMENTAL
OPTION-nakabatay sa uri o istilo ng pamumuhay
na pinili ng isang tao.
2 FUNDAMENTAL OPTION SA PAGPILI
1. PAGMAMAHAL –pataas tungo sa mas mataas na
halaga, ito ang paglalaan sa buhay o sarili na mamuhay
kasama ang kapuwa at ang Diyos.
2. PAGKAMAKASARILI(EGOISM)- pababa tungo sa
mas babang halaga, ito ay mabuhay para sa sarili
lamang.
MGA KAISIPAN SA PAGTUGON NG TUNAY NA
KALAYAAN
1.Ang karanasan sa buhay ay napakahalagang
kontribusyon sa sariling pagpili ng isang tao ng angkop
na kilos kung
paano niya tutugunan ang isang sitwasyon
Nakapaloob sa kaniyang napiling gagawin ang kanyang
kadakilaan.
2. Mga positibong pag-uugali na dapat tag-
layin kagaya ng pagmamahal, paglilingkod
upang matugunan ang tunay na kalayaan.
3. Mga negatibong ugali na dapat na
iwasan ay ang pagiging sakim, ganid mapang-api, dahil
sagabal ito sa pagmama-
hal at paglilingkod sa kapuwa.
4. Ang pagiging responsable sa resulta ng kilos ay kalakip
ng pagmamahal at paglilingkod sa pagtugon ng kalayaan.
5. Ang pagmamahal ay isang panloob na
kalayaan(inner freedom), ayon kay Johann.
6. Ang tunay na pagmamahal at paglilingkod ay
pagkukusa, hindi ito sapilitan at hindi pwedeng ikaw
ay diktahan.

You might also like