You are on page 1of 33

LESSON 3

ANG MAPANAGUTANG
PAGGAMIT NG
KALAYAAN
LAYUNIN NG ARALIN
1.Naipaliliwanag ang tunay na kahulugan ng kalayaan
(EsP10MP -Id-3.1)
2.Natutukoy ang mga pasya at kilos na tumutugon sa
tunay na gamit ng kalayaan. (EsP10MP-Id-3.2)
3.Napatutunayan na ang tunay na kalayaan ay ang
kakayahang tumugon sa tawag ng pagmamahal at
paglilingkod. (EsP10MP 3.3)
4.Nakagagawa ng angkop na kilos upang maisabuhay
ang paggamit ng tunay na kalayaan: tumugon sa
tawag ng pagmamahal at paglilingkod. (EsP10MP 3.4)
•What makes man truly
free when he is living in
a society that has rules
and regulations?
1.Ano-ano ang mga pakinabang na
natatamasa mo dahil ikaw ay nilikhang
malaya?
2.Ano-ano ang mga nagiging hadlang
sa paggamit mo ng kalayaan?
3.Ano-ano ang mga tungkulin mo dahil
ikaw ay malaya?
Bilang isang kabataan,
ano ang kahalagahan sa
iyong buhay ng kalayaan?
Ipaliwanag
Ang tunay na kalayaan ay ang
kakayahan ng taong pumili at gumawa
ng desisyon kung saan tumutugon sa
kabutihan di lamang ng sarili ngunit
maging ng kapwa. Ito ay pagpiling
gawin ang mabuti sa kahit anumang
sitwasyong kinasusuungan.
“ang kalayaan ay katangian ng
kilos-loob na itakda ng tao ang
kanyang kilos tungo sa maaari
niyang hantungan at itakda ang
paraan upang makamit ito.”
-Santo Tomas de Aquino
Bawat tao ay may
karapatang mabuhay at
magpasya anuman ang nais
gawin at walang
makakahadlang sa kanyang
gawin ito.
KALAYAAN RESPONSIBILIDAD
DALAWANG PAKAHULUGAN NG PANANAGUTAN
(Johann)
1. Kalayaang kaugnay ng malayang kilos loob -
Ito ay ang pagkilos sa sariling kagustuhan
Ang tao ay karaniwang pinanagot sa paggawa
ng isang bagay

a. hindi niya mabigyan ng


mapangangatwiranang dahilan (justifiabe
reason).
b. Siya ay dapat managot (be accountable) sa
mga kilos na ito.
2. Kakayahang tumugon sa tawag
ng pangangailangan ng sitwasyon
- Pagkilos ayon sa hinihingi ng
sitwasyon
Ang tunay na kalayaan ay hindi
sariling kalayaan ng tao na
hiwalay sa sambayanan kundi
isang kalayaang kabahagi ang
kaniayang kapuwa sa
sambayanan.
- Lipio
DALAWANG ASPEKTO NG
KALAYAAN
1.Kalayaan mula sa (freedom from)
2.Kalayaan para sa (freedom for)
1. Kalayaan Mula Sa (Freedom From)
- Ang kalayaan mula sa ay ang kawalan
ng hadlang ng isang tao sa pagkamit ng
anumang naisin. Malaya siyang kumilos o
gumawa ng mga bagay-bagay at para
maging ganap na malaya ang isang tao,
dapat kaya niyang pigilin at pamahalaan
ang nais ng kanyang sarili.
Mga negatibong katangian at pag-
uugali na kailangang iwasan para
ganap na maging Malaya
a.Makasariling interes
b.Katamaran
c.Kapritso
d.Pagmamataas
2. Kalayaan Para Sa (Freedom For)

-Inuuna ang kapakanan ng iba bago ang


sariling kapakanan. Kung ang isang tao ay
malaya sa pagiging makasarili.
-mula sa pansariling interes na nagiging
hadlang sa kanyang pagtugon sa
pangangailangan ng kanyang kapwa.
Dalawang uri ng Kalayaan
1.Malayang Pagpili (Free Choice o
Horizontal Freedom)
Ang malayang pagpili ay ang pagpili sa
kung ano ang alam ng taong makabubuti sa
kaniya (goods). Ang isang bagay ay pinipili
dahil nakikita ang halaga nito.
2. Vertical freedom o fundamental Option

-Ito ay tumutukoy sa pangunahing pagpiling


ginagawa ng isang tao.
a. Ang pagtaas o tungo sa mas mataas na
halaga o fundamental option ng
pagmamahal - nangangahulugan ito ng
pagpili sa ginagawa ng tao; kung ilalaan ba
niya ang kanyang ginagawa para sa tao at sa
Diyos.
b. Ang pagbaba tungo sa mas mababang
halaga o fundamental option ng
pagkamakasarili - ito ang mas mababang
fundamental option dahil wala kang
pakialam sa iyong kapwa at sa Diyos.
2 Fundamental Option sa Pagpili

1.Pagmamahal – mataas na option, ito ang


paglalaan sa buhay o sarili na mamuhay
kasama ang kapuwa at ang Diyos.
2.Pagkamakasarili – mababang option, ito
ay ang mabuhay para sa sarili niya
lamang.
Mga kaisipan sa pagtugon ng tunay na kalayaan
• Ang karanasan sa buhay ay napahalagang
kontribusyon sa sariling pagpili ng isang tao ng
angkop na kilos kung paano niya tutugunan ang
isang sitwasyon. Nakapaloob sa kanyang napiling
gagawin ang kanyang kadakilaan.
 Mga positibong pag-uugali na dapat taglayin kagaya
ng pagmamahal, pag-ibig, paglilingkod, atbp upang
matugunan ang tunay na kalayaan.
 Mga negatibong kaugaliang dapat iwasan ay ang
pagiging sakim, ganid, mapang-api, atbp dahil
sagabal sa pagmamahal at paglilingkod sa kapuwa.
• Ang pagiging responsibilidad sa resulta
ng kilos ay kalakip ng pagmamahal at
paglilingkod sa pagtugon ng kalayaan.
 Ang pagmamahal ay isang panloob na
kalayaan (inner freedom), ayon kay
Johann.
 Ang tunay na pagmamahal at paglilingkod
ay pagkukusa hindi ito sapilitan at hindi
puwedeng ikaw ay diktahan.
Samakatwid, kailangang maging malaya
ang tao mula sa mga pansariling hadlang
upang maging malaya siya para sa
pagtugon sa pangangailangan ng kaniyang
kapwa - ang magmahal at maglingkod.
Isulat ang Tama kung wasto ang pahayag
at isulat naman ang Mali kung hindi.
Isulat ang sagot sa inyong sagutang papel.

1. Magsuot ng damit na
nakikita ang pusod dahil
uso ngayon.
2. Isulat ang nais ipahayag sa
gusali ng paaralan.

3. Ang pagsasabi ng katotohanan


ay nagpapasaya sa damdamin.

4. Hindi sumamang magtanan si


Mariel kahit na mahal na mahal
niya ang kasintahan.
5. Alam mong pwedeng ulitin ang isang
asignatura sa darating na pasukan kaya
hindi ka na pumasok pagkatapos ng ikatlong
pagsusulit.

6. Pinagsabihan mo ng masasakit na salita


ang iyong kaibigan dahil sa sobrang galit.

7. Ang pagsigaw at paghalakhak ng malakas


habang nanonood sa isang pagtanghal ay
pagpapakitang maganda ang pinanonood.
8. Dahil iniutos ng iyong ina, binuksan mo ang
sulat ng ate mo upang malaman kung sino ang
sumusulat sa kanya.

9. Kapatid ng nanay mo ang kahera ng


paaralan, pumipila ka upang magbayad.

10. Bilang isang miyembro ng isang samahan


sa iyong paaralan, sumama kang pumunta sa
iyong punong guro upang magsumbong na
hindi naglilinis ang ibang mag-aaral kung
eskedyul nila.
PERFORMANCE TASK #3

Pagguhit

Panuto: Gumuhit ng poster sa isang


buong bond paper na nagsisimbulo ng
kalayaan
Relevance to the topic – 30%
Origininality – 25%
Creativity – 20%
Color Harmony – 15%
visual Impact – 10%

Total - 100

You might also like