You are on page 1of 2

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 10

UNANG MARKAHAN

MODYUL 5: ANG TUNAY NA KAHULUGAN NG KALAYAAN

♥SAPULIN
Noong ika-12 ng Hunyo 2021, ipinagdiwang nating mga Pilipino ang ika-123 Taong
Anibersaryo ng Proklamasyon ng Kalayaan na may temang “Diwa ng Kalayaan sa Pagkakaisa at
Paghihilom ng Bayan.” Ipinapakahulugan nito ang kahalagahan ng paggamit ng kalayaan sa
wastong paraan upang maisakatuparan ang ating mga adhikain hindi lamang para sa
kapakanan o pagpapaunlad ng ating mga sarili kundi pati na rin sa isang matagumpay at
mapagmalasakit na bayan.

Malaking parte ng ating buhay ang ginagampanan ng salitang kalayaan. Ngunit ano nga
ba ang tunay na kahulugan ng salitang ito? Sapat kaya ang ating pag-unawa tungkol sa diwa
nito? At nagpapakita kaya ng wastong paggamit ng kalayaan ang ating mga isinasagawang
pasya o kilos? Ilang lamang ito sa tatalakaying tanong sa pag-aaral mo ngayong araw.

Sa modyul na ito, inaasahang malinang sa iyo ang kaalaman, kakayahan at pag-unawa


sa mga sumusunod:
1. Naipapaliwanag ang tunay na kahulugan ng Kalayaan. (EsP 10 MP – Id – 3.1)
2. Natutukoy ang mga pasya at kilos na tumutugon sa tunay na gamit ng Kalayaan.
(EsP 10 MP – Id – 3.2)

Mga Layunin sa Pag-aaral:


a. Natutukoy ang tunay na diwa ng kalayaan.
b. Nakikilala ang mga pasya o kilos na nagpapakita ng tunay na gamit ng kalayaan.
c. Nakabubuo ng plano ng mga pasya o kilos na tumutugon sa tunay na gamit ng kalayaan.

ARALIN 1: ANG TUNAY NA KAHULUGAN NG KALAYAAN

♥LAKBAYIN
Noong likhain ng Diyos ang tao, pinagkalooban niya tayo ng kalayaan na pumili ng anumang
gugustuhin natin sa buhay. Ginagamit natin ang ibinigay niyang ito upang gumawa ng desisyon
o kilos na sa tingin natin ay makapagpapaunlad at makapagpapasaya sa atin at walang sinuman
ang maaaring pumigil dito. Bilang isang masunuring mamamayan isasakatuparan natin ang mga
pasiya o kilos natin sa mapayapa at mahusay na pamamaraan. (Johann)
Ayon naman kay Lipio (2004) ang tunay na kalayaan ay hindi pansarili lamang bagkus
kabahagi ng kalayaang ito ang kaniyang kapuwa at sambayanan. Sapagkat ang tunay na kalayaan
ay ang pagpapahalaga sa kapuwa; ang magmahal at maglingkod.
Napakahalaga din na tignan ang kalayaan na may kakambal o kasunod na responsibilidad.

DALAWANG RESPONSIBILIDAD
1. Kalayaang kaugnay ng malayang kilos loob - Ito ay ang pagkilos sa sariling kagustuhan
2. Kakayahang tumugon sa tawag ng pangangailangan ng sitwasyon - Pagkilos ayon sa
hinihingi ng sitwasyon
ARALIN 2: ASPEKTO AT URI NG KALAYAAN

♥LAKBAYIN

DALAWANG ASPEKTO NG KALAYAAN


1.Kalayaan Mula Sa (Freedom From) – Ito ay ang aspekto ng kalayaan na nagsasabing
walang hadlang sa labas ng tao sa pagkamit niya ng kaniyang mga ninanais. Bagkus ang
tunay na nakakahadlang ay ang kaniyang mga negatibong katangian at pag-uugali na
pumipigil sa kaniyang makamit at magamit ang tunay na diwa ng kalayaan.

Mga negatibong katangian at pag-uugali na kailangang iwasan para ganap na maging malaya
➢ Makasariling interes ➢ Kapritso
➢ Katamaran ➢ Pagmamataas

2. Kalayaan Para Sa (Freedom For) – Ayon kay Johann ang kalayaan ay ang makita ang
kapuwa at mailagay siyang una bago ang sarili. Kung iiwasan ang pagiging makasarili
nagbibigyan natin ng puwang ang ating kapuwa sa ating buhay. Ang tunay na diwa ng
kalayaan ay ang magmahal at maglingkod sa kapuwa.

DALAWANG URI NG KALAYAAN


1. Malayang Pagpili (Free Choice o Horizontal Freedom) - Ang malayang pagpili ay ang
pagpili sa kung ano ang alam ng taong makabubuti sa kaniya (goods). Ang isang bagay ay
pinipili dahil nakikita ang halaga nito.
2. Vertical freedom o fundamental Option - Ito ay ang pangunahing pagpiling ginagawa ng
isang tao.

DALAWANG URI NG FUNDAMENTAL OPTION


a. Fundamental option ng pagmamahal – ito ay ang pagpili tungo sa mataas na halaga. Ito
ang paglalaan ng kaniyang sarili na mabuhay kasama ang kaniyang kapuwa at ang Diyos.
b. Fundamental option ng pagkamakasarili - ito ang pagpili tungo sa mababang halaga. Ito
ang pagpili na mabuhay para lamang sa kaniyang sarili.

You might also like