You are on page 1of 1

MODYUL 4 - Ang Mapanagutang Paggamit ng Kalayaan

Santo Tomas de Aquino – ayon sa kanya ang kalayaan ay katangian ng kilos-


loob na itakda ng tao ang kaniyang kilos tungo sa maaari niyang hantungan at itakda
ang paraan upang makamit ito.” Ibig sabihin, ang tao ang nagtatakda ng kaniyang kilos
para sa kaniyang sarili.

May kakayahan ang taong isipin kung ano ang nararanasan niya sapagkat
mayroon siyang kamalayan. Dahil sa pagiging malaya, may kakayahan ang taong
piliin kung paano siya kikilos o tutugon sa nararanasan.

Naririto ang paliwanag ni Johann tungkol sa tunay na kalayaan. Ang salitang


kalayaan ay karaniwang gumigising sa puso ng bawat tao. Ipinaglalaban ng
bawat tao ang kaniyang karapatang mabuhay at magpasiya ayon sa kaniyang
nais, sa pangangatuwirang walang panlabas na hadlang na sisirain sa paggawa
niya nito. Ito ang madalas na iniisip ng tao tungkol sa kalayaan – ang paggawa ng
isang bagay na nais niyang gawin o ang karapatang sabihin ang anumang bagay
na nais niyang sabihin.

Ang kalayaan sa aspektong mayroon itong kakambal na responsibilidad o sa


madaling sabi, ang kalayaan ay may kasunod na responsibilidad.

Paliwanag ni Johann sa dalawang pakahulugan sa pananagutan na


nakaaapekto sa ideya ng kalayaan:

1. Simulan natin sa pagsasabing ang malayang kilos ay kilos na “mananagot


ako.” Ito ay kilos na nagmula sa akin.

2. Subalit, bagama’t ako ay responsable sa aking ginawa, hindi ito


nangangahulugan na ang kilos ko ay mapanagutang kilos. Bilang tao, ako ay
responsable sa aking mga kilos, subalit hindi ito nangangahulugang ako ay isang
responsableng tao.

Sinang-ayunan ito ni Lipio (2004) sa kaniyang paliwanag na ang tunay na


kalayaan ay hindi sariling kalayaan ng tao na hiwalay sa sambayanan kundi
isang kalayaang kabahagi ang kaniyang kapuwa sa sambayanan. Dahil
nabubuhay ang tao sa isang sambayanan, ginagamit ang kalayaan sa
pakikipagkapuwa-tao sapagkat ang tunay na kalayaan ay ang pagpapahalaga
sa kapuwa: ang magmahal at maglingkod.

You might also like