You are on page 1of 28

Aralin 4

Kalayaan,
Gagamitin Ko sa
Pagmamahal at
Paglilingkod
Sa araling ito, inaasahang
mauunawaan ang sumusunod:
– 1. Ang iba’t ibang konsepto ng kalayaan.
– 2. Ang tunay na kalayaanay ang kakayahang tumutugon sa
pagmamahal at paglilingkod.
– 3. Ang epekto ng paggamit ng kalayaan bilang pagtugon sa tawag
ng pagmamahal at paglilingkod.
– Ang pinakahahangad ng puso ng bawat tao ay ang maging
Malaya. Ito ay kaloob ng Diyos, sapagkat sa tunay na
kalayaan lamang magmumula ang tunay na kaligayahan.
Pinkaaasam- asam ng tao ang tunay na kalayaan, ngunit
ang pagtatamo nito ay hindi madaling makamtan.
– Matatamo lamang ito sa pamamagitan ng
pagpupunyagi at pagtitiyaga, kaya ang pag-
asang makamit ang lahat ng uri ng kalayaan ay
patuloy na nagbibigay ng lakas ng loob sa tao
upang umunlad.
– Kapag nawala ang pag- aasam sa tunay na
kalayaan, mawawalan ng kahulugan ang
buhay, ito’y magiging isang pakibaka sa halip
na kagaanan ng buhay.
Tuklasin

– Ang tao isinilang na may biyayang kalayaan:


kalayaan ng isip, kalayaan ng damdamin, at
kalayaan ng kilos o asal.
– Dahil sa mga kalayaang ito, Malaya ang tao na makabuo ng
matalino at moral na pagpapasiya, mga moral na damdamin, kilos
at pag- iisip; hinahangad ng ating puso ang malayang pagpili upang
malinang ang sarili tungo sa paglilingkod sa kapuwa. Ito ang
tamang paggamit ng kalayaan.
Pagtibayin

– Kalayaan, isang simpleng salita subalit


napakalawak ng kahulugan. Pag- aralan ang ilan
sa mga kaisipan ukol dito.
Ang Apat na Kalayaan

– Mayroong apat na antas ng kalayaan.


Nagmumula ito sa kaloob- looban hanggang
sa panlabas na kilos na kaagad na
napagtutuunan ng pansin.
– 1. Pangunahing Kalayaan (Fundamental Freedom
– 2. Sikolohikal na Kalayaan(Psychological Freedom)
– 3. Moral na Kalayaan (Moral Freedom)
– 4. Kalayaang Politikal (Political Freedom)
A. Pangunahing Kalayaan

– Ang kaloob- loobang kalayaan ay tinaguriang


constitutive, internal freedom, fundamental o
transcendental freedom. Sinasabing ito ang
pinakamalalim sapagkat sa antas na ito nasasabing ang
isang tao ay tunay na malaya, sapagkat sakop nito ang
buo niyang katauhan.
– Sa antas na ito, niyayakap ng tao ang
kaniyang paniniwala, hilig o ang
pagmamahal sa sarili. Halimbawa sa
kaluluwa, konsiyensiya, at puso.
– Ang pangunahing kalayaan ang pinagmumulan ng
dignidad nga tao, sa pamamagitan ng pagiging una
niya sa lahat ng kaniyang mga kilos, bilang isang
‘sino’ (who) o bilang ‘isang tao’ (someone).
– Sa pamamagitan nga pangunahing kalayaan,
nakapagbubuo ang tao ng mga layunin para sa
kaniyang sarili. Ang kalayaan ding ito ang
malayang numubuo ng karakter o ugali ng tao.
B. Sikilohikal na Kalayaan

– Ang pangalawang antas ng panloob na


kalayaan ay ang kalayaan sa pagpili
(freedom of choice).
– Ang kalayaang ito ang ukol sa kakayahan ng kapasiyahan ng tao
(human will) sa pagpapasiya sa pamamagitan ng dalawang
paraan:
– 1. Ang kapasiyahang gawin ang isang bagay o hindi (freedom of
exercise)
– 2. Ang kapasiyahang gawin ang isang bagay ng ganito o ganoon
(freedom of specification)
– Kung walang kalayaan sa pagpili, hindi
natin magagamit ang ating constitutive
freedom.
– Dagdag pa rito, sa kalayaan ng pagpili ay walang sinuman
ang makapamimilit ng katotohanan o ng pagpili ay walang
sinuman ang makapamimilit ng katotohanan o kabutihan sa
sinuman sa puntong isinasakripisyo ng isang tao ang
kaniyang kalayaan, at ang “authenticity,” o ang pagiging
makatotohanan sa sarili ay isang ideyal na dapat nating
hangarin.
C. Moral na Kalayaan

– Ang ikatlong kalayaan ay ang moral na kalayaan o


ang paglago ng kalayaan. Ang kalayaang ito ay ukol
sa pagsasakatuparan ng pangunahing kalayaan
(fundamental freedom) sa pagdaan ng panahon.
– Ang ganitong antas ng kalayaan ay maaring
personal na maabot o mawala. Naipapahayag ito
kapag sinasabi ng isang tao, “Nais kong maging
ako,” o “kailangang maisasakatuparan ito para sa
aking sarili.”
– Ang moral na kalayaan ay nagbubunga sa mabuting
paggamit ng pagpili (choice). Ang mabuting gawi o virtue
ay nagpapalakas ng kakayahan ng taong paunlarin ang
sarili na nagmumula sa kaniyang loob, o maging sa labas,
sa gitna ng mga pagsubok na kaniyang kinakaharap.
– Ang paglago ng kalayaan ay direktang proporsyonal , sapagkat
ang pagkakaroon ng virtue ay ang paggawa ng mga moral na
bagay na dati ay hindi kayang gawin. Ito ang tinatawag na
MATURITY.
– Sa isang banda, nababawasan ang kalayaan sa pamamagitan ng
maling paggamit ng kalayaan sa pagpili.
D. Kalayaang Politikal

– Ang pinakahuli at pinakapanlabas na antas ng kalayaan ay


ang political o sosyal na kalayaan. Sa antas na ito, nakikita
ang mga sitwasyon ng kamalasan o magandang kapalaran
ng isang tao.
– Ang lipunan ay inaasahang makapagbibigay ng
pagkakataon sa mga tao upang malaya silang umunlad.
Ang sosyal na kalayaan ay nagbibigay ng pagkakataon sa
mga tao upang matamo nila ang kanilang minimithi, at
hinahayaan nitong ang mga ito ay maisabuhay.
– Sa ganitong pagkakataon, ang liberasyon ay
nanangahulugan ng edukasyon. Sa pamamagitan ng
liberasyon, dapat maibigay sa mga tao ang pagkakataon
upang sila mismo ang magpatakbo ng kanilang buhay.
Ang ibig sabihin, dapat maturuan ang taong maging
sapat para sa kaniyang sarili.
Ang Kalayaan Upang maglingkod
– Ang kalayaan upang maglingkod ay nasasakop sa karapatan ng
tao sa pagpili (free will) ayon kay Dave Tanguay.
– Gamit ang kaisipan ni Einstein, si Tanguay ay naniniwala na,
“Tanging ang buhay na inalay para sa iba ang may kahulugan.”
Idinagdag pa niya ditto ang kautusan ng Diyos na, “mahalin mo
ang iyong kapuwa tulad ng pagmamahal mo sa sarili.”
–End of Aralin 4

You might also like