You are on page 1of 15

Aralin 3

Konsiyensiya,
Gabay ko sa
Tamang
Pagpapasiya
Sa araling ito, malalaman at
mauunawaan ang sumusunod:
– 1. Ang kahulugan, mga uri at prinsipyong gumagabay sa paggamit
ng konsensiya
– 2. Ang konsensiyang nahuhubog batay sa Likas na Batas Moral ng
nagsisilbing gabay sa tamang pagpapasiya at pagkilos.
– 3. Ang payo sa kapuwa mag- aaral o kaibigan tungkol sa paggawa
ng pasiya.
Tuklasin

– May tatlong pagpapahalaga na nakakatulong sa


pagbubuo ng matibay na konsiyensa, ito ang
pagtititwala, paninindigan, at katapatan.
Pagtitiwala

– Sakop ng pagtitiwala ay ang pagtitiwala sa sarili


at sa mga natutuhang prinsipyo mula sa batas
ng Diyos at ng tao.
Paninindigan

– Ang paninindigan ay nagpapahayag ng lakas


ng loob o katapangan sa pagpili kung ano
ang tama o mali.
Katapatan

– Sakop ng katapatan ang pagiging makatotohanan sa


kapuwa, mga institusyon, lipunan, at higit sa lahat, sa
sarili. Tulad ng pagtitiwala at paninindigan, ito ay
nagpapatibay ng integridad.
– Kapag ang isang tao ay isang pagtitiwala,
panindigan sa sarili at makatotohanan, madali
siyang makapagsasabi ng “hindi” sa mga bagay na
mahihirapan ang konsiyensya sa pagpapasiya.
Pagtibayin

– Sa pangkalahatang paglalarawan, ang konsensya ay ang


kakayahang matiyak kung ang ating gawa o kilos ay tama
o mali. Ito ay nagdadala sa pagsisisi kung gumagawa tayo
nang taliwas sa ating pagpapahalagang moral, at
kasiyahan naman kung nakakagawa o nakapagpapasiya
nang ayon ditto.
– Ang konsiyensiya ay mailalarawan ayon sa
tatlong pananaw:
– 1. Sekular na Pananaw
– 2. Pilosopikal na Pananaw
– 3. Panrelihiyong Pananaw
Sekular na Pananaw

– Ang mga tradisyunal at makabagong siyentipiko ay


nagpapaliwanag na ang konsiyensya ay Gawain ng utak
upang gawing maging magaan o madali ang palitang
pagbibigay paglilingkod sa lipunan. Dahil ditto, ito ay
maaaring dala ng pagkatao o napag- aaralan.
Narito ang ilan sa mga halimbawa:

– A. Psycho- Analytical
– Ang konsiyensiya ay galling sa super ego na mula sa pagpapalaki ng ating mga
magulang.
– B. Bio- Psychological
– Sa palagay ng mga siyentipikong naniniwala sa ganitong pananaw, sa kabila ng
katotohanang ang kakayahan ng konsiyensya ay mula sa pagkatao niya. Ang
paksang pagpapasiyahan ay napag- aaralan, tulad ng lengguwahe, bilang bahagi
ng kultura.
Pilosopikal na Pananaw

– Ang konsiyensa, sa pananaw na pilosopikal, ay inilalarawan


bilang paglalapat ng mga natutuhang prinsipyo ng tama o
maling gawain mula sa mga magulang, kaibigan, simbahan,
o institusyon ng maaaring tanggap o hindi tanggap ng isang
tao.
– Kinikilala ng konsiyensiya bilang “Liwanag mula sa
loob” na nagsasaad ng kabutihan, o “kadiliman mula
sa loob” na nagdadala naman sa paghuhusga.
Panrelihiyong Pananaw

– Ayon sa pananaw ng ilang relihiypn, ang konsiyensiya ang


gumugulo sa iyo kapag gumagawa ka ng masama sa iyong
kapuwa. Ito ang nagtuturo sa iyo ng pagiging tama o mali ng
isang Gawain.
– Sa maikling salita, ang konsiyensiya ang
tagapagbantay o tagapagalaala kung mayroon kang
binabalak na taliwas sa Batas Moral o Batas ng
Diyos.

You might also like