You are on page 1of 4

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 7

Name of Learner: __________________________________ Date Submitted: _________


Grade and Section: _________________________________

LEARNING ACTIVITY SHEET


Modyul 10 Kalayaan: Kabataan, Tunay ka nga bang malaya?

KABATAAN, TUNAY KA NGA BANG MALAYA?

Sa unang aralin tungkol sa kalayaan, tinalakay ang iba’t ibang indikasyon kung bakit sinasabing
taglay ng tao ang kalayaan. Ipinaliwanag rin kung bakit ang kalayaan ay hindi lubos o may
hangganan. Ngunit, paano mo malalaman kung ikaw ay nasa loob pa rin ng hangganang iyon?
Syempre, kailangan mong suriin ang bawat kilos mo upang malaman ito.

Ang kalayaan ay handog ng Diyos na tao lamang ang pinagkalooban. Kung gagamitin ito nang
mapanagutan magsisilbi itong puhunan upang mapaunlad ang ating sarili. Subalit kung aabusuhin
ang paggamit nito baka ito pa ang magbigay daan sa iyong kabiguan at kalungkutan.

Di iilang kabataang katulad mo ang nasadlak sa kaawa-awang kalagayan sanhi ng maling paggamit
ng kalayaan. Ang akala nila ay walang kalakip na pananagutan ng kalayaan, na sila ay malaya basta
nagagawa nila ang lahat ng kanilang nais. Subalit hindi ito ang tunay na kahulugan ng kalayaan.

Ayon kay Esteban ang konsepto ng kalayaa’y hindi nangangahulugan na nagagawa mo ang lahat ng
iyong naisin, sa halip, ito ang karapatan mong gawin ang nararapat upang makamit ang
pinakamataas at pinakadakilang layunin ng ating kalikasan.

Mayroong dalawang uri ng kalayaan:


1. Panloob na Kalayaan. Ayon sa obserbasyon ni Santo Tomas de Aquino, nakasalalay sa kilos-loob
ng tao ang kanyang kalayaan. Tinutukoy ng Panloob na Kalayaan ng kilos-loob ang:
a) Kalayaang gumusto (freedom of exercise ) – ito ang kalayaang magnais o hindi magnais
b) Kalayaang tumukoy (freedom of specification) – ito naman ang kalayaan upang tukuyin
kung alin ang nanaisin

Sa babalang ito halimbawa, “Bawal ang Maligo Dito”. Ang iyong kilos-loob ay malayang magnais o
hindi magnais na sundin o kaya balewalain ang babala. Sakaling nagpasya ang kilos-loob na sundin
ang sinasabi ng babala, malaya nitong tukuyin kung ano ang nanaising gawin bilang kapalit sa
planong paliligo. Nanaisin niya marahil ang magpiknik na lamang sa dalampasigan, lumipat ng ibang
lugar o umuwi na lang.

Walang maaaring magtanggal ng panloob na kalayaan ng tao. Hindi ito maipagkakait, makukuha o
maaalis sa kanya.

2. Panlabas na Kalayaan. Ito ang kalayaan upang isakatuparan ang gawain na ninais ng kilos-loob.
Naiimpluwensiyahan ng mga panlabas na salik ang kalayaang ito. Maaaring mabawasan o maalis ang
kalayaang ito sa pamamagitan ng puwersa sa labas ng tao. Kapag ang tao ay ikinulong, mawawala
ang kanyang panlabas na kalayaan.

Halimbawa:

1. Politikal - nakapaloob dito ang kalayaang pumili ng sasalihang samahang politikal, bumoto o pumili
ng taong mamumuno
2. Pangakademikong kalayaan - kalayaang pumili ng paaralang papasukan at kursong kukunin sa
kolehiyo.
3. Propesyonal - may kalayaan ang mga propesyonal na gampanan ang kanilang tungkulin ayon sa
sariling pamamaraan subalit hindi taliwas sa mga panuntunan.

Ayon pa sa EsP 10-Modyul 4, hindi tunay na Malaya ang tao kapag hindi niya makita ang
lampas sa kanyang sarili; kapag wala siyang pakialam sa nakapaligid sa kanya; kapag wala siyang
kakayahang magmalasakit nang tunay at kapag siya ay nakakulong sa pansarili lamang niyang interes

Pagtataya

A. Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang sumusunod na mga pangungusap. Bilugan ang titik ng
tamang sagot.
1. Kung ikaw ay nakakita ng isang ilog na may babalang “Bawal Maligo Dito”, ikaw ay malaya pa ring
magnais o hindi magnais na maligo sa ilog. Hindi ito maipagkakait, makukuha o maaalis sa iyo. Anong
uri ng kalayaan ang tinutukoy nito?
A. Pangkalahatang Kalayaan B. Panlabas na Kalayaan C. Panloob na Kalayaan D. Pansariling Kalayaan

2. Nag-away kayo ng iyong kaibigan. Dahil sa emosyon, nagpost ka sa iyong facebook ng masasakit
na salita laban sa kanya. Ito ba ay nagpapakita ng kalayaan?
A. Hindi po, dahil maaaring masira ang dignidad ng aking kaibigan at maaaring ikapahamak niya rin
ito.
B. Opo, kasi inilabas ko lamang ang aking sama ng loob ngunit alam ko namang magbabati ulit kami.
C. Hindi po, dahil nadala lamang ako ng emosyon.
D. Opo, kasi facebook ko naman iyon.

3. Madalas nating gamitin ang katagang “Nasa demokratikong bansa tayo kaya gagawin ko lahat ng
aking naisin at sasabihin ko lahat ng gusto kong sabihin.” Ito ba ay pagpapahayag ng kalayaan?
A. Hindi po, dahil ang totoong mapanagutang paggamit ng kalayaan ay paggawa ng kabutihan at
pagiging mapanagutan.
B. Opo, dahil ang tunay na kalayaan ay kung magagawa ko ang anomang aking naisin at isa pa
karapatan ko iyon.
C. Opo, dahil kaya nga ipinaglaban ang demokrasya upang tayo ay maging malaya.
D. Hindi po, dahil marami ang magagalit sa akin.

4. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng kalayaan?


A. Paglalaro ng mobile legends maghapon B. Pagtulong sa gawaing bahay
C. Pag-inom ng alak D. Pagsisigarilyo

5. Ang mga sumusunod ay nagpapakita ng kalayaan maliban sa isa:


A. Pag-aaral ng leksyon B. Masayang pamilya C. Bayanihan D. Kahirapan

B. Panuto: Pag-aralan ang sumusunod na sitwasyon, masasabi mo bang may kalayaan sa mga ito?
Sa bawat sitwasyon sa unang hanay, sabihin kung may kalayaan o wala sa pamamagitan ng
paglalagay ng tsek (/) kung mayroon o ekis (×) sa ikalawang kolum. Isulat ang iyong patunay sa
iyong sagot, isulat ito sa ikatlong kolum. Gamitin ang rubrik sa ibaba ng tsart para sa pagmamarka sa
bahagi ng Patunay.
STUDENT’S COMMENTS AND PARENTS FEEDBACK ON MODULE CONTENT AND
ACTIVITIES:

NAME AND SIGNATURE OF STUDENT: NAME AND SIGNATURE OF


PARENT:

____________________________
_______________________________
Susi sa Pagwawasto

Paunang Pagtataya
1. C
2. A
3. A
4. B
5. D

You might also like