You are on page 1of 13

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 10

PRE-TEST

PANUTO:
COMPETENCY MODULE 2: Natutukoy ang mataas na gamit at tunguhin ng isip at kilos-loob
STEM 1: Ang tao ay nilikha ayon sa wangis ng Diyos kaya’t siya ay tinawag na kaniyang obra maestra. Balikan natin
ang kakayahang taglay ng tao. Bagama’t may mga kakayahan siyang taglay rin ng hayop, nagkakaiba ang paraan kung
paano ito ginagamit sa ibang pagkakataon. Ayon sa pilosopiya ni Santo Tomas de Aquino, ang tao ay binubuo ng
ispiritwal at materyal na kalikasan.

Kakabit ng kalikasang ito ay ang dalawang kakayahan ng tao: ang pangkaalamang pakultad (knowing faculty) at ang
pagkagustong pakultad (appetitive faculty)
Ang mga panloob na pandama naman ay ang mga sumusunod:

1. Kamalayan – pagkakaroon ng malay sa pandama, nakapagbubuod at nakapaguunawa


2. Memorya – kakayahang kilalanin at alalahanin ang nakalipas na pangyayari o karanasan
3. Imahinasyon – kakayahang lumikha ng larawan sa kaniyang isip at palawakin ito
4. Instinct – kakayahang maramdaman ang isang karanasan at tumugon nang hindi dumaan sa katwiran

QUESTIONS FOR STEM NO. 1

1. Batay sa mga pahayag sa itaas, sinong pilosopo ang nagsasabi na ang tao ay binubuo ng ispiritwal at materyal na
kalikasan?
A. Aristotle C. Santo Tomas De Aquino
B. Plato D. San Agustin
2. Ito ay ang kakayahan ng tao na maramdaman ang isang karanasan at tumugon nang hindi dumadaan sa
katwiran?
A. Kamalayan C. Memorya
B. Imahinasyon D. Instinct
3. Ang mga ito ay nilikha ng Diyos ayon sa kanyang wangis kaya naman sila ay tinawag ng Diyos na kanyang obra
maestra.
A. Sanlibutan D. Kalikasan
B. Tao D. Hayop
4. Mayroong mga taglay na kalikasan ang tao,kaakibat nito ay ang kanilang dalawang kakayahan. Ibigay ang mga
ito.
UNANG KAKAYAHAN: ____________________________________
PANGALAWANG KAKAYAHAN: _____________________________
5. Paano mo gagamitin ang iyong kilos-loob upang magmahal at maglingkod. Ipaliwanag ang iyong kasagutan.
____________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________.
COMPETENCY MODULE 3: Natutukoy ang mga prinsipyo ng Likas na Batas Moral
STEM 2:
 Ang likas na batas moral ay isang hanay ng mga layuning etikal na prinsipyo na nakabatay sa kalikasan ng tao
at natutuklasan ng katwiran.
 Ang konsensiya ang munting tinig sa loob ng tao na nagbibigay ng payo sa tao at nag-uutos sa kaniya sa gitna
ng isang moral na pagpapasiya kung paano kumilos sa isang kongkretong sitwasyon. Ang pangunahing
prinsipyo ng likas na batas moral ay “gawin ang mabuti, iwasan ang masama.” Hindi nagbabago ang Likas
na Batas Moral.
Upang maproseso ang paghubog ng konsensya ay kailangang gamitin ng naaayon at mapanugutan ang ating isip,
kilos-loob, puso, at kamay.
May dalawang uri ng kamangmangan na mahalagang maunawaan upang mataya kung kailan maituturing na
masama:
1. Kamangmangang madaraig (vincible ignorance). Ang kamangmangan ay madaraig kung mayroong
pamamaraan na magagawa ang isang tao upang malampasan ito at ang pagkakaroon ng kaalaman dito ay
magagawa sa pamamagitan ng pagsisikap o pag-aaral.
2. Kamangmangan na di madaraig (invincible ignorance). Ang kamangmangan ay di madaraig kung walang
pamamaraan na magagawa ang isang tao upang ito ay malampasan.

QUESTIONS FOR STEM NO. 2


1. Ito ang munting tinig sa loob ng tao na nagbibigay ng payo sa tao at nag-uutos sa kaniya sa gitna ng isang moral
na pagpapasiya kung paano kumilos sa isang kongkretong sitwasyon.
A. Konsensya C. Pagtitiyaga
B. Pagtitimpi D. Pag-iisip

2. Ano ang pangunahing prinsipyo ng likas na batas moral?


A. Iwasan ang masama at piliin ang mabuti
B. Igalang ang wasto at kalimutan ang masama
C. Gawin ang mabuti, iwasan ang masama
D. Iwasto ang sarili at kalimutan ang nakasanayan

3. Ito ay isang hanay ng mga layuning etikal na prinsipyo na nakabatay sa kalikasan ng tao at natutuklasan ng
katwiran.
A. Likas na batas moral C. Konsensya
B. Prinsipyo ng pagkatao D. Kamangmangan

4. Paghambingin ang dalawang uri ng kamangmangan na mahalagang maunawaan upang mataya kung kailan
maituturing na masama ang isang gawain.
I. Kamangmangang madaraig (vincible ignorance)
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________.
II. Kamangmangan na di madaraig (invincible ignorance)
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________.
5. Bilang isang indibidwal, sa iyong palagay, paano huhubugin ang konsensiya ng tao upang kumiling ito sa mabuti?
____________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________.

COMPETENCY MODULE 4: Natutukoy ang mga pasiya at kilos na tumutugon sa tunay na gamit ng kalayaan
STEM 3: Ayon nga sa kahulugang ibinigay ni Santo Tomas de Aquino, “ang kalayaan ay katangian ng kilos-loob na
itakda ng tao ang kaniyang kilos tungo sa maaari niyang hantungan at itakda ang paraan upang makamit ito.” Ibig
sabihin, ang tao ang nagtatakda ng kaniyang kilos para sa kaniyang sarili. Walang anumang puwersa sa labas ng tao
ang maaaring magtakda nito para sa kaniya.
Ayon kay Lipio, ang kalayaan ay hindi sariling kalayaan ng tao na hiwalay sa sambayanan kundi isang
kalayaang kabahagi ang kaniyang kapuwa sa sambayanan. Dahil nabubuhay ang tao sa isang sambayanan, ginagamit
ang kalayaan sa pakikipagkapuwa-tao sapagkat ang tunay na kalayaan ay ang pagpapahalaga sa kapuwa: ang
magmahal at maglingkod. Mula sa paliwanag na ito, ay mayroong dalawang aspekto ng kalayaan: kalayaan mula sa
(freedom from), at ang kalayaan para sa (freedom for).
1. kalayaan mula sa (freedom from)- binibigyang katuturan nito ang kalayaan bilang kawalan ng hadlang sa
labas ng tao sa pagkamit ng kanyang ninanais. Sa ganitong pag-unawa ng Kalayaan, masasabing
Malaya ang tao kapag walang nakahahadlang sa kaniya upang kumilos o humawa ng mga bagay-
bagay.

2. kalayaan para sa (freedom for)- Sinasabi nito na kung malaya ang tao mula sa pigging makasarili at
maiwasang gawing sentro ng kaniyang buhay ang kaniyang sarili lamang , magkakaroon ng puwang
ang kanyang kapuwa sa buhay niya. Gagamitin niya ang kaniyang kalayaan para tumugon sa hinihingi
ng sitwasyon at pagkakataon. Ito ang diwa ng pagmamahal sa kapuwa.

QUESTIONS FOR STEM NO. 3


1. Ito ay katangian ng kilos-loob na itakda ng tao ang kaniyang kilos tungo sa maaari niyang hantungan at itakda ang
paraan upang makamit ito.
A. Freedom for C. karapatan
B. Freedom from D. Kalayaan
2. Ang aspekto ng kalayaan na ito ay nagsasabi na kung malaya ang tao mula sa pigging makasarili at maiwasang
gawing sentro ng kaniyang buhay ang kaniyang sarili lamang , magkakaroon ng puwang ang kanyang kapuwa sa
buhay niya.
A. Freedom for C. karapatan
B. Freedom from D. Kalayaan

3. Ang aspekto ng kalayaan na ito ay binibigyang katuturan ang kalayaan bilang kawalan ng hadlang sa labas ng tao
sa pagkamit ng kanyang ninanais.
A. Freedom for C. karapatan
B. Freedom from D. Kalayaan

4. Itala ang dalawang aspekto ng Kalayaan:


A. ________________________________
B. ________________________________

5. Bilang isang kabataan, paano mo magagamit nang mapanagutan ang kalayaan na ipinagkakaloob sayo?
Ipaliwanag ang iyong kasagutan.
____________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________.

COMPETENCY MODULE 5: Naipaliliwanag na may pagkukusa sa makataong kilos kung nagmumula ito sa kalooban na
malayang isinagawa sa pamamatnubay ng isip/kaalaman.
STEM 4:
May dalawang uri ng kilos ang tao: ang kilos ng tao (acts of man) at makataong kilos (human act).
Kilos ng tao ( Acts of man) Makataong Kilos (Humane act)
Mga naisasagawang kilos na labas sa kanyang kontrol Ito ay mga kilos ng tao na isinasaagawang may
na ayon sa kalikasan bilang tao kaalaman (knowingly), malaya (free) at kusa
Ang mga kilos na ito ay hindi ginagamitan ng isip (voluntarilly)
(intellect) at kilos-loob (free-will). Ang mga kilos na ito ay ginagamitan ng isip (intellect) at
Walang pananagutan ang taong nagsagawa ng kilos. kilos-loob (free will)
Halimbawa: pagkurap ng mata, paghikab, pag-ihi Ano man ang kahiohinatnan ng kilos ay pananagutan ng
taong
Halimbawa: nagsagawa ng kilos. pagnanakaw, hinsi
pagsabi ng totoo, pagkalat ng dumi

Ayon naman kay Aristotle, ang kilos ay nagpapakita ng kaalaman tungkol sa gawain at pagsang ayon at mayroong
tatlong uri ng kilos ayon sa kapanagutan (accountability). Ito ay ang mga sumusunod:
1. KUSANG-LOOB - ito ang kilos na isinasagawa nang may kaalaman at pagsang-ayon sa kahihinatnan ng kilos
nito.
2. WALANG KUSANG-LOOB –kilos na isinasagawa nang walang kaalaman, walang pagsang-ayon kaya walang
pagkukusa sa kilos.
3. DI KUSANG-LOOB - kilos na isinasagawa nang may kaalaman ngunit kulang ang pagsang-ayon. Ibig sabihin,
ang gumagawa sa kilos ay may kaalaman sa gawain na dapat isakatuparan pero hindi isinagawa. Ito rin ay
ang sapilitan pagsagawa ng kilos.

QUESTIONS FOR STEM NO. 4


1. Paano mailalarawan ang kusang-loob na kilos ayon kay Aristotle?
A. Ang kilos ay nagpapakita ng kaalaman tungkol sa gawain at pagsang ayon
B. Ang kilos ay hindi isinagawa bagaman may kaalaman sa Gawain na dapat isakatuparan
C. Ang kilos ay walang pagsang-ayon dahil walang kaalaman ang taong nagsasagawa dito
D. Ang kilos ay resulta ng bulong ng konsensiya

2. Ang mga hindi mo namamalayang galaw ng iyong katawan gaya ng paghikab, reaksiyon sa pagkagulat o
pagkurap ng mata ay mga halimbawa ng .
A. Kilos ng tao
B. Di kusang-loob
C. Kusang-loob
D. Nakasanayang kilos

3. Sa tatlong uri ng kilos ayon sa kapanagutan ni Aristotle, alin ang karapat-dapat panagutan?
A. Walang kusang- loob
B. Di kusang-loob
C. Kusang-loob
D. Kilos ng tao

4. Tukuyin ang TATLONG HALIMBAWA ng mga gawaing nagsasaad ng makataong kilos o humane act. Lagyan ng
tyek ang mga ito.
_____PAGHIKAB _____PAGKALAT NG DUMI
_____PAGNANAKAW _____PAG-IHI
_____PAGKURAP NG MATA _____PAGSASABI NG TOTOO

5. Gumawa ng maikling paliwanag na binubuo ng 2-3 na pangungusap sa katagang “Kilos ko, Pananagutan
Ko!”

Kilos Ko, Pananagutan Ko!


____________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________.

COMPETENCY MODULE 6: Naipaliliwanag ang bawat salik na nakaaapekto sa pananagutan ng tao sa kahihinatnan
ng kaniyang kilos at pasya
STEM 5: Hindi lahat ng kilos ng tao ay maituturing na makatao. Ang makataong kilos ay bunga ng ating isip at
kagustuhan na nasasalamin ang ating pagkatao. Kung ano tayo at kung ano ang kalabasan ng ating kilos ay batay
sa ating pagpapasiya. Nangangahulugan ito na hindi lahat ng ating isinasagawang kilos ay Mabuti.
Sa etika ni Sto. Tomas de Aquino, ang moral na kilos ay ang makataong kilos sapagkat malayang
patungo ito sa layunin na pinag-isipan. Ang papel na ginagampanan ng isip ay humusga at mag-utos. Ang papel
naman ng kilos-loob ay tumutungo sa layunin o intensiyon ng isip.
May mga salik na nakaaapekto sa resulta ng kilos, kung ito ay maituturing na mabuti o masama. Ang mga
ito ang batayan sa paghuhusga kung ang kilos ay moral o hindi:
A. LAYUNIN- Ito ay tumutukoy sa panloob na kilos kung saan nakatuon ang kilos-loob.
B. PARAAN- Ito ay ang panlabas na kilos na kasangkapan o paraan upang makamit ang layunin.
C. SIRKUMSTANSIYA- Ito ay tumutukoy sa isang kondisyon o kalagayan ng kilos na nakababawas o
nakadaragdag sa kabutihan o kasamaan ng isang kilos.

QUESTIONS FOR STEM NO. 5


1. Ang kilos na ito ay bunga ng ating isip at kagustuhan na nasasalamin ang ating pagkatao.
A. makataong-kilos C. pananagutan
B. tungkulin D. kilos ng tao

2. Ito ay tumutukoy sa isang kondisyon o kalagayan ng kilos na nakababawas o nakadaragdag sa kabutihan o


kasamaan ng isang kilos.
A. layunin C. sirkumstansya
B. tungkulin D. paraan

3. Ito ay tumutukoy sa panloob na kilos kung saan nakatuon ang kilos-loob.


A. layunin C. sirkumstansya
B. tungkulin D. paraan

4. Itala ang papel na ginagampanan ng mga sumusunod:


I. Isip: __________________________________________
II. Kilos-loob: _____________________________________

5. Naranasan mo na ba ang mangopya? Paano mo hinusgahan ang iyong kilos na ito?


____________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________.

COMPETENCY MODULE 8: Natutukoy ang mga kilos at pasiyang nagawa na umaayon sa bawat yugto ng
makataong kilos.
STEM 6: Ang mabuting pagpapasiya ay isang proseso kung saan malinaw na nakikilala o nakikita ng isang tao ang
pagkakaiba-iba ng mga bagay-bagay.
Mayroong anim na hakbang sa moral na pagpapasiya. Ang mga ito ay makatutulong upang maproseso at
maunawaan ang tamang paggamit ng konsensya. Narito ang mga hakbang:
1. Magkalap ng patunay (Look for the facts). Mahalaga na sa unang hakbang pa lamang ay tanungin mo na
agad ang iyong sarili.
A. Anong patunay ang aking kailangang malaman upang makagawa ng mabuting pasiya?
B. Ano ba ang nangyayari sa sitwasyon?
C. Bakit ito nangyayari?
D. Sino-sino ang taong kasali o kasangkot?
E. Bakit sila napasali sa sitwasyon?
F. Saan nangyari ang sitwasyon?
2. Isaisip ang mga posibilidad (Imagine possibilities). Mahalaga na tingnang mabuti ang mga posibilidad na mga
pagpipiliang magagawa para sa sitwasyon.
3. Maghanap ng ibang kaalaman (Seek insight beyond your own). Hindi sa lahat ng oras o pagkakataon ay alam
mo ang mabuti. Kailangan mo pa ring maghanap ng mga magagandang kaalaman na maaaring makapagbigay
sa iyo ng inspirasyong makagawa ng tamang pagpapasiya.
4. Tingnan ang kalooban (Turn inward). Ano ang sinasabi sa iyo ng iyong kalooban tungkol sa sitwasyon? Ano
ang sinasabi ng iyong konsensiya? Ano ang personal mong nararamdaman ukol sa sitwasyon? Ang lahat ng
katanungan ay kailangan mong sagutin sapagkat sa anumang pasiya na iyong gagawin, kailangan na ikaw ay
magiging masaya
5. Umasa at magtiwala sa tulong ng Diyos (Expect and trust in God’s help). Ito ang pinakamabisang paraan
upang malaman kung ano ang magandang plano Niya para sa atin. Ito rin ang magsisilbing lakas na
magagamit sa sandaling dumaranas sa mahirap na sitwasyon.
6. Magsagawa ng pasiya (Name your decision). Dito ay magsasagawa ka na ng pagpapasiya. Maaari mong
tanungin ang iyong sarili kung bakit mo ito pinili.

QUESTIONS FOR STEM NO. 6


a
1. Sa hakbang na ito ay malalaman na hjindi sa lahat ng oras o pagkakataon ay alam mo ang mabuti. Kailangan
mo pa ring maghanap ng mga magagandang kaalaman na maaaring makapagbigay sa iyo ng inspirasyong
makagawa ng tamang pagpapasiya.
A. Magkalap ng patunay (Look for the facts)
B. Isaisip ang mga posibilidad (Imagine possibilities)
C. Maghanap ng ibang kaalaman (Seek insight beyond your own)
D. Tingnan ang kalooban (Turn inward)

2. Sa hakbang na ito ay magsasagawa ka na ng pagpapasiya. Maaari mong tanungin ang iyong sarili kung bakit
mo ito pinili.
A. Tingnan ang kalooban (Turn inward)
B. Umasa at magtiwala sa tulong ng Diyos (Expect and trust in God’s help)
C. Magsagawa ng pasiya (Name your decision)
D. Maghanap ng ibang kaalaman (Seek insight beyond your own)

3. Pagsunud-sunurin ang mga hakbang sa moral na pagpapasiya. Gamitin ang numerong 1 hanggang 6 upang
mapagsunod-sunod ang mga ito.

_______ Tingnan ang kalooban _______ Magkalap ng patunay


_______ Umasa at magtiwala sa tulong ng Diyos _______ Magsagawa ng pasiya
_______ Maghanap ng ibang kaalaman _______Isaisip ang mga posibilidad

4. Isipin ang mga maling pagpapasiya na nagawa mo sa iyong iyong pag-aaral. Isulat ang mga ito sa unang
hanay at sa pangalawang hanay naman ay pagtantuin kung paano mo iwawasto ang mga maling pagpapasiya
na iyong nagawa.
MGA MALING PAGPAPASYANG NAGAWA MO SA PAANO MO IWINASTO ANG MGA ITO
IYONG PAG-AARAL

COMPETENCY MODULE 9: Natutukoy ang mga pagkakataong nakatulong ang pagmamahal sa Diyos sa kongkretong
pangyayari sa buhay.
STEM 7: Hango mula sa website na https://www.thetabernaclechoir.org/articles/it-is-well-with-my-soul.html
Isinalin sa Filipino ni Lily Ann Marcos
Si Ginoong Oratio G. Spafford ay isang matagumpay na abogado at negosyante sa Chicago kasama niya
ang kanyang asawang si Anna. Mayroon silang limang anak subalit katulad ng ibang tao alam nila na hindi sila ligtas
sa anumang panganib at problema. Noong 1871, ay namatay ang kanilang bunso sa sakit na pulmonya at sa pareho
ring taon ay bumagsak ang kanilang negosyo. Subalit, sa awa at pagmamahal ng Diyos sa kanila ay muli silang
nakabangon at lumago pa ang kanilang negosyo.
Noong Nobyembre 21,1873, ang French ocean liner, Ville du Havre ay naglayag sa Atlantic mula United
State papuntang Europa lulan ang pasaherong may bilang na 313. Kabilang sa pasahero ng barko ay sina Gng. Anna
Spafford at ang apat nilang anak. Hindi nila kasama sa pagkakataon na iyon si Ginoong Spafford dahil nagpaiwan siya
sa Chicago upang asikasuhin muna ang kanilang negosyo at napag-usapan na lamang nila na susunod siya at
magkikita-kita sila sa Europa. Sa pang-apat na araw ng paglalayag ng barko sa Atlantic, bumunggo ang French ocean
liner, Ville du Havre sa barkong Scottish na yari sa matibay na bakal. Nalagay sa panganib lahat ang mga pasahero
kabilang si Anna at ng kanyang apat na anak. Sa loob lamang ng 12 minuto lumubog ang barko kasama ang 112 na
pasahero at ang mga anak ng mag-asawang Spafford. Subalit nasaan si Anna? Siya ay natagpuang buhay ng isang
manlalayag na palutang-lutang sa dagat na nakakapit sa munting piraso ng nasirang barko.

Pagkapaos ng siyam na araw ay nakarating sina Anna sa Cardiff, Wales na kasama ang iba pang
pasaherong nakaligtas, kabilang na si Pastor Weiss. Sinabi ni Anna sa Pastor na, “Bakit ibinigay ng Diyos ang aking
limang anak subalit binawi Niya” at sinabi ng Pastor sa kanya, “Balang- araw malalaman mo rin ang kasagutan mula
sa Diyos”
Habang naglalayag ang barkong sinakyan ng mag-asawa na pabalik sa United States, naisalaysay ng
kapitan ng barko kay Ginoong Spafford kung saan banda lumubog ang barkong French ocean liner, Ville du Havre.
Muling naramdaman ng mag-asawa ang pighati dulot ng pagkamatay ng kanilang mga anak lalo pa at sabay-sabay
silang nawala. Bagamat tunay na masakit sa kanilang kalooban ang mga pangyayari ay hindi sila nagtanong sa Diyos,
hindi sila namuhi sa Diyos, hindi rin sila tumalikod sa pananampalataya bagkus ay lalo silang nagtiwala at nanalig sa
Panginoon.

QUESTIONS FOR STEM NO. 7


1. Sino ang matagumpay na negosyante at abogado sa Chicago?
A. Oratio G. Spafford C. Anna Spafford
B. Kevin Smith D. French Cameron

2. Kailan naglayag ang French ocean liner, Ville du Havre sa Atlantic mula United State papuntang Europa?
A. Nobyembre 21,1973 C. Nobyembre 11,1773
B. Nobyembre 21,1873 D. Nobyembre 22,1873

3. Anong karamdaman ang ikinimatay ng bunsong anak ng mag-asawang Spafford?


A. Dengue C. Pulmonya
B. Malaria D. Eczema

4. Magtala ng dalawang pagsubok na kinaharap ng mag-asawang Spafford na kung saan ay nasubok ang
pagmamahal nila sa Diyos.
I. ________________________________________________________________________
II. _______________________________________________________________________

5. Sa palagay mo, tama ba na hindi namuhi at tumalikod ang mag-sawa sa Diyos sa kabila ng mga hindi kanais-nais
na mga pangyayari sa kanila? Ipaliwanag ang sagot.
____________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________.
COMPETENCY MODULE 10: Natutukoy ang mga paglabag sa paggalang sa buhay.
STEM 8: Ayon kay Agapay noong 2007 ang katagang “High on Drugs” ay isang estadong pysikal o sikiko (psychic) na
kung saan ang tao ay naka depende sa gamot dahil sa paulit-ulit na paggamit na hindi kailangang medical.
Ang nakakalungkot ngayon ay karamihan ng mga naaapektuhan o nag sisimula sa droga ay mga kabataan.
Maaaring dahilan sa pagpamit ng ipinagbabawal na gamot ay ang problema sa pamilya, kagustuhang subukin ang
epekto sa sarili, makalimutan ang kinahihiyan o ang nakaraan, o anumang kadahilanan.
Mayroong iba’t-ibang uri ng paglabag sa buhay: aborsyon, pagpapatiwakal o suicide, alkoholismo, paggamit
ng ipinagbabawal na gamot at euthanasia.

QUESTIONS FOR STEM NO. 8


1. Ito ay isang estadong pysikal o sikiko (psychic) na kung saan ang tao ay naka depende sa gamot dahil sa paulit-ulit
na paggamit na hindi kailangang medical.
A. Alkoholismo C. High on drugs
B. Paninigarilyo D. Euthanasia
2. Ito ay ang pagkitil ng isang tao sa kaniyang sariling buhay sa kung ano ano mang paraan. May ibang kabataan na
dumadaan sa depresyon o malubhang kalungkutan ang gumagawa nito.
A. Alkoholismo C. Pagpapatiwakal o Suicide
B. Paninigarilyo D. Euthanasia
3. Ito ay tumutukoy sa pag-alis ng fetus o sanggol sa sinapupunan ng ina. Ito ay isa mga paglabag na kume-
kwestiyon sa moral na integridad ng tao.
A. Abortion C. Pagpapatiwakal o Suicide
B. Mercy Killing D. Euthanasia

4. Itala ang iba’t-ibang uri ng paglabag sa buhay. Magbigay lamang ng tatlong halimabawa nito:
I. __________________________________________________
II. __________________________________________________
III. __________________________________________________

5. Paano mo palalakasin ang loob ng iyong kaibigan na dumadaan sa matinding pagsubok at nagbabadyang
magpatiwakal? Bilang kaibigan, ano kaya ang mga salitang iyong bibitawan upang maisip nya na ang buhay ay iisa
lamang at kailangang pahalagahan.
____________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________.

COMPETENCY MODULE 10: Nakakapagpaliwanag ng kahalagahan ng pagmamahal sa bayan. Inaasahan din na


matutukoy ang mga paglabag sa pagmamahal sa bayan na umiiral sa lipunan.
STEM 9:
Ang pagmamahal sa bayan ay ang pagkilala sa papel na dapat gampanan ng bawat mamamayang bumubuo
rito. Tinatawag din itong patriyotismo, mula sa salitang ‘pater’ na ibig sabihin ay ama na karaniwang iniuugnay sa
salitang pinagmulan o pinanggalingan. Ang nasyonalismo ay tumutukoy sa mga ideolohiyang pagkamakabayan at
damdaming bumibigkis sa isang tao at sa iba pang may pagkakaparehong wika kultura, at mga kaugalian o tradisyon.

QUESTIONS FOR STEM NO. 9


1. Ano ang kahulugan ng “pater” na pinagmulan ng salitang patriyotismo?
A. pinagkopyahan at pinagbasehan C. kabayanihan at katapangan
B. pinagmulan o pinanggalingan D. katatagan at kasipagan

2. Ang ________________ ay tumutukoy sa mga ideolohiyang pagkamakabayan at damdaming bumibigkas sa isang


tao at sa iba pang may pagkakaparehong wika, kultura, at mga kaugalian o tradisyon.
A. Kalayaan C. patriyotismo
B. katarungan D. nasyonalismo
3. Ang sumusunod ay mga pagpapahalaga na indikasyon ng pagmamahal sa bayan maliban sa:
A. Laging inuuna ang pansariling kapakanan C. Pagsulong sa kabutihang panlahat
B. Pagmamahal at pagmamalasakit sa kapwa D. Pagpapahalaga sa buhay

4. Suriin ang bawat kilos. Lagyan ng tyek ang mga pangungusap na nagpapakita ng pagmamahal sa bayan.
_______A. Paggalang sa nakatatanda at may awtoridad.
_______B. Pagsunod sa batas at alituntunin ng bansa o institusyong ating inabibilangan.
_______C. Laging nahuhuli sa pagpasok sa paaralan.
_______D. Pagtapon ng basura saan man gusto.
_______E. Pag-awit ng Pambansang Awit ng buong puso at may paggalang.

5. Gumawa ng isang liham pasasalamat sa Diyos sa mga biyayang ipinagkaloob Niya bilang isang mamamayang
PIlipinong may pagmamahal sa bayan.
_______________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________.

COMPETENCY MODULE 11: Napangangatwiranan na maisusulong ang kaunlaran at kabutihang panlahat kung ang
lahat ng tao ay may paninindigan sa tamang paggamit ng kapangyarihan at pangangalaga sa kalikasan.

STEM 10: Ang KAPALIGIRAN ay tumutukoy sa lahat ng nakapaligid sa atin, may buhay o walang buhay. Ito ay
kinabibilangan ng mga puno’t halaman, at lahat ng iba’t ibang uri ng hayop mula sa maliit hanggang sa malaki.
Maituturing ding bahagi ng kalikasan ang lahat ng salik tulad ng hangin, lupa, tubig at iba pa na siyang nagbibigay-
daan o tumutugon sa mga pangangailangan ng mga nilalang sa kanilang buhay.

Ipagpalagay na nag-uusap ang bawat bahagi ng ating kalikasan tungkol sa mga nangyayari sa kanila sa panahon
ngayon.

MGA MALING PAGTRATO SA KALIKASAN

 Maling pagtatapon ng basura


 Ilegal na pagputol ng mga puno
 Polusyon sa hangin, tubig at lupa
 Pagkaubos ng mga natatanging species ng hayop at halaman sa kagubatan
 Malabis at mapanirang pangingisda
 Pag-convert ng mga lupang sakahan
 Global Warming at Climate Change
 Komersyalismo at urbanisasyon

QUESTIONS FOR STEM NO. 10


1. Ito ay ang malawakang polusyon na siyang nagpabago sa kondisyon ng hangin, tubig, at lupa na kailangan ng tao
upang mabuhay.
A. Global Warming at Climate Change
B. Pag-convert ng mga lupang sakahan
C. Komersyalismo at urbanisasyon
D. Polusyon sa hangin, tubig at lupa

2. Ito ay ang hindi matigil na cyanide fishing, dynamite fishing, at sistemang muro-ami na pumipinsala hindi
lamang sa mga isda kundi maging sa kanilang natural habitat o tirahan.
A. Maling pagtatapon ng basura
B. Polusyon sa hangin, tubig at lupa
C. Malabis at mapanirang pangingisda
D. Polusyon sa hangin, tubig at lupa

3. Ang ____________________ ay tumutukoy sa lahat ng nakapaligid sa atin, may buhay o walang buhay. Ito ay
kinabibilangan ng mga puno’t halaman, at lahat ng iba’t ibang uri ng hayop mula sa maliit hanggang sa malaki.
A. Kalikasan C. Karapatan
B. Kapaligiran D. Kalayaan

4. Itala ang iba pang salik na maituturing ding parte ng kalikasan.


I. _______________________________________
II. _______________________________________
III. _______________________________________

5. Sa papaanong paraan ka magiging bahagi ng mga tumutugon at nangangalaga sa kalikasan? Magbigay ng


aktual na halimbawa na iyong gagawin at ipaliwanag kung saang sitwasyon mo ito magagamit o magagawa.
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________.

COMPETENCY MODULE 14: Natutukoy ang mga isyung kaugnay sakawalan ng paggalang sa dignidad at sekswalidad.

STEM 11:

MGA ISYUNG KAUGNAY SA KAWALAN NG PAGGALANG SA DIGNIDAD AT SEKSWALIDAD

1. Pagtatalik bago ang kasal (pre-marital sex)-Ito ay gawaing pagtatalik ng isang babae at lalaki na wala pa sa
tamang edad o nasa edad man ngunit hindi pa kasal. Ang pagtatalik ay hindi pangangailangang biyolohikal tulad ng
pagkain at hangin. Ibig sabihin hindi kailangan ng tao na makipagtalik upang mabuhay sa mundo.

Mga pananaw na siyang dahilan kung bakit ang tao lalo na ang kabataan ay pumapasok sa maagang
pakikipagtalik:

 Ang pakikipagtalik ay ekspresyon o pagpapahayag ng pagmamahal


 Ito raw ay isang normal o likas na gampanin ng katawan ng tao upang maging malusog at matugunan ang
pangangailangan ng katawan.
 Ang mga gumagawa ng pre-marital sex ay naniniwalang may karapatan silang makaranas ng kasiyahan.
 Maituturing na tama ang pakikipagtalik lalo na kung parehong ang gumagawa nito ay may pagsang-ayon.
2. Pornograpiya- Ito ay galing sa salitang Griyego “porne”na ang kahulugan ay prostitute o taong nagbebenta ng
panandaliang aliw at “graphos” na nangangahulugang pagsulat o paglalarawan.
3. Pang-aabusong Seksuwal- Ito ay anyo ng karahasan kung saan ang hindi ginusto o hindi inanyayahang sekswal na
kilos o gawain ay pinilit ng isang salarin sa isang tao nang walang pahintulot nila, gamit ang pagbabanta,
pananakot, o panloloko, at sanhi ng pagkabalisa at takot sa personal na kaligtasan ng nabiktima, anoman ang
kasarian at edad nito (Revised Penal Code; RA 8353; RA 9262; RA 11313).
4. Prostitusyon- Ito ay sinasabing pinakamatandang propesyon o gawain. Ito ay pangangalakal ng serbisyo ng
pakikipagtalik kapalit ng pera o personal na pakinabang (Revised Penal Code). Binabayaran ang pakikipagtalik
upang ang tao ay makadama ng kasiyahang sekswal.

QUESTIONS FOR STEM NO. 11


1. Ito ay anyo ng karahasan kung saan ang hindi ginusto o hindi inanyayahang sekswal na kilos o gawain ay pinilit ng
isang salarin sa isang tao nang walang pahintulot nila, gamit ang pagbabanta, pananakot, o panloloko, at sanhi ng
pagkabalisa at takot sa personal na kaligtasan ng nabiktima, anoman ang kasarian at edad nito.
A. Pornograpiya C. Prostitusyon
B. Pang-aabusong Seksuwal D. Pagtatalik bago ang kasal
2. Ito ay sinasabing pinakamatandang propesyon o gawain. Ito ay pangangalakal ng serbisyo ng pakikipagtalik
kapalit ng pera o personal na pakinabang. Binabayaran ang pakikipagtalik upang ang tao ay makadama ng
kasiyahang sekswal.
A. Pornograpiya C. Prostitusyon
B. Pang-aabusong Seksuwal D. Pagtatalik bago ang kasal

3. Ito ay gawaing pagtatalik ng isang babae at lalaki na wala pa sa tamang edad o nasa edad man ngunit hindi
pa kasal.
A. Pornograpiya C. Prostitusyon
B. Pang-aabusong Seksuwal D. Pagtatalik bago ang kasal

4. Magbigay ng tatlong pananaw na siyang dahilan kung bakit ang tao lalo na ang kabataan ay pumapasok sa
maagang pakikipagtalik:
I. _______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________

II. ______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________

III. ______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________

5. Isang araw, umuwi ang nanay mo na may kasamang lalaki. Ipinakilala niya ito sa inyong magkakapatid bilang
kanyang kasintahan. Sa bahay na din ninyo tumira ang lalaki. Mahal na mahal niya ito at sinusunod lahat ng
gusto nito. Binilinan kayo ng inyong in ana sumunod at paglingkuran ang kaniyang kasintahan. Sa isang gabi
wala ang inyong ina, pumasok ang kasintahan ng inyong ina sa iyong kuwarto at hinipuan ka sa maseselang
bahagi ng iyong katawan. Sinabi niyang huwag kang magsusumbong dahil pag ginawa mo iyon, papatayin
niya ang iyong ina. Ano ang mga hakbang na gagawin mo? Pangatwiranan ito.
_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
___.

COMPETENCY MODULE 15: Natutukoy ang mga isyung kaugnay sa kawalan ng paggalang sa katotohanan.

STEM 12: Ang katotohanan ang nagsisilbing ilaw ng tao sa paghahanap ng kaalaman at layunin niya sa buhay. Ang
pagsukat ng kaniyang katapatan ay nangangailangan ng pagsisikap na alamin ang katotohanan. Ang pagsasabi ng
totoo ay mahalaga sa paninindigan ng katotohanan. Ang tunay nitong halaga ay ang pagiging isa at matatag na
ugnayan sa pagitan ng wika at kaalaman.

Isa ang pagsisinungaling sa mga isyung moral tungkol sa kawalan ng paggalang sa katotohanan. Ang
pagsisinungaling ay ang hindi pagpili o pagkiling o pagsang-ayon sa atotohanan. Ito ay paghadlang sa bukas at
kaliwanagan ng bagay o sitwasyon na nararapat na mangibabaw sa pagitan ng mga tao.

Ang lihim ay pagtatago ng mga impormasyon na hindi pa naibubunyag o naisisiwalat. Ito ay pag-angkin ng
tao sa tunay na pangyayari o kwentong kaniyang nalalaman at hindi kailanman maaaring ihayag sa maraming
pagkakataon nang walang pahintulot ng taong may-alam dito.

TATLONG URI NG KASINUNGALINGAN:

1. Jocose lie – pagsisinungaling na ang nais ihatid ay kasiyahan lamang.


2. Officious lie – pagsisinungaling na ang nais ay ipagtanggol ang sarili o di kaya ay lumikha ng eskandalo upang
doon maibaling ang usapin.
3. Pernicious lie – pagsisinungaling na sumisira sa reputasyon ng isang tao na pumapabor sa interes o
kapakanan ng iba.

QUESTIONS FOR STEM NO. 12


1. Ang ____________________ ay ang hindi pagpili o pagkiling o pagsang-ayon sa atotohanan. Ito ay
paghadlang sa bukas at kaliwanagan ng bagay o sitwasyon na nararapat na mangibabaw sa pagitan ng mga
tao.
A. Katotohanan C. Pagsisinungaling
B. Pagtatago ng sikreto D. Jocose Lie

2. Ito ay pagtatago ng mga impormasyon na hindi pa naibubunyag o naisisiwalat. Ito ay pag-angkin ng tao sa
tunay na pangyayari o kwentong kaniyang nalalaman at hindi kailanman maaaring ihayag sa maraming
pagkakataon nang walang pahintulot ng taong may-alam dito.
A. Katotohanan C. Pagsisinungaling
B. Pagtatago ng sikreto D. Lihim

3. Ito ang nagsisilbing ilaw ng tao sa paghahanap ng kaalaman at layunin niya sa buhay. Ang pagsukat ng
kaniyang katapatan ay nangangailangan ng pagsisikap na alamin ang katotohanan. Ang pagsasabi ng totoo ay
mahalaga sa paninindigan ng katotohanan.
A. Katotohanan C. Pagsisinungaling
B. Pagtatago ng sikreto D. Jocose Lie
4. Itala ang tatlong uri ng kasinungalingan:
I. _________________________________
II. _________________________________
III. _________________________________
5. Sa mga pang araw-araw kong gawain, anu-anong patunay na niyayakap ko ang katotohanan bilang tugon ko
sa tawag ng aking konsensya?
_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
___.

You might also like