You are on page 1of 20

Ang Kalayaan

at ang
Pananagutan Ko
Inaasahan ang mga mag-aaral na:

1. Nahihinuha na likas sa tao ang malayang pagpili sa mabuti o


sa masama; ngunit ang kalayaan ay may kakambal na
pananagutan para sa kabutihan. (EsP7PT-IIf-7.3)

2. Naisasagawa ang pagbuo ng mga hakbang upang baguhin


o paunlarin ang kanyang paggamit ng kalayaan. (EsP7PT-IIf-
7.4)
Malaya ba ang tao? Gaano ba kalaya ang isang tao? Bakit kaya pinagkalooban ang tao ng Kalayaan? Ano
kaya ang tunay na Kalayaan?
Bago tayo magpatuloy sa ating modyul, ano kaya ang nasa isip mo kapag nakaririnig ka ng salitang
“Kalayaan”.
Kopyahin ang graphic organizer at isulat ang sagot sa dyornal notbuk.

_________________________
_

________________
Kalayaan ________________

________________
Ang kalayaan ng tao ay ginagamit sa paraang makabubuti sa sarili at sa
kapwa. Ating bigyan pansin ang mga taong gumagamit ng kanilang
kalayaan sa iba’t-ibang paraan.
Kilalanin Mo Sila
Magsaliksik at magbigay ng tatlong (3)
pangalan ng tao na mula sa iyong pamilya.
Kilalanin sila sa pamamagitan ng interview
kung ano ang kanilang karaniwang katangian
sa pagiging isang malaya. Gawing gabay ang
halimbawa. Isulat ang sagot sa iyong dyornal
notbuk
Ikaw ay kabataang may taglay na
kalayaan. Malaya tulad ng mga isda sa
dalampasigan at ibon sa himpapawid. Ngunit
ano nga ba ang batayan sa iyong pagiging
malaya?
: Ako’y Malayang Pilipino
Sagutin ang mga sumusunod na katanungan. Limitahan
ang iyong sagot sa dalawa (2) hanggang limang (5)
pangungusap lamang. Isulat ang sagot sa iyong
dyornal notbuk
1.Sino sa mga malayang tao na naisulat ang iyong
hinahangaan? Bakit?
2.Sa iyong opinyon, ano ba ang tunay na
kalayaan? Paano mo ba magagamit ang tunay na
kalayaan bilang isang Pilipino sa isip, salita at sa
gawa?
Ang kalayaan ay isang tunay at mahalagang
pag-aari ng isang tao. Ito ay nangunguhulugan
na likas sa tao ang kanyang pagkamalaya at
likas sa kanya ang hanapin ang kanyang
kalayaan. Isang mahalagang palatandaan ng
kalayaan ng tao ay ang kanyang kakayahang
piliin at ganapin ang kanyang ninanais.
Kahit na may mga kabataaang nag-aakala na ang
kalayaan ay kapangyarihan na gawin ang anomang
naisin, ang kalayaan ay may limitasyon. Ang tao ay tunay
na malaya sa kanyang pagpili o pagpapasya. Ayon kay
Santo Tomas de Aquino, ang kalayaan bilang “katangian
ng kilos-loob na itakda ng tao ang kanyang kilos tungo sa
kanyang maaaring hantungan at ang paraan upang
makamit ito”. Ang ibig sabihin nito, tayo ay malaya na
gamitin ang ating kilos-loob upang gawin ang ating
nanaisin
Ayon kay Santo Tomas de Aquino, may dalawang uri
ang Kalayaan at ito ang Panloob na Kalayaan (internal
Freedom) at ang Panlabas na Kalayaan (external
Freedom.)
1. Panloob na Kalayaan – nakasalalay sa kilos-loob ng
tao ang kanyang Kalayaan. Tinutukoy ang Panloob na
Kalayaan ng Kilos-loob ang:
a. Kalayaang gumusto (freedom of exercise) – ito ang
kalayaang magnais o
hindi magnais.
b. Kalayaang tumukoy (freedom of specification) – ito
ang kalayaan upang
2. Panlabas na Kalayaan - ito ay kalayaan upang
isakatuparan ang gawain na ninais ng kilos-loob.
May mga panlabas na salik na nakaimpluwensiya sa
kalayaan. Sa pamamagitan ng puwersa sa labas ng
tao, maaaring mabawasan o maalis ang kalayaan.
Mawawala ang panloob na kalayaan kapag ikinulong
ang tao.
Ang tao ay may kamalayan, kaya siya ay may kakayahang
sumuri at pumili ng nararapat. Ang kalayaan ng tao ay
palaging
may kakambal na pananagutan. Ang tao ay kailangang
maging mapanagutan sa anomang kilos at pagpapasyang
ginawa. Ang tao ay may moral na tungkulin na piliin ang
ayon sa moral na batayan. Ang kalayaan ay bigay ng
Diyos upang malaya niyang mahubog ang kanyang
pagkatao. Ang kalayaan ng kilos-loob ay bahagi ng ating
ispiritwal na aspeto ng ating pagkatao. Ang tunay na
kalayaan ay ang paggawa ng mabuti
Malaya man tayong gumawa ng ating mga nais ngunit hindi tayo
malaya sa pagpili sa mga kahihinatnan nito. Ginagamit mo kaya ang
iyong kalayaan sa wastong paraan?

Bunga ng Kalayaan Ko
Panuto: Basahin at unawain ang sitwasyon sa ibaba. Suriin ang
maaaring kahihinatnan ng kilos sa bawat sitwasyon.
- Isulat sa ikalawang kolum ang kahihinatnan ng kilos.
- Limitahan sa dalawa (2) hanggang tatlong (3) sagot bawat
sitwasyon.
Isulat sa iyong dyornal notbuk ang gawaing ito maliban sa
halimbawa
Sitwasyon Kahihinatnan

Kapag nag aral ako ng leksyon raw-araw - Mas marmi ang aking mga natutunan
- Magiging mataas ang mga marka
- - kung palagi ko itong ginagawa, maaring
makapagtapos ako sa aking pag-aaral

1. Kapag kaagad kong ma-share sa Facebook ang


aking mga nabasang impromasyon sa soial media.

2. Kpag makibahagi ako a batas Iwas COVID19 sa


aming komunidad

3. Kapag pinagbigyan ko ang alok ng kaibigan na


uminom ng kaunting alak

4. Kapag nakikiisa ako sa mga gawaing bahay

5. Kapag mambubully ako sa aking ma kaklase dahil sa


utos ng barkada.
Bakit kaya binigyan ng Diyos ang tao ng kalayaan?
Bilang mag-aaral, pinapahalagahan mo kaya ang
kalayaan na ipinagkaloob sa iyo?
A. Sa kabuuang natutunan mo sa tunay na kahulugan ng
kalayaan, ano kaya ang simbolo o sagisag ng kalayaan at
bakit? Iguhit sa dyornal notbuk. Maaring lagyan ng
kulay.
B. Ibuod ang iyong ideya sa kalayaan sa pamamagitan ng
pag-kumpleto sa talahanayan. Sa iyong dyornal notbuk,
isulat ang sagot sa bawat hanay. Limitahan ang iyong
sagot sa dalawa (2) hanggang tatlong (3) pangungusap
lamang.
Ano ang gagawin mo upang magamit ang kalayan sa pagpapaunlad sa iyong sarili
o buhay?
Panuto: Sa iyong mga nakaraang ginawa at pasya, alin sa mga ito ang nais mong
baguhin at paunlarin? Magtala ng mga kilos na gusto mong baguhin o paunlarin. Ano
ang mga epekto nito sa kapwa at sa iyong pagkatao? Isulat ito sa dyornal notbuk.

Kilos na gusto Epekto sa kapwa Mga gagawin Maaring epekto


kong baguhin sa at sa aking kong pagbabago sa aking
sarili pagkatao pagkatao o sa
kapwa ko
Magninilay-nilay sa problema o suliranin
na iyong kinakaharap ngayon. Gumawa
ng graphic organizer na magbabanghay
sa maaaring pagpilian at ang katumbas
nitong mga kahihinatnan.
Talakayin at gawin ito
kasama ang isa sa iyong
kapamilya at sang-
ayunan ang
pinakawastong
kagustuhan sa paglutas
sa iyong problema o
suliranin.
Isulat sa dyornal
notbuk ang gawaing ito.
Ngayong tapos ka na sa modyul, ating tayahin ang inyong mga natutunan. Panuto:
Saguting mabuti ang mga tanong sa ibaba. Isulat ang titik ng tamang sagot sa dyornal
notbuk.
1. Alin sa mga sumusunod ang tama tungkol sa kalayaan?
a. Hindi tayo malaya.
b. May limitasyon ang kalayaan.
c. Ang Kalayaan ay para lang sa mga matatanda.
d. Ang kalayaan ay kilos.
2. Ilan ang uri ng kalayaan ayon kay Santo Tomas de Aquino?
a. isa c. tatlo
b. dalawa d. apat
3. Ito ay uri ng kalayaan na nakasalalay sa kilos-loob ng tao.
a. Panlabas na Kalayaan
b. Kalayaang gumusto
c. Panloob na kalayaan
d. Kalayaang tumutukoy
4. Ito ay panloob na kalayaan na tumutukoy kung alin ang nanaisin.
a. Panlabas na Kalayaan c. Panloob na kalayaan
b. Kalayaang gumusto d. Kalayaang tumutukoy
5. Ito ay panloob na Kalayaan na magnais o hindi magnais.
a. Panlabas na Kalayaan c. Panloob na kalayaan
b. Kalayaang gumusto d. Kalayaang tumutukoy
6. Ito ay uri ng kalayaan upang isakatuparan ang gawain na ninais ng kilos-
loob.
a. Panlabas na Kalayaan c. Panloob na kalayaan
b. Kalayaang gumusto d. Kalayaang tumutukoy
7. Ito ay ang kakambal sa kalayaan ng tao.
a. Solusyon c. Kilos-loob b. Katwiran
d. Pananagutan
8. Ang tunay na kalayaan ay
a. Paggawa ng mga ninais c. Pagpasya ng mga gawain
b. Pagpapalaya ng iba d. Paggawa ng mabuti
9. Ito ay nagbibigay hugis sa kalayaan
a. Batas-moral c. Likas-loob
b. Desisyon d. Pananagutan
10. Ang nagbigay ng kalayaan ay ang
a. Likas-loob c. Diyos
b. Magulang d. isip
11. Kapag ang tao ay ikinulong, mawawala ang kanyang
a. likas-loob c. mga nais
b. panloob na kalayaan d. panlabas na kalayaan
12. Bakit may limitasyon ang kalayaan?
a. sapagkat ni walang tao ang nakagawa sa kanyang mga ninais
b. dahil ang isip ng tao ay may limitasyon
c. dahil lahat ng bigay ng Diyos ay may limitasyon
d. dahil ito ay nakabatay sa pagsunod sa Likas na Batas-Moral

You might also like