You are on page 1of 12

Department of Education

7 National Capital Region


SCHOOL S DIVISION OFFICE
MARIK INA CITY

Edukasyon sa Pagpapakatao
Ikalawang Markahan – Modyul 6:
Kalayaang Taglay, Ipamalas mo!

May-akda: Bernadeth C. Madriaga


Tagaguhit: Mary Jane B. Roldan

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 8
Alamin

Gagabayan ka ng modyul na ito upang makamit ang Batayang Kasanayang


Pampagkatuto. Inaasahang malilinang mo ng may sapat na kaalaman, kakayahan
at higit na pang-unawa ang mga sumusunod na kompetensi:
1. Nahihinuha na likas sa tao ang malayang pagpili sa mabuti o sa masama;
ngunit ang kalayaan ay may kakambal na pananagutan para sa kabutihan

2. Naisasagawa ang pagbuo ng mga hakbang upang baguhin o paunlarin ang


kaniyang paggamit ng Kalayaan

Subukin
Pag-aralan ang sumusunod na situwasyon, masasabi mo bang may kalayaan sa
mga ito? Sa bawat sitwasyon sa unang hanay, sabihin kung may kalayaan o wala sa
pamamagitan ng paglalagay ng tsek (✓) kung mayroong kalayaan o walang kalayaan sa
ikalawa at ikatlong kolum. Isulat ang iyong patunay sa iyong sagot, isulat ito sa ikaapat
na kolum.

SITWASYON MAY WALANG PALIWANAG


KALAYAAN KALAYAAN
1. Pagbibisyo (pagsugal,
pagsigarilyo, pag-inom
ng alak, pagkalulong sa
droga)

2. Pagiging responsableng
mag-aaral (pumapasok
sa tamang oras,
gumagawa ng takdang –
aralin atbp.)

3. Pagpili ng mga kaibigang


sasamahan

1
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Balikan
Lagyan ng tsek ( / ) kung ang pahayag ay TAMA at ekis ( x ) kung a ag
pahayag ay MALI.

____________ 1. Ayon sa obserbasyon ni Santo Tomas de Aquino, nakasalalay sa


kilos-loob ng tao ang kanyang kalayaan.

____________ 2. Naiimpluwensyahan tayo ng mga panlabas na salik sa ating kalayaan.


____________ 3. Ang tunay na kalayaan ay ang malayang paggawa ng gusto na hindi
iniisip ang kapwa.
____________ 4. Ang kalayaan ng tao ay may limitasyon.
____________ 5. Ang ating kapwa ang maaaring magtakda ng ating kalayaan.

Tuklasin

Basahin ang maikling kwento upang matulungan ang karakter na makabuo


ng hakbang para sa pagpapunlad ng kalayaan bilang kabataan.

Sa panahon ng pandemya ay ipinagbawal ang paglabas


ng mga tao upang mapigilan ang paglaganap ng
COVID-19, higit sa lahat ay ang paglabas ng mga
kabataan edad 21 pa baba at matatanda na 60 pataas.
Isa na dito si Helena na nasa ika-pitong baitang kasama
ang kanyang mga kapatid na edad 15 at 17. Dahil
nananatili lang sa bahay, may kalaayan si Helena sa
pagamit ng kanyan oras. Pagtulong sa magulang ng
pagluluto and kanilang pinagkakaabalahan at habang
hindi pa nagsisimula ang klase nagluluto sila ng merienda para makatulong sa
gastusin sa bahay habang hindi pa nakakamasada ng jeep ang ama.

2
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Mga tanong:
1.Batay sa iyong nabasa, saan may kalayaan si Helena?
_____________________________________________________________________________________
2. Sa iyong palagay, paano makatutulong ni Helena sa kanilang gastusin sa bahay?

a. Ano ang kanyang maaring gawin?


______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
b. Bumuo ng mga hakbang upang makatulong kay Helena sa kanyang gagawin
upang makaipon ng pera para maibigay sa magulang upang makatulong sa
kanilang gastusin sa bahay.
b.1
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
b.2
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
b.3
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________

Suriin

Ayon kay Esther Esteban (1990), ang konsepto ng kalayaan ay


nangangahulugan na nagagawa o nakakayang gawin ng tao ang nararapat upang
makamit ang pinakamataas at pinakadakilang layunin ng kanyang pagkatao.
Malaya ang taong linangin ang kanyang sarili at paunlarin ito.
Ang kalayaan ng tao ay nakabatay sa pagsunod sa Likas na Batas Moral. Ang
tunay na kalayaan ay masusumpungan sa pagsunod sa batas na ito. Sa bawat batas
na nauunawaan at sinusunod ng tao, mas nadaragdagan ang kanyang kalayaan. Bakit
nga ba pinayagan ng Diyos na maging malaya ang tao na tanggapin o suwayin ang
Kanyang batas? Bakit hinahayaan ng isang magulang ang kanyang anak na sumubok,
pumili at magpasya para sa kanyang sarili? Ito ay sa dahilang umaasa ang Diyos o
maging ang magulang ng pagsunod mula sa pag-unawa at pagmamahal hindi dahil sa
pinilit at pagsunod na may takot.

3
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Dahil dito, ang kalayaan ng tao ay palaging may kakambal na pananagutan.
Ang tao ay kailangang maging mapanagutan sa anumang kilos at pagpapasyang
gagawin. Paano mo malalaman kung naging mapanagutan ka sa paggamit ng kalayaan?
Narito ang ilang palatandaan ayon kay Esteban (1990):

1. Kung naisaalang-alang mo ang kabutihang pansarili (personal good) at ang


kabutihang panlahat (common good). Halimbawa, ginagamit mo ang kalayaan upang
malampasan ang mga balakid sa pag-unlad ng ating pagkatao. Ang maging malaya sa
kamangmangan, kahirapan, katamaran, kasamaan ay ilan sa mga ito. Itinatalaga din
ang kalayaan para sa ikabubuti ng kapwa katulad ng pakikilahok sa mga proyektong
pampamayanan o maging sa pagtatanggol sa mabubuting adhikain.

2. Kung handa kang harapin ang anumang kahihinatnan ng iyong pagpapasya. Ang
bawat kilos o pagpapasya ay may katumbas na epekto, mabuti man o masama. Hindi
lamang sapat na harapin ang kahihinatnan ng pasiya o kilos kundi ang gamitin ang
kalayaan upang itama ang anumang pagkakamali.

3. Kung ang iyong pagkilos ay hindi sumasalungat sa Likas na Batas Moral. Ang Likas
na Batas Moral ay ibinigay sa tao noong siya’y likhain. Nakasaad sa mga batas na ito
ang dapat gawin at di dapat gawin ng tao. Ang mga batas na ito ang siyang batayan sa
pagsasaalang-alang sa pagkilala ng kabutihang pansarili at kabutihang panlahat.

Bagamat may kalayaang pumili ang tao dahil


sa kanyang kilos-loob, ang tao ay may
“Ang tunay na kamalayan, kaya siya ay may kakayahan na
magsuri at pumili ng nararapat. Siya ay may
KALAYAAN moral na tungkulin na piliin ang ayon sa moral
ay ang paggawa na batayan. Ang kalayaan ng kilos-loob ay
ng kabutihan.” bahagi ng ating ispirituwal na aspeto ng ating
pagkatao. Bigay ito ng Diyos sa tao upang
Malaya niyang mahubog ang kanyang
pagkatao. Ang tunay na kalayaan ay mapanagutan kaya’t inaasahang ito ay
gagamitin sa paggawa nang naaayon sa kabutihan. Ang tunay na kalayaan ay ang
paggawa ng mabuti.

Pagyamanin
Punan ang patlang upang mabuo ang pangungusap. Pumili sa kahon para sa
tamang sagot.

EPEKTO LIKAS NA BATAS MORAL


MAPANAGUTAN KAMALAYAN PAGKATAO

1. Ang bawat kilos at pagpapasiya ay may katumbas na ___________________________.

4
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
2. Nakabatay sa pagsunod sa ___________________________ ang kalayaan ng tao.
3. Ang tao ay kailangang maging ________________________ sa anumang kilos at
pagpapasyang gagawin.

4. Ang tao ay may ___________________________ kaya siya ay may kakayahan na


magsuri at pumili ng nararapat.

5. Ang konsepto ng kalayaan ay nangangahulugan na nagagawa ng tao ang

nararapat upang makamit pinakadakilang layunin ng kanyang ___________________.

Isaisip
Lagyan ng tsek (✓) ang mga kaisipan na sa iyong palagay ay nagpapakita ng
pananagutan sa pagamit ng kalayaan. Maaaring pumili ng higit pa sa isa.

gumawa ng kabutihan sa isipin muna ang sarili bago


kapwa ang iba

huwag matakot gawin ang gamitin ang oras para sa


lahat ng ikaliligaya sa sariling kapakanan
buhay

sensitibo sa pakiramdam handa sa kahihinatnan ng


ng kapwa piniling pagpapasya

5
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
:
Isagawa
Isulat ang iyong kalayaang taglay bilang isang kabataan. Bumuo ng hakbang kung papaano
mo ito mapauunlad sa panahon ng pandemya. Isulat sa dyornal sa ibaba at sundan ang halimbawa.

Halimbawa;

Kalayaang taglay:
Mayroon akong kalayaan na gamitin ang aking oras sa bahay dahil bawal lumabas.

Hakbang sa pagpapaunlad:
1. Mag-iisip ako ng mga bagay na pwede kong gawin sa libreng oras. Nais kong gawin ay
magtanim sa paso ng gulay.
2. Aayusin ko ang aking iskedyul sa buong araw upang magamit ko ito para sa pag-aalaga
ng aking tanim.
3. Kapag nagbunga na ito ay mayroon na kaming gulay na kakainin.

Ikaw naman!
Kalayaang taglay: __________________________________________

Hakbang sa pagpapaunlad:
1. _______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________

2. _______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________

3. _______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________

6
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Tayahin

Bigyang paliwanag ang mahalagang konsepto ng kalayaan.

“Ang kalayaan ay palaging may kakambal na


pananagutan.”
_______________________________________________________________

_______________________________________________________________

_______________________________________________________________

_______________________________________________________________

“Ang tunay na kalayaaan ay ang paggawa ng


kabutihan.”
_______________________________________________________________

_______________________________________________________________

_______________________________________________________________

_______________________________________________________________

7
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Karagdagang Gawain

Iguhit ang iyong paghahalintulad sa kalayaan na natutuhan sa aralin at


bigyan ng paliwanag sa dalawang pangungusap.

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 8
Rubrics sa pagguhit

Kraytirya Puntos
Pagguhit Maayos at madaling
10
maunawaan ang guhit
Presentasyon Naipakita ang
paghahalintulad ng
pagkaunawa sa
5
kalayaan gayundin
ang pagiging
malikhain
Nilalaman Nakapagbigay ng
tatlong paliwanag 5
ayon sa iginuhit.
Kabuuan 20

MAIKLING PAGSUSULIT
(POST-ASSESSMENT)

Isulat ang letrang T kung ang pahayag ay tama at letrang M kung


ang pahayag ay mali.

_______ 1. Dapat handa tayo sa maaring kahinatnan ng ating pagpapasiya.


_______ 2. Ang kalayaan ng kilos-loob ay bigay ito ng Diyos sa tao upang malaya
niyang mahubog ang kanyang pagkatao.
_______ 3. Ang kalayaan ng tao ay nakabatay sa pagsunod sa utos ng kapwa.
_______ 4. Itinatalaga din ang kalayaan para sa ikabubuti ng kapwa
_______ 5. Ginagamit ang kalayaan upang itama ang isang pagkakamali.
_______ 6. Maaring gamitin ang kalayaan ng tao sa anumang naisin nito
mangyari sa kanyang buhay.
_______ 8. Lahat ng tao ay malaya gawin ang kanyang nais.
_______ 9. Nasasalamin ang tunay na kalayaan kung ito ay para sa
kabutihang panlahat.
_______ 10. Nalilinang ang tunay na kalayaan sa paglahok sa mga proyektong
Pampamayanan.

9
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
City of Good Character
10
https://www.freepik.com/premium-photo/wearing-face-masks-new-normal_8843666.htm
Odua 2020. Wearing face masks on new normal. Freepik.com
Internet
ESP 7 Unang markahan, Modyul para sa mga Mag-aaral; pahina 65-90
Aklat
Sanggunian
Tayahin Pagyamanin
Subukin
Maaaring iba-iba 1. epekto
Maaaring iba-iba ang
ang sagot ng mga 2. Likas na Batas sagot ng mga mag-
mag-aaral. Moral aaral
3. Mapanagutan
Karagdagang 4. kamalayan Balikan
Gawain 4. pagkatao
1. /
Maaaring iba-iba Isaisip
ang sagot ng mga 2. /
mag-aaral. Maaaring iba-iba ang
sagot ng mga mag- 3. X
aaral
4. /
Isagawa
5. /
Maaaring iba-iba ang
sagot ng mga mag- Tuklasin
aaral
Ang mga sagot ay
batay sa mga
natutunan ng mag-
aaral sa binasang
kwento.
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Bernadeth C. Madriaga (Guro, Parang High School)


Mga Tagasuri: Arlene Caingat (Guro, San Roque National High School)
Jeanette J. Coroza (Principal, Tanong High School)
Tagasuri - Panloob: Leilani N. Villanueva
(Superbisor sa Edukasyon sa Pagpapakatao)
Tagasuri- Panlabas:
Tagaguhit at Tagalapat: Mary Jane B. Roldan (Guro, Jesus Dela Pena NHS)
Tagapamahala:

Sheryll T. Gayola
Pangalawang Tagapamanihala
Pinunong Nanunuparan - Tanggapan ng Tagapamanihala

Elisa O. Cerveza
Hepe – Curriculum Implementation Division
Pinunong Nanunuparan - Tanggapan ng Pangalawang Tagapamanihala

Leilani N. Villanueva
Superbisor sa Edukasyon sa Pagpapakatao

Ivy Coney A. Gamatero


Superbisor sa Learning Resource Management System

Catherine C. Paningbatan
Librarian II, Learning Resource Management System

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Schools Division Office- Marikina City


Email Address: sdo.marikina@deped.gov.ph

191 Shoe Ave., Sta. Elena, Marikina City, 1800, Philippines

Telefax: (02) 8682-2472 / 8682-3989

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE

You might also like