You are on page 1of 3

Malori At Reyna Velerosa

Sa isang palasyo, naninirahan ang isang pinaka makapangyarihang reyna na si Velerosa. At kung

sino mang makakatalo dito ay kaniyang magiging kabiyak.

"Akala mo ba talaga na mas maraming salamangkerong katulad mo ay matatalo ako?"

"Lahat ng iyong kasamahan ay nawala na,

kaya't sumuko ka nalang!"

sabi ni reyna Velverosa sa babaeng salangkerong si Malori.

"Hindi kailanman akong susuko!

nanalo kaman ngayon pero siguradonh babalik ako!"sagot ni Malori.

"Maaasahan mo ako

sumusumpa ako sa karangalan ng aking mga adbenturero, mapapasakin ka!"dagdag pa nito.

Si Velerosa ay namumula ngunit nawala din to agad at nagbanta ito kay Malori at kaniya itong

pinatalsik gamit ang kanyang kapangyarihang apoy.

"Sa ikasiyam na pagkakataon, hindi ako sasama sayo!" at tuluyan na niya itong ginamitan ng

kapangyarihan.
Si Malori ay hindi parin tumigil sa pagbalik sa palasyo ni Reyna Velerosa at ito'y bumalik ng

bumalik kahit na inis na inis na si Velerosa sakanya. Ngunit hindi nawawalan ng pag-asa si

Malori, talagang nais nyang mapasaknya si Reyna Velerosa hindi dahil ito'y isang reyna, mahal

na mahal niya ito at gagawin niya ang lahat para lang matalo at mapapayag nya si Reyna

Velerosa na maging kabiyak niya. Isa lamang ang mabisang paraan upang kaniya itong matalo,

ang matuklasan at mapalabas ang tunay na kapangyarihan ni Malori.

"Kung sa tingin niya ay kaya akong talunin, nagkakamali ka Mahal kong Velerosa."

Sa ilang araw na pagsubok ni Malori at pag eensayo. Bumalik siya ulit sa palasyo ni Velerosa

nang handa. Dahil sa palaging pagbalik balik niya dito ay parang nasasanay narin si Reyna

Velerosa pero ngayon wala siyang ideya na si Malori ay nagsanay at tinuklas ang kanyang tunay

na kapangyarihan. At ito'y kidlat at bilis ng kilos.

Habang naglalaban sila ni Reyna Velerosa ay nagulat na lamang si Velerosa sa kanyang kilos

sapagkat hindi ganun kalakas dati si Malori. Sa ikasampong pagkakataon ay nanghihina na si

Reyna Velerosa. At napansin ito ni Malori kaya't pagkakataon na niya upang ito'y matalo.

Natapos ang laban.

Nang matapos ang laban, si Malori din ang nag alaga't umasikaso kay Velerosa upang

maaagapan ang mga pinsalang nagawa niya noong sila'y naglaban. Ngunit wala paring malay si

Reyna Velerosa. Sa pag hihintay na magkamalay s Velerosa ay naka idlip si Malori. Sa

makalipas na oras ay nagising na si Malori, wala na kaniyang tabi si Vel lumabas siya sa silid
kung nasaan sila upang tignan ay nasa isang sulok lang pala si Reyna Vel naka upo't nagbabasa

nang libro. Umupo rin si Malori at nag usap na sila. May inamin din si Reyna Vel na mahal din

niya pla si malori at sinubok niya lang ito kung susuko ba at kung talaga mahal niya si reyna vel

at napatunayan naman ito ni Malori.

Kaya ngayon ay masaya na silang magkapiling at wala nang labanan na nagaganap.

You might also like