You are on page 1of 2

Isang araw sa malayong kaharian ng Pheilux, naninirahan ang isang prinsipe na

nagngangalang Alaric anak siya ni Haring Magnus at panganay na kapatid ni Prinsipe


Fhorg kilala siya bilang isang mabait at matapang na prinsipe samantalang ang
nakababatang kapatid naman niya na si Prinsipe Fhorg ay kilala bilang isang matapang
ngunit nakakatakot na prinsipe. Dahil sa mga napagtagumpayang digmaan ng dalawang
magkapatid ay kinikilala sila bilang mga pinakamalakas na mandirigma sa buong mundo.
Tanging hangad ni Prinsipe Alaric ay matapos na ang mga digmaan sa pagitan ng
magkabilang kaharian kaya hindi niya pinapatay ang kanyang mga nakasasagupa at sa
halip ay sinusugatan lamang hanggang sa hindi na sila makagalaw ngunit ang bunso
naman niyang kapatid ay tila nagsasaya pa sa mga nagaganap na digmaan at walang awa
na pinapatay ang mga kalaban kahit na ibinababa na nila ang kanilang mga sandata.
Samantala, si Haring Magnus ay medyo tumatanda na at unti-unti na ding bumibigay
ang katawan dahilan para pumili na siya ng hahalili sa kanyang iiwanang trono.
“Ipinatawag ko kayong dalawa dito Alaric at Fhorg para iparinig sa inyo kung sino ang
napili kong magmamana sa aking iiwang trono” sabi ng Haring Magnus habang
nakahimlay sa higaan nito. “Tanggap naming ano man ang desisyon ninyo mahal na
ama” sabay na tugon ng dalawang magkapatid. “Napagisip-isip ko na ipasa ang aking
trono sa aking bunsong anak na si Prinsipe Fhorg dahil kinakitaan ko siya ng angking
katapangan na nararapat na taglayin ng susunod na Hari ng ating kaharian”. Masaya si
Alaric dahil tingin din niya ay mas karapat-dapat na maging Hari ang kanyang kapatid na
si Fhorg ngunit iba ang iniisip ng kanyang bunsong kapatid tungkol sa desisyong ito ng
kanyang ama. “Kamatayan nalang ni Ama ang hinihintay ko at matutuloy na ang aking
mga plano” bulong ni Fhorg sa kanyang sarili. Dumating na nga ang araw na hinihintay ni
Prinsipe Fhorg. Namatay ang kanilang Ama na si Haring Magnus sa sobrang katandaan at
binakante ang trono. Agad na humalili sa kanyang trono si Prinsipe Fhorg na ngayon ay
si Haring Fhorg na at ang una niyang panukala ay ang pagpapatapon sa kanyang kapatid
na si Prinsipe Alaric, ikinagulat ito ni Alaric at tinanong kung bakit ito ginawa ng kanyang
kapatid sa kanya at ang tanging tugon lamang ng kanyang kapatid ay “simple lamang
ang aking rason kuya ayoko lamang na humadlang ka sa aking mga plano”. Ipinag-utos
din niya na kung sino man ang magsusubok na tulungan o patuluyin sa kanilang tirahan
si Prinsipe Alaric ay agad na ipatatapon sa labas ng kaharian dahilan para pagsarahan ng
pinto ng mga tao si Prinsipe Alaric. Galit itong tinanggap ni Prinsipe Alaric at lumisan sa
kanyang kinalakhang tirahan dala ang kanyang Espada at pagkaing kinuha niya sa
kaharian. Mag-iisang taon na siyang naninirahan sa kagubatan at unti-unti na siyang
nakalilimutan ng mga tao mula sa kanyang sariling bayan. Isang araw habang
naghahanap ng makakain ay may nakita siyang karwahe na inaatake ng mga bandito,
agad niyang sinugatan ang mga bandito at niligtas ang sakay ng karwahe. Pagbukas ng
pintuan ay laking gulat niya na ang nakasakay pala dito ay si Prinsesa Amelia, dalagang
anak ni Haring Cyrus, isang kilalang mandirigma at hari ng Mandalore. Sa ginawang
pagsaklolo ni Alaric ay humanga sa kanya ang dalaga. “Salamat sa iyong pagtulong
matapang na ginoo, maaari ko bang malaman ang iyong pangalan?” tanong ni Prinsesa
Amelia. “Ako po si Alaric karangalan kong makatulong sa isang magandang dalagang
kagaya ninyo prinsesa” tugon ni Alaric. Sinamahan ni Alaric si Prinsesa Amelia pabalik sa
kaharian ng Mandalore. Ang kanilang pagbabalik sa kaharian ng Mandalore ay tumagal
ng 4 na araw at sa panahon na ito ay nagkakamabutihan na si Prinsesa Mandalore at
Alaric. Nang kanilang marating ang kaharian ay sinalubong ni Haring Cyrus ang kanyang
anak. Dito ay nagulat siya na may kasama ito na tila ba pamilyar sa kanyang isipan at
kanyang napagtanto na ito pala ay si Prinsipe Alaric ng Pheilux, agad niya itong tinanong
kung bakit kasama nito ang kanyang anak at tugon ni Alaric “Nakaengkwentro po nila
ang mga bandito sa kagubatan at sa kabutihang palad ay naroon ako para tulungan sila”.
Labis ang pasasalamat ni Haring Cyrus kay Alaric at handa itong magbigay ng kahit
anong pabuya sa kanyang ginawa at ang napiling pabuya ni Alaric ay ang kanyang anak
na si Prinsesa Amelia, pumayag ang ama sa nais ni Alaric ngunit sa isang kundisyon,
“patunayan mo sa akin na karapat-dapat ka na maging kasintahan ng aking anak”.
“Gamit ang mga kawal mo at mga taong bundok na aking mga kaibigan patutunayan ko
sa iyo na karapat-dapat ako para sa iyong anak” kampanteng tugon ni Alaric. Lingid sa
kaalaman ng mga taga-ibang kaharian, ang Kaharian ng Pheilux ay puno ng kasamaan,
talamak dito ang pang-aalipin, korapsyon at pagpatay sa mga inosenteng mahihirap,
lahat ng ito ay nais ng wakasan ni Alaric. Gamit ang 3000 kawal at 2300 na mga taong
bundok ay sinalakay nila ang kaharian ng Pheilux, dito ay nagtuos ang magkapatid na
Alaric at Haring Fhorg at sa kanilang pagtutuos ay napatay ni Alaric si Haring Fhorg gamit
ang espadang dala niya mula ng siya ay ipatapon sa labas ng kaharian. Nagtamo ng
malalim na sugat si Alaric sa bandang braso at katawan ngunit kapalit naman nito ay ang
pagkaligtas ng mga inosenteng tao at pagbalik ng dating sigla ng Kaharian ng Pheilux.
Nalaman ng lahat ng kaharian ang ginawang mali ni Haring Fhorg dahilan para tugisin
ang mga kasapi nito na may kaugnayan sa korapsyon at agad na ipinapatay. Nalaman ni
Haring Cyrus ang ginawang kabayanihan ni Alaric na ngayon ay isa nang ganap na hari,
ipinagkatiwala ni Haring Cyrus ang kanyang anak na si Prinsesa Amelia kay Haring Alaric
at nagsama sila sa kaharian ng Pheliux, dito ay nagkaanak sila ng 3 mababait na lalaki at
namuhay ng mapayapa at masigla sa kahariang minsang nilisan niya.

You might also like