You are on page 1of 3

Doce Pares de Francia

Noong unang panahon, nang ang Herusalem ay nasa ilalim ng kapangyarihan ni Patriyarka
Aaron, ang mga taga-roon ay tumanggap ng balitang sasalakayin sila ng mga morong taga-
Zaragosa. Nagpadala agad ng sulat si Patriyarka Aaron kay Emperador Carlo Magno ng
Francia. Humingi siya ng tulong. Hindi nag-aksaya ng panahon si Carlo Magno, pinaghanda
niya ang kanyang mga kawal at ang mga matatapang na Pares at sila’y naglakbay patungong
Herusalem. Ang mga nagsisipaglakba’y naligaw. Tatlong buwan sa paglalakbay nang malaman
ito ni Carlo Magno. Kaya nagsidalangin sila sa Diyos upang ituro sa kanila ang landas.
Maraming mga ibon ang naglabasan at nag-awitan. Sa pamamagitan ng mga awit ay nalaman
nila na pinasusunod sila kaya’t natunton nila ang landas patungong Herusalem. Nang sila’y
dumating sa Herusalem ay nalaman nilang ang bayan ay nasalakay ng mga moro. Pininsala
ang simbahan at pinagkukuha ang mga relikya. Ang mga taong bayan ay pinagpapatay at si
Aaron kasama ang mga nalabing kawal ay piniit. Gayon na lamang ang pagkahambal ni Carlo
Magno. Nagpadala siya ng mga kawal sa Zaragosa at ipinasabi sa pinuno ng mga moro na
palayain si Aaron pati ang mga kawal nito, isauli ang kanilang mga ninakaw at sila’y
nagpabinyag. Kung hindi ay dirigmain sila ng mga kawal Kristiano. Nagkaroon ng madugong
labanan sapagkat hindi sumusunod ang mga moro sa mga utos ni Carlo Magno. Nagtagumpay
si Carlo Magno at muling nabalik sa kapangyarihan si Aaron. Inihandog ni Aaron kay Carlo
Magno ang korona ni Kristo bilang pagtanaw ng utang ng loob. Nanumbalik ang katahimikan ng
Herusalem at tatlong taong hindi sila ginambala ng mga kaaway. Isang araw ay nabalitaan na
naman ni Carlo Magno na muling sinalakay ang Herusalem sa pamumuno ni Fierabras, isang
morong kilabot sa digmaan. Ang hukbo nito ay naminsala sa mga templo, pinatay ang Papa at
tinangay ang mga elikya saTurkiya. Hindi matahimik si Emperador Carlo Magno mula nang
makarating sa kanya ang balita. Gayon na lamang ang kanyang pagdaramdam. Kaya’t noon din
ay iniutos niyang salakayin ang Roma sapagkat doon nagtayo ng isang pamahalaan ang mga
moro. Nag-alala ang mga pares na baka hindi na nila maabutan si Fierabras at masayang
lamang ang kanilang pagod, sa gayon ay nagpadala na lamang sila ng embahador. Napili si
Guing Borgonya. Ang presidente ng Roma ang nakausap nito kaya’t ipinagpaliban muna ang
unawaan sapagkat wala si Fierabras. Nang papaalis na si Gui ay nasalubong niya sa daan ang
magandang anak ni Balan na si Floripes. Sa pagtatama ng kanilang tingin ay sumibol sa
kanilang puso ang pag-ibig. Nagalit si Carlo Magno nang bumalik sa Francia si Gui. Siya’y
pinabalik na may kasamang tatlumpung libong kawal. Bago sila pumasok sa Roma ay
nagpasabi si Gui na kung hindi lilisanin ng mga moro ang Roma at isasauli ang kanilang mga
ninakaw ay didigmain sila ng hukbong taga-Francia. Tinanggihan ng mga Moro ang nais
mangyari ni Gui kaya’t ang mga kawal niya’y sumalakay. Namangha si Gui nang makita na ang
namumuno sa pangkat ng mga kaaway ay si Floripes. Hindi na ipinagpatuloy ni Gui ang
pagsalakay. Gayon na lamang ang galit ni Carlo Magno nang malaman ang nangyari.Si Roldan
ang pinili niyang mamuno sa mga pares na lulusob sa Roma. Nang mabalitaan naman ito ni
Balan ay inutusan niyan ang kanyang kapatid na si Corsubel na pumaroon sa Roma at magdala
ng limang libong sundalo. Sinunod nito ang kapatid at naabutan nila roon ang siyam na pares.
Ang unang lumaban kay Corsubel ay si Ricatte. Napatay siya nito. Sa matinding galit ng mga
moro ay nagsilusob ngunit wala silang nagawa sa mga pares. Nalipol ang mga moro ngunit si
Olivares ay nagtamo ng maraming sugat. Ang presidente ng Roma ay humingi ng tulong kay
Balan na agad naming nagpadala ng sanlibong kawal. Papasok na sana ang mga pares sa
Roma ngunit tumutol si Roldan dahil sa pangambang mabigo sila sa matinding pagkahapo.
Ngunit nagalit ang emperador sa kanilang pagbabalik, sinabi nito na ang mga matatandang
pares ay hindi umaalis sa labanan hanggang hindi lubos ang tagumpay. Naisumpa ng
emperador na hindi titigil hangga’t hindi nalilipol ang mga moro. Ang lahat ng mga pares ay
pinaghanda niya. Ang Doce Pares na pinangungunahan ng kanyang pamangking si Roldan ay
binubuo nina Olivares, konde sa Gones, Ricarte, duke ng Normandia, Guarinna tubo sa Lorena,
Gute na taga Bordolois, Hoel, Lamberto, Basin, Gui ng Borgonya,Guadabois at iba pa. Nang
mabalitaan ni Fierabras ang tungkol sa kanyang amaing si Corsubel ay nag-alab ang kanyang
galit at sumumpang ipaghihiganti ito. Nang mapag-alaman nitong sina Carlo Magno ay nasa
Mormiyonda, kaagad siyang nagtungo doon at hinamon siya ni Carlo na makipagtuos sa mga
pares. Ang kanyang pamangkin ang inatasan niyang lumaban ngunit tumutol ito at sinabing
bakit hindi ang matatandang pares na ipinagmamalaki ng kanyang amain ang ilaban. Gayon na
lamang ang poot ng emperador sa pangungutyang ito ni Roldan kaya’t dinampot niya ang
unang tinamaan ng kanyang paningin at ibinato kay Roldan. Kung hindi naawat ay maaaring
bumangga sa kamatayan ang nangyari. Humanda si Oliveros na humarap sa naghahamong
moro nang malamang walang humaharap dito. Sa paghahamok ng dalawa ay tumanggap ng
malaking sugat si Oliveros. Waring nakatitityak na ng tagumpay na sinabi ni Fierabras na
tatalikdan niya ang pagka-moro at pabibinyag kapag tinalo siya ng sugatang si Oliveros. Taos-
pusong nanalangin sina Carlo Magno, Roldan at Regnes, na ama ni Oliveros. Sa tulong ng
kanilang panalangin ay tinalo ni Oliveros si Fierabras at ang mga moro naman ay nagsilabas sa
kanilang pinagtataguan at nakipaglaban nang makitang natalo ang kanilang pinuno. Maagap na
nagapi ng mga pares ang mga ito, ang ilang nangatira ay tumakas sa takot. Limang pares ang
nawala na di malaman kung napatay o nabihag ng kalaban. Sa utos ng emperador ay
hinalughog ang bunton ng mga patay ngunit hindi nakita ang lima. Sa halip ay ang sugatang si
Fierabras ang natagpuan. Kanilang dinala ito, ginamot ang sugat at pinabinyagan nang
gumaling.
Ang limang pares ay nabihag ni Balan at ipiniit sa tore ni Prinsesa Floripes. Ang mga daing ay
narinig ng prinsesa at naghinalang baka naroon ang kanyang minamahal na si Gui kaya’t pinilit
na makuha ang susi ng bilangguan at pinaakyat sa tore ang limang bihag. Labis ang pag-aalala
ni Carlo Magno sa kanyang mga pares kaya inatasan niya si Roldan at ang anim na natitirang
pares na hanapin ang nangangawala. Maraming paghihirap ang tiniis ng pitong pares bago nila
masapit ang palasyo ni Balan. Nang sila’y nangangaroon na ay pinagtulung-tulungan sila ng
mga Turko hanggang sa sila’y mangatalo. Ipinagapos sila at hinatulan ng kamatayan. Nang
malapit ng sumapit ang takdang araw ng kamatayan ng mga pares ay hiniling ni Prinsesa
Floripes sa Ama na ipakulong muna ang mga bihag sa piitan ng kanyang tore upang
papagbayarin ang mga ito sa nangyari sa kapatid nilang si Fierabras. Sa pagtataka ng mga
pares ay kinalagan sila ni Floripes. Natuwa ang mga pares lalo na si Gui sapagkat muli niyang
nakita ang kanyang iniibig. Galit na galit si Balan nang malaman ang kataksilang ginawa ng
kanyang anak. Gumawa siya ng iba’t ibang paraan upang mapasuko ang mga tore ngunit hindi
niya napasuko ang mga ito. Nagsalat sa pagkain ang mga nasa tore kaya’t sinugo nila si
Ricarte upang ipaalam kay Carlo Magno ang kinakaharap nilang panganib. Nakasapit si Ricarte
nang maluwalhati pagkatapos ng mga hirap at panganib.Walang pagsidlan ng tuwa si Carlo
nang mabatid ang nangyari. Noon din ay pinaghanda niya ang kanyang hukbo at lumusob sa
Turkiya. Nagwagi sila at nabihag si Balan. Tumangging pabinyag si Balan sa kabila ng
pagsusumamo ng kanyang anak na si Fierabras, kaya’t pinaputulan ito ng ulo. Nagpabinyag si
Floripes at pagkatapos ay ikinasal siya kay Gui. Sila ay kinoronahan bilang kapalit ni Balan.
Isinauling lahat ni Floripes sa Emperador ang mga relikyang sinamsam ng mga moro.
Pagkaraan ng dalawang buwan, si Carlo Magno at ang kanyang hukbo ay nagpaalam na sa
bagong kasal at nagsiuwi sa Francia. Lumipas ang mga araw na tahimik ang kaharian. Isang
araw ay nakakita si Carlo Magno ng maraming magagandang tala sa langit. Hindi niya malaman
ang kahulugan niyon kaya’t siya’y nanalangin at hiniling niya sa Diyos na ipaalam sa kanya ang
kahulugan. Isang kaluluwa ang kanyang nakita samantalang siya’y nanalangin at iyon daw ay si
Santiago, ang apostol ng ating Panginoong Hesukristo. Inutusan si Carlo Magno na pumunta sa
Galilea upang kunin sa mga moro ang kanyang katawan. Sumunod si Carlo Magno at
kinabukasan din ay lumakad siya. Ang Pamplona ang una nilang narating at sila’y nagwagi
roon. Maraming nagpabinyag at sumapi sa Kristianismo roon. Ang hukbo ni Carlo Magno ay
bumalik sa Francia. Pagdating nila ay nabalitaan niyang si Haring Aigolanta ng Africa ay
maraming pinatay na Kristiano. Maraming tinalong probinsiya at reyno ang haring iyon.
Nagpahanda agad si Carlo ng isang Armada upang hanapin ang naturang hari. Hindi nila ito
natagpuan, kaya’t huminto sila at nagpahinga sa parang. Isang sugo naman ng hari ang
dumating at sinabing sila’y lumabas

You might also like