You are on page 1of 3

PANITIKAN SA PANAHON NG REPUBLIKA

(1946-1971)

Ang katatapos na digmaan ay nagdulot ng di-mahihinagap na kapinsalaan sa buong kapuluan.


Ang nangawasak na gusali, mga bahay- paaralan, mga lansangang bayan, at mga tulay ay kailangang
maisaayos sa lalong madaling panahon. Ang pagsasaka, paghahayupan, pag-aasukal at iba pang
industriya ay kailangang magbagong –tatag.

Kaalinsabay ng pagbabagong- tatag ng bansa ang paglilimbag ng mga lingguhang pinangungunahan


ng Liwayway, Ilang-ilang, Bulaklak, Malaya at iba pa. Gaya ng dapat asahan, ang naging
pinakakaraniwang saligan ng lumabas na mga maikling kuwento, nobela at mga tula ay ang paghihirap
ng bayan sa panahong katatapos, ang kabayanihan ng mga gerily, ang pagtataksil ng ilang
kababayang natakot magdanas ng hirap, ang “hanggang piyer” na pag-iibigan ng mga kawal-
Amerikano at Pilipina na nagbunga ng mga “G.I. babies”

Maikling Katha
Sa tuluyan, namayani ang maikling kuwento dahil sa mga praktikal na kadahilanan. Una, malaki
ang pang-akit sa mambabasa upang bumili ng mga babasahing mailan ilang kuwentong tapos
sapagkat hindi ito nabibigay ng pangangailangang bumili ng susunod na labas ng magasin di tulad
kung may nobelang dugtungang sinusubaybayan. Ikalawa, sa mga taong abala, ang mga pagbabasa
ay kailangang panandalian lamang.

Sa uri, ang lumalabas na mga maikling katha noon ay nahahati sa dalawa:


Iyong komersyal at iyong pampanitikan.
Ang komersiyal ay iyong may mababaw na pangyayayring naganap at halatang- halatang
isinulat upang maihabol sa paglilimbag at mabayaran naman agad.
Ang kathang pampanitikan naman ay kakikitaan ng maayos na pagkakabalangkas ng mga
pangyayari, may tiyak na tunguhin ang bawat insidente rito at maging ang mga tauhan ay may kani-
kaniyang papel na ginagampanan, sa ikabubuo ng kuwento.

Sa mga nagsisulat ng maikling kuwento sa panahong ito ay kinabibilangan nina Genoveva Edroza-
Matute, Serafin Guinigundo, Macario Pineda, Elpidio P. Kapulong, Hilario Coronel, Pablo N. Bautista at
Pedro S. Dandan.
Ang Nobela
Sa alinmang panahon, ang panitikan ay nagagamit na mabisang kasangkapan sa paghubog sa
damdamin ng mga tao. Maaari itong gamitin upang gisingin ang hangaring lumaya o magtaguyod
ng kilusan sa pagbabago. Maaari din naming ito ang maging tagapaghimlay ng mga mamamayan sa
kawalang malasakit na kumilos at pagtanggap na lamang ng kanilang walang pagbabagong kalagayan.
Ang Dula
Sa panunumbalik ng kapayapaan sa Pilipinas noong 1946 ay muling nagpanibagong sigla ang
panitikan. Nakaroon ng pagsisikap na buhaying muli ang sarsuwela. Sa kasamaang palad, ay naging
malamig ang bayan sa pagtangkilik.
Mabuti na lamang at sa kabila ng wari’y panlulupaypay na ito sa dula ay may mga kapisanan pa
rin at kilusang sumuhay sa magugupong sining na ito. Nariyan ang Carlos Palanca Mermorial Awards
na nagbibigay ng taunang gantimpala para sa pinakamahusay na akda kasama na rito ang mga dula.
Ang Tula
Kaalinsabay ng minsan pang pagkakaroon ng laya ang pag-imbulog ng mga makata sa daigdig
ng tulain. Mangyari pa ang mga unang tulang nalathala sa unang dekada pagkaraan ng Digmaang
Pandaigdig II ay nasa tradisyon ng romantisis mo at nagpupuri sa inang bayan, sa kalayaan at sa mga
bayani.
Ang Dula at Dulaan
Bunga ng impluwensya ng wikang Ingles, namutiktik sa bansa lalo na sa mga eksklusibong
paaralan ang mga dula sa wikang Ingles na sa mga nagbigay- daan sa mga pangkat pandulaan na
nakabatay sa mga paaralan, kolehiyo at unibersidad.

Sa panahon ding ito, nauso ang mga dulang proletaryo, dulang political at dulang lansangan.

Ang mga dulang proletaryo ay mga produksyong itinatanghal ng mga manggagawang


mandudula at ng mga pangkat pangkalinangan. Ito ay binubuo ng mga awit, iskit, myural at mga
improbisasyon upang mangganyak ng mga political at pangkulturang kamalayan. Nagpatuloy ito
hanggang dekada ’80 hanggang sa kasalukuyan.

Samantala ang dulang political naman ay mga pagtatanghal ng mga dulang ang
layunin ay magpabago o magpaunlad ng mga sistemang pampamahalaan sa paraang hayagan
o di- hayagan.

Ang dulang lansangan naman ay mga dulang namalasak noong namutiktik ang
aktibismo noong dekada ’60 at ’70 at lalo pa itong umigting noong unang bahagi ng dekadang
’80 bago nagtapo ang rehimeng Marcos. Layon ng mga dulang ito na magbigay- kabatiran sa
mga karapatan ng tao. Gayundin, layunin nito na magbigay- kasiyahan.
Sanggunian:
Rubin, Ligaya Tiamson et.al. (2006).“Panitikan sa Pilipinas”. Rex Bookstore.Lungsod ng Quezon.

SULYAP SA KASAYSAYAN
1. Sumigla ang kalayaang pampanitikan ng mga bansa dahil sa pagbalik ng kalayaan ng mga
Pilipino mula sa mga kamay ng mga Hapon.
2. Pagkalimbag ng mga katipunan ng mga aklat.
3. Inilunsad ng Gawad Carlos Palanca Memorial Awards for Literature.
4. Sumilang ang aktibismo ng mga batang mag-aaral.
5. Namayagpag din ang panitikan sa media gaya ng sa radio, telebisyon, at sinehan. Nagsilang ng
panahon ng mga musikerong: Imelda Papin, Victor Wood, VST & Company, Hotdog at iba pa.
Nagsilabasan din ang mga karikaturang (komiks) Darna, Liwayway at Zuma ni Mars Ravelos at
kabilang dito ang pinakatanyag na Pugad Baboy.
6. Kabilang din ang banda na isa sa mga dahilan kung bakit sumigla ang panitikan.
7. Sumigla din ang mga dulang pantelebisyon pambata tulad ng “Batibot” at “Sineskwela”
8. Sinasalin na rin ang panitikan hindi lang sa pahayagan kundi sa hi-technology gaya ng internet.
9. Dumarami ang mga manunulat na Pilipino dahil sa mga inumpisahang kurso sa unibersidad.

MGA AKDANG NAMALASAK SA PANAHON NG REPUBLIKA


MAIKLING KWENTO
NOBELA

TULA
DULA
SANAYSAY

You might also like