Professional Documents
Culture Documents
NOLI ME TANGERE
(set: madilim habang nasasalita siya tapos sa kaniya lang ang lights)
BASILIO: Mga pangarap, mga liwanag at dilim. Sa kapanahunan ng kadiliman, marami ang nagdurusa,
marami ang nananahimik ngunit napapahamak. Oo, naninirahang takot at naghihinagpis, hihintayin ko ang
araw na itong lahat ay lilipas, malayo sa kabiguan at pang-aapi. Kaya kayong mga kalaban ko, mga dayuhan,
huwag niyo akong salingin.
(curtains on. . .palit ng set)
TIYA ISABEL: Diyos ko! Narito na pala kayo (d magkanda ugaga), magandang gabi sa inyong lahat, salamat
sa inyong pagdating. (nakaharap sa bisita). . .Ay naku, Tiago, Diyos ko, nasaan ka na!(tatanongin sa
audience at hahanapin ikakalat ang paningin sa audience)
*(may mababasag na pinggan)*
*( ang mga hampas lupa ang nakabasag)*
TIYA ISABEL: Hesusmaryosep! Maghintay lang kayo, mga bulagsak!(aalis sa set na para bang
nagmamadali)
*(Padre Damaso, pagala-gala at tumitingin – tingin sa audience)*
PADRE DAMASO: Tsk, nakakainis, ilang taon na akong nagserbisyo sa San Diego, ngayo’y inilipat ako sa
isang bayan; napakawalang asal na mga Indio!(walang kausap, nagsasalita habang pagala-gala)
*(napatigil si Padre Damaso ng kausapin siya ng lalaking kulay mais ang buhok. . .Si Padre Sibyla ay
nasa isang tabi pinapanuod si P.Damaso at makikisawsaw sa usapan ng dalawa)*
LALAKING KULAY MAIS ANG BUHOK: Padre, isang Indio din ang may-ari ng bahay na ito!
PADRE DAMASO: Wala akong pakialam!, isa kapang indio ka buwisit!(sinigawan), napakatamad talaga ng
mga Indio, at makasalanan pa!Hindi marunong magkumpisal tsk, walang pagbabago sa kalagayan ng bayan!
PADRE SIBYLA: maghunos dili ka ..Maaaring masaktan niyo si kapitan lalo’t na isa din siyang indio. . .
(hinawakan si P. Damaso na inaawat siya na tumahik)
PADRE DAMASO: HMP! iyan ay isang malaking kalokohan! (pasigaw) hindi mo dapat ipinapamngam ba yan,
Matagal nang ipinagpalagay ni Tiago na siya’y hindi isang Indio. Inuulit ko, wala nang makatatalo sa
kamangmangan ng mga Indio!
LALAKING KULAY MAIS ANG BUHOK: Eh, padre, ang sakit mo naming magsalita, parang hindi mo matalik
na kaibigan si Kapitan Tiago, at, ninong ka naman ng anak nyang si Maria Clara. Hindi ba kaibigan mo din
yung yumao na si Don Raph. . .
*(sumabad si Padre Damaso)*
PADRE DAMASO: Tumigil ka! Wala kang Karapatan isa ka lamang na indio (dinu duro duro) Para kang
kung sinong nagmamarunong, umalis ka sa aking paningin!
*(umalis ang lalaking kulay mais ang buhok patakbo patuloy na naguusap at nag iingay)*
*( naputol ang sasabihin ni padre damaso dahil sa pagdating ni Ibarra at iba pang kasama)*
TIYA ISABEL: Aba, nandito na ho ang aking matalik na pinsan, at ang kasama niyang si. . . .
KAPITAN TIAGO: magandang gabi, mga ginoo, magandang gabi (sabay halik sa mga kamay ng dalawang
pare)
KAPITAN TIAGO: pinapakilala ko nga pala sainyu si….(hawak kay Ibarra para ipakilala)
*(gulat ang dalawang pare at hindi nabigyan ng bendisyunan ang nagbigya respeto)*
IBARRA: Ah, Juan Crisostomo Ibarra y Magsalin po, Masaya akong Makita kayong lahat.
KAPITAN TIAGO: Ah, eh, oh sige Crisostomo, iiwan muna kita. *(alis sa set)*
*(nagpalakpakan, liban kay Ibarra)*
TIYENTE: binabati kita sa iyong pagbabalik mo rito sa bansa, sanay lumigaya ka at hindi matulad sa iyong
ama. Alam kong siya ay isang mabuting tao at hangand niya lamang ang tumulong sa taong bayan.
TIYENTE: (tumingin kay Ibarra na nangingilid ang luha at linisan niya ang lugar)
IBARRA: Ah, Reberensya, kayo po ba si Padre Damaso? Ang matalik na kaibigan ng aking yumaong ama na
si Raphael Ibarra!
PADRE DAMASO: (namumutla habang nag sasalita)Ha! Bata, ako nga si Padre Damaso, paumanhin
ngunit ni minsa’y hindi ko naging kaibigan ang iyong ama!
TIAGO: Ah, kilala niyo pala si Padre Damaso, handa na ang hapunan!
TINYENTE: Mayroon po, Senyora. Ngunit ako ay nakamasid sa kulot ninyong buhok..
( MGA TAUHAN SA UNANG SCENE1 : lalaking mais ang buhok, padre damaso, tiya Isabel, kapitan
tiago,ibara,padre sibyla, tiyente at ang mga kababihan at kalalkihan, at ang mga chismos’t chismosong
nakabasag,Donya victorina)
CRISOSTOMO IBARRA: (natawa)Naku, baka ako nga ang nalimutan ng bayang ito.
PADRE DAMASO: Hmph, (hawak sa baba na parang nag iisip)sabihin mo nga bata, bakit ka pumarito?
CRISOSTOMO IBARRA: (umayos ng upo) Ah, nais ko pong mas makilala ang bansa kong sinilangan at
malaman kung bakit at paano namatay ang aking ama.
PADRE DAMASO: Bata, pumarito ka dito sa Pilipinas upang makilala ang bayang ito? Alam nating lahat na
mga Indio ang nakatira sa lupaing ito! Napakaliit na bagay ang sinadadya mo rito, walang mahalaga dito sa
bayang ito!
CRISOSTOMO IBARRA: Reberensya, huwag po kayong magsalita ng ganyan, mayaman itong bayang
Pilipinas tulad ng Inang Bayang Espanya!
PADRE DAMASO: Ha! Ganito na ba ang mga binata ngayon? Nagmamarunong! Walang asal, sinasagot pa
ang reberensya, parang matalinong magsalita!
CRISOSTOMO IBARRA: Senyores, huwag kayong magtaka sa aming dating kura, ganyan na yan siya dati pa
at hindi na nagbabago. Patawad, ngunit kailangan ko nang umalis.
KAPITAN TIAGO: Aba, hijo, kararating mo lamang dito, atsaka, dadating din si Maria Clara ngayong gabi,
sinundo na siya ni Isabel.
CRISOSTOMO IBARRA: ikinalulungkot ko pong maiwan ko kayo ngunit may kailangan akong parunan bukas
Salamat po sa inyong pagtanggap sa akin dito, mga kasama uminom po tayo lahat para sa espanya at sa
pilipinas (tinaas ang hawak na kupita at sumonod ang tiyente at ang mga ibang mga nasa mesa)
pupunta ako dito bukas na bukas din.
*(curtains on…)*
*(nasa labas na ng bahay at naglakad lakad at pinagmasadan ang mga paligid papunta binondo)*
TINYENTE: Mag-ingat kayo, Señor. Maging aral sana sa inyo ang nangyari sa inyong ama.(may pag alala
sinabi kay Ibarra)
CRISOSTOMO: (naguguluhan na tumingin kay tiyente)Tila may nalalaman kayo tungkol sa pagkamatay ng
aking ama. Maaari ba ninyong sabihin sa akin?
TINYENTE: Wala ba kayong nalalaman? Sa pagkakaalam ko, namatay ang iyong ama sa loob ng bilangguan.
CRISOSTOMO: Sa bilangguan?! Nakulong po ang aking ama? Hindi kaya kayo’y nagkakamali lamang?
TINYENTE: Hindi ako maaaring magkamali. Ang iyong ama ay namatay sa bilangguan. Si Rafael Ibarra, siya
na pinagbintang erehe at pilibustero ni Padre Damaso.
CRISOSTOMO: Maaari ba ninyong sabihin sa akin ang buong pangyayari? Bakit po siya nakulong?
TINYENTE: (naglalakad lakad at tumitingin sa audience habang ikinikuwento ang nagayri)Noon ay
mayroong isang Kastilang mangmang at masama ang ugali na naging kolektor ng buwis. Nang siya’y
nangongolekta, minsan siyang napagkatuwaan ng mga bata…
FLASHBACK:
OFFSTAGE VOICE TINYENTE: Naglalakad ang kolektor dala-dala ang isang lapis at papel. Pinagtatawanan
siya ng mga bata.
BATA 2: Hindi ba’t hindi siya marunong magsulat? Para saan kaya ang lapis niyang dala? Ha ha ha!
KOLEKTOR: Tigilan n’yo ko! Baka kung ano ang magawa ko sa inyo! Ano’ng sabi n’yo?
OFFSTAGE VOICE TINYENTE : Hinabol ng kolektor ang mga bata. Hinagisan niya ng baston ang isang bata
at ito’y natamaan. Nahuli niya ito at kanyang sinaktan.
RAFAEL IBARRA: Hindi ko mapapayagang saktan ninyo ang mga bata.(tinulungan itayo ang bata at
inilagay sa likod niya)
OFF STAGE VOICE TINYENTE: Sa kasamaang palad ay ilang minuto lamang ay namatay ang kolektor. Dahil
dito’y hinuli ang iyong ama at ikinulong. Tinakwil siya ng lahat, at pinagbintangan ng kung anu-ano. Dahil sa
kabiguan niyang makalaya, nasira ang kanyang kalusugan at sa bilangguan na namatay.
OFFSTAGE VOICE IBARRA: Kaya pala... Kaya pala hindi sinabi ni Kapitan Tiyago ang dahilan... Ama
ko...(malungkot na pagkakasabi)
*(curtains on..gabi ulit)*
OFF STAGE VOICE DON IBARRA : ughhhh… anak tulungan mo ko.. ughhh(nahihirapan huminga at
parang nakatingin kay Ibarra at maluhaluha)
*(curtains off)*
Narrator: Masaklap na karanasan ang dinanas ni Don Crisostomo Ibarra, ang ama niya’y pinagbintangan ng
kasalanang hindi naman niya ginawa. Ngunit, hindi ang paghihiganti ang agad inisip ng binata, nais niyang
ipagpatuloy ang mga magagandang pangarap ng kanyang ama.
*(curtains on)*
NARRATOR: (pinapakilala si Tiago at lumabs sa curtain)(aacting naw alang boses) Don Santiago Delos
Santos o kilala siya sa tawag na kapitan Tiago, isa sa pinakamayamang mangangalakal sa binondo maraming
lupain, malakas sa mga matataas na alcalde at tinitingala siya ng maraming mamamayan at siya malapit sa
diyos at sa simbahan. Napangasawa niya si Donya pia at hindi sila biniyayaan ng anak kahit ilang besses
nagdarasal sa birhen ng caysasay at walang saysay ang nangyari hanggang sa payuhan siyaa ni padre
damaso na pumunta sa Obando at duon humingi ng sanggol, at nagdalang tao si Donya pia at nagsilang ng
magandang babae na si maria clara.
*(curtains off..set: mabulaklak)*
KAPITAN TIAGO: Clarita, sa palagay ko mas maganda na lumipat ka sa Malabon, hindi na kasi sa San Diego
seserbisyo ang ninong mo na si Padre Damaso, inilipat na siya. Sige, maghanda ka na ng mga damit at
magpaalam ka na sa iyong mga kaibigan.
TIYA ISABEL: Pinsan! Ano ka ba, mas-hiyang ang anak mo sa San Diego, sigurado akong masisiyahan siya
doon, nandoon kasi si Ibarra.
MARIA CLARA: (off stage voice)Ano?! (tila gulat at saya ang nararadaman)
TIYA ISABEL: Ano ba yung dalagang iyon, Clarita!(tinatawag) Si Crisostomo nandito! Halika nga dito, ikaw
talaga, pahiya-hiya ka pa!
(dumadating si Ibarra)
MARIA CLARA: Hmph, nakalimutan mo na ata ako, sigurado ako na may nakita kang ibang babae sa
bansang pinuntahan mo. (may pagtatampong pagkasabi)
CRISOSTOMO IBARRA: (hinawakan ang makabilang pisngi ni clara)Maari ba kitang malilimutan? Araw at
gabi ay ikaw ang aking iniisip! (ngumiti habang nakatingin sa mga mata ni clara)
MARIA CLARA: Ikaw talaga! Hindi talaga kita nakalimutan, natatandaan ko pa yung mga oras na naglalaro
tayo. Noong nasa beateryo ako, sinasabihan ako na kalimutan kita, pero hindi, Hindi kita makalimutan
Crisostomo!
CRISOSTOMO IBARRA: Maria Clara!(hinaplos ang buhok at hinawakan ang kanang pisnge , eye to eye
contact)
MARIA CLARA: Bukas, Todos los Santos na…eto, mga bulaklak,(pumitas ng bulaklak) ialay mo iyan sa
libingan ng mga magulang mo. Crisostomo, magkita tayo sa loob ng ilang araw ha?(niyakap niya si Ibarra at
kiniss sa pisnge) Inaasahan kita!
CRISOSTOMO IBARRA: Ha,(nagulat at napahawka sa pisnge na kiniss ni clara) sige Maria Clara pupunta
ako, (nagpaalam kay tiago at Isabel)aalis na ho ako…
*(curtains off)*
SEPULTURERO 1: Ughhh!(naghuhukay) Ayoko na! ang hirap !! ang hirap niyang mapasakin (tingin sa
audience at nasasaktan)Napakaselan naman nito!
SEPULTURERO 2: (binatukan ang kasama)Oo nga, bagung libing pa ata iyan ah!(tumingin sa
hinuhukayan)
SEPULTURERO 1: Tingnan mo nga,(tinuro) may buhok pa, ang mga buto, may bahid ng mga dugo!(hinagis
ang hukayan / pala)
SEPULTURERO 2: Hindi yan nakakatapat sa aking hinukay , dalawampung araw pa lang na patay, pinahukay
na sa akin para ilipat sa sementeryo ng mga Tsino, ngunit, umuulan at walang ilaw, nahirapan ako kaya
itinapon ko nalang sa ilog.
SEPULTURERO 1: Huh?(gulat sa narinig) Ibig mo bang sabihin na ipinahukay ang isang tao para ilipat sana
sa sementeryo ng mga makasalanan?(dumikit konti )
SEPULTURERO 2: Oo nga, (tinulak ng mahina para lumayo) lumayo ka nga masyado kang malapit
magkapalit mukha natin lugi tayung dalawa, Tiyak na may malaking kasalanan ang taong iyon.(umiiling iling)
ALALAY: Ngunit…hindi po rito ang natatandaan ko. Sandali lamang po at ipagtatanong ko.
*(Nilapitan ng alalay ang naghuhukay at nagtanong.)*
SEPULTERORO 2: Napag-utusan lamang ako ng matabang kura. Walana po ang bangkay at nalibing dyan ay
isang babae
SEPULTERORO 2: edi sino paba edi si padre garrote na laging nanghahagupit ng tao
CRISOSTOMO: (napahawak sa noo) pero maituturo mo naman siguro at maalala mo kung nasan?
SEPULTERORO 2: ilang buwan na nung pinahukay ito sa akin at Sinabi sa akin ng malaking kura na dalhin ko
raw ito sa libingan ng mga Intsik pero umulan ng malakas at napaka bigat ng bangkay kaya ….(nagulat at
napaurong)
CRISOSTOMO: At ginawa mo naman?! (hinawakan ang kamay at hinatak ito ng nagngangalaiti)
SEPULTERORO 2: ‘Wag po kayong magalit,(namutla at takot na takot) senyor. Masyadong mabigat ang
bangkay, at umulan pa nang gabing iyon kaya…itinapon ko na lamang ito sa ilog kaysa ilibing ko sa mga intsik
na hindi binyagan.
CRISOSTOMO: Itinapon?! Isang kabaliwan ang iyong ginawa! (mahigpit na idinantay ang nanginginig na
kamay sa balikat ng lalaki 2 at nanlilisik ang matang tinitigin ito.
*(tumalikod at dali daling lumabas ng libingan hindi pinansin kung may nababangga o may nataapakan
at tumutulo ang luha na walang hikbing naririnig at mabilis na lakad papunta sa dati nilang tirahan)*
*(dumating nasa bahayat maraming kaktus sa paligid, mga nag aawitang kalapati, nakabukas ang
bintana at naglakad ng mabilis papunta roon)*
PADRE SALVI: Binata, Hindi kita naiintindihan,(naguguluhan at natatakot habang sumasagot sa bawat
tanong ni Ibarra) wala akong pinahukay dito!
PADRE SALVI: Nagkakamali ka! (umiiling at itinaass ang dalawang kamay na hindi siya)Hindi ako ang
nagpahukay ng bangkay ng ama mo! Ang pinalitan ko na Pari, si Padre Damaso! At siya ang sisihin mo!
(nagmamakakaawa)
CRISPIN: Magkano ba ang kita mo ngayong buwan, Kuya? (lumapit kay basilio)
CRISPIN: Nais kong bayaran mo ang sinasabi nilang ninakaw ko.(malungkot na sinabi at yumuko)
BASILIO: Sira ka ba,(may pagkainis na sinabi) Crispin? Diba’t tatlumpu’t dalawang piso ang binibintang nila
sa iyo? Kahit isang taon pa akong magtrabaho, hindi ko mababayaran iyan.
CRISPIN: Ngunit wala talaga akong ninakaw! (pasigaw na paiyak) Wala akong ninakaw. kuya…Kapag
nalaman ‘to ng Inay...natatakot ako.(umiiyak)
BASILIO: Tahan na,(pinapatahan) Crispin. Hindi rin naman maniniwala si Inay.(niyakap ) Tahan na. ‘Wag
kang mawalan ng--
*(Naputol ang kanilang pag-uusap nang dumating ang Sakristan-Mayor.)*
SAKRISTAN: (tinawag) Basilio, may multa kang dalawang real dahil sa hindi tamang pagpapatunog ng
kampana…(tumingin kay crispin)At ikaw Crispin, hindi ka maaaring umuwi hanggang hindi mo isinasauli ang
ninakaw mo!(pasigaw at galit na sinabi)
CRISPIN: Kuya, (nagpupumiglas para makatakas at lumapit kay basilio)tulungan mo ako! Papatayin nila
ako! (umiiyak at nagpupumiglas habang hatak hatak siya ng sacristan)
*(curtains on )*
END OF SCENE.
SISA: Marahil ay gutom na gutom na ang mga anak ko...Hindi ko sila hahayaang magutom...Kaya naghanda
ako ng masarap na pagkain...tiyak na magugutuhan nila to lalo’t na mga paborito ang hinanda ko sa kanila
(masaya at tuwang tuwa habang hinahain)
*(Biglang dumating ang lasing na si Pedro.)*
SISA: Mayroon. (pilit na tinatakpan ang mga hinanda niyang pagkain para kila crispin at basilio)
PEDRO: Nasaan?! Bilisan mo’t nagugutom na ako! (pasigaw at umupo sa silya ng hapagkainan)
SISA: Ahh- Oo. Narito na. (hinanda at binigay na malungkot ang mukha )
*(Kinain ni Pedro ang lahat ng pagkain.)*
SISA: Wala nang natira?(tumingin sa mga pagkain) Ngunit paano’ng mga anak mo?(tumingin sa asawa)
PEDRO: Teka,(hinanap sila basilio at crispin nilibot ang paningin sa audience) nasaan na ba ang mga
batang iyon?
PEDRO: Inuutusan mo ba ako?! (tinabig at tinulak) umalis ka sa harap ko ! Aalis ako kung kailan ko gusto!
*(At umalis na nga si Pedro.)*
SISA: Kawawang mga anak ko(mangiyak ngiyak na tinignan ang pagkain). Magsasaing na lamang ako ulit.
*(Ilang minuto lamang ay dumating si Basilio.)*
SISA: Bakit, ano bang nangyari kay Crispin?(nag alala na) Nasaan na siya?(nakatingin ka basilio na nag
aalala)
BASILIO: Naiwan po siya sa kumbento, Inay. Hindi po siya pwedeng umuwi dahil pinagbintangan siyang
nagnakaw.
SISA: Ano? Inakusahan ang mabait kong si Crispin? Dahil ba sa mahirap lang tayo, kailangan nating
magdusa?(galit na sinabi)
SISA: Bakit, (ngumiting tumingin kay basilio)Basilio? Nagugutom ka? Halika ka, (pumunta sa lamesa at
hinain ang pagkain)heto…heto ang kanin at tawilis. Kumain ka, anak ko.
SISA: Alam ko,(natigilan ) anak. Naghanda akong ng ibang ulam kanina, ngunit dumating ang iyong ama
BASILIO: Dumating si Itay? (at sinipat ang mukha at mga braso kung maybsugat at pasa)
SISA: Oo.at alam mo ba (lumapit ka basilio) tinanong kau ng ama ninyo.gustong gusto niya kau makita,
gutom na gutom na siya kaya hinayaan ko ipakain sa kaniya ang inihanda ko para sainyo (ngumiti)
BASILIO: Pero umalis din siya agad, hindi po ba?( malungkot at galit na tymingin sa ina)
SISA: Basilio! (pinagalitan)
*(curtain on)
OFF STAGE VOICE SISA: Diyos ko... Ano bang gagawin ko?
END OF SCENE.
(MGA TAUHAN NG SCENE 6 – sisa , pedro, basilio)
UTUSAN: (tumingin ng alinlangan kay sisa)Para saan ang mga ‘yan ale?
SISA: (nagulat at napatingin sa hawak niya)Para sa kura,(ngumiti) nais ko sana siyang makausap.
UTUSAN: Crispin?(biglang naalala ang nangyari) Kung gano’n, ikaw ang ina ng magnanakaw? Aba’y
matapos magnakaw ng batang iyon, ay tumakas rin! Inutusan pa nga ako ng mga kura na magpunta sa
kwartel at magsuplong. Sa katunayan ay papunta na ang mga guardia civil sa inyong tahanan upang hulihin
ang mga magnanakaw mong anak.(naglakad at inikutan si sisa)
SISA: Hindi(sinunsundan ang pagikot ng utusan)…hindi magnanakaw ang mga anak ko.(umiyak)
KUSINERA: Hoy!(sinigawan) Ina ng mga magnanakaw! ‘(dinuduro ng hintuturo)Wag mong iyakan ang
mga anak mo! Wala kang mapapala sa kanila dahil nagmana saila sa kanilang ama! (tumawa)
*(Tamatakbong tumungo si Sisa at nakita niya ang mga Guardia Civil.)*
*(natakot na lumapit sa gwardya sibili)*
SISA: (tumungo)Opo, ako nga ho si Sisa, ngunit hindi po magnanakaw ang mga anak ko.(lumuhod)
GUARDIA CIVIL: ‘Wag mo nang ipagkaila,(tinabig) kung ayaw mong lumala pa ang sitwasyon. Sabihin mo na
kung saan mo itinago si Crispin!(sinigawan)
SISA: Señor,(umiiyak habang nakikiusap) ilang araw ko na hong hindi nakikita si Crispin.
GUARDIA CIVIL: Eh, kung ganoon, isauli mo na lamang ang perang ninakaw ng iyong mga anak!
SISA: Señor, (nakahandusay)kahit pa minsang nagugutom ang mga anak ko, hinding-hindi nila magagawa
ang magnakaw, maniwala kayo.(umiiyak pa din)
GUARDIA CIVIL: Sinungaling! (tinadyakan)Pero kung iyan iyong gusto, Ikaw ang ikukulong naming
hanggang hindi isinasauli ng mga anak mo ang mga ninakaw nila.(kinuha si sisa )
SISA: Pero wala ho talagang ninakaw ang mga anak ko, Señor. Parang awa n’yo na, ‘wag n’yo po akong
ikulong…(nagpupumiglas at nagmamakaawa)
*(Dinala ng mga guardia civil si Sisa sa kuwartel.)* set: kwartel / kulungan)*
ALPERES: Kamalian ‘yan ng kura! Pakawalan n’yo siya at ‘wag n’yo na siyang gagambalin pa, at kung gusto
ng kura na na maibalik ang kanyang mga ginto, sabihin n’yo sa kanya na manalangin siya kay San Antonio!
*(Agad nilang pinakawalan si Sisa.)*
GUARDIA CIVIL: Umalis ka na rito! Wala nang maipapakain ang gobyerno sa’yo! Ha! Ha! Ha!*(tumawa na
malademonyo)*
*(Tumakbo si Sisa na may takot patungo sa kanilang bahay.)*
SISA: Crispin! Basilio! Mga anak ko! Nasaan na kayo?(Hinahanap sa bawat sulok ng bahay)
BASILIO: (hinahanap ang ina sa lansangan) Inay! Inay! Nasaan na kayo, Inay? Inay!
*(Pumunta si Sisa sa bahay ni Pilosopo Tasyo, ngunit wala siyang nadatnang tao.)*
BASILIO: (Uuwi sa dampa) Inang! Inang! Nandyan ba kayo, Inang? Inang! (sumilip sa bangin malapit sa
bahay)
GWARDIYA CIVIL: Hoy! Ikaw yung hinahanap naming bata ah. Huwag kang gagawa ng masama!
*(nagulat at tumakbo sa takot at sumabit ang damit sa Matulis na bagay ay napunit ang kalahit na may
kasamng dugo at nag paputok ang gwardiay civil)*
May nakita siyang damit na duguan.
SISA: Ano ‘to? Damit ni Basilio? Dugo…Bakit may sugat ang anak ko? Ha! Ha! Ha! Dugo ng anak ko! Ang
magnanakaw kong anak! Ako’ ang ina ng mga magnanakaw! Ha! Ha! Ha! Dugo!
SISA: (nakatingala) Crispin! Basilio! Nasan na kayo? Mahal kong mga anak! Hangin, nakita mo ba ang mga
anak ko? Hindi? (iiyak at tatawa ulit) Ikaw puno, nakita mo ba ang mga anak ko? Hindi rin? (iiyak at tatawa
ulit)
(haharap sa audience) Kayo? Nakita niyo ba ang anak ko? Nakita niyo ba siya? (kakausapin ang mga
naglalakad na extra sa set) Kapag nakita niyo ang mga anak kong sina Basilio at Crispin, sabihan ninyo ako
ha? (tatawa at maiiyak)
*(curtain on)*
Off stage voice basilio: Inang! Inang! Nandito na ako Inang! Inang! Inang! (maiiyak)
End of Scene.
*(curtains on)*
(MGA TAUHAN SCENE 8- ibarra, M.Clara, Pedro salvi, lalaki(pedro))
MARIA CLARA: Kung iyan ang nais mo…(alis sa set kasama ng lahat)
*(curtain on set palaisdaan)*
*(Sa palaisdaan…)*
*(Sumakay na sila sa Bangka [2 bangka meron: isa sa mga babae at isa sa mga lalaki])*
*(nalungkot ng nalaman ay magkahiwalay ang lalaki at ang babae kaya umisip si albino ng paraan para
magkasama sa iisang bangka)*
ALBINO: (bumulong kay Ibarra) Takpan mo ang tapal sa tapat sa tabi ng paa mo at may butas. Delikadong
mapasukan ng tubig.
*(Nagsigawan ang mga babae nang malaman na may butas ang Bangka nila lumipat ang ilang mga
lalaki sa Bangka ng mga babae. Si Ibarra ay tumala kay M. Clara. Si Albino lumapit kay Victoria. Naging
pares-pares ang magkakatala sa bangka. Ang bangkero ay tahimik lang na nagsasagwan. Papunta sila
sa baklad ni Kapitan Tiago. Di naglaon ay dumating din sila sa isa sa mga baklad.)*
MARIA CLARA: Nais ko sanang pumunta sa palaisdaan ng aking ama. Malayo pa ba?
ELIAS: Naku hindi po, señorita. Ilang sandali na lamang at makakarating na rin tayo doon.(pinagpatuloy ang
pagsagwan)
ANDENG: may mga isda na!(turo sa lawa)
*(Isang mangingisda ang nagsalok ng isda sa baklad. Wala siyang nahuli ni isang isda kahit paulit-ulit na
siyang nagsasalok. Nagulat ang mga tao.)*
Elias: Nakapagtataka(nagtataka na kumakamot sa ulo) bago pa mag-undas huling pinandaw ito.
ELIAS: Kaya pala nauubos na ang mga isda sa ilog na ito! Kailangang mamatay na ang buwaya na
iyan!(tumalon para patayin ang buhaya)
MARIA CLARA: Crisostomo, nanganganib ang buhay niya!(natatakot at nagaalala)
IBARRA: Huwag kang mag-alala, mahal ko. Ililigtas ko siya.(tumalon at iniligtas si elias)
*(Saglit na lumitaw ang ulo ng bangkero na hatak ang dulo ng lubid. Nagpalakpakan ang lahat. Naiahon
ng bangkero ang buwaya sa baklad pero habang tinatalian na ang bunganga, lumaban ito kaya
nahulog sa tubig ang buwaya kasama ang bangkero. Nagsigawan ang lahat. Tumalon si Crisostomo na
may hawak na patalim. Nagulat ang lahat)*
MARIA CLARA: Ibarra!(sumigaw)
*(Makalipas ang ilang sandali.)*
MARIA CLARA: (Umiiyak) Nasaan na sila?(hinahanap) Baka kung ano na ang nangyari sa kanila.
*(Pumula ang tubig. Tumalon na rin ang ilang mga lalaki para tulungan ang dalawa pero bago pa man
sila makalapit sa dalawa, napatay na rin sa wakas ang buwaya. Si Maria Clara ay hindi halos
makahinga dahil sa ginawa ni Ibarra. Ang lahat ay natuwa sa pagkaligtas ng dalawa – ang iba’y
nagtawanan, ang iba naman napaiyak.)*
ELIAS: Maraming salamat po sa pagligtas ninyo sa buhay ko, (nahihirapan magsalita at umuubo)Señor
Ibarra. Balang araw, sa panahong kailangan ninyo ng tulong, nakahanda po akong tulungan kayo.
End of Scene.
(MGA TAUHAN NG SCENE 9 – kaibigan 1,2,3 , M.Clara, tiya Isabel, elias, andeng,albino, tauhan)
*(Maraming tao sa paligid dahil ito ang araw ng pagbabaon ng panulukang-bato ng bahay paaralan na
itatayo ni Ibarra.)*
GOV.ÑOL JUAN: Paano gumagana ang panghugos na iyan?
IMBENTOR: Ganito ho iyon. Kahit na sa kaunting pwersa lamang ay kaya kong maitaas at maibaba ang
mabigat na batong ito. Isang tao lamang ang kailangan upang mailinya ng maayos ang batong ito!
*(Sa malapit ay matatanaw ang isang dulang ang makikita na naglalaman ng mga pahayagan, sulatin,
medalya at iba pang mga dokumento. Ilalagay ito sa mga silindrong kaha at ibabaon kasama ang mga
panulukang bato para sa mga susunod na henerasyon.)*
*( Pagkatapos mailagay ang mga mahahalagang bagay sa silindrong kaha, ay binigyan ng alkalde si
Ibarra ng isa sa mga ito.)*
GOBERNADOR NOL JUAN: Señor Ibarra, ikaw naman ang maglagay ng palitada sa ibabaw ng bato.
*(Itinulak ni Elias ang imbentor kaya ito ang natamaan ng malaking bato at ito’y namatay. Nagulat ang
lahat sa kanilang nakita.)*
IBARRA: Huwag mag-alala, ligtas ako!
M. CLARA: (hinimatay)(sinugod at inalis sa set)
ELIAS: Mag-iingat kayo, Señor. Hindi lamang ito ang maaaring mangyari sa inyo. Saka ko na lamang
sasabihin sa inyo ang lahat.
TAUHAN: Paumanhin Señor Ibarra, ngunit hindi ba’t pinagtangkaan niya ang inyong buhay?
IBARRA: Oo nga, ngunit...siya ang nasawi. Ano pa bang parusa ang dapat niyang matanggap? Pinapatawad
ko na siya.
KABABAIHAN: Ang bait-bait talaga niya. Mabuhay ka, Crisostomo Ibarra! (lahat lahat nagsabi)
PILOSOPO TASYO: Masamang simula ito (takot na takot)
END OF SCENE.
MGA TAUHAN NG SCENE 11 –GOV. NOL JUAN, IMBENTOR, M.CLARA, ELIAS, TAUHAN,TACIO