You are on page 1of 3

FIL 117 PAGHAHANDA NG MGA KAGAMITANG TANAW-DINIG

ANG HAGDAN NG KARANASAN

◦ Tinatawag na “cone of experience” sa Ingles. Ang hagdan ng karanasan ay


binubuo ng labing-isang baitang at ito mahalaga sa isa’t isa. Nagsisimula ang
hagdan ng akranasan sa tuwirang karanasan at nagtatapos naman sa simbolong
berbal.

◦ Maaaring pangkatin sa tatlo ayon sa antas ng pagiging tuwiran hanggang sa


maging abstrak.
(1) Ginagawa
(2) Minamasid
(3) Sinasagisag

(1) Ginagawa
A. Ang mga tuwirang karanasan
B. Ang mga binalangkas na karanasan
C. Ang madulang pakikilahok

(2) Minamasid
a. pakitang-turo
b. Ekskursyon
c. Mga eksibit

Ang mga Midyang Pang-edukasyon


1. Telebisyon
2. Pelikula
3. Radyo
4. Prodyektor
5. Larawang di gumagalaw
1. Islayd
2. filmstrip
6. Teyp rekording

(3) Sinasagisag
a. Simbolong biswal
b. Simbolong berbal
GINAGAWA

Tuwirang Karanasan

1. Eksperimento
ang pag-eeksperimento sa laboratory ay isang halimbawa ng tuwirang karanasan. Dito
ang mag-aaral ay nasusubukang tumuklas ng bagong kaalaman sa siyensiya. Sila
mismo ang gumagawa ng gawain.

2. Mga Laro
ang laro ay isang mabisang paraan para mabigyan-buhay ang pag-aaral ng mga bata.
Gaano man kahirap ang liksyon ay magaganyak pa rin sila sapagkat ganado sila sa
paglalaro.

Binalangkas na Karanasan

1. Mga Modelo
ang modelo ay panggagaya sa orihinal na kaanyuan at kabuuan ng isang tunay na
bagay. Bagamat may kaliitan ay katulad na katulad ang anyo sa ginayang tunay na
bagay. Sa paggawa ng mga modelo, nagkakaroon sila ng tuwirang karanasan kung
paano ginawa ang bagay na ginagaya.

halimbawa: globo, ginayang bulkan, eroplano, bahay-kubo, maliit na Bangka

2. Mock-up
ang mock-up ay panggagaya rin tulad ng modelo. Ang pinag-iba lamang ng mock-up sa
modelo ay ang isa o bilang bahagi lamang ang gagayahin at hindi ang kabuuan.

halimbawa: sa eroplano, kung ang pag-aaralan ay makina, iyon lamang ang gagawan
ng mock-up.

3. Ispesimen
isang mabuting panghalili sa mga tunay na karanasan ang isipesimen.

Halimbawa, kung hindi madadala ang mga mag-aaral sa pook na pinagkukunan ng


mineral, maaaring magpakita lamang sa klase ng iba’t ibang uri ng bato bilang
ispesimen.

4. Mga Tunay na Bagay


ang mga tunay na bagay ay mahalagang kagamitang tanaw-dinig. Nahahawakan,
nasusuri at napag-aaralan ang mga ito ng mga mag-aaral.

Madulang Pakikilahok

1. MGA DULA
A. Pagtatanghal
ang pagtatanghal ay isang makulay na pagpapakita ng mga mahalagang bahagi ng
kasaysayan na kung saan ang mga tauhan ay nakasuot ng angkop na damit.

B. Pantomina o Panggagagad
ang pantomina ay pag-arte nang walang salitaan. Kikilos at aarte ang ksali ayon sa
hinihingi ng kanyang papel na ginagampanan.

C. Tableau
malaki ang pagkakatulad ng tableau sa pantomina dahil parehong walang salitaan.
Kaya lamang, ang tableau ay walang galaw samantalang ang pantomina ay may kilos
at galaw.
D. Saykodrama
ang saykodrama ay isang kusang-loob na dula na nauukol sa pansariling lihim o
suliranin ng isang tao. Ang mismong may suliranin ang gagawa ng iskripa t
magsasadula. Karaniwang ginagawa ito sa mga asignaturang Homeroom Guidance at
Edukasyong Pagpapahalaga. Mabisa ito sa paglutas ng pansariling problema na kung
tawagin sa Ingles ay “therapeutic value”.

E. Sosyodrama
ang dulang ito ay walang masyadong paghahanda at pag-eensayo. Uimiikot ang paksa
sa suliraning panlipunan.

F. Role-playing
kung sa sosyodrama ang diin ay sa suliraning panlipunan, sa role-playing naman ay
ang papel na ginampanan. Ang importante ditto ay mabigyang-buhay at halaga ang
papel na ginagampanan

G. Dulang Pasalaysay (Chamber Theater)


ito ay isang paraan ng pagpapakahulugan sa panitikang pinag-aaralan gaya ng maikling
kwenti, pabula, tulang pasalaysay at bahagi ng nobela, sa pamamagitan ng diyalogo,
aksiyon at pagsasalaysay.

itinuturing ang actor na ang sarili ay hindi lamang tagaganap ng isang papel kundi isa
ring tagapagsalaysay o tagapagkuwento.

H. Sabayang Pagbigkas
isa sa mabisang paraan ng pagpapakahulugan at pagpapahalaga sa isanhg tula ay sa
pamamgitan ng sabayang pagbigkas. Nagkakaroon sila ng malinaw na pang-unawa sa
tula. Nalilinang ang kanilang wastong pagbigkas at nabibigyang-diin ang bahaging
dapat bigyan ng diin.

2. PAPET
ang papet ay isang tau-tauhang kaya nagsasalita at gumagalaw ay dahil sa
tagapagpaandar nito.

A. Karilyo
ay pagpapagalaw ng mga anino ng mga pira-pirasong karting hugis-tao o hayop sa
likod ng isang kumot na puti na naiilawan.

B. Istik Papet
ay cut-out ng anumang bagay na idinidikit sa patpat.

C. Kamay na Papet o Hand Puppet


ito ay anumang anyo ng tao, hayop o bagay na iginuguhit sa supot na papel. Ang isang
kamay ay ipinapasok sa supot na papel. Kapag iginagalaw ang kamay gumagalaw din
ang papet.

D. Daliring Papet
ito ay paggamit ng mga daliri sa paggawa ng anumang hugis o anyo na gustong
gayahin.

E. Maryonet o Pising Papet


ginuhit at ginupat na larawan ng tao o hayop na itinali sa pisi upang mapakilos ang
papet sa pamamgitan ng paghila nang paitaas sa pisi.

You might also like