You are on page 1of 1

“Kalayaan, Kaalaman at Mapanghikayat” ang tatlong salita na pumapasok sa aking

kaisipan pag nakikita ang salitang Sanaysay dahil dito malaya tayong magpahayag ng
sariling opinyon at ideyang maaaring ibahagi sa iba. Higit na lumalawak ang ating pag
iisip kung ito ay nababahagian ng ibang ideya na nagmula sa ibang tao na hindi lamang
dumedepende sa ating sariling kaalaman. Minsan, ang ating kanya kanyang
perspektibo ay nakakaimpluwensya sa iba na kung saan ito ang dahilan upang sila
mapasang-ayon sa ating sariling punto.
Ang kahalagahan sa akin ng Sanaysay bilang estudyante na kumukuha ng Kursong
Filipino ay nakakatulong ito na mas mapalawak ang aking kaaalaman at naipapahiwatig
ko ang aking mga nais sabihin o iparating sa pamamagitan ng sanaysay. Maaari ko rin
dito maipahayag ang aking mga nararamdaman, personal na opinyon o kuro-kuro,
imahinasyon at ang mga bagay na hindi ko masabi-sabi ay idinadaan na lamang sa
pagsusulat sapagkat napapagaan nito ang aking damdamin. Gayundin, nakatutulong ito
upang mas mahasa ako sa paggamit ng mga angkop na salita sa paggawa ng isang
sulatin. Maging ang wastong anyo at estruktura, maayos na pagkakasunod-sunod ng
mga pangungusap, at tamang wika at estilo ay aking natututunan. Karamihan sa atin ay
madalas magsulat ng isang sanaysay ngunit hindi natin napapansin na ang simpleng
sulating ito ay pinag-aaralin din. Mahalaga na marunong tayong umunawa, lumikha at
mag-saayos upang maging kapaki-pakinabang ito.
Napakalaking halaga ang dulot ng sanaysay sapagkat sa pamamagitan ng
pagsusulat nito ay masasariwa at mapapakinabangan pa ng mga susunod na
henerasyon ang kasaysayan, at iba pang mahahalagang pangyayari sa ating bansa o
sa lupang ating kinanaroroonan. Ito rin ay sumisimbolo at nagpapatunay na naganap
ang mga bagay- bagay. Dahil na rin sa pagsusulat ng sanaysay nakakalikha tayo ng
mga bagay na nakakatulong sa pagunlad at pagusbong ng bago at modernong mundo.

You might also like