You are on page 1of 2

Ang Buod ng Komedyang “Orosman at Zafira”

Ang paksang ito ay tungkol sa kasakiman at paghahangad ng kapangyarihan ng tatlong


kaharian ang Marruecos, Tedenst, at Duquela. Nagsimula ang kuwento sa pagbibigay ng
impormasyon ni Zelima tungkol sa mga trahedyang naganap sa kanilang kaharian. Si Mahamud
na pinakamataas na sultan sa kanilang kaharian na Marruecos ay naghanda ng selebrasyon at
inanyayahan niya ang matataas na opisyal ng militar sa kanyang nasasakupan at kasama na sa
mga ito sina Bousalem na pinuno ng Tedenst, at si Zalem na nagmula sa kaharian ng Duquela.
Sa selebrasyong iyon naisagawa ni Bousalem ang masamang intensyong patayin si Mahamud at
humalili sa posisyon nito. Matagumpay na naisagawa ni Bousalem ang planong patayin si
Mahamud at dahil sa pagkamatay niya ay nagkaroon ng sunod-sunid na digmaan, pagdanak ng
dugo at patayan sa kaharian ng Marruecos at lahat ng iyon ay dulot ng kasakiman at
paghahangad ng kapangyarihan. Si Zafira na anak ni Mahamud ay lubos na naghinagpis sa
kamatayan ng kanyang ama kaya’t nagpasya syang bigyan ng kataranguan ito at humingi siya ng
tulong kay Zelim ng Duquela ukol sa digmaang kanilang isasagawa laban sa mga tao ng Tadest
at sinuportahan naman ng mga tao ng Duquela ang kanilang plano. Ang digmaan sa pagitan
nina Zafira at ng mga tao ng Tadest ay pinamunuan ng dalawang anak na lalaki ni Bousalem na
sina Abdalap at Orosman, at sa digmaan ay hindi nagtagumpay sina Zafira. Makalipas ang ilang
panahon ay nagging magkasintahan sina Orosman at Zafira at nagging masaya silang dalawa
ngunit nagkaroon sila ng suliranin nang makita ni Abdalap si Zafira at nabighani siya sa
kagandahan nito. Ninais ni Abdalap na maging kasintahan si Zafira at wala siyang pakialam kahit
na alam niyang kasintahan na ito ng kayang kapatid na si Orosman. Pilit na inaagaw ni Abdalap
si Zafira sa kayang kapatid at hindi niya pinakinggang ang kanyang amang si Bousalem nang
pinagsabihan siya nitong tigilan na niya si Zafira. Nagalit si Abdalap sa kaniyang ama kaya ito ay
kaniyang pinatay at simula noon ay si Abdalap na ang humalili sa trono ni Bousalem bilang
sultan ng Tadest. Binalak din ni Abdalap na patayin ang kaniyang kapatid na si Orosman upang
mapasakaniya na si Zafira, nang makita ni Orosman ang bangkay ng kaniyang ama at nang
nalaman niyang ang kapatid niya ang pumatay dito ay labis na galit ang kaniyang naramdaman.
Ang tunggalian sa pagitan ng magkapatid para sa katapatan at pagmamahal ni Zafira ay lalong
tumindi at dahil sa mga pangyayari ay nagkaroon ng lakas ng loob si Orosman na labanan ang
kanyang kapatid na si Abdalap hanggang sa ito ay kaniya nang mapatay. Sa huli ay si Orosman
na ang nagging sultan matapos mapatay ang kapatid at umasa ang lahat na sa pag-upo ni
Orosman bilang bagong sultan ay matitigil na ang mga digmaan nang dahil sa kasakiman at
pagnanais ng iba’t ibang kaharian sa kapangyarihan, magkaroon na ng kapayapaan,
katahimikan, at pag-unlad sa ekonomiya ng bawat kaharian.
Mga pangunahing tauhan sa kuwento
 Zafira – ang anak ni Mahamud at ang babaeng pinag-agawan ng magkapatid.
 Orosman – Kasintahan ni Zafira at kapatid ni Abdalap.
 Abdalap – Nagnais na agawin si Zafira at kapatid ni Orosman.
 Mahamud – pinakamataas na sultan sa kaharian ng Marruecos at ang ama ni Zafira.
 Bousalem – ang pinuno ng Tadenst, ama nina Orosman at Abdalap at ang pumatay kay
Mahamud.
 Zelim – nagmula sa kaharian ng Duquela at hiningian ng tulong ni Zafira.

Aral na makukuha sa Kuwento


Huwag maging sabik sa kapangyarihan dahil ito ay maaaring makapagdulot ng gulo, at
hindi na natin alam ang ating mga nagagawa dahil sa sobrag kagustuhan sa isang bagay.
Matutong gumalang sa relasyon ng isang magkasintahan at huwag manggulo o manira ng
relasyon.

You might also like