You are on page 1of 98

Kabanata 1

Kakauwi lamang ni Clarisse sa kanyang tinutuluyang apartment. Pasado alas onse na din ng matapos ang
kanyang shift bilang company nurse ng isang kilalang airport.

Siya si Clarisse Lonzaga. Mag-isa lamang siyang namumuhay sa kanyang apartment dahil nasa probinsya
ang kaisa-isa niyang pamilya. Ang kanyang pinakamamahal na lola.

Dahil sa pagod ay hindi na niya nagawa pa ang magpalit ng damit, maghahating gabi na din ng mga oras na
iyon kaya naman dumiretso na lamang siya sa kanyang single bed na kama at nahiga roon. Maliit lamang
ang kanyang inuupahang apartement, sapat na iyon para sa katulad niyang naninirahang mag-isa.

Ilang minuto pa lamang siyang napipikit ng bigla na lamag bumigat ang pakiramdam niya. Hindi niya
maipaliwanag ang nararamdaman niya. Animo may dumadagan sa kaniya na naging sanhi upang
mahirapan siyang huminga.

Napabangon siyang bigla at sa pagdilat niya at ganoon na lamang ang pagtataka niya dahil wala siya sa
kanyang silid. Animo siya nasa isang dimension o masasabi niyang nasa iba siyang mundo.

Nasa isa siyang magandang silid na napaliligiran nf mamahaling kasangkapan. Naghuhumiyaw ang
karangyaan sa silid na iyon. Halos lahat ng kasangkapan sa silid na iyon ay ginto. Tahimik na naitanong ni
Clarisse sa kanyang sarili kung nasaan siya.

Tinignan niya ang kanyang kasuotan at nagulat na lamang siya na nakasuot siya ng isang itim na gown.
Ganoon na lamang ang pagtataka niya ng dahil ang alam niya ay natulog siya ng naka-uniporme pa din.
Napaharap siya sa salamin na nasa aparador, lalo lamang siyang naguluhan ng mapansin na may puting
maskara na tumatabing sa kalahati ng kanyang magandang mukha. Hindi niya malaman kung nanaginip
lang ba siya o ano kaya naman kinurot niya ng mahina ang kanyang sarili. Nang masaktan ay ganoon na
lang ang takot niya lalo pa't nakakasiguro na siya na hindi lamang iyon isang panaginip. Ngunit paano? Ang
isang katanungan na gumugulo kay Clarisse ngayon.



Clarisse? Bakit nandito ka pa? Tara na at bumaba. tawag sa kanya ng isang matandang babae na kapwa
din niya nakamaskara. Napaayos siya ng upo kahit na naguguluhan pa din.

Sino po kayo? tanong ni Clarisse sa matandang babae ngunit umiling lamang lang ito.

Hindi na mahalaga 'yon Clarisse. Bumaba ka na lamang sa bulwagan at kanina ka pa niya hinihintay. lalo
lamang naguluhan si Clarisse sa mga sinabi ng matanda sa kaniya. Sino ang naghihintay sa kaniya? Hindi pa
man din niya nasasagot ang mga katanungan sa isip niya ay nadagdagan pa lalo iyon.



Marahil na rin sa kuryosidad ay lumabas si Clarisse ng silid upang malaman kung nasaan nga ba siyang lugar.
Noong una ay nag-aalinlangan pa siya ngunit naisip niya na maaari niyang malaman ang kasagutan kung
sakaling lalabas siya. Pagsilip niya mula sa barandilya ng isang engrandeng grand stair case na napalilibutan
din ng mga ginto ay ang isang malaking bulwagan na kasalukuyang pinagdarausan ng isang kasiyahan. Ang
lahat ay nakasuot ng magagarang damit at natatabingan ng makukulay na maskara. Masasabi mong galing
sa maharlikang pamilya ang lahat ng panauhin sa nasabing kasiyahan,

Elegante ang disenyo ng kabahayan. Hindi naman ito ang tipo na animo ikaw nag time travel dahil nasilip
niya na ang ibang panauhin naman ay may kausap sa telepono.

Dahan-dahang bumaba si Clarisse sa hagdan kahit pa nag-aalinlangan siya dahil naguguluhan pa din siya sa
mga nangyayari.

May isang lalaki na nakatayo at nakatalikod sa dulo ng grand staircase. Maganda ang bulto ng katawan ng
lalaki. Nakasuot siya ng itim na tuxedo. Bigla na lamang bumilis ang tibok ng puso ni Clarisse habang
papalapit ng papalapit ang mga hakbang ng kaniyang paa papunta sa lalaking naghihintay sa dulo ng
staircase. Hindi niya magawang pangalanan ang kanyang nararamdaman sa mga oras na iyon.

Nang iisang baitang na lamang ang pagitan nila ng lalaki ay unti-unti na itong humarap sa kanya. Nakasuot
ito ng itim na maskara at tanging nakikita lamang niya ay ang misteryo nitong mga mata at ang mapupula
nitong mga labi.

Nakakabingaw ang bilis ng tibok ng kanyang puso. Halos mapapugto ang kanyang hininga ng ngumiti ang
lalaki sa kanya at nagsalita ito sa baritonong boses. Ang boses niya ay nagsasabi na ang lalaki ay
maawtoridad.



Ako si Allen Reyes. Pakasalan mo ako.
Napabalikwas ng kama si Clarisse habang humihingal, sapo niya ang kanyang dibdib dahil sa bilis ng tibok
ng kanyang puso. Nakahinga siya ng maluwag ng malamang panaginip lang pala ang lahat ng iyon ngunit
nagtataka siya dahil pakiramdam niya ay totoo ang lahat. Pakiramdam niya nandoon siya mismo. Di nga
ba't kinurot pa niya ang kanyang sarili? Hinawakan niya ang kanyang braso na kinurot niya sa kanyang
panaginip. Bakit nananakit pa din ang kanyang braso? Tanong ni Clarisse sa kanyang utak.

Napatingin si Clarisse sa kanyang paligid at nakahinga lalo ng maluwag ng mapansin na nasa apartment pa
din siya, sinulyapan niya ang kanyang digital clock sa kanyang bedside table. Alas dos pa lang pala ng
madaling araw. Hindi niya alam kung makakatulog pa siya. Hindi niya mawari kung masama o maganda ba
iyong panaginip. Sumandal na lamang siya sa kanyang kama at niyakap ang sarili. Mabilis pa din ang tibok
ng kanyang puso, akala mo nag-uunahan ang mga ito sa pagpintig.

Napaka weird na panaginip. Iyon na lamang nag nasabi ni Clarisse sa kanyang sarili.

May nakausap siyang hindi naman niya kilala at inaya pa siyang magpakasal?! Ridiculous! Naghuhumiyaw
niyang sabi sa kanyang isip.

Kinilabutan siya sa kanyang mga naiisip. Bibihira lamang ang panaginip na may specific name. Allen Reyes?
Pilit niyang inalala ang pangalang iyon ngunit hindi ito pamilyar sa kanya.

Madalas na weird ang kanyang panaginip sa nakalipas na mga taon ngunit ngayon lamang ito nangyari at
masasabi niya na ito na ang pinaka weird sa lahat ng weird, Seriously? may nakaranas na ba ng ganoon?
May magpapakilala sa iyo sa panaginip at pagkatapos ay may full name pa talaga? Sarkastikong tanong ni
Clarisse sa kanyang sarili.

At dahil sa mga katanungan sa kanyang isip ay hindi na niya alam kung paano pa ulit siya nakatulog.



Pagkagising ng umagang iyon ay agad siyang naghanda para sa kanyang trabaho, buti na lamang at kahit
isa siyang nurse sa airport ay nagagamit niya ang napag-aralan niya. Pumasok na siya sa kanyang tarabaho
na hindi naman kalayuan mula sa kanyang inuupahang apartment.



Clarisse, ang aga mo naman ata? tanong sa kanya ng kanyang kapwa nurse na si Maribeth. Hindi pa
naman kasi niya oras ng trabaho ngunit pumasok na siya sa clinic nila sa airport.

Hindi kasi ko nakatulog ng maayos. sagot ni Clarisse at naupo na sa kanyang table.

Dapat late ka na pumasok. As usual tutunganga lang naman tayo dito. Alam mo naman na kundi nahilo eh
nagpapa-BP lang naman ang mga nagpupunta dito. maarteng sagot sa kanya ni Maribeth. Halos tatlong
taon na din silang magkatrabaho sa airport ni Maribeth. Mabait ito at magaling makisama sa kapwa. Dating
nurse si Clarisse sa kanilang probinsya ngunit naisip niyang makipag-sapalaran sa Maynila para lalo pang
mabigyan ng magandang buhay ang kanyang lola. Okay lang, atleast pasarap buhay tayo diba? matipid
niyang sagot

Sabagay! Ang daming gwapong steward! napailing na lamang siya ng impit pang tumili si Maribeth.
Inilabas na lamang niya ang kanyang laptop at nag internet. Totoo naman talagang halos pasarap buhay
lang sila ni Maribeth sa airport. Minsan ay naiisip niya na nalulugi na ang airport dahil sa kanilang company
nurses, bibihira lamang kasi ang severe cases sa airport lalo pa ang mga emergencies.



Sinubukan niyang hanapin sa internet ang pangalang Allen Reyes ngunit nabigo siya dahil halos dalawpu
ang lumabas na mag ganoong pangalana. Napaka common ng name ng Allen Reyes kaya naman naisip niya
na malabo nga itong mahanap at isa pa hindi siya nakakasiguro kung buhay pa ito ko hindi. Hindi niya
maiwasang panayuan ng balahibo sa tuwing naiisip iyo.

Paano kung patay na talaga siya? Dumadalaw lang ba si Allen sa kanyang panaginip?

Gusto niyang matulog mamaya ng maaga at nagbabaka sakaling makita niya muli si Allen. Wala na siyang
pakialam kung bangungot man iyon dahil ang gusto lamang niya ay masagot ang lahat ng kanyang mga
katanungan.



Alas otso na ng gabi ng magpaalam siya kay Maribeth upang umuwi na sa kanyang apartment. Pagka-uwi
ay dumiretso na siya patungong banyo upang maligo at magpalit ng pantulog. Nang matapos ay saglit
lamang niyang pinatuyo ang kanyang basang buhok at nahiga na sa kanyang kama. Medyo inaantok na din
naman siya kaya naman nakakasiguro siyang makakatulog siya agad. Nang makahiga na ay agad siyang
pumikit at nag-concentrate matulog. Tahimik siyang nagdasal.

"I want to see you again Allen Reyes.
------------



Kabanata 2



Ilang gabi na ang lumipas, maagang natutulog si Clarisse ngunit ni minsan ay hindi na nagpakita si Allen sa
kanyang panaginip. Gusto niya ulit makita ang misteryosong lalaki, muli ay gusto niyang marinig ang
baritonong boses nito at ang maiinit nitong haplos sa kanyang balat.

Naguguluhan si Clarisse kung siya nga ba ang may kontrol sa kanyang panaginip. Ano nga ba ang
mangyayari kung sakaling pumayag siya sa inaalok na kasal ni Allen sa kanya. Ano nga ba ang itsura ni Allen
sa likod ng maskara nito?



Night shift ngayon ang kanyang duty at nag-iisa lamang si Clarisse sa clinic. Bumuntong hininga siya at
humiga na lamang siya sa isa sa mga hospital bed, bihira lamang ang pasyente na nagpupunta sa loob ng
kanilang clinic kaya naman wala siyang dapat ipag-alala kung matutulog man siya. Malaki ang clinic ngunit
sila lang naman ni Maribeth ang tao dito. Mabuti na din iyon dahil ang ibig sabihin walang emergencies na
nangyayari sa airport. Ang ibig sabihin magaling magpatakbo ang general manager ng airport.

Naramdaman na naman niya ang pagbigat ng kanyang pakiramdam. Bila na lamang umikot ang kanyang
mundo at napapikit. Animo may humihila sa kanya upang pumikit. Pagdilat niya ay naroon siyang muli sa
hindi pamilyar na lugar kung saan niya nakilala si Allen. Nasa gitna siya ngayon ng bulwagan kasama ang
misteryosong lalako, napakapit siya ng mahigpit kay Allen dahil sa pagkahilo niya maagap naman siya
nitong inalalayan upang hindi siya mabuwal.



Ayos ka lang ba? tanong nito sa nag-aalalang tono. Napatingin siya sa lalaki at tinitigan ang mga maiitim
nitong mata. Bigla siyang nakaramdam ng kasiyahan dahil minsan pa ay nasa mga bisig siyang muli ni Allen
at ramdam niya ang mainit nitong paghinga. Napatingin siya sa mapupula nitong mga labi at animo nag-
aanyang halikan niya ito, agad niyang ipiniling ang kanyang ulo para kalimutan ang isipin na iyon.

Masyado ka bang nabigla sa sinabi ko? nabanaag niyang may hinanakit ito sa tono ng boses nito.

Im sorry. Hindi kita kilala. Sino ka ba at kilala mo ba talaga ako? sa wakas ay may pagkakaton na din
siyang makapag tanong dito.

Sinabi ko na nga ba at hindi ka papayag. nabasag ang boses ni Allen na ikinabahala ni Clarisse.

H-hindi naman s-sa ganun. N-nagugulahan lang talaga ko. dahil sa frustration na nararamdaman ay halos
mapag rambol-rambol na niya ang mga gusto niyang sabihin. Tumawa lamang ng pagak si Allen ngunit
nahahalata niya ang kinukubli nitong sakit na nararamdaman. Hindi niya alam kung dapat ba siyang
maguilty o hindi. Unang-una ay hindi niya naman ito kilala.

Hindi mo ba talaga ko magagawang mahalin? Mahal na mahal kita kung alam mo lang. Ang kapatid ko ba
talaga ang mahal mo? lalo lamang naguluhan si Clarisse sa mga sinasabi ni Allen. Sinong kapatid?!



Tumingin siya sa kanyang paligid at nagulat na lamang ng malaman na sila na lamang ni Allen ang tao sa
bulwagan. Sa tingin niya ay binabangungot na siya. Kanina lamang ay nakapalibot sa kanilang dalawa ni
Allen ang mga nakakasiyahang panauhin.

Paanong nawala ang lahat? Nagsimula na siyang lukuban ng takot at gusto na niyang gumising sa inakala
niyang magandang panaginip. Sa isang iglap ay naging bangungot ang lahat.

Bigla na naman nakaramdam ng pagkahilo si Clarisse marahil na din dahil sa labis na kalituhan, napaupo
siya sa sahig dahil umiikot ang paningin niya. Nakita niya sa nanlalabong mga mata ang papalayong si Allen.
Gusto niya itong habulin ngunit hindi niya magawa dahil sa pagkahilo niya.



Unti-unti ay nagdilim na lang ang lahat.





Nurse. Nurse. napabalikwas ng bangon si Clarisse at napasapo sa noo kanyang noo. Muli ay nanaginip na
naman pala siya. Kahit papano ay masaya pa din siya dahil nagising na siya mula sa isang masamang
panaginip.

Allen. nasabi ko na lamang niya sa kanyang sarili.

Okay ka lang ba nurse? Binangungot ka ata. napalingon siya sa pinagmumulan ng boses. Isang gwapong
lalaki ang tumambad sa harap niya, nakasuot ito ng grey coat at dark blue necktie.



Her heart literally stopped beating. He stood a foot taller than her. His hair was slightly wavy, makapal at
mahahaba ang mga pilikmata nito, pamilyar ang maiitim niyang mga mata pero hindi niya maalala kung
saan at kanino niya ito nakita. She was lost in his gaze.



Bumababa na ba ang mga Greek God mula sa langit? Tanong niya sa kanyang sarili dahil akala mo nakakita
siya ng isang Demigod.



Nurse? hindi niya namalayan na kanina pa pala siya kinakausap ng lalaki. Napanganga na nga ata siya
dahil sa labis na pagka mangha sa lalaking nasa harap niya ngayon. Agad niyang inayos ang kanyang sarili at
bumaba na sa kama upang tumuwid ng tayo.

May kailangan po kayo Sir? Masama po ba ang pakiramdam nyo? agad niyang tanong sa lalaki upang
makabawi.

Hihingi sana ko ng gamot pero nakita kitang natutulog, aalis na sana ko ng marinig kitang umuungol.
Binabangungot ka. sabi nito sa malalim na boses. Pilit niyang inaalala kung saan nga ba niya narinig ang
baritonong boses nito ngunit nuli ay hindi niya ito matandaan.

P-pasensya na, plano ko lang talaga ang umidlip. nakayuko niyang sabi. Hindi niya gugustuhin ang
mawalan ng trabaho. Hindi niya gustong bumalik pa sa kanilang probinsya.

Nah. Its okay. Just make sure na hindi ka matutulog ng saktong alas dose. mabilis na napaangat ng tingin
si Clarisse ngunit palabas na ng pinto ang lalaki. Gusto sana niyang itanong kung bakit ngunit nakaalis na ito
at hindi na niya magawang habulin dahil sa pagtataka.



Naiwan na lamang siyang naguguluhan.



Kabanata 3



Halos dinaig pa ata ni Clarisse ang bangag sa sobrang pagkapuyat. Nais na niyang magpasuri sa doktor dahil
kung anu-ano ng hallucunations ang nakikita niya. Hanggang ngayon ay itinatanong pa din niya ang
kanyang sarili kung bakit hindi maaaring matulog ng saktong alas-dose. Kung sakaling nananakot lamang
ang lalaking iyon ay kinikilabutan siya lalo pa at ilang gabi na din siyang binabangungot.

Kanino nga ba siya dapat humingi ng tulong? Sa isang ispiritista? Ngunit patay na nga ba si Allen?



Huy!

Ay Allen! napaigtad siya ng kalabitin siya ni Maribeth sa kanyang balikat.

Oy! Sinong Allen yan? May boyfriend ka no no! inirapan na lamang niya si Maribeth dahil nagulat siya
dito ng husto.

Baliw!

Ang gwapo daw ng bagong general manager ng airport kaya if I were you magpaganda ka dahil
sasalubungin ang pagdating nya. nagsimula na naman maglandi ang kanyang kaibigan. Wala naman siyang
hilig sa mga gwapo. Tatlong taon na ang nakalipas noong huli siyang nagkaroon ng nobyo.



Day off dapat ni Clarisse ngunit dahil sa pagdating ng bagong General Manager ay napilitan siyang pumasok,
naisip din niyang wala naman siyang gagawin sa kanyang apartment kundi ang matulog. Hindi naman siya
madalas umuwi sa kanilang probinsya.

Inayos na niya ang kanyang uniporme at sabay na silang lumabas ng clinic ni Maribeth upang magtungo sa
entrance ng airport kung saan nakahilera ang lahat ng empleyado ng naturang airport. Dahil huli silang
dumating ni Beth ay sa hulihan sila nakapwesto. Napanganga na lang siya ng makita ang red carpet na
nakalatag sa entrance. Ganito ba kagwapo ang General Manager? Tanong niya sa kanyang sarili.

Maya-maya pa ay nagsi-ayos na ang lahat dahil sa humintong limousine.

May isang lalaki ang bumaba ng limousine. Nakasuot ito ng itim na Americana.Nakasuot din ito ng
sunglasses. Spell H-O-T. Literal na napanganga ang lahat. Makikita mo ang pagiging powerful ng personality
ng lalaking parating, sa bawat hakbang niya na puno ng confidence. Akala mo model ng isang mamahaling
brand ng damit kung maglakad ang General Manager.

Mabilis na namang naghabulan ang tibok ng puso niya, ang huli niyang pagkakatanda ay ganito din ang
pagtibok ng puso niya noong una niyang makaharap si Allen sa panaginip niya gayundin sa lalaking
gumising sa kanya sa katotohanan.

Parang pag-aari nito ang buong mundo sa paglalakad nito. Diretso lamang ang tingin nito kahit binabati ito
ng mga tao sa paligid nito. Pigil ang hininga ni Clarisse ng madaanan siya nito buong pa-aakala niya ay
makakahinga na siya ng maluwang ngunit nagulat na lamang siya ng huminto ito sa tapat niya at tumingin
sa direksyon niya. Hindi niya makita ang mata ng lalaki dahil sa suot nitong shades ngunit ramdam niya ang
mga titig nito. Halos mapapugto ang kanyang hininga ng hawakan nito ang kanyang nameplate at iayos.
Paling pala ang kabit ng kanyang nameplate dahil na din siguro sa kanyang pagmamadali kanina.



Dapat laging nakaayos ang nameplate, ito ang reflection sa pangalan ng airport. he said in a deep husky
voice.

Maliwanag ba Miss Lonzaga?

Y-yes Sir.



Sa nanlalaking mga mata ay nagulat na lamang siya sa mukha ng lalaking nasa harapan niya lalo na ng alisin
nito ang suot nitong shades. Sa sobrang bilis ng tibok ng puso niya at pinagpawisan na siya ng malamig at
unti-unting nagdilim ang kanyang paningin.



Naramdaman na lamang niya ang mga brasong sumalo sa kanya.



Kabanata 4



Nagising si Clarisse sa isang hindi pamilyar na lugar. Sa isang opisina. Nakahiga siya sa isang sofa, at nakita
niya ang pamilyar na bulto ng isang lalaki na kasalukuyang nakatalikod mula sa kanya at nakamasid sa may
bintana.

Nang mapansin nito ang pagkilos niya ay lumingon ito sa kanya, napasinghap na naman siya sa
kagwapuhan na tumambad sa kanya.



Gising ka na pala. Okay ka na? sabi nito habang nakangiti sa kanya. Bigla na lamang gumaan ang
pakiramdam niya ng ngumiti ito sa kanya, para bang nakapagpapagaan ng mood ang bawat ngiti nito.

Ikaw? Ikaw yung kagabi. Salamat nga pala. mahina niyang sabi. Nakita niyang nangunot ang noo nito na
animo nagtataka sa mga sinasabi ng dalaga.

Anong meron kagabi?

Hindi mo matandaan? Ginising mo ko nung binabangungot ako. narinig niya ang pagtawa nito ngunit
pagak lamang iyon. Imposibleng hindi siya makilala nito dahil naka-uniporme naman siya kagabi.

Sorry Miss pero hindi ko alam yang sinasabi mo. Pagod akong nakahiga sa kama kagabi kasama ang isang
napaka seksing babae. nanlaki ang mga mata niya sa mga sinabi nito.

Siguro puyat ka lang kaya ka hinimatay. Tulog ka pa. naningkit ang mga mata ng dalaga ng tumawa na
naman ito. Hindi niya alam kung ano ang nakakatawa at bakit pinagtitripan siya nito.

Ano ba ang nakakatawa? Nandito ka kaya kagabi! naiinis na din siya dahil sa patuloy nitong pagtawa.
Mataray niya itong tinanong.

Woahhh! Woahhh! Oy Miss alam ko na yang mga ganyang technique. Gasgas na yan. He said in amused
tone then he laughed again. Nagsimula na talaga siyang mainis lalo pa sa kayabangan ng lalaking nasa
harapan niya.

Hoy! Hindi kita type no! naisip na lamang ni Clarisse na may sakit itong limot ngunit gayun pa man ay
hindi niya mapigilan mainis dahil sa kahambugan nito.

Wala akong sinasabi. binigyan siya nito ng nakakalokong ngiti ngunit inirapan lamang niya ito.

Ang angas ah. naipaypay na lamang ni Clarisse ang kanyang kamay sa kanya dahil sa labis na inis.

Type mo siguro ko? Defensive. Hmmm..... Aha! he snapped at ngumiti.

Nilapitan lang kita kanina hinimatay ka na agad? Ganun pala talaga ko kagwapo at ma-appeal. Tsk.
napanganga na lamang siya at nasapo ang noo.

I cant believe this. she said.

Oh talaga? Ako man. Masyado ata akong naging humble kaya ngayon ko lang na-realize na sobrang
gwapo ko pala. Thanks to you. he winked at her at siya naman ay napatawa na lamang.

Wow! yun na lamang ang nasabi niya at tumayon na siya para iwan ang baliw na lalaking iyon. Bago pa
siya makalabas ng opisina nito ay narinig niya ang paghagalpak ng tawa nito kaya naman isinarado niya ang
pinto ng padabog.

Ang hangin! Kagabi lang napaka snob tapos all of a sudden naging baliw! pakiramdam ni Clarisse ay
nababaliw na din siya dahil kinakausap na niya ang sarili niya ng malakas.



Hindi malaman ni Clarisse tuloy kung bilog nga lang ba ang buwan kagabi kaya naman ganoon ang kayang
bagong boss. Bumalik na lamang siya sa clinic at naabutan si Maribeth na mukhang kanina pa sa kanya
naghihintay.



Oh gising ka na pala. Ano ba yung drama mo kanina teh? tinignan lamang niya ng masama si Maribeth.
Naupo na lamang siya sa hospital bed. Pamilyar talaga sa kanya yung boses ng bagong GM. Ganoon din ang
pakiramdam niya noong una silang magkita ni Allen.

Oy!

Ay Allen! halos mapatalon siya sa gulat ng tawagin siya ni Maribeth na mukhang kanina pa siya
kinakausap.

Sino ba yung lintek na Allen nay an ha? Kanina pa yan.

Ang daldal mo. Alam mo ba yon?

Pero girl grabe ang hot ni Sir nung kinarga ka nya. Infairness naman pala may chemistry kayo! kilig na tili
ni Beth. Hindi na lamang niya pinansin ang kaibigan at nagsimula na lamang ayusin ang kanilang annual
reports.

Sobrang gwapo! Sana ako na lang yung nilapitan nya, malamang mahimatay man ako. Tengene lang
Clarisse!

Hoy! Manahimik ka nga dyan kita mong nasa trabaho tayo. Mga salita mo naman.

Sus yaan mo na. Puro naman foreigner ang napapadaan dito malay ba nila. hindi na niya pinansin at
kaibigan dahil alam niyang hindi ito titigil sa pagdaldal.



Maghahating gabi na ng matapos niyang lahat ng dapat gawin, mag-isa lamang siya ngayon sa llob ng clinic
dahil lumabas si Maribeth upang bumili ng kape. Tumingin siya sa kanyang relos at nakitang 11:55 na ng
gabi. Naalala na naman niya ang sinabi sa kanya ng kanilang GM noong nagdaang gabi na huwag matutulog
ng sakto alas dose.

Wag na wag kang matutulog ng sakto alas dose



Naisip niya na baka pinagtitripan na naman siya nito tulad ng ginawa nito sa kanya kanina lamang ay hindi
totoo ang lahat ng sinabi nito sa kanya noong isang gabi. Wala naman siyang magagawa kung dinalaw siya
ng antok ng mga oras na iyon. Idinukmo na lamang niya ang kanyang ulo sa table at pumikit na.

Naramdaman na naman niya ang pagbigat ng katawan niya. Alam na niya ang mangyayari.

Nakatayo siya at nag-iisa sa bulwagan. Hindi malaman ni Clarisse kung saan siya pupunta. Ang
pagkakatanda niya at nagsasayaw sila ni Allen ng bigla na lamang itong bumitaw sa kanya at lumakad
palayo mula sa kanya. nakita niya sa mga itim nitong mata ang pinaghalong sakit at poot. Agad siyang
pinanlamigan sa isiping iyon.

Nagpalinga-linga siya sa paligid ngunit wala ni isang tao. Naramdaman niya ang isang kamay na humawak
sa kanyang braso, agad siyang napaharap sa taong iyon. Nagtaka siya kung paanong napunta si Allen sa
kanyang likuran. Lumingon siya sa kanyang likod kung saan huling dumaan si Allen at muling humarap sa
lalaking nasa harapan niya na ngayon ay nakangiti. Parehas sila ng suot na maskara pati na din ang bulto ng
katawan ngunit hindi sa kasuotan nito. Imbes na itim ay puti ang suot nitong tuxedo.



Allen? nagtatakang tanong ni Clarisse sa lalaki ngunit umiling lamang ito at hinaplos ang kanyang mukha.



Ako si Aaron. Ang lalaking mahal mo.
Kabanata 5



That was a weird dream.

Nagising si Aaron mula sa kanyang pagkakatulog, ilang gabi na din niyang napapaginipana ang kanyang
kapatid na si Allen. Tahimik na lamang niyang minura ang kaptid. Bakit hindi na lang ito manahimik kung
saan man itong lupalop napunta?! Naiinis na tanong ni Aaron sa kanyang sarili



"Ako si Aaron ang lalaking mahal mo" umaalingawngaw sa kanyang isipan ang kanyang mga sinabi sa
babaeng nakaputing maskara. Sino na ang babaeng iyon sa kanyang panaginip? Nitong mga nakaraang gabi
ay nagiging weird na ang kanyang mga panaginip hindi niya tuloy malaman kung sa labis ba niyang pagod
sa trabaho o dahil sa stress.



Sa tuwing maiiglip siya ay napapaginipan niya na siya ay nasa isang bulwagan, actually iyon ang bulwagan
sa kanilang ancestral house sa Bulacan na kung tawagin ay Casa de Rojo dahil halos kulay dugo ang pintura
ng buong kabahayan. Ayon sa kanyang panaginip ay nakatayo daw siya sa may veranda habang
pinapanood ang kanyang kapatid na si Allen na nakikipagsayaw sa isang babae.

Nagtataka siya dahil parang nakaramdam siya ng selos habang pinapanood niya ang kanyang kapatid at
ang misteryosang babae na natatabingan ng puting maskara.

Gusto niyang kontrolin ang kanyang panaginip ng sa gayon ay tatanggalin niya ang maskara ng babae.
Gusto niyang makita ang mukha nito sa likod ng maskara nito.



Siya si Aaron Reyes, isang piloto at General Manager ng isang kilalang Airline. Pangalawang anak sa pamilya.
Ang totoo hindi naman talaga siya ang dapat na General Manager ngunit wala siyang magagawa. Ang
kanyang kakambal na si Allen ang dapat na General Manager ngayon. Hindi niya ginusto ang buhay na iyon.
Noon pa man ay pangarap na niya ang maging isang jet fighter at dahil sa kahibangan ng kanyang kapatid
ay na-stuck siya sa apat na sulok ng isang boring na opisina.

Naalala niya ang babaeng nakilala niya kanina. Ngumiti siya ng muling maisip ang weird na babae na iyon.
Marahil ay may gusto iyon sa kanya dahil malabo namang makita siya nito noong nakaraang gabi dahil nasa
piling siya ng isang Magdalena ng mga panahon na iyon. Bigla siyang nacurious sa babaeng iyon na napag-
alaman niyang si Clarisse Lonzaga isang company nurse sa airline nila. Parang pamilyar ito sa kanya ngunit
dahil sa dami ng mga babaeng nakilala niya ay alam niyang hindi na niya ito matatandaan.

Ang natatandaan niya ay nag-aayos siya ng mga papeles sa kanyang lamesa ng makaidlip siya. Hindi niya
namalayan na alas tres na pala ng madaling araw ng magising siya.

Pumunta na lamang siya sa isang counter kung saan nakalagay ang mga wine at brandy. Kumuha siya ng
isang baso at nagsalin ng alak. Unti-unti ay sinimsim niya ang alak habang iniisip kung bakit ganoon ka-
weird ang panaginip niya. Nagdulot ng kapayapaan sa kanya ang pag-inom ng brandy habang nag-iisip.





Ganun pa din ba kalaki ang galit sa kanya ni Allen hanggang ngayon ay dinadala nito ang issue na
namagitan sa kanila tatlong taon na ang nakakaraan? Iyon ang katanungang nakabitin sa kanyang isipan.
Hindi na nga niya naiisip ang tungkol sa bagay na iyon. Matagal na itong tapos at pilit na niya itong
kinalimutan ngunit bakit nagbabalik na naman ito?



Napaka makasarili talaga ng kanyang kakambal na si Allen.



Kabanata 6



Nagising na naman si Clarisse mula sa weird na panaginip. WTH is gong on?! May Allen na nga may Aaron
pa?! Naguguluhang tanong ni Clarisse. Nababaliw na ata siya. Hindi niya kilala si Allen at mas lalong hindi
niya kilala si Aaron na ngayon naman ay sinasabing siya ang mahal niya.

Bumangon si Clarisse ng kama upang sumandal sa headboard, ginulo-gulo niya ang kanyang buhok na halos
sabunutan na rin niya ang kanyang sarili dahil sa labis na pagkalito. Natatakot na din siya sa mga
nangyayari, para sa kanya hindi na normal ang mga napapaginipan niya lalo pa't nagtutuloy lang ang
kanyang naudlot na panaginip. Hindi na niya gusto pang isipin kung anuman ang maaaring mangyari sa
susunod niyang panaginip.

Una nariyan si Allen na sinasabing siya ang nararapat niyang pakasalan ngunit ngayon naman ay may
nagpakilala sakanya na Aaron at nagsasabing siya ang mahal niya. Kailanman sa buhay niya ay wala pa
siyang nakikilalang Allen man o isang Aaron.

Humiga na ulit siya sa kama ngunit alas-tres na rin pala ng madaling araw at alam niya na hindi na rin siya
makakatulog pang muli. She decided to take a bath at gumayak na rin. Mabuti na rin ang maaga siyang
pumasok sa trabaho bago pa siya masita ng bagong General Manager.

Bandang alas-kwatro na ng lumabas na siya ng kanyang apartment. Pasakay na sana siya sa kanyang kotse
ng mapansin ang isang bulto ng lalaki na nakatayo sa labas ng kanyang gate. Sino naman kaya ang lalaking
iyo? Tumatambay lang ba ito? Tanong niya sa kanyang sarili. Ipinasok muna niya ang kanyang bag sa loob
ng kotse at lumapit sa lalaking nakasandal sa gate niya. Dahil madaling araw pa lamang ay kalat pa ang
dilim sa labas at hindi man lamang matanglawan ng liwanag ng ilaw sa katapat na poste ang mukha ng
lalaki.



"Kuya may kailangan po kayo? Tindero po ba kayo ng dyaryo? ahmmm ng balot? puto?" bubuksan na niya
sana ang gate ngunit naisip niya na baka magnanakaw ito kaya naman dumistansya siya ng kaunti mula rito.

"Uy kuya?" tawag niyang muli sa lalaki ngunit hindi man lang ito natinag mula sa kinatatayuan nito.

"Hindi mo ba talaga ko magagawang mahalin Clarisse?" nanlaki ang mga mata ni Clarisse sa pamilyar na
boses na narinig niya. Nanghihintakutan siyang napahawak ng mahigpit sa gate, tanging rehas lamang ng
gate ang distansya nila. Panaginip pa din ba ito?

"S-sino ka? Humarap ka sa akin." gusto niya itong makita ngunit naroon pa rin ang takot at agam-agam sa
kanya.

"Allen ikaw ba yan? Totoo ka ba talaga?" sinubukan niyang hawakan si Allen upang mapatunayan sa sarili
kung totoo nga ba siya o kathang isip lamang niya ito ngunit hindi niya nagawa dahil nagsimula na itong
maglakad palayo. Iilang metro pa lang itong nakakalayo ng huminto sa paglalakad.

"Minahal kita Clarisse pero bakit si Aaron pa?" at sa isang kisap mata ay naglaho na lamang ito na parang
bula samantalang siya naman ay napaupo dahil sa pinagsamang takot, pagkalito at pagkabigla sa nangyari.
Alam niya at sigurado siya na hindi ito panaginip at nakausap niya talaga ito. Nang makabawi ay agad
niyang binuksan ang gate at tumakbo sa kotse niya at pinaharurot ito papuntang airport. Nanginginig ang
mga kamay niya habang nagmamaneho.



Nakarating si Clarisse sa airport na humahangos kailangan niyang makita si Beth dahil mababaliw na siya
kung wala man siyang mapagsabihan nito. Sa pagtakbo niya ay hindi niya namalayan na may kasalubong
pala siya kaya naman nabunggo niya ito



"S-sorry! Sorry! Ikaw?!"

"Oh anong ginagawa mo dito? Ang aga pa ah?" bigla na lamang nawala ang takot niya at agad napalitan ng
inis dahil si GM lang naman ang nabunggo niya. Pakiramdam niya ay agad na umakyat ang dugo niya sa ulo
niya. Hanggang ngayon ay hindi pa din niya makalimutan ang kahihiyan na inabot niya rito.

"Bakit ikaw ang aga mo? Masamang pumasok ng maaga?"

"Hindi naman!" tatayo na sana si Clarisse ng pigilan siya ni Aaron.

"Oy samahan mo muna ko, ang dilim pa kaya dito sa office area." maraming tao sa airport ngunit dahil sa
office area siya nadaan ay wala pang halos tao dito. Alas siyete pa kasi ang bukas ng offices sa airport
ngunit bente kwatro oras ang operasyon.

"Natatakot ka ba? Like hello! Tumambay ka kaya sa mismong airport matao dun." inirapan na lamang niya
ito habang pareho pa din silang nakaupo sa sahig habang kapwa sapo ang kanilang mga ulo.
Ayoko nga! Tara sama ko sa clinic niyo." hinigit na lang siya nito bigla patayo, parang takot na takot ito
dahil nanlalamig ang kamay nito.

"GM okay ka lang? Naduduwag ka ba?"

"At sinong duwag ha? Yelohan mo 'tong ulo ko at sumakit!" gusto niyang matawa sa reaksyon nito. Alam
niyang natatakot ito dahil nangangatal pa ang bibig nito habang nasalita. Nakakita siguro ito ng multo sa
opisina kaya naman naduwag.



Nang makarating sa loob ng clinic sumalubong sa kanila si Beth at halos mapatili ito sa nakita. Sino nga
bang hindi magugulat kung kasama niyang papasok sa loob ng clinic ang General Manager ng airport.



"G-GM? Anong ginagawa nyo dito sa ganitong oras? Saka Clarisse bakit ang aga mo ata? 7am ang duty mo
diba?" halos mabulol na si Beth sa labis na gulat at hindi na niya kailangan pang hulaan ang susunod na
sasabihin ng kaibigan.

"Girl! Pano mo nahigit dito yan? nalaglag panty ko 'te!" bulong sa kanya ni Maribeth. Tinignan na lamang
niya si GM na magkasalubong ang mga kilay. Marahil ay nagtataka ito kung ano man ang pinagbubulungan
nila.

"Ay Beth kuha ka pala ng cold compress."

"Bakit?"

"Nabukulan kasi si GM." pang-aasar na sabi ni Clarisse habang nakatingin sa General Manager nila.

"Nabukulan ka dyan! Bukulan kaya kita?! Wag na! Makikitulog na lang ako dito." walang sabi-sabing nahiga
ito sa hospital bed.

"Gisingin mo ko pag 7am na ah at hep! wag mo kong rereypin!" natatawa nitong sabi bago pumikit.

"Hayaan mo Sir ako na lang rereyp sayo!" kinikilig na sabi ni Beth, umiling na lamang si Aaron at natulog na.
Bigla na lamang hinila ni Beth si Clarisse.

"Pigilan mo ang hypothalamus ko Clarisse! rereypin ko talaga yan! Shet napaka gwapo naman! Tignan mo
oh!"

"Baliw ka talaga." tumingin siya sa kasalukuyang natutulog na si Aaron. Lumapit siya rito at pinagmasdan
ang mapupulang mga labi nito. Pamilyar ito sa kanya ngunit hindi niya ito matandaan.



Sa kabilang dako ay rinig ni Aaron ang pag-uusap ng magkaibigan. Nagkukunwari lamang siyang tulog
upang matahimik na ang maingay na kaibigan ni Clarisse. Balak na sana niyang sitahin ito dahil sa ingay nito
ng maramdaman niya na may tumabi sa kanya. Nakaramdam siya ng pagkailang dahil nanunuot sa kanya
ang pagtitig ng babae sa kanya. Hindi na niya kailangan pang dumilat upang siguraduhin kung sino ang nasa
tabi niya. Tanda niya ang amoy ito at sa paraan ng pagtitig nito sa kanya ay hindi na niya napigilan ang sarili
niya.





He kissed her.

Kabanata 7



Nanlalaki ang mga mata ni Clarisse ng mapalayo siya kay Aaron at nang makita niya ang nakakaloko nitong
ngiti ay saka pa lamang sumagi sa kanyang isip ang ginawa nito sa kanya. He kissed her for Pete's Sake!
Matagal na niyang hindi naramdaman ang simpleng physical contact na ganoon.



"Hinalikan ni GM si Clarisse?!! O-M-G!!" tili ni Beth habang lumalabas ito ng clinic. Mabilis naman siyang
nakabawi at hinarap ang..Argh!! Ang manyak na iyon na kasalukuyang nakabangon na sa kama at nasa
mukha nito na pang-aasar na nagsasabing 'nice one'

"Alam ko naman na gusto mo akong halikan eh, dahil likas naman akong maginoo at mapagbigay naman
ako, ako na mismo ang humalik sayo. Nagustuhan mo ba?!" kumindat pa ito at halatang nag-aasar pa din.
Nag-init ang kanyang ulo dahil sa labis nitong kahambugan.

"Alam mo pagkatapos nitong gagawin ko sayo makakaalis na ko dito sa airport MO! Napakayabang mo!"

"Bakit ba ang pakipot mo? Simula pa lang naman gusto mo na ko." hindi pa din nawawala ang ngisi ni
Aaron kaya naman nainis na ng husto si Clarisse. Agad niyang hinawakan kung ano man ang unang bagay
na mahahagilap ng kanyang kamay. Nahawakan ng kamay niya ang isang vase na naka-display sa bedside
table. Agad niya itong iniangat at iniharap sa lalaki.

"Hoy ano yang gagawin mo?! Ako General Manager dito! P-pwede kitang patalsikin!"

"Anong pakialam ng hypothalamus ko?! Lagot ka sakin! Ang kapal ng mukha mo!" unti-unti siyang lumapit
sa lalaki habang patuloy din ito sa pag-atras.

"Magagawa ko ba eh sa ang gwapo ko?! Bakit may nakita ka na bang mas gagwapo pa sa boss mo?"

"Para sabihin ko sayo pinag-aagawan lang naman ako ng dalawang lalaki." gusto na lamang niya matawa sa
kanyang sinabi. Ang tinitukoy niya ay si Allen at Aaron na pinag-aagawan siya sa kanyang panaginip. Half-
truth naman iyon kaya hindi na masama.



Nakalapit na siya sa kanya dahil wala na naman mauurungan pa si Aaron dahil napasandal na ito sa
dingding. Bigla na lamang naghina yung electricity at tuluyang nagdilim ang lahat. Dahil sa takot ay
nabitawan ni Clarisse ang vase at napakapit kay GM.



"@!?%#&" nagulat na lamang siya ng nagmura ng malakas si GM at kung kanina ay siya lang ang nakakapit
ngayon napahawak ito ng mahigpit sa kanyang baywang. Ramdam niya kung gaano sila kalapit sa isa't-isa

"Ang sakit! Bumagsak sa paa ko yung vase." he hissed. Masyado na siyang nadadala sa lapit kanilang
distansya, nakaramdam na siya ng pagkailang ng maalala na nakakapit ito sa kanyang baywang. Agad
siyang lumayo rito.

"S-sandali hahanapin ko lang yung penlight ko."

"Dumudugo ata yung paa ko. Ang sakit!! Bakit mo naman kasi binitawan." bigla na lamang siya nitong
hinaklit sa kanyang braso na naging dahilan upang mapayakap siya rito.

"Oy chansing na ata yan boss."

"Baliw. Di ako makalakad. Alalayan mo ko." kapwa sila nangangapa sa dilim ng paupuin niya ito sa kama.

"Kailangan ko ng magsindi ng kandila para magamot ko yang sugat mo." aalis na sana siya upang maghanap
ng gamot ng marinig niya ang pagbukas ng pinto kasabay nito ang pagliwanag ng kapaligiran.

"Grabe! Ang gagwapo talaga ng mga flight attendant dito damay mo na ikaw Boss!" ganoon na lamang ang
pagtataka ni Clarisse ng masaya pa si Beth na pumasok sa loob ng clinic.

"Nag black out diba?"

"Asa ka naman mag black out dito. Airport 'to teh."



Nanlaki ang mga mata niya ng maisip na may punto nga naman si Beth. Sa ganito kahalagang operasyon
imposibleng mag black out na lamang bigla at kung mangyari man ay mabilis na bubuksan ang generator
dahil kung mawawalan ng kuryente ng matagal ay hindi gagana ang radar at monitor na nagsisilbing guide
ng mga piloto sa tuwing umaalis sila. Napakaliit nga naman ng tiyansa na mawalan ng kuryente sa isang
airport.





Nagkatinginan na lamang sila ni Aaron na kapwa nagtataka.



Kabanata 8



Kasalukuyang ginagamot ni Clarisse ang nasugatang paa ni General Manager na walang lubay sa paninisi
kung bakit nasugatan ito. Habang ginagamot niya ito ay wala din lubay ang pagrereklamo nito na animo
ayaw nahahawakan ng kung sino ang katawan nito.



"Kasalanan mo 'to eh! Pag ako talaga di nakalakad malalagot ka sakin. Ikaw magiging paa ko tandaan mo
yan." angil ni General Manager kaya naman diniinan na niya ang paglalagay ng betadine sa sugat nito.
Kasalanan din nito kung bakit niya nagawa iyon magpasalamat na lamang ito na hindi niya naipukpok rito
ang vase.

"Alam mo ang bading mo din. Sa paa lang yang sugat mo malayo sa bituka!"

"Eh pano na yung babae kong iuuwi sa pad mamayang gabi? Edi hindi ako nakakilos ng maayos habang
nagsesex kami!" umiling na lamang siya.

"Kung makapagsalita ka naman akala mo katapusan na ng sex life mo. Umayos ka nga o gusto mo
maimpeksyon 'tong sugat mo?!" itinuon na lamang niya ang kanyang atensyon bago pa tuluyang mainis na
naman siya sa lalaking ito.

"Ouch! Dahan dahanin mo naman. Peste di pa kaya bukas yung opisina?"

"Malamang hindi pa mag 6am pa lang kaya. Ang duwag mo naman." komento ni Clarisse.



Ang totoo ay pati siya ay duwag. Natatakot pa din talaga siya sa kanyang nakita kanina. Napaparanoid na
siguro siya para isiping may isang tao o multo na nakamasid lang sa kanya, natatakot na siya kay Allen na
hindi naman niya alam kung ano ba ang gusto nitong iparating. Sino ba talaga siya? Kung dati sa panaginip
lang niya ito nakikita ngayon naman ay maski sa realidad na. Para bang sa bawat paggalaw niya ay nandoon
lamang sa isang sulok si Allen at nagmamasid.

Masyado nga lang ba niyang ginagamit ang kanyang imahinasyon o sadyang may mga bagay na hindi
kayang ipaliwanag ng iba?



"Makapag day off na nga lang para naman marelax ako. Lately kung anu-ano na yung nakikita ko eh maski
yung kapatid kong matagal ng patay nakikita ko pa. Tangnang yun! Di pa manahimik sa kung san man syang
lugar napunta." hindi malaman ni Clarisse kung siya ba ang kinakausap ni Aaron o ang sarili nito.



Nang matapos ay naghugas siya ng kamay at tumabi dito. Mukhang malalim ang iniisip ng mokong na'to
ah?! Sabi niya sa sarili. Ngayon lamang niya napansin ang mukha nito dahil puro kayabangan lamang nito
ang kanyang napapansin. Napaka gwapo nito.



"Patay na nga yang kapatid mo minumura mo pa. Kawawa naman yung patay." komento na lamang niya.

"Dapat lang sa kanya yon no." napalingon siya rito. Sa isang iglap ay naging close na lamang sila bigla dahil
nagkkwento ito tungkol sa nakaraan nito ngunit hindi naman siya nagtatanong.

"Alam mo ba yung Casa de Rojo? somewhere in Bulacan?" biglang tanong nito sa kanya na wala naman sa
topic nila kanina.

"Oo naman. Taga Bulacan ako." saad ni Clarisse. Doon siya lumaki kasama ang lolo at lola niya. Bata pa
lamang siya ng mamatay ang kanyang mga magulang mula sa isang aksidente.

"Oh talaga?!! Taga doon din ang parents ko. Yung Casa de Rojo yun yung ancestral house namin. San ka sa
Bulacan?" pagtatanong nito na kikitaan mo ng excitement matapos malaman na magkamukha sila ng
probinsya.

"Taga Malolos ako eh. Kayo ba?" mas mabuti na din pala ang nag-uusap sila ng ganito ng General Manager
kaysa palagi silang nag-aaway at nag-iinisan.

"San Ildefonso. Pero alam mo yung Casa de Rojo?"

"Oo naman. Sikat yun eh bilang Bahay na Pula pero how come na naging haunted house na yun eh
ancestral house nyo pala? Madami ba talagang multo sa masyon na yon?" pagtatanong niya rito na puno
ng kuryosidad.



Bigla na lamang itong nanahimik. Na-offend niya ba ito? Hindi kaya sabi-sabi lamang iyon ng mga
matatanda upang takutin ang maga bata besides wala pa naman talagang napupunta doon dahil isa iyong
private property.



"Naku GM pasensya na kalimutan mo na lang yung tanong ko. Haha. Alam mo na may kalumaan na kasi
yun mga kwentong tsismis lang ng matatanda." tumawa na lamang siya ng pagak.

"OO madaming multo dun. Multo ng nakaraan." muli ay napalingon siya rito at makikita mo sa mukha nito
na may malalim itong iniisip, animo sariwa pa rito ang mga pahayag.

"M-multo ng nakaraan?" nalilito niyang tanong.

"Ah! Wala! Ang dami ko ng nasasabi sayo. Makaalis na nga mag 6:30 na din pala ng umaga. Sige! Salamat
sa tulong Ms. Clarisse." tumayo na ito at lumakad paika-ika palabas ng clinic.



Tumayo na din siya para sana tulungan itong maglakad ngunit ng nasa pinto na ito ay bigla itong lumingon
paharap sa kanya. May bahid ng hinanakit at sakit ang nababanaag niya sa mga mata ni GM. Hindi niya
mapangalanan ang nararamdaman niya ngunit parang naninikip ang dibdib niya sa paghihirap na
nararanasan nito ngayon. May mali ba sa mga nasabi niya? Bakit bigla na lang nag-iba ang pakikitungo nito?



"Alam mo naalala ko sayo yung babaeng laging nakkwento ng kapatid ko. Sa mga kwento nyang iyon kaya
minahal ko ang babaeng iyon kahit hindi ko pa ito nasisilayan. Sige wag mo na lang ako pansinin. Bye."
tumalikod na ito at naglakad ng nakapamulsa kung sa ibang sitwasyon ay matatawa pa siya dahil sa pag-ika
nito ngunit hindi.



Kabanata 9

Ilang gabi na din ang nakakalipas at hindi na napapaginipan ni Clarisse si Allen, pinili na niya ang morning
shift para naman hindi siya inaabot ng hating gabi sa pagtulog ang problema nga lang ay si GM ay nawiwili
na sa pagtambay sa loob ng clinic. Lagi na lamang itong nakikitulog sa clinic, hindi lang niya alam kung
tinatamad lang ba itong magtrabaho o hindi.

Mag-isa lamang siya sa clinic kasama si GM na nakatambay na naman upang asarin na naman siya.



"Lakasan mo nga yung aircon." utos sa kanya ni Aaron.

"Alam mo Sir bakit di ka na lang bumalik sa opisina mo? Baka hinahanap ka na ng sekretarya mo."

"Eh ayoko nga kasi sabi dun. Ang boring dun!" inayos pa ni GM ang pagkakahiga nito kaya naman nainis
siya.

"Kung mag-ikot ka na lang kaya sa airport. Madaming stewardess dyan na magaganda't sexy dun ka na
lang." hindi naman sa pinapaalis niya ito ngunit gusto lamang niya na naaasar ito.

Wag mo kasi kong pansinin dito. Lagot ka sakin pag nawala antok ko. balak na sana niya itong batukan
ngunit nagtakip lang ito ng unan.

Diinan ko kaya yang unan sa mukha mo tignan ko lang kung magising ka pa. bulong niya sa kanyang sarili
at naupo na lamang sa tabi nito.



Nagulat si Clarisse ng tumunog ang kanyang cellphone. Tumatawag ang kanyang lola. Tumatawag lamang
ito pag may kailangan o kaya naman ay maisipan mangamusta. May nangyari kaya?



"Hello lola? Napatawag ka?"

"APOOOOO!!" halos mabasag ata ang kanyang tenga sa pagsigaw ng kanyang lola. Nakalimutan nga pala
niyang bingi ang kanyang lola kaya naman lagi itong nakasigaw.

"Bakit po lola?' tanong niya sa kanyang lola.

"Aba'y hindi ka man lang ba uuwi dito sa probinsya? Dyan ka na ba titira at hindi ka na nadalaw dito."

"Susubukan ko po by next week lola."

"Dapat lang hija! Aba'y gusto mo bang magtampo sayo ang nobyo mo ha?" natahimik siya sa sinabi nito.
Ngayon lang niya naalala na malapit na nga pala ang araw na iyon. Muntikan na niyang hindi maalala ito
dahil sa pagka-distract kay Allen.



Naramdaman na naman niya ang kirot sa kanyang puso. Akala niya ay nakalimot na siya ngunit hindi pa din
talaga. Parang isang bangungot ang lahat na iyon. Kahit tatlong taon na ang nakakaraan hindi pa din niya
magawang mag move on.



"Hija andyan ka pa ba?" singit ng lola niya na siyang nagpabalik sa kanya ng realidad.

"Sige ho. Uuwi ako next week lola." sabi niya sa kanyang lola sa matamlay na boses.



Hindi na niya nais pang bumalik sa lugar na iyon na siyang naging dahilan kung bakit nagbago ang buhay
niya. Hanggang ngayon ay galit pa rin siya sa taong dahilan kung bakit namatay ang ang pinakamamahal
niyang lalaki. Kung gusto man ng taong iyon ang mamatay ay sana ay hindi na idinamay pa ang iba. Sana ito
na lamang mag-isa ang namatay! Bakit kailangan pang may madamay?! Bakit hindi na lang din siya ang
namatay?!

Hindi niya namalayan na umiiyak na pala siya, hindi niya mapigilan ang maiyak sa tuwing naaalala ang araw
na iyon. Ang araw na nasira ang langa ng plano niya. Ang lahat ng pangarap na binuo nila ng sabay.

Napaangat ang mukha niya ng maramdaman ang kamay na tumatapik sa balikat niya. Si General Manager
ang nagcocomfort sa kanya sa ganitong sitwasyon. Inabot niya ang panyo na ibinigay nito sa kanya at
pinunasan ang mga luha niya na walang hinto sa pag-alpas.



"May bad news ba?" kung sa ibang pagkatataon ay magtataka si Clarisse sa kaseryosohan ng composure
nito pero alam naman nito siguro kung kailan pwedeng mang-asar at magseryoso.

"Ah wala naman tumawag lang lola ko." sabi ni Clarisse habang nakatungo yung ulo niya habang ito naman
ay pilit na inihaharap ang mukha nito sa kanya.

"Gusto mo bang mag-leave? Umuwi ka muna sa inyo baka nagka emergency o ano pa man dun." sincere na
suhestiyon ni GM sa kanya. Tumayo na si Clarisse at pumasok sa loob ngunit nakasunod pa din ito sa kanya.
Naupo na lamang siya sa kama at bumuntong hininga.

"Uuwi ako next week sa Bulacan." naramdaman na naman niya ang kakaibang pakiramdam sa tuwing
nakakausap niya si Aaron. Komportable.



Sa kabilang dako ay nasisiyahan si Aaron sa tuwing mag-stay sa loob ng clinic, malamig na kasi ay maganda
pa ang nurse kahit na madalas pa siya nitong sungitan at tarayan. Masyado kasing boring sa loob ng
kanyang opisina at kasama pa niya ang matandang dalaga niyang sekretarya. Mas gugustuhin na lamang
niya ang tumalon sa building buti na lamang ay nakahanap siya ng maayos na tatambayan.
Maganda si Clarisse at sexy pa. Hindi naman iyon ang habol niya kung bakit lagi niyang ginugulo ito. Iba ang
pakiramdam niya sa tuwing kasama niya ito kahit pa madalas silang magbangayan ay nauuwi pa din sa
tawanan o kaya naman ay sa seryosong usapan lalo na tungkol sa kanilang pamilya. Di nga ba't nakwento
pa niya rito ang tungkol kay Allen.

Kasalukuyan na naman siyang nasa clinic upang tumambay. Mas gusto niya ritong natutulog dahil hindi
niya madalas mapaginipan ang kanyang kakambal na si Allen.

Kanina lamang ay nag-abala pang tumawag ang kanyang ina upang pauwiin siya ng Bulacan, kamatayan ng
kanyang magaling na kakambal. Nais ng kanyang ina na maging kumpleto sila sa araw na iyon. Kung siya
lang din naman ang tatanungin ay hindi niya gugustuhin ang pumunta sa death anniversary nito. Kung
pwede lang sana niyang i-double dead ang kakambal ay gagawin niya.

Si Allen pa din ang sinisisi niya kung bakit nasa ganoon siyang posisyon. Kung hindi dahil sa kahibangan nito
ay hindi madadamay ang marami. Ang kakambal na ata niya ang pinaka makasariling tao na nakilala niya.
Hanggang sa kamatayan nito ay naging makasarili pa din ito.

Nawala siya sa isiping iyon ng marinig na animo ay may umiiyak sa labas. Naalala niyang lumabas nga pala
siya ng clinic. Agad siyang bumangon at lumabas ng clinic, naabutan niya si Clarisse na umiiyak.
Nakaramdam siya ng urge na lapitan ito at aluin. May parte ng pagkatao na nagsasabi na kailangan siya
ngayon ni Clarisse. Nilapitan niya ito at tinapik sa balikat.

Bigla na lamang tumibok ang kanyang puso, kailan nga ba niya huling naramdaman ito?

Lalong bumilis ang tibok ng puso niya ng magkasalubong ang mga mata nila ni Clarisse na punong puno ng
hinanakit. Ngayon lang niya napagmasdan ng mabuti ang mga mata nito.





Ang mga matang iyon. Hindi niya makakalimutan ang mga matang iyon.


Kabanata 10



Alam ni Clarisse na nakita na niya ang mga matang iyon noon pa man ngunit hindi lamang niya maalala
kung kanino at kung saan niya ito nakita. Matapos ng ilang minuto nilang pagtitigan ay kabod na lamang
umalis si Gm sa clinic animo ito takot na takot. Hindi niya maintindihan at at naguguluhan ko siya kung
bakit ganoon na lamang ang ikinilos ng binata.

Napagpasyahan na lamang niya na pumasok muli sa loob ng clinic at naupo sa kanyang table. Inilabas niya
mula sa drawer ang kaisa-isang ala-ala ng kanyang pinakamamahal na lalaki. Malungkot na ngumiti si
Clarisse habang pinagmamasdan ang larawan nito. Niyakap niya ng mahigpit ang larawan na akala mo ito
mismo ang kayakap niya. Nagsimula na namang pumatak ang kanyang mga luha. Kailanman ay hindi
matutumbasan ng panahon ang sakit na nadarama niya.



"Sana mayakap kita ulit. Kahit isang beses lang" bulong niya sa kanyang sarili habang pinipigilan ang pag-
alpas ng kanyang mga hikbi. Isang gabi ay masaya silangh dalawa ngunit bakit isang araw nagising na
lamang siya na wala na ito. Habang buhay.



Dalawang na ang nakaraan at gusto mang itanggi ni Clarisse ay namimiss niya ang presence ng kanyang
makulit na boss, hindi na kasi ito madalas dumaan sa clinic upang makitulog lamang. Naisip niya na
maaaring busy na ito sa trabaho. Marunong din naman palang magseryoso ang taong iyon lalo na't mukha
naman itong matalino. Namamanghang sabi ni Clarisse sa kanyang isipan. Balik na naman siya sa kanyang
routine bilang isang company nurse.



"Hep! San ka pupunta Claire?" matagal na niyang hindi naririnig ang nickname na iyon at ang huling taong
nagsabi niyon ay ang huling lalaki din na nagpatibok ng kanyang puso. Humarap siya kay Beth at
humalukipkip.

"Ikaw lang pwede maglibot? Dito ka muna ha. Nababato na talaga ko eh. Kailangan ko ng sariwang hangin."
pataray niyang sabi kay Beth.

"Sige. Kailangan mo din sigurong maghanap ng gwapo sa labas para marelax ka kasi ang weird mo eh."
natawa na lamang siya sa sinabi ni Beth. Gusto lang naman niya ang maglakad-lakad sa mismong airport
dahil totoo naman talaga na nababato na siya sa loob ng clinic. Tatlong taon na siyang naninirahan sa
Maynila ngunit tanging clinic-airport pa lamang ang napupuntahan niya.



Maingay sa pinaka sentro ng airport. Tama nga ang kanyang kaibigan na maraming gwapong steward na
palakad-lakad sa airport, hindi naman kasi siya mahilig maglalabas ng kanyang lungga. Mga naglalakad at
nagchichismisan lang naman ang mga stewadess na kanyang nakakasalubong. Nasaksihan din niya ang mga
pamilyang nalulungkot dahil mawawalay na sa mga ito ang isang miyembro ng kanilang pamilya. Huminga
na lamang si Clarisse ng malalim at nagpatuloy sa paglalakad lakad. Masarap din pala sa pakiramdam ang
pag-obserba sa paligid. Iyon ang naiisip ni Clarisse ng mga oras na iyon.

Habang naglalakad lakad ako ay nagulat na lang ako ng may mga bumunggo saking security guards na mga
tumatakbo. Ano kayang nangyayari? Bakit sila tumatakbo?

Napalingon ako sa paligid ko at nagsimula na ding magkumpulan yung mga tao sa iang direksyon.

Habang naglalakad lakad ay nabunggo siya ng mga security guards na mga humahangos sa pagtatakbo.
Dahil sa kuryosidad kung ano ang nangyayari ay pumunta siya kung saan nagsimula ng magkumpulan ang
mga tao sa isiang direksyon.



"May hostage taking daw dun sa departure area!!" sigaw ng isang pasahero.

"Tara puntahan natin! Yung may ari daw ng airport makikipag-negotiate." sabi ng isa pa.

"Tara!" dala ng kuryosidad kaya naman sinundan na lang niya kung saan patungo ang mga tao. Nakisingit si
Clarisse sa mga tao upang makita ng malapitan ang mga pangyayari at napatutop na lang siya bibig ng
makita si GM na nakikipag negosasyon sa isang hostage taker.



Sali't-salitan ang pagtutok ng baril ng hostage taker kay GM at sa biktima. Bigla na lang siyang nakaramdam
ng takot para kay GM. Hindi niya malaman ngunit sa puso niya ay may takot siyang nararamdaman kung
mapapahamak si GM



"Kung ano man ang problema mo pwede naman natin 'tong pag-usapan. Wag kang mandamay ng
inosenteng tao." panunuyo ni GM sa hostage taker. Lahat ng tao na nakapaligid ay kapwa pigil ang mga
hininga dahil sa isang kalabit lang ng baril ay maaaring si GM o ang biktima ang malagay sa panaginip.
Maaaring silang lahat.

"Tangina kasi eh!! Hindi naaprubahan yung visa ko kaya ako lang ang maiiwan dito sa Pilipinas. Pano
naman ako?!! Panigurado pababayaan na ko dito ng asawa ko!!" sigaw ng hostage taker.

Nakikita niya kay GM kung gaano nito gustong iligtas ang biktima mula sa sarili nitong asawa hindi pa rin
maitatago ang takot nito kahit napaka seryoso ng mukha nito. Alam niya ang nararamdaman nito. Bilang
nurse gusto niyang makapagligtas ng buhay at hindi makasaksi kung paano bawian ng buhay ang isang tao.

Halos mapatili ang lahat ng itutok naman ng hostage taker ang baril kay GM, humakbang si Clarisse ng isa
dahil sa takot para sa kaligtasan ni GM. Walang magawa ang mga pulis dahil armado ang hostage taker at
maaaring may mga sibilyan na madamay kaya naman nakikimasid at nakikiramdam lang din ang mga ito sa
maaaring kahantungan ng negosasyon.



"Tulungan ninyo ko." iyak ng babaeng biktima nito.

"Ano bang gusto mong mangyari?!" medyo tumaas na ang boses ni GM dahil na rin marahil sa frustration.
Gago ba siya? Baka mamaya lalong ang uminit ulo ng hostage taker at bigla na lamang magpaputok. Naiinis
na sabi niya sa kanyang sarili.

"Ang gusto ko lang hayaan niyo kong makasakay sa eroplano at masama sa pamilya ko!!" tinuro niya ang
pamilya niya na nagmamakaawa na din na sumuko ito.

"Pero hindi maaari yan! Pwede pa naman nating ayusin ang mga papeles mo. Maghintay ka lang." sabi ni
GM.

"Kelan pa ha?!! Kelan pa yun!!!" mukhang wala na sa katinuan ang hostage taker. Nakita niyang kakalabitin
na niya ang baril kaya naman napatakbo siya sa harapan ni GM upang iharang ang sarili niya. Nababaliw na
siya upang gawin iyon ngunit hindi niya kayang makita na mabaril ito.



Napipikon na talaga si Aaron sa hostage taker na nanggugulo sa kanyang aiport. Kanina pa niya ito
pinapakiusapan. Hindi naman siya sanay sa mga ganitong negosasyon. Tahimik na lamang siyang
napapamura naiinis siya dahil hindi naman siya taga U.S Embassy upang kausapin pa ng hostage taker
ngunit dahil siya ang General Manager ay siya ang may responsibilidad sa lahat.

Nakita niya sa kanyang peripheral vision si Clarisse. Isa pa iyon na nakapagdagdag sa kanyang frustration
nadidistract siya sa tuwing nakikita ang mga mata nito. Hindi niya mapigilan mapatingin sa direksyon nito.
Bakas ang takot at pag-aalala sa maganda nitong mukha. Sa kanya ba ito nag-aalala?

Nawawalan na siya ng pasensya sa negosasyon na iyon, mukhang santong paspasan na ata ang kailangan
para doon. Ihahakbang pa lang niya sana ang kanyang mga paa ng itinutok ng hostage taker ang baril nito
sa kanya. Saglit na huminto ang kanyang paghinga sa takot at mas parang tumigil ang mundo sa bilis ng
pangyayari. Isang malakas na putok ng baril ang umalingawngaw sa airport at ang malalakas na hiyaw ng
mga tao sa paligid ngunit mas lalo nabigla si Aaron sa babaeng humarang sa kanya upang saluhin ang bala
na para sa kanya.

Ilang segundo siyang natulala ngunit nasalo niya ang babae. Napaupo silang dalawa at napasandal ito siya
sa kanyang dibdib. Nakita niya ang kanyang kamay na puno ng dugo lalo na ang malayang dugo na
umaagosa sa balikat nito. Noon lamang siya natauhan.



"Clarisse?!!"



"Gago ka. A-ambulansya." mababakas ang sakit na nararamdaman nito dahil sa pag-ngiwi nito.

"Tulungan niyo ko! Dali!" mabilis na tumayo si Aaron at kinarga ang dalaga, lumakad takbo siya papunta sa
ambulansya. Pinagpapawisan na si Clarisse ng malamig dahil sa sakit na nararamdaman.

"Baliw ka na ba?!! Anong akala mo sa sarili mo ikaw si Darna?!!" hindi naman siya nagagalit ngunit ngayon
lang ulit siya nakaramdam ng ganoong kaba. Ngayon lang ulit siya nag-alala para sa isang babae. Damn!
Hindi niya alam kung anong emosyon ang binuhay nito sa puso niya na matagal na niyang ng kinalimutan.



Hinawakan nito ang kamay niya ng mahigpit.



"Masakit." napapikit si Clarisse ng mariin at pilit na ngumiti sa kanya.

"Hindi kita iiwan." unti-unti ipinikit ng dalaga ang kanyang mga mata matapos ang mga katagang binitawan
niya.



Habang nakapikit si Clarisse ay sari-saring ala-ala ang bumabalik sa kanya. Nakaramdam siya ng dejavu.
Ang kaibahan nga lang ay walang tao ang may hawak ng kamay niya nung mga panahong nasa pain ako.

Madilim. Nasa biyahe sila. Masayang nag-uusap. Sweet kisses. Holding hands.



"Excited ka na ba para sa kasal natin mahal ko?" masuyo nitong hinalikan ang kamay niya.

"Oo naman no'. Ang tagal nating hinintay 'to." sabi ni Clarisse at nginitian ang lalaking nasa tabi niya.

"Mahal na mahal kita Claire."

"Mahal na mahal din kita."



Hanggang sa isang nakakasilaw na liwanag ang sumalubong sa kanila.



Isang panaginip. Isang masamang panaginip.

Gising na siya ngunit ayaw pa ding dumilat ng mga kanyang mga mata. Parang napakabigat nito.Naririnig
niya na maingay sa paligid niya, may isang lalaki na nasa tabi niya at kinakausap siya.



"Please, wake up. Okay na ang lahat." sabi ng pamilyar na boses.



Kahit na mabigat ang talukap ng kanyang mga mata ay pilit pa din siyang dumilat. Nakakasilaw na liwanag
ang sumalubong kay Clarisse. Hindi katulad ng liwanag sa panaginip niya.





"Russel." ang nasambit na lamang niya sa lalaking na nasa tabi niya.




Kabanata 11



Madilim ang paligid. Kumukulog at walang tigil ang pagbuhos ng malakas na ulan.

Akala mo nanonood ng isang teleserye si Clarisse habang pinapanood ang isang babae na nakahandusay sa
kalsada habang umiiyak na lamang sa sakit na nararamdaman, pilit niyang kinakapa ang katabi niyang lalaki
na duguan at nakahandusay sa tabi niya. Gusto niya lumapit at tumulong ngunit akala mo napako ang mga
paa niya sa kanyang kinatatayuan.

Naroon nga lang ba siya para panoorin ang mga ito? Habang unti-unti silang nawawalan ng buhay?



"Don't leave me! Don't leave me hon!" sigaw ng babae habang pinipilit kapain ang katabi nitong lalaki pero
sa tingin niya ay unti-unti ng nawawalan ng ulirat ang babae hanggang tunog na lamang ng malakas na
kulog ang maririnig sa paligid.



Doon pa lamang naikilos ni Clarisse ang kanyang mga paa kaya naman agad niyang dinaluhan ang babae
babae at hinarap ito sa kanya at napasigaw na lamang siya sa nakita. Agad niyang nabitiwan ang babae.



Siya mismo ang babae na nakahandusay sa kalsada. Duguan at walang malay.



Nagising si Clarisse na pawis na pawis. Ngunit isang pamilyar na silid ang nakita niya sa kanyang paligid.

Nasa isang hospital siya at nagulat ng makita si Aaron sa tabi niya at ang isang matandang babae ngunit
makikita mo pa din ang kagandahan sa mukha nito, bakas sa mga mukha nila ang pag-aalala. Uupo sana
siya ngunit pinigilan siya ng mga ito bahagya niyang naramdaman ang pagkirot ng kanyang braso. Nakasuot
pala siya ng arm brace.



"Wag ka munang gumalaw hija." pag alalay sa kanya ng magandang babae habang umuupo siya.

"Sino po kayo?" magalang na tanong ni Clarisse.

"Ako nga pala ang mama nitong si Aaron." biglang bumilis ang tibok ng kanyang puso pagkarinig sa
pangalan na iyon. Aaron?! Ang lalaking ilang gabi na ding gumugulo sa kanya. Aaron din pala ang pangalan
ni GM? Hindi kaya coincidence lang? Hinawakan ko niya ang kanyang sintido dahil bigla na lamang kumirot
ito.

"Masakit ba ang ulo mo hija? Ilang araw ka din kasing tulog. Aaron tawagin mo yung nurse dali."
malumanay na sabi ng babae kay GM.

"Okay ka lang ba ha? Naku! Salamat talaga sa pagsagip sa buhay ng anak ko hija. Napahamak ka pa tuloy."
hinawi ng babae ang buhok niya na tumatakip sa mukha niya.

"Ayos lang po yun Ma'am. Wala naman po kayong dapat na ikabahala." tinignan niya ang mukha ng babae.
Nasa late 50's na ito at makikita mo pa din ang kagandahan nito. Bakas ang pag-aalala at ang guilt sa
magandang mukha nito.

"Pero nanganib pa din ang buhay mo. Tawagin mo na lang akong Tita Rowena. I'm Aaron's mother." pinisil
ng matanda ang pisngi ni Clarisse at ngumiti. Bigla na lamang nakaramdam ng lungkot si Clarisse dahil
namiss niya ang kanyang sariling ina.

"Ang ganda ganda mo naman hija."

"Naku. Hindi naman ho. Ako nga po pala si Clarisse. Nakakahiya naman kayo pa nag-aasikaso sa akin."

"Nalaman kasi namin na mag-isa ka lang pala dito sa Manila at nasa probinsya ang pamilya mo. Ako na lang
muna ang mag aalaga sayo tutal naman malaki ang utang na loob namin sayo." masigla nitong sabi.

"Pero nakakahiya po kasi."

"Ano ka ba! Kami nga dapat mahiya sayo. Naka-leave ka na sa trabaho at pag nakalabas ka na doon ka
muna tutuloy sa mansion namin sa Bulacan. Watcha think hija?" Bagets kumilos at manalita ang ina ni
Aaron kaya naman hindi niya napigilan ang mapangiti. Natigil sila sa pag-uusap ni Rowena ng dumating na
si GM at ang doctor. Agad sinag nilapitan ng doctor at tinignan ang natamo niyang sugat.

"Mukang okay ka naman Clarisse. Inumin mo na lang sa tamang oras yung irereseta kong gamot. Inumin
mo iyon para sa kirot. Sige aayusin ko na yung chart mo para makalabas ka na. Magpahinga ka ng husto ha?
Bumalik ka na lang para sa follow up check-up."

"Samin ka muna tutuloy Clarisse para maasikaso ka ng husto." maawtoridad na sabi ni GM. Hindi siya sanay
na tawagin itong Aaron. Naaalala lang kasi niya ang kanyang bangungot kasama si Allen at si Aaron na
ilang gabi na gumugulo sa isip niya.

"Okay lang Sir, kaya ko naman po sarili ko."

"Ano ka ba naman hija. Pagbigyan mo naman na kami. Sige na ha? Paglabas mo dun ka tutuloy sa mansion
namin sa Bulacan ha? Taga roon ka din naman diba? Edi pag naalis na yang arm brace mo pwede kang
umuwi sa inyo?" suggest ng mama ni GM. Huminga na lang siya ng malalim at tumango. Eh may magagawa
pa ba siya?



Kabanata 12



"Kumpleto na ba ang mga gamit mo Clarisse?" tanong ni Rowena kay Clarisse habang titulungan niya itong
mag-impake ng mga damit na gagamitin nito sa pagbabakasyon sa ancestral house.

"Opo. Tawagin niyo na lang po akong Claire kayo talaga." nginitian lamang ang matanda at tumayo na
upang tulungan siyang dalhin ang kanyang bag.



Ilang araw din nanatili si Clarisse sa loob ng hospital at nagpasya na rin siyang tanggapin ang inaalok na
bakasyon ng mama ni GM o mas mabuting tawagin niyang Aaron. Iyon na rin daw ang paraan upang
makabayad ang mga ito ng utang na loob sa kanya at maalagaan na din siya kahit na kaya ko naman niyang
alagaan ang sarili. Opurtunidad na din siguro iyong maituturing para makapagrelax dahil ilang linggo na din
naman siyang hindi nakakatulog ng maayos dahil sa takot kay Allen, ilang araw na din na paulit-ulit niyang
napapaginipan ang bangungot na nangyari sa kanya tatlong taon na ang nakalilipas at ang masama lagi pa
niyang nakikita si Allen sa panaginip na iyon. Nakatayo lamang ito at pinapanood siya.

Napailing na lamang siya at bumuntong hininga. Siguro naman makakapag relax siyang mabuti doon sa
probinsya. Ang sabi naman nila Aaron maaari daw siyang umuwi sa lola niya kahit anong oras ngunit mas
mabuti na nga siguro ang maiba naman ang kapaligiran niya para naman hindi siya nalulungkot palagi o
nag-iisip ng mga weird na bagay.



"Let's go Claire." iginiya siya ni Rowena palabas ng kanyang hospital room at sumakay sa wheelchair upang
ihatid sa parking area kung saan naghihintay si Aaron. Hindi na sila madalas mag-asaran ni Aaron lalo
pagkatapos ng aksidente. Naalala niya na hindi siya nito pinapansin noong mga nakaraan at hindi pa rin
niya ito natatanong tungkol doon, ni hindi naman sila nakakapag-usap ng matagal sa ngayon. Hindi niya
alam kung umiiwas ba talaga ito o wala lang talagang panahon para makapag-usap sila?



Sumakay na siya sa backseat at naupo naman si Rowena sa tabi ng anak. Nakalagpas na sila ng NLEX ngunit
balot pa din ng katahimikan ang buong paligid. Walang nagsasalita ni isa sa kanila, minsan nama'y
tatanungin siya ni Rowena kung nagugutom siya o hindi pero pagkatapos noon ay balik na naman sa
nakakabinging katahimikan. Isinandal na lamang ni Clarisse ang kanyang ulo sa bintana at tinignan ang
magagandang tanawin na nakikita niya.

Ilang sandali pa ay naging pamilyar na sa kanya ang daan na binabagtas ng kanilang sasakyan.
Makakalimutan ba naman niya ang daan na 'yon? Muli na namang binalot ng kalungkutan ang puso niya.
Naalala na naman niya ang trahedyang iyon. Pumikit ng mariin si Clarisse at huminga ng malalim sa
pagdilat niya ay ang hindi mabasang mga mata ni Aaron ang sumalubong sa kanya mula sa rearview mirror.
Bahagya siyang nakaramdan ng deja vu. Naramdaman niya ang pagtaas ng kanyang balahibo sa batok at
dahil doon ay agad niyang iniiwas ang mga mata niya sa nakakalusaw na mga titig ni Aaron.

Sa kabuuan ng biyahe ay madalas mahuli ni Clarisse si Aaron na nakatingin sa kanya mula sa rearview
mirror na nagiging dahilan ng pagka-ilang niya. Kakaiba kung tumingin ito. Pakiramdam niya ay nanunuot
sa kaibuturan niya ang mga titig nito.



"Nandito na tayo! Welcome to our Ancestral House Clarisse." sumilip siya mula sa bintana at nakaramdam
siya ng kilabot ng makita ang mansion na sumalubong sa kanila. Hindi mo makakaila na may tinatagong
misteryo ang bahay na ito. Animo pinaliliguan ng dugo ang bahay dahil sa kulay pula nitong pintura. Luma
na ang bahay at maraming baging na nakapaligid sa haligi nito ngunit hindi maitatago ang klasikal na ganda
nito.



Bumaba ng kotse si Clarisse upang mapagmasdan pa ang kabuuan ng bahay. Natatakot siya. Bahay ba
talaga 'to? Talaga bang dito pa sila tumitira? Namamanghang tanong ni Clarisse habang pinagmamasdan
ang mansion. Bakas talaga sa mansion na ito ang katandaan at ang mga pagsubok na naranasan nito sa
paglipas ng panahon.



"Nagustuhan mo ba Clarisse? Halina at pumasok na tayo." hinawakan ni Rowena ang kamay ng dalaga
ngunit napabitaw rin ito agad dahil na rin siguro sa panlalamig ng mga kamay ni Clarisse. Napalunok si
Clarisse sa isipin na dito siya titira ng ilang araw. Kailan pa ba siya naging duwag?

"May problema ba hija?" masuyong tanong ni Rowena sa kanya at dahil sa nahihiya siya sa pinakita niyang
reaksyon ay ngumiti na lamang siya at umiling.

"Kung ganoon ay pumasok na tayo. Ipinarada lang ni Aaron ang kotse sa garahe. Tara na." inakbayan siya
ni Rowena papasok sa bahay.
Nahigit ni Clarisse ang kanyang hininga pagkapasok sa bahay. Kakaiba ito kumpara sa labas ng bahay na
nakakatakot. Napaka elegante ng kabuuan ng bahay at makikita mo ang pagiging moderno nito. Ang sala
ay animo isang bulwagan sa luwang at makikita mo ang napakagandang grand staircase na nababalutan ng
gintong barandilya at ang nakalatag na red carpert. Mayroon ding malaking chandelier sa itaas ng bahay na
puro malilit na crystal. Bigla na lamang napawi ang kanyang takot sa kagandahang nakikita niya ngayon.
Ibang iba talaga ang loob ng bahay kaysa sa nakakatakot na aura ng mansion sa labas.



"Hija, iiwan muna kita dito ha? Titignan ko lang yung silid na tutuluyan mo. Feel at home." tumango lamang
siya at nilibot na ang sarili sa malaking bulwagan. Parang pamilyar sa kanya ang lugar ngunit alam niya na
hindi pa siya nakakapasok doon kahit kailan.



Nakita ko niya ang isang grand piano at nilapitan iyon. Halata na ang kalumaan nito at mukhang hindi din
naman nagagamit. Binuksan ni Clarisse ang takip nito at sinimulang pindutin ang mga key. Wala na sa tono
ang piano ngunit naupo pa rin siya sa tapat nito upang tumugtog ng kaunting piyesa. Kapiraso lang naman
ang alam niyang tugtugin sa piano at iisang piyesa lang pa.

Kahit wala sa tono ay tinutuloy pa din niya ang pagtugtog hanggang sa makarinig siya ng malakas na
kalabog mula sa katapat na kwarto mula sa kinauupuan niya. Dahan dahan siyang lumapit sa may pinto ng
silid at tinangkang buksan ito ngunit ng pihitin ang seradura ay nakalock iyon. Kumatok siya ng dalawang
beses sa pinto at idinikit ang tenga roon.



"May tao ba diyan? Okay ka lang?" naghintay siya ng ilang sandali ngunit walang sumasagot. Kakatok na
sana siyang muli ng may bigla na lamang mga kamay ang humawak sa balikat kanyang balikat na ikinagulat
niya







"AHHHHHHHHHHH!!!"



Kabanata 13



Halos mapalundag si Clarisse sa labis na gulat ngunit agad din siyang nakahinga ng maluwag ng malaman
na si Rowena lamang pala ang humawak sa kanyang balikat. Nitong mga nakaraang araw ay nagiging
matatakutin na siya at nagiging paranoid sa bawat kislot. Hindi niya mawari kung ano nga ba ang
kinatatakutan niya. Ang mga bangungot ba niya o ang kanyang nakaraan na pilit na tinatakbuhan? Ang
nakaraan na pilit niyang tinatakasan ngunit lagi naman siyang binabalikan.



"Anong ginagawa mo dito hija?" malumanay na tanong ni Rowena kay Clarisse ngunit nagtataka siya dahil
animo may himig ng hinanakit ang pananalita nito.

"Pasensya na po Tita. May narinig lang kasi akong kaluskos dito sa may pinto akala ko po may tao."
nahihiyang sagot niya. Hindi niya gustong isipin ng babae na pakialamera siya.

"Ganun ba? Matagal ng hindi ginagamit ang silid na yan. Umakyat ka na sa taas at maaari ka ng
magpahinga sa iyong silid." ngumiti ang babae sa kanya at tinawag ang isa sa mga katiwala nito sa mansion
at ipinahatid na siya sa kanyang tutuluyang silid.



***

Sukat na makaalis si Clarisse sa harapan ni Rowena ay naalis na din ang mga pekeng ngiti nito sa labi. Labis
siyang nainis sa dalaga dahil muntikan na nitong buksan ang silid ng paboritong anak. Siya lamang ang
nakakapasok sa silid ng anak. Simula ng mawala ito mula sa isang trahedya ay hindi niya pinabago ang ayos
ng silid nito. Nababaliw na nga siguro siya para umasang babalik pa ang anak. Hindi pa rin niya matanggap
na sa isang iglap lamang ay mawawala ito. Sa isang babae ay masisira ang kanyang pamilya.

"Sinira mo ang pamilya ko. Hanggang kamatayan isinama mo pa ang anak ko." nasabi na lamang niya sa
kanyang sarili at naikuyom ang kamao nito. Nagbalik lamang siya sa kanyang sarili ng maramdaman ang
pagpasok ni Aaron sa mansion.



Si Aaron na lamang ang natitira sa kanya. Hindi niya maiwasan ang magsisi. Hindi niya minahal ng patas ang
dalawa kahit na kambal pa ang mga ito. Marahil ay dahil iba ang ugali ni Aaron sa paborito niyang anak na
si Allen. Katulad ni Aaron ang ama. Matigas ang ulo at independent kabaligtaran ni Allen.

Gusto niyang bumawi ngayon sa natitira pang anak kaya naman hindi na niya muling tututulan pa kung sino
man ang gusto nito katulad ng ginawa niya kay Allen ganoon na lang upang humantong pa sa isang
trahedya ang nais lamang niyang kabutihan para sa anak.



***

Manghang-mangha si Clarisse sa karangyaang nakikita niya subalit tila ba pamilyar ang silid na kanyang
tinutuluyan. Ngayon lamang siya nakarating sa lugar na iyon ngunit para bang kabisado na niya ang buong
kabahayan. Iyon na naman ang weird na pakiramdam na hindi niya magawang pangalanan. Naupo siya sa
malambot na kama at pinagmasdan ang kabuuan ng silid. Animo siya nag time travel. Simple ngunit
elegante ang disenyo ng silid gayundin ang mga kasangkapan nito.



"Nagustuhan mo ba ang iyong silid?" tanong ng matandang katiwala sa kanya. Tumango lamang si Clarisse
at ngumiti na nagpapasalamat.

"Kung may kailangan ka ay tawagin mo lang ako. Kumpleto ang toiletries sa banyo at may ilang damit
pambabae rin sa loob ng cabinet gamitin mo kung gusto mo." hindi approachable magsalita ang
matandang katiwala ngunit ayaw na lamang niya itong pansinin.

"Maraming salamat po." saad niya. Hindi na nagtagal ang matanda at umalis na rin ito.



Marahil sa pagod ay hindi na namalayan ni Clarisse na nakatulog siya hanggang sa bumigat na naman ang
kanyang pakiramdam.



Tumatakbo si Clarisse. Hindi niya alam kung ano ba ang tinatakbuhan niya. Suot pa rin niya ang kanyang
eleganteng gown at ang maskarang tumatabing sa kanyang mukha. Takot na takot siya. Dalawang lalaki
ang humahabol sa kanya. Si Allen at si Aaron.

Hindi na niya napigilan ang pag-alpas ng kanyang mga luha sa labis ng takot. Bakit nga ba siya hinahabol ng
mga ito? Gulong-gulo na siya sa mga nangyayari. Gusto na niyang gumising mula sa bangungot na ito.
Inakala niyang isang panaginip ang lahat ngunit unti-unti ay napagtanto niya na isa pala itong bangungot na
magdadala sa kanya ng matinding takot.

Nakalabas na siya ng mansion ngunit patuloy pa din siya sa pagtakbo. Hindi niya alam kung saan siya
pupunta. Hindi niya mapigilan ang sariling mga paa sa pagtakbo kahit na nilalamon ng ng pagod ang
kanyang katawan, may parte ng isip niya na nagsasabi na huwag siyang tumigil dahil panganib ang
nagbabadya sa kanya oras na huminto siya sa pagtakbo.



"Bumalik ka dito Clarisse! Hindi ka makakatakas sa akin!" hindi niya malaman kung si Allen ba o si Aaron
ang tumawag sa pangalan niya dahil halos magkamukha ang mga ito ng boses gayon din ng bulto ng
katawan.

"Huwag kang titigil Clarisse! Papatayin ka niya oras na mahabol ka niya! Iligtas mo ang sarili mo!" sigaw
naman ng isa. Gusto niyang lumingon sa pinanggagalingan ng tinig na iyon ngunit natatakot siyang
mawalan ng balanse.



Maputik at madilim ang lugar na kanyang tinatakbuhan. Kailan ba matatapos ang kadilimang kanyang
tinatahak? Tanong ni Clarisse sa kanyang isip. Wala bang katapusan ang daang kanyang tinatakbuhan?
Habambuhay na lang ba siyang tatakbo? Sa isiping iyon ay nawalan siya ng balanse na naging sanhi upang
mapaupo siya sa putikan. Gusto niyang tumayo at tumakbong muli sa takot na maabutan ng dalawa ngunit
hindi na niya maigalaw ang kanyang kanang paa dahil sa pinsalang kanyang natamo.



Pipilitin na sana niyang tumayo ng bigla na lamang may humawak ng kanyang braso.



Alam niya kung sino iyon! Nakaitim itong tuxedo! Puting Maskara!



"Akala mo ba'y matatakasan mo ako?! Hindi ko hahayaan na sumama ka sa aking kapatid! Akin ka lang
Clarisse. Hanggang kamatayan!" sigaw ni Allen. Sindak na sindak si Clarisse sa binata kahit pa nakasuot ito
ng maskara. Napaiyak na lamang siya sa kawalan ng pag-asa.




Kabanata 14



Nagising si Aaron mula sa kanyang malalim na pagkakatulog dahil sa isang malakas na hiyaw. Hindi niya
malaman kung mula ba iyon sa kanyang panaginip o totoo ang mga hiyaw na iyon. Ilang gabi na rin siyang
ginugulo ni Allen sa kanyang panaginip. Tahimik niyang minumura sa kanyang isip ang kakambal.

Hindi lamang iyon isang simpleng panaginip kundi isang parte ng nakaraan. Masamang ala-ala na pilit
siyang binabalikan kahit anong paglimot ang gawin niya. Hindi na nga siguro mababalik pa sa dati ang
kanyang buhay. Habambuhay na nga siguro siyang uusigin ng kanyang konsensya.

Balak na sanang bumalik muli ng binata sa pagtulog ngunit napabalikwas siya ng marinig ang malakas na
sigaw ni Clarisse mula sa katapat na silid. Naalala niyang hindi na nakapag-hapunan ang dalaga marahil na
din sa pagod sa biyahe kaya naman natulog na lamang ito magdamag.

Dali-dali ay hinanap niya ang kanyang puting sando at lumabas ng sariling silid.



***

Napabalikwas si Clarisse sa kanyang kama habang sapo ang kanyang dibdib, nanlalamig ang kanyang mga
pawis at animo nag-uunahan sa pagtibok ang kanyang puso. Nilulukob pa din siya ng matinding takot. Hindi
niya alam kung paano makakawala kay Allen, kahit anong sigaw niya ay akala mo umaalingawngaw lang sa
paligid ngunit walang nakaririnig. Iniyakap niya ang kanyang braso sa kanyang tuhod, nagsimula ng tumulo
ang mga luhang pilit niyang nilalabanan.

Halos mapalundag ang dalaga ng bigla na lamang iluwa ng pinto si Aaron na nakasuot lamang ng puting
sando at boxers, nagpapasalamat siya at dim lamang ang ilaw sa kanyang silid kung hindi ay magiging
kahiya-hiya siya sa pamumula ng kanyang mukha. Bumilis ang tibok ng kanyang puso mas mabilis pa sa
kanina. May sakit ba siya sa puso? Ano nga ba ang pinupukaw sa kanya ng binata? Tanong niya sa kanyang
sarili.

"Anong nangyari sayo? Ayos ka lang ba?" napa-isod siya ng bigla na lamang umupo sa kanyang tabi ang
binata at hawakan ang kanyang mukha. Makikita sa mukha ng lalaki ang labis na pag-aalala. Somehow
napagaan ng binata ang takot na nadarama niya. Bumalik sa normal ang tibok ng kanyang puso,
pakiramdam niya ay inihehele siya ng mga haplos nito.

"Nanaginip kasi ako ng masama. Nakakatakot." ang maramdaman na nariyan ang binata sa tabi niya upang
pawiin ang kanyang takot ay sapat na para kumalma siya ngunit hindi niya maiwasan ang maiyak sa tuwing
naaalala ang masamang panaginip na iyon. Napayakap na lamang siya kay Aaron dahil pakiramdam niya ay
kaya siya nitong protektahan sa kahit ano pang bagay.

Napakagaan ng pakiramdam niya habang nasa mga bisig ni Aaron, pakiramdam niya ay pamilyar na sa
kanya ang mga yakap na iyon ngunit alam niyang imposibleng mangyari iyon. Namiss lang siguro niya ang
yakap ng kanyang dating nobyo na si Rusell.

"Matulog ka na ulit. Panaginip lang 'yon." gusto niyang maghumiyaw na hindi lamang iyon isang panaginip.
Pakiramdam niya ay totoo ang lahat nagsimula na naman siyang manginig sa takot. Alam niyang totoo ang
lahat! Hindi nga ba't nagpakita pa sa kanya si Allen? Oo, siya si Allen!

"Sige na. Hihintayin kitang makatulog." seryosong sabi ng binata sa kanya. Wala na siyang nagawa kundi
sundin ito. Dahil sa sinabi ni Aaron ay napanatag siya hindi man nito maaalis ang masasama niyang
panaginip ay alam niyang may taong nasa tabi siya at yayakapin siya. May dahilan siya para gumising.
Pumikit na lamang siya upang bumalik sa pagkakatulog....



Saglit pa lamang siyang napipikit ay muli na naman niyang naramdaman ang mabigat na pakiramdam at
tulad ng nagdaang gabi animo umikot ang kanyang paligid. Alam niyang nasa iba na naman siyang
dimensyon kaya idinilat na niya ang kanyang paningin. Ganoon na lamang ang kanyang pagkamangha dahil
naroon pa rin siya sa silid na kanyang tinutuluyan sa realidad. Halos mapalundag siya sa gulat ng makita
ang isang lalaki na naka-maskara na nakaupo sa kama niya.

"S-sino ka?!! Allen?!!" naghihintakutan niyang tanong.

"Hindi. Ako 'to si Aaron. Huwag kang maingay maririnig tayo ni Allen." lumapit pa ang lalaki sa kanya na
ikinahigit niya ng hininga. Napalunok na lamang siya. Ilang metro lamang ang pagitan nila at amoy niya ang
mabango nitong hininga. Kita niya ang mapupula niyang labi. Nasisiguro nga niyang si Aaron ang kanyang
kausap dahil panatag ang tibok ng kanyang puso.

"Ikaw nga!" niyakap niya ng mahigpit si Aaron. Hindi man niya kilala ito ngunit alam niyang umiibig nga siya
rito. Tama ang sabi nito. Siya si Aaron ang lalaking mahal niya. Kung paano at kailan niya ito minahal ay
hindi na importante sa ngayon.
Inilayo siya nito sa kanya at masuyong hinaplos ang mukha ng dalaga. Ramdam niya ang tensyon sa pagitan
nilang dalawa. Napalunok na lamang si Clarisse ng mapansin na nakatingin si Aaron sa kanyang mga labi.
Gusto niyang alisin nilang dalawa ang mga maskarang tumatabing sa kanilang mukha ngunit hindi niya
nasisiguro kung papayag ba ang binata.

"Patawarin mo ko kung wala akong magawa pero ilalayo kita kay Allen." pangako ni Aaron and he sealed it
with a passionate kiss. Kakaiba ang halik na iyon. Akala mong inilulutang si Clarisse sa alapaap sa
sensasyong nadarama. Animo matagal silang matagal na nawalay sa isa't-isa. Nagsimula ng maglakbay ang
mga kamay ni Aaron sa kanyang katawan gayundin siya hanggang sa bumaba pa ang mga halik niyo sa
kanyang leeg.



Nais sana niyang alisin ang maskara nito ngunit pinigilan siya ni Aaron.



"Not now." ipinagpatuloy nito ang paghalik at masusuyong haplos nito hanggang sa tuluyan na siyang
madala sa sensasyon. Bumaba pa ang kamay nito upang isa-isahin ang saplot nilang dalawa at mapahiga sa
malambot na kama na naghihintay sa kanila







Pinagsaluhan nilang dalawa ang magdalamag.


Kabanata 15

Nagising si Aaron mula sa isang maganda at erotic na panaginip?! Naihilamos niya ang kanyang mga palad
sa kanyang mukha. A sex with a stranger? Kakaibang panaginip. Ganoon na nga ba katagal ng huli siyang
nakipag-talik sa isang babae? Hindi lang siya makapaniwala na sa babaeng estranghera siya nakipag talik.
Baka naman mabuntis niya iyon? Biro niya sa sarili.

Alas-cuatro pa lang ng madaling araw, ang tanda niya ay binantayan niya si Clarisse habang natutulog ito.
Bakas sa dalaga ang matinding takot kaya naman hindi niya ito natiis kahit na iniiwasan niya ito.
Pinagmasdan lamang niya ang payapa nitong pagkakatulog. Napakaganda nito. Akala mo isang anghel na
bumaba sa langit. Napa buntong hininga na lamang siya. Bakit nga ba niya kailangang lumayo kay Clarisse?
Ang totoo ay gusto niya ito. Ano naman kung nakikita niya rito ang babaeng minahal niya tatlong taon na
ang nakakaraan? Bakit nga ba niya kailangan pang pahirapan ang sarili.

Nakikita rin ba ni Allen si Victoria kay Clarisse kaya nagpaparamdam ito?

Si Victoria. Ang babaeng hindi niya sinasadyang mahalin. Ang babaeng pinakamamahal ng kanyang
kakambal na si Allen. Ang babaeng sumira sa samahan nilang dalawa. Nakikita niya si Victoria kay Clarisse
kahit hindi naman dapat. Malayo ang itsura ng dalawa pati na rin sa ugali. Isa lang naman ang nagpapa-
alala sa kanya kay Victoria, ang mga mata ni Clarisse. Ang mga matang hindi niya magagawang limutin.

Lumabas ng veranda si Aaron at pinagmasdan ang liwanag ng buwan kasabay ang pagsimsim sa kanyang
alak. Hindi na siya nag-abala pang magbihis ng pang itaas. Sinariwa niya ang malamig na simoy ng hangin
kasabay ang buntong hininga. Bakit nga ba sa lahat ng mamahalin niya ay ang babaeng nakatakda pang
pakasalan ng kanyang kakambal? Hindi siguro ganito kamiserable ang buhay niya kung nagparaya lamang
siya.



**

Maganda ang gising ni Clarisse ng umagang iyon. Hindi niya maikubli ang mga ngiti sa labi niya. Iyon na ata
ang pinaka magandang panaginip para sa kanya. Weird man ay nakaramdam siya ng kakaibang ligaya kahit
pa erotic ang panaginip na iyon. Sex with a Stranger? Very unsual. Pakiramdam niya ay totoo ang lahat ng
iyon ngunit alam niyang napaka imposible niyon. Mahal na ata niya ang estrangherong iyon.

Naabutan niyang kumakain na ng almusal ang mag-inang Aaron at Rowena kaya naman naupo na rin siya
sa komedor. Katapat niya si Aaron at nagulat na lamang siya ng ngitian siya ng binata. Halos maibuga niya
ang iniinom na kape sa pagkagulat. Ilang linggo rin siyang hindi pinansin nito at naging malamig ang
pakikitungo sa kanya. Bipolar ba ang binata? Gumanti na lang din siya ng ngiti rito. Namiss niya rin naman
ang kakulitan nito.



Hindi ka na namin ginising pa kagabi Clarisse. Mukang napasarap ang tulog mo hija? tanong sa kanya ni
Rowena tahimik muna siyang sumimsim sa mainit na kapeng inihain ng matandang katiwala.

Pasensya na po. Napagod lang po siguro ako ng sobra. matamis na lamang siyang ngumiti dito at tahimik
na kumain.

Ipasyal mo siya mamaya hijo. May pupuntahan lang ako. humalik sa kanyang pisngi si Rowena gayundin
kay Aaron at tuluyan ng lumabas ng mansion. Saglit na nilamon ng katahimikan ang paligoid. Animo
nagpapakiramdaman sila ni Aaron kung sino ang unang magsasalita. Bakit nga ba nagkaganito sila ng binata?
Namimiss na niya ang pangungulit nito sa kanya. Bigla na lamang itong umiwas ng hindi niya alam kung
may nagawa siyang mali o hindi nito nagustuhan.

"Nakatulog ka na ba ng maayos kagabi?" tanong sa kanya ng binata.

"Oo. Salamat nga pala kagabi ah." halos mapapugto ang kanyang hininga ng ngitian siya ng binata. Kailan
nga ba niya huling nakita ang mga ngiting iyon.

"Sorry nga pala noong mga nakaraang linggo kung nasusungitan kita. Busy kasi ako alam mo na ganyan
talaga mga gwapo." sabay kindat pa ni Aaron sa kanya kaya naman hindi na niya napigilan ang pagtawa.
Bumalik na naman ito sa pagiging makulit at masaya siya sa ugali ng lalaking iyon.

"Magbibihis lang ako at ipapasyal kita. Babawi ako sayo." tumango lamang siya sa binata at ngumiti.
Halatang excited na excited itong makasama siyang muli kaya hindi niya maiwasang mapangiti. Namiss niya
talaga ang kakulitan nito.



Sinundan na lamang niya ng tingin ang lalaki habang papaakyat ito ng hagdan napatawa na lang siya ng
kumakanta kanta pa ito. Napailing na lamang siya at itinuloy ang pagkain. Nasa ganoon siyang isipin ng may
marinig siyang isang bagay na nabasag. Agad na tumayo si Clarisse upang alamin kung saan nagmula ang
ingay na iyon at napahinto sa isang pinto. Iyon rin ang pinto noong isang araw. Idinikit niya ang kanyang
tenga sa pinto at narinig ang mga boses na animo nag-aaway. Isang lalaki at isang babae.

"Ilang beses ko bang sasabihin sayo na ayokong nakikitang kasama ng kapatid ko?!!" sigaw ng lalaki sa
babae. Nais na sana niyang buksan ang pinto ngunit naka-locked ito. Bukod kay Aaron at Rowena may iba
pa pala silang kasama sa mansion. Marahil ay hindi sa kanya naipakilala kagabi ni Rowena.

"Ano namang masama kung kasama ko siya?! Gusto ko lang naman mapalapit sa kanya ah?!! Isa pa sarili
mong kapatid pagseselosan mo?!!" sigaw rin ng babae.

"Hindi mo ba makuha na gusto ka din ng hayop na yun!" natatakot na si Clarisse sa maaaring kahinatnan ng
pagtatalo ng dalawa ngunit wala siyang magawa kundi makinig na lamang.

"MAHAL KO DIN SIYAAAA!" nanlaki ang mga mata ni Clarisse sa kanyang narinig ngunit mas lalo siyang
nabigla ng makarinig siya ng isang malutong na sampal. Sinaktan kaya ng lalaki ang babae? Natatakot
niyang tanong sa sarili. Kinatok niya ang pinto at pilit na binuksan iyon. Palakas ng palakas ang sigawan ng
dalawa at ang mga nababasag na gamit. Natatakot siya para sa babae.

"Buksan niyo ang pinto! Buksan niyo 'to!" sigaw ni Clarisse mula sa labas ng pinto ngunit napahinto siya ng
marahas siyang hawakan ng matandang katiwala at iniharap dito.

"Pabayaan mo sila!" sigaw ng matanda.

"P-po? Pero baka anong mangyari sa babae! Sinasaktan siya ng lalaki!" umiling ang matandang katiwala.

"Ramdam mo din pala sila." nalilito si Clarisse sa mga sinasabi ng dalaga. Pinakawalan siya ng matanda at
lumapit sa pinto.





Halos mawalan ng malay si Clarisse ng makitang walang tao sa loob ng abandonadong silid.



Kabanata 16



Napaupo na lamang si Clarisse sa isang narrang silya dahil pakiramdam niya ay nauupos siya sa kanyang
mga narinig mula sa katiwala. Hindi siya naniniwala sa mga multo o kahit anong super natural, posible nga
bang guni-guni lang niya iyon? Bilang isang nurse ay dapat alam niya kung may mali na bang nangyayari sa
katawan at pag-iisip niya. Naguguluhan na siya. Ngunit paano ang matandang katiwala? Di nga ba't sinaway
pa siya nito? Gulong gulo na siya sa mga nangyayari.

Halos panayuan siya ng balahibo ng madaan muli ang kanyang paningin sa abandonadong silid na bahagya
pang nakabukas. Malinaw pa sa isip niya ang dalawang tinig na animo nag-aaway. Akala niya ay
matatahimik na siya sa lugar na iyon ngunit may misteryo pala ang bumabalot dito.

Nagitla na lamang si Clarisse sa isiping iyon ng abutan siya ng tubig ng katiwala, tinanggap niya iyon at
mabilis na uminom sa baso. Pakiramdam niya ay tuyong tuyo ang kanyang lalamunan hindi niya maisip
kung sa takot ba iyon o hindi. Tumingin siya sa matandang katiwala at alam ng matanda na marami siyang
katanungan tungkol sa pangyayari kanina. Magsasalita na sana ang matanda ng narinig nila ang yabag ng
mga paa ni Aaron. Binigyan na lamang siya ng makahulugang tingin ng matanda at umalis na ito.



"Let's go?" masiglang aya sa kanya ni Aaron na nakasuot lamang ng puting polo shirt at maong pants. Kahit
simple lang ang suot nito ay umaangat pa din ang kakisigan ng binata. Bahagya niyang nakalimutan ang
takot ng makita ang mga ngiti ni Aaron. Marahil ay napansin ng binata ang pamumutla niya kaya naman
mabilis nitong hinawakan ang kanyang mukha.

"Masama ba ang pakiramdam mo?" masuyong tanong sa kanya ng binata ngunit umiling lamang si Clarisse.

"Wag mo kong pansinin. Tara na? Ano bang makikita dito sa bayan niyo?" tumayo na siya at hinila ang
binata palabas ng mansion ngunit bago lumabas ng pinto ay nagkasalubong ang mga mata nila ng
matandang katiwala, tumango lamang ito sa kanya at naglakad na pabalik ng kusina. Kailangan malaman
niya ang kwento sa likod ng mga tinig sa abandonadong silid na iyon, wika ni Clarisse sa kanyang sarili.



Naglakad-lakad lamang sina Aaron at Clarisse sa bukirin at natutuwa si Clarisse na kahit papaano ay
nalilibang siya sa pakikipag-usap sa mga magsasaka at paglalakad sa pilapil. Ilang beses na nga bang
nahulog sila ni Aaron sa maputik na bukirin? Inaalalayan siya ng binata sa paglalakad hanggang sa
makarating sila sa isang kubo sa gitna ng bukirin. Mahangin at presko at simoy ng hangin sa kabila ng tirik
na araw. Namiss niya ng husto ang buhay probinsya, malayo sa magulo at mausok na buhay sa Maynila.

Naupo lamang sila ni Aaron sa isang duyan na nakasabit sa puno ng mangga at pinagmasdan ang tahimik
na kapaligiran. Ilang minutong katahimikan ang bumalot sa kanilang dalawa bago niya binasag ito.
Nilalamon na naman siya ng kanyang kuryosidad hinggil sa kanyang nalaman kanina lamang mula sa
matandang katiwala. Hindi niya mapigilan ang sarili ang alamin ang kwento sa likod ng silid na iyon lalo pa't
nagpaparamdam ang mga ito.

Alam ni Clarisse na dapat siyang mahintakutan sa misteryong bumabalot sa mansion na kanyang
tinutuluyan ngunit bakit may parte ng isip niya na nagsasabing wala siyang dapat ikatakot hangga't naroon
si Aaron sa kanyang tabi. Pinagmasdan niya ang gwapong mukha ng binata, naramdaman na naman niya
ang pagbilis ng tibok ng kanyang puso. Gusto niyang matawa sa sarili dahil literal na sinapo niya ang
kanyang dibdib, pakiramdam niya ay lalabas na ang kanyang puso sa sobrang lakas ng pintig nito.



"Nakakarelax dito ano?" tanong ni Aaron at ngumiti sa dalaga. Tumango na lamang siya at ngumiti.

"Pero alam mo ang pinaka ayokong pakiramdam ay yung marelax." sagot niya sa binata. Nagtaka naman
ang binata sa sagot niya.

"Bakit naman? Hindi ka ba nagsasawa sa problema? Haha. Iba ka talaga."

"Wala naman. Kada marerelax kasi ko bumabalik lahat ng malulungkot na ala-ala ko. Hangga't maaari
ayokong nababakante ang isipan ko." ngumiti naman ang binata ng nakakaloko.

"Edi hindi ka na pala nalulungkot ngayon?" napangunot naman ang noo ni Clarisse sa tanong ng binata na
nakangisi pa din.

"Bakit?" tanong niya.

"Kasi naman araw-gabi tumatakbo ako sa utak mo. Hahahaha." nagtawanan sila ng binata. Ilang sandali pa
ay nabalot na naman sila ng katahimikan. Naisipan niyang mag open ng topic.



Huminga siya ng malalim at marahas na nagtanong...



"Ano nga palang nangyari sa kakambal mo? Bakit siya namatay?" napalingon sa kanya ang binata na
nagtataka.



Kabanata 17



"Bakit mo tinatanong kung ano ang ikinamatay ng kapatid ko? Hindi ba maaaring yung tungkol sa ating
dalawa na lamang ang pag-usapan natin?" seryosong tanong ni Aaron kay Clarisse na hindi makapagsalita
sa kanyang mga sinabi. Alam naman niya sa sarili niya na hindi simpleng pagtingin lamang ang
nararamdaman niya sa dalaga. Unang beses pa lamang niya itong makilala si Clarisse ay pinukaw na nito
hindi lamang ang kanyang isip kundi ang damdamin niya.

Hindi na niya gusto pa ang lituhin ang sarili sa babaeng nasa panaginip niya. Panaginip lang naman iyon na
dapat lamang na isantabi.



"Anong ibig mong sabihin Aaron?" nagtatakang tanong ni Clarisse habang nakayuko ang ulo nito.
Hinawakan ni Aaron ang baba ng dalaga upang makita ang kagandahan nito.

"Alam mo kung ano yun Clarisse." ngumiti lamang siya at unti-unting inilapit ang mukha niya dalaga
hanggang sa iilang metro na lamang ang layo ng kanilang mga mukha. Pumikit si Clarisse na handang
tanggapin ang kanyang mga labi.



***

"KAKAIN NA!" halos mapalundag sina Clarisse at Aaron ng bigla na lamang sumulpot ang katiwala at
tawagin sila upang kumain. Agad umayos ng pwesto si Clarisse habang napatikhim na lamang ang binata.

"Manang naman bakit bigla-bigla kayong sumusulpot." asar na pagsita ni Aaron sa katiwala habang palihim
lamang na natawa si Clarisse. Nanghihinayang man ang dalaga sa naudlot nilang moment ng lalaking
nagpapasaya at umaalis ng lahat ng takot niya. Tumayo na ang binata at pinagpag nito ang ilang damo sa
pantalon nito bago inilahad ang kamay upang alalayan siyang tumayo.

"Naks! Gentleman ka na ngayon?" pagbibiro ni Clarisse at iniabot ang kanyang kamay sa binata. Sandaling
nagkasalubong ang mga mata ni Clarisse at ng katiwala kaya agad na naman siyang nilukuban ng takot.

"Sayo lang ako ganito. Tara balik na tayo sa mansion. Sa susunod dito na tayo kakain para walang istorbo."
matipid lamang siyang ngumiti at tumingin muli sa matanda. Halos panayuan ng balahibo ng makita na
masama ang tingin nito sa kanya.



Inalalayan siya ni Aaron pabalik ng mansion dahil maputik at makitid ang bawat pilapil na dinadaanan nila.
Nandoon pa din ang kanyang pagka-ilang lalo pa't nasa likod lamang nila ang katiwala. Pagkabalik sa
mansion ay iniwanan muna siya ng binata para magpalit ng damit.



"Magpapalit lang ako ng damit ha? Naputikan ako. Mauna ka na sa komedor, susunod na lang ako." ngumit
lamang ang dalaga. Halos mapasigaw siya ng sa pagtalikod niya ay nasa harap na niya ang katiwala, mabuti
na lamang at napigilan niya ang kanyang sarili. Nagulat na lamang siya ng bigla siya nitong hilahin papunta
sa kusina.

"At talagang nakikipag-mabutihan ka pa kay Aaron?" tanong nito sa kanya. Hindi niya maintindihan ang
matanda. Ano namang masama kung makipagmabutihan siya sa binata. Hindi niya maunawaan kung
nagagalit ba ito o may hinanakit sa tono ng pananalita nito.

"A-ano po b-bang masama roon?" natatakot na niyang tanong sa matanda.

"Meron! Magagalit ang paborito kong alaga. Bakit ka ganyan? Lalo siyang hindi matatahimik!" pinanayuan
na ng balahibo si Clarisse sa kanyang mga naririnig. Ang tinutukoy ba ng matanda ay ang kapatid ni Aaron?
Ngunit anong kinalaman niya roon? Ni hindi nga niya nakikilala ito.

"H-Hindi ko k-kayo maintindihan. Nababaliw na kayo." hindi siya dapat nagpapaniwala sa matandang ito.
Mukang nababaliw na ito.

"Ayoko ng takutin ang sarili ko! Ayoko ng makinig sainyo. Nababaliw na kayo Manang. Nurse ako at alam
ko yun. Magpatingin na nga kayo!" hindi na niya kaya lalo pa't pati pagtingin niya kay Aaron ay ginugulo
nito. Tumalikod na siya upang tapusin na ang kahibangan nito ng muling magsalita ng matanda.



"Lalo kang hindi patatahimikin ni ALLEN! Hindi ka niya patatahimikin VICTORIA!" nanlalaki ang mga mata
niya na humarap sa matanda.



Nang marinig ang pangalan ni Allen ay agad siyang lumingon sa matanda. Paano nito nakilala ang lalaki sa
kanyang panaginip? At sino si Victoria?




Kabanata 18



Takot na takot na napaurong si Clarisse sa tinawag sa kanya ng matanda lalo pa't kilala nito si Allen Reyes
na matagal ng gumugulo sa utak niya. Mas lalo pa siyang naguluhan ng tawagin siya ng matanda na Victoria.
Si Victoria ba ang babaeng naririnig niyang umiiyak sa silid? At si Allen? Hindi na niya magawa pang ituloy
sa isipan ang unti-unting paglinaw sa kanya bawat detalyeng ilang buwan ng gumugulo sa kanya.



"Si Allen? Siya ang kakambal ni Aaron?!!" takot na bulalas ni Clarisse. Tumingin siya sa matanda upang
humingi ng sagot. Agad siyang hinaklit ng matanda sa braso at binuksan yung abandonadong silid.



Pilit niyang tinapangan ang sarili kahit sa loob loob niya ay gusto na niyang tumakbo palabas ng silid na
iyon. Parang walang nagalaw man lang sa mga gamit ni Allen kahit matagal na itong patay. Nilapitan niya
ang isang picture frame sa bedside table at nakita ang tatlong tao na magkaka-akbay. Nasapo ni Clarisse
ang dibdib niya ng makita na magkamukang magkamuka sina Aaron at Allen. Mahirap alamin kung ano ang
pinagkaiba ng magkapatid. Halos magkasing tangkad lamang ang dalawa at magkamuka ang bulto ng
katawan.



Napansin din niya ang magandang babae na nakapagitna sa magkapatid. Napaka ganda nito. Makikita sa
tatlo kung gaano sila kasaya noong mga panahong iyon. Napadako ang mga mata niya sa babae at mas lalo
pa itong tinitigan, ang mga mata nito ay pamilyar sa kanya. Hindi lamang niya maalala kung saan niya ito
nakita.



"Dalawang taong magkasintahan sina Allen at Victoria. Nagkakilala sila sa Maynila. Isang nurse si Victoria sa
isang pribadong hospital samantalang kasalukuyang nag-ttraining noon si Allen upang maging isang piloto."
pasimula ng katiwala ng mga Reyes. Naupo pa ang matanda sa kama ng alaga habang pinagmamasdan ang
larawan nito na hawak ni Clarisse. Naupo naman ang dalaga sa tabi nito at tahimik na pinakinggan ang
kwento nito.

"Iniuwi rito ni Allen si Victoria upang ipakilala sa kanyang ina at gayundin sa kanyang kakambal na kauuwi
pa lamang noon galing America. Noon pa man ay may selosan na ang magkapatid lalo na sa atensyon ng
kanilang ina. Mas mahal ni Rowena si Allen at hindi yung maitatago dahil sa atensyon na ibinibigay niya kay
Allen. Samantalang si Aaron naman ay naging malapit sa kanyang ama ngunit ng mamatay ito ay wala na
itong naging kakampi." hindi alam ni Clarisse kung bakit pati ang mga bagay na iyo ay binabanggit ng
matanda ngunit alam niyang iyon lamang ang makasasagot sa lahat ng katanungan niya.

"Ano pong nangyari sa pag-uwi nila rito?" sa wakas ay may boses ring lumabas sa kanyang bibig.
Kinikilabutan pa rin siya sa tuwing naiisip na totoo nga pa lang nag-exist si Allen sa mundo yun nga lang ay
patay na ito ngayon.

"Naging malapit si Aaron at Victoria at dahil doon nagselos ang kanyang kakambal na si Allen. Kahit na kay
Allen na ang lahat ay naiinggit pa din siya kay Aaron, dahil ang nag-iisang babaeng minahal niya unti-unti ng
napapalapit sa kanyang kapatid." kahit sa panaginip niya ay napaka-selfish ni Allen. Hindi iyon maitatago.
Hindi niya tuloy maiwasang maawa kay Aaron.

"Ano pong nangyari? Ano po ang ikinamatay ni Allen?" tanong ni Clarisse. Magsasalita na sana ang
matanda ng marinig nila ang pagtawag ni Aaron mula sa kusina kaya naman sabay silang napatayo ng
matanda. Magmamadali na sana siyang lumabas ng silid na iyon ng bigla na lamang siyang hawakan sa
braso ng matanda.



"Matulog ka mamayang sakto alas dose. Masasagot lahat ng tanong mo sa iyong panaginip." hindi na siya
nakapagsalita pa at hinila na siya ng matanda palabas sa kwarto na iyon.




Kabanata 19



Malapit ng mag alas dose ng hating gabi ngunit hindi man lang dalawin ng antok si Clarisse. Gusto na
niyang malaman lahat ng kasagutan sa kanyang mga tanong ngunit nananadya nga ata ang panahon dahil
hindi naman siya inaantok ng mga sandaling iyon. Kahit na may takot pa din sa kanya ay matapang siyang
lumabas ng kanyang silid upang bumaba ng kusina at magtimpla ng mainit na gatas. Kailangan niyang
ikalma ang sarili niya kung hindi ay mababaliw na siya sa mga nangyayari sa kanyang paligid.

Simula ng maaksidente siya ay kung anu-ano na ang kanyang mga nakikita at kailanman ay hindi niya sinabi
iyon kahit kanino sa takot na pagtawanan siya ng mga tao. Hindi niya gustong isipin ng mga tao na nabaliw
na siya sa pagkawala ng kanyang nobyong si Russell.



"Mababaliw ata ako dito." sabi na lamang niya sa sarili habang namamawis ang kanyang mga kamay sa
takot. Sa buong buhay niya ay ngayon lamang siya natakot ng ganoon. Nanalangin na lamang ang dalaga na
sana'y hindi magpakita si Allen sa kanya o ang nobya nito dahil siguradong hihimatayin siya sa takot. Hindi
niya ata kakayanin kung mangyari man iyon.



Panaka-naka ay tinitignan niya ang silid ni Allen ngunit wala naman siyang nakikitang kakaiba kaya naman
nagtuluy-tuloy na lamang siya sa kusina. Kung bakit naman kasi napakadilim sa loob ng bahay na ito.
Naiinis na sabi ni Clarisse sa kanyang sarili habang nanginginig na kumukuha ng baso sa cupboard. Isang
kaluskos lang ata ay aatakihin na siya sa puso sa sobrang takot at nerbiyos. Nakakapraning ang ganoong
pakiramdam. Pakiramdam ba niya'y anong oras ay magpapakita ang mga multong ilang gabi na rin siyang
binubulabog.

Hindi pa man niya nailalapag ang hawak na baso ay marinig na siyang sigaw ng isang lalaki, marahas na
lumingon ang dalaga kung saan naroon ang silid ni Allen ngunit wala roon ang mga sigaw na naririnig niya
kundi nasa ikalawang palapag.



"Aaron!!" sa iilang hakbang ay natakbo niya paakyat ang silid ng binata ngunit nag alinlangan pa ang dalaga
kung lalapit siya o hindi. For Pete's sake he's half naked! Sigaw ng utak niya pero agad niya ring pinilig ang
isipin na iyon.

"Victoria! Victoria!" nangunot ang noo niya ng marinig kung sino ang isinisigaw na pangalan ni Aaron. Bakit
tinatawag ni Aaron ang nobya ng kakambal nito? Nadagdagan na naman ang mga tanong sa kanyang isipan
na lalo lamang nagpagulo ng lahat. Litong lito na si Clarisse sa lahat ng mga nangyayari at pakiramdam niya
ay malapit na siyang panawan ng bait.



Na sakanya na ang mga impormasyon ngunit hindi niya alam kung paano naging magkaka-ugnay ang mga
buhay nila Aaron, Allen at Victoria. Anong pangyayari o bagay ba ang nag-uugnay sa kanila at pati siya ay
hinahabol ng mga ito. Dinaluhan na niya ang kawawang binata na pawis na pawis at animo hinahabol.



"Aaron! Gumising ka! Aaron!" bahagya niyang tinapik ang mukha nito upang magising.



***

Deja vu. Animo pinapanood ni Aaron ang mga nangyari tatlong taon na ang nakakalipas. Engagement party
ng kanyang kakambal sa kanyang pinakamamahal na babae. Kahit na saglit lamang silang nagkasama ni
Victoria ay agad niya itong natutunang mahalin ngunit hindi ata pabor sa kanila ang tadhana dahil nobya na
ito ng kanyang makasarili at selosong kakambal. Ang masakit pa ngayon ay nakatakda na ang mga itong
ikasal. Gusto mang iwan ng kanyang Victoria ang kakambal niya ay hindi nito magawa dahil madalas itong
saktan ng huli.

Gustong gusto niyang iligtas ang dalaga mula sa malupit na kamay ni Allen ngunit ano ang karapatan niya?
Sa gabing iyon ay nakatakda silang magtanan ni Victoria, tamang tama maraming bisita ng gabing iyon
siguradong walang makakahalata kung aalis man silang dalawa kailangan lamang niyang humanap ng
tamang tiyempo. Lalayo sila ni Victoria, kahit saan sila makarating ng kanyang pinakamamahal basta
magkasama lamang sila.



"Mamayang alas dose ng hating gabi, hihintayin kita" masuyo niyang sabi sa dalaga habang patago lamang
silang nag-uusap, malayo sa mga mata ni Allen. Alam niyang sasaktan uli nito si Victoria oras na malaman
nito na magkasama silang dalawa.

"Hintayin mo ko kahit anong mangyari? Dito mo ko hintayin." pag sang ayon naman ni Victoria.

"Oo. Magkakasama na tayo. Mailalayo na rin kita sa wakas sa hayup na Allen na yun." agad niyang kinabig
ang dalaga at hinalikan ang ulo nito. Buong buhay niya ay noon lamang siya nagmahal. Alam niyang mali
ang pagkakataon at sirkumtansiya ng pagtatagpo nila ni Victoria ngunit hindi niya maaaring iwasan ang
nararadaman niya para rito.
Lumapit siya kay Victoria na iniwanan na lamang bigla ni Allen sa gitna ng bulwagan at isinayaw ito.



"Allen?" napangiti siya ng mahimigan ang pagtataka nito.

"Ako 'to si Aaron, ang lalaking mahal mo." agad na sumilay ang mga ngiti ng dalaga. Ang mga ngiting iyon
ang siyang una niyang inibig.



Tinignan niya ang kanyang relong pambisig at ilang saglit na lamang ay mag aalas dose na kaya naman
napagpasyahan na niya ang umalis sa kasiyahan na iyon. Sinadya niyang magkamukha sila ng tuxedo ng
kakambal upang sa gayon ay mapagkamali sila sa isa't-isa. Upang hindi na rin magtaka ang mga tao kung
kasama man niya si Victoria. Binigyan niya ng makahulugang tingin si Victoria at bumitaw na rito.



"Tara na habang wala si Allen." hinila niya sa braso si Victoria at patay malisyang naglakad palabas ng
mansion. Ngunit hindi nila inaasahang naroon pala ang kakambal.

"Mga taksil!! Akala niyo ba maiisahan niyo ko! Kahit kailan na lang talaga Aaron! Lahat na lang ng meron
ako gusto mo din!"

"Hindi ko kailangan lahat ng meron ang gusto ko lang ay si Victoria!!" sigaw niya sa kapatid.

"Hindi niyo ko matatakasan! Humanda ka sakin Victoria! Pagkatapos lahat ng pagmamahal na ibinigay ko
sayo ganito lang igaganti mo sakin?!! Ipagpapalit mo na nga lang ako dito pa sa kakambal ko!!" marahil sa
takot ay napabitaw sa kanya si Victoria at tumakbo na palayo. Agad niya itong hinabol para maprotektahan
ngunit parang walang naririnig si Victoria at pilit pa ring tumatakbo.



"Bumalik ka dito Victoria! Hindi ka makakatakas sa akin!" sigaw ni Allen.

"Huwag kang titigil Victoria! Papatayin ka niya oras na mahabol ka niya! Iligtas mo ang sarili mo!" sigaw
niya. Natatakot siya sa maaaring gawin ni Allen oras na maabutan nito si Victoria.



Hinaklit agad niya ang kuwelyo ng damit ni Allen at nakipagbuno sa kakambal. Sadyang higit na malakas si
Allen kumpara sa kanya kaya naman agad itong nakalamang hanggang sa tuluyan na siyang hindi
nakalaban. Hanggang sa tuluyang nawala sa paningin niya si Victoria.



At nangyari ang isang malagim na aksidente.



"Aaron!! Aaron!! Gumising ka!!" napabalikwas si Aaron mula sa isang masamang panaginip. Hindi lang
basta panaginip kundi ang tunay nangyari tatlong taon na ang nakakalipas.

"Ayos ka lang Aaron? Wag mo nga akong tignan ng ganyan!"

"Victoria?" ang mga mata ni Clarisse. Ganoong ganoon ang mga mata ni Victoria. Si Clarisse ang babaeng
nasa panaginip niya? Kung ganoon si Clarisse ang gumaganap na Victoria sa kanyang panaginip? Maraming
tanong ang gumugulo sa kanya at hindi niya alam kung saan hahanapin lahat ng kasagutan sa mga iyon.

"Aaron? Ano ba yang pinagsasabi mo?" walang sabi sabi ay niyakap niya ang dalaga na nalilito pa din sa
lahat ng ikinikilos niya.

"You are my Midnight Lover Clarisse."




Kabanata 20



"Ano ba yang pinagsasabi mo Aaron? Hindi kita maintindihan." naguguluhang tanong ni Clarisse kay Aaron
kahit na kinukutuban na siya kung ano ang gustong iparating ng binata. Hinawakan ng binata si Clarisse sa
mga balikat nito.

"Clarisse, malinaw na ang lahat sa akin kung bakit nangyayari ang lahat ng kababalaghan na ito."
pakiramdam ni Clarisse ay mawawalan na siya ng malay dahil sa pigil ang kanyang hininga habang
hinihintay ang susunod na sasabihin ng binata.

"Ang lalaking nasa panaginip mo ay ako at ang kakambal ko na si Allen. Ang lahat ng nangyari sa panaganip
nating dalawa ay nangyari tatlong taon na ang nakakaraan." halos mapamaang na lamang si Clarisse sa
kanyang natuklasan. Kung ganoon pati ang lalaking nakasiping niya sa kanyang panaginip ay nangyari din
noon? Si Aaron at Victoria?



Halos walang namutawing salita kay Clarisse at napatango na lamang siya sa iba pang mga sinabi ni Aaron.
Ang tanging nararamdaman na lamang niya ay ang kirot ng natuklasan niya. Naging saksi pa pala siya sa
naging pagmamahalan noon ni Aaron at Victoria ang masakit pa roon ay siya ang gumanap na Victoria sa
panaginip at hindi niya maikakaila na nahulog na ng tuluyan ang loob niya kay Aaron. Sino ba naman ang
hindi mahuhulog sa isang katulad nito? Handang ipaglaban ang lahat para lang sa iyo.

Napakaswerte naman ni Victoria at kambal pa talaga ang napa-ibig nito. Hindi maiwasan ng dalaga na
mainggit at magselos. Nais niyang matawa para sa sarili dahil sa lahat ng kaiinggitan niya at pagseselosan
ay sa isang patay pa. Ano nga ba ang karapatan niya upang magselos? Ni hindi nga niya alam kung ano ba
ang kinalaman niya sa mga ito at pati siya ay nadamay. Minsan hindi niya maiwasan mainis kay Allen, ano
ba kasi ang gusto nitong mangyari at ibinabalik nito ang lahat ng nangyari noon?

Naiinis siya kay Allen dahil inilapit siya nito sa kay Aaron, hindi sana siya mahuhulog sa binata at
masasaktan sa mga nalaman.



"Kung ganoon anong nangyari matapos mahabol ni Allen si Victoria?" bigla na lamang ang binata at animo
hindi makaapuhap ng isasagot sa dalaga.

"Sabihin mo Aaron kung anong nangyari ng gabing yon." pakiusap ng dalaga kay Aaron na hindi na
mapakali sa sobrang kuryosidad na nadarama.

"Bakit hindi ninyo hayaan na si Allen ang sumagot niyan?" nagulat ang dalawa ng bigla na lamang sumulpot
ang matandang katiwala sa silid ni Aaron.

"Manang, ano bang nangyayari? Anong dahilan ng panggugulo ni Allen? Matagal na siyang patay. Isinama
na nga niya hanggang kamatayan si Victoria! Hindi pa ba siya masaya?!!" napakagat labi na lamang si
Clarisse habang pinagmamasdan ang binata na nagtatangis ang mga bagang sa galit sa namatay na
kakambal. Talagang mahal nga nito si Victoria at kailanman ay hindi siya nito makikita bilang si Clarisse.

"Oo nga't naisama ni Allen si Victoria sa kamatayan ngunit hindi ang kaluluwa nito." nais pangilabutan ni
Clarisse sa kanyang mga narinig kaya naman napakapit siya sa braso ni Aaron, inakbayan siya ng huli at mas
idinikit pa ang katawan niya rito. Kung alam lang ng binata kung anong init ang sinisilaban nito sa tuwing
magkakadikit ang kanilang mga balat.

"Anong ibig ninyong sabihin?" naguguluhan niyang tanong sa matanda na walang ekspresyon lamang na
nakatingin sa kanilang dalawa.

"Naiwan si Victoria rito at dahil sa obsesyon ng iyong kakambal Aaron sa Victoria ay hindi siya matatahimik
hangga't hindi nito naisasama si Victoria pabalik. Nandito lamang si Victoria sa tabi." mas lalong humigpit
ang kapit ni Clarisse kay Aaron ng lumapit sa kanya ang matanda at pinagmasdan siya ng husto na nagdulot
sa kanya ng matinding kilabot.

"Maaaring nandito lamang sa paligid natin si Victoria. Dito sa mansyon?"

"Maaaring nasaiyo mismo." pakiramdam ni Clarisse ay nanayo ang lahat ng balahibo niya sa katawan sa
huling sinabi ng matanda. Paanong mapupunta sa kanya ang kaluluwa ni Victoria?! Marahil ay nawawala sa
katinuan ang matandang katiwala para sabihin iyon.



Kahit anong pilit niyang pag-alala ay wala siyang matandaan na kailaman ay nakita na niya si Victoria. Si
Aaron ay nakilala lamang niya ng pumalit ito bilang General Manager kaya papaanong magkakaroon siya ng
koneksyon sa mga ito? Minsan ay gusto na lamang niyang mabaliw sa mga nangyayari sa buhay niya. Isang
gabi ay nanaginip siya ng isang lalaki na sinasabing pakasalan niya ito hanggang sa magkagulo-gulo na ang
buhay niya


Nagbibiro ba kayo paanong mapupunta sa akin si Victoria? Ni hindi ko nga siya kialala. agad na pinisil ni
Aaron ang dalaga sa balikat at pinakalma ito.

Huminahon ka lang Clarisse. Saan ba at matatapos din ito. Ang kailangan nating malaman ay kung paano
natin maibabalik si Victoria. Bahagyang nagkaroon ng pait sa panlasa si Clarisse. Gusto mo nga bang ibalik
Aaron si Victoria o gusto mo na lamang siyang manatili dito? Paano kung nasa akin nga ang kaluluwa ni
Victoria?

Mukhang may ideya na ako kung ano ang kailangan ni Victoria saiyo Clarisse ngunit hindi ko muna ito
sasabhin. Ang mabuti pa ay matulog na kayong dalawa ay baka sakali magpakita muli sainyo ang dalawang
kaluluwa. kinikilabutan ang dalaga sa mga salita ng matandang dalaga. Ang mga tingin nito ay may
makahulugan at animo nangungutya.



Makatulog sana uli kayo ng mahimbing. Babalik na ako sa aking silid. halos mawalan ng lakas ang tuhod
ni Clarisse pagkalabas ng matanda kung hindi nga lang sa pag-alalay ni Aaron ay malamang na napasaldak
na siya sa sahig.

Natatakot ako Aaron. Ano bang nangyayari? Kahit na kaluluwa pa sila at walang kayang gawin para saktan
tayo ay nakakabahala pa din. mangiyak-ngiyak niyang tanong sa binata na agad naman siyang kinabig at
niyakap.

Wag kang mag-alala Clarisse, mabibigyan din lahat ng ito ng kasagutan. mas lalo pa siyang napaiyak sa
dibdib ng binata ng maramdaman ang sinseridad sa boses nito. Kung papipilii kaya si Aaron sino ang pipiliin
nito? Si Victoria o siya?



Kabanata 21



"The unfamiliar faces in your dreams are the possible ghosts who stares at you while you are in deep
sleep" kinikilabutan si Clarisse matapos basahin ang isang article na iyon mula sa binabasang magazine.
Naroon siya ngayon sa sala at nagbabasa basa ng magazine habang hinihintay niya si Aaron na may
inasikaso lamang sa library. Kulang na lamang ay hindi na siya humiwalay sa lalaki sa labis na takot.



Pinilit niya ang binata na bumalik na lamang sila ng Maynila ngunit tumanggi ito at iginiit na kahit saan man
sila magpunta ay susundan at susundan sila nito. Ngayong araw na ito ay kokonsulta na sila sa isang
Espiritista. Kailangan na nila ng makakatulong sa kanilang dalawa. Nang nagdaang gabi ay hindi siya
nakatulog sa labis na pag-iisip kung ano ba ang kailangan ni Victoria sa kanya. Napabuntong hininga na
lamang ang dalaga at humigop sa kanyang kape.

Halos maibuga ni Clarisse ang iniinom na mainit na kape ng may marinig siyang kalabog mula sa silid ni
Allen, agad na naman siyang nilukuban ng takot ng lalo pang lumakas ang mga kalabog. Dahan-dahang
tumayo ang dalaga at lumapit sa harapan ng silid ni Allen. Nag-aalinlangan man ay unti-unti niyang
hinawakan ang doorknob nito.



"A-anong nangyayari?!" sinubukan niyang pihitin ang seradura ng pinto ngunit naka-lock iyon. Natataranta
niyang kinatok ang silid kahit alam niyang wala namang tao roon. Hindi rin niya alam kung bakit niya pa ito
kinakatok, naroon na naman ang mga sigawan. Takot na takot si Clarisse na siyang naging dahilan upang
mapaupo na lamang siya at tinakpan ang kanyang dalawang tainga.

"Tama na! Tama na! Ayoko na!" pakiramdam ng dalaga ay malapit na siyang masiraan ng bait sa mga
nangyayari. Wala siyang magawa kundi ang umiyak na lamang at manginig sa labis na takot.



***

"Clarisse!" halos dalawang hakbang lamang ang ginawa ni Aaron upang maabot ang takot na takot na si
Clarisse. Nais niyang maawa para sa dalaga dahil pati ito ay nadadamay pa sa kahibangan ng kanyang
kapatid. Bakit kasi hindi pa matahimik ang kakambal niya. Tahimik na ang buhay nila at handa na siyang
lumimot ngunit palagi pa rin nitong pinapaalala ang aksidenteng iyon sa pamamagitan ng panaginip.



Hindi niya alam kung matutuwa ba siya o matatakot sa pagkakaalam na nasa tabi lamang ang kaluluwa ng
babaeng kanyang minahal. Bumalik man ito ay huli na. Imposibleng magmahal ng isang patay na, isang
kabaliwan iyon. 'Oh Victoria bakit hindi nalang natin tanggapin na hindi tayo para sa isa't-isa? Masakit man
isipin pero iyon ang katotohanan. Siguro ay nakalaan talaga tayo sa iba at hindi natin ito panahon' kung
naroon man ang dalaga'y dasal niyang marinig nito ang kanyang panalangin.



"Ayoko na Aaron! Ayoko na! I don't deserve this!" niyakap niya ng mahigpit ang takot na takot na si Clarisse.
Hindi niya alam kung ano ba talaga ang tunay niyang damdamin para sa dalaga ngunit alam niyang gusto
niya itong protektahan at mapasaya. Mayroong parte ng pagkatao niya ang pinupukaw nito ngunit hindi
lamang niya magawang pangalanan.

"Nandito lang ako Clarisse." hinalikan niya ito sa noo at doon ay kumalma ang dalaga. Inangat niya ang
mukha nito paharap sa kanya at pinunasana ng mga luha nito.

"Wag kang matakot. Hahanap tayo ng sagot sa lahat ng ito." tumango lamang ang babae. Bigla na lamang
ay parang may nag-udyok sa kanya upang halikan ang dalaga. He kissed him slowly hanggang sa tumugon
na din si Clarisse at humalik rito. Pakiramdam niya ay para siyang nasa langit habang hagkan ang dalaga.
Ngayon lamang niya ulit naramdaman iyon dahil buhat ng mamatay si Victoria kailanman ay hindi na siya
nagseryoso sa pagmamahal.

"I'm always here for you Clarisse" matapos ang ilang segundong halik ay niyakap niya ng mahigpit ang
dalaga na tuluyan ng kumalma.



***

Noong hapon din na iyon ay nagtungo sila sa isang espiritista na ini-rekomenda ng Lola ni Clarisse sa kanya.
Sinamahan pa mismo sila nito roon. Madilim sa loob ng munting kubo at sinalubong sila ng isang
matandang babae na sa tantiya ni Clarisse ay nasa otsenta na ang edad nito. Nakatungkod ang matanda at
mayroon itong itim na tela na nakatakip sa kaliwang mata nito. Mapapansin ang katandaan sa
pangangatawan nito ngunit malakas pa.



"Siya si Impong Teresita. Siya ang kilalang albularya dito sa bayan na ito. Impo siya si Clarisse ang apo ko at
ito naman si Aaron." pagpapakilala ng kanyang lola sa kanila. Agad na lumingon sa kanya ang matanda at
pinakatitigan siya nito sa mata nagdulot sa kanya ng kaba at takot.

Dedicated to
Kristine Saavedra
spinner.gif

"A-ano pong ginagawa ninyo?" nauutal niyang tanong sa matanda na nakatitig pa din sa kanyang mga mata.



"Minsan ba napaginipan mo na parang nahulog ka?" tanong ng matanda habang nakatitig pa din ito sa
kanya. Kahit naiilang man ay inalala niya kung naramdaman niya iyon.

"O-opo. Paminsan minsan. B-bakit ho?" nagtataka niyang tanong sa matanda.

"Sa tuwing nananaginip ka at pakiramdam mo ay nahuhulog ka sa isang mataas na lugar ang ibig sabihin
niyon ay mayroong kaluluwa na sinusubukang sumanib sa iyong katawan."



"S-si V-Victoria?" takot na takot na tanong ni Clarisse sa matanda.

"Malapit lang siya sa iyo. Gustong gusto niyang makuha ang katawan mo hija upang makabalik sa mundong
ito. Hinihintay lang niyang humina ang iyong katawan. Ginugulo ka niya upang humina ang sistema mo at
paniniwala hanggang sa makakuha siya ng malakas na enerhiya upang mapaalis ang kaluluwa mo sa iyong
kataawan." napaupo na lamang si Clarisse at nakaramdam ng matinding panghihina.

"Nandito lamang siya sa malapit hija. Malapit sayo. Napakalapit.



Kabanata 22



Madilim noon at umuulan habang binabaybay nilang magnobyo ang kalsada. Masaya nilang pinag-uusapan
ang pagplano ng nalalapit nilang kasal ng sa isang iglap na lamang ay may nakakasilaw na liwanag at
maingay na busina ang sumalubong sa kanilang dalawa.

Kahit nahihilo at masakit ang buong katawan ay pinilit niyang imulat ang kanyang mga mata ngunit hindi
niya ito magawa, ganoon na lamang ang takot niya ng maramdaman ang sariwang dugo na malayang
umaagos sa kanyang mga mata. Pilit siyang nangapa sa kadiliman hanggang sa mahawakan niya ang isang
kamay.



"Russel? Russel! Ayos ka lang ba?!!" niyugyog niya pa ang kamay nito ngunit wala siyang sagot na
natanggap rito. Nilukuban na siya ng takot.

"Russel! Russel magsalita ka! Russel!!" Kung sana ay kaya niyang imulat ang kanyang mga mata upang
malaman kung ayos lang ba ang nobyo. Sumabay na lamang ang kanyang tahimik na iyak sa ulan na wala
pa ring tigil sa pagbuhos.



Nagising si Clarisse mula sa mahimbing na pagtulog na may kirot sa kanyang puso, dinama niya ang
mamasa masa niyang mga mata mula sa mga naipong luha. Sa wakas ay nakatulog siya ng mahimbing at
hindi niya akalain na muli niyang mapapaginipan ang trahedyang kanyang kinasangkutan noon.



"Ang mga mata ko? Kanino nga ba nanggaling ang mga ito?" kailanman ay hindi niya inalam kung kanino
nanggaling ang kanyang mga mata. Tatlong taon na ang nakakaraan ng mangyari ang aksidenteng iyon,
dead on the spot ang kanyang nobyong si Russel habang siya naman ay napuruhan ng mga bubog ang
kanyang mga mata na siyang naging dahilan upang mabulag ang dalaga.



Ilang buwan matapos siyang sumailalim sa eye transplant ay nagsimula na rin ang mga nakakatakot at hindi
niya maipaliwanag na mga panaginip. Malabo sa una hanggang sa luminaw na ang lahat at unti unti ay
nagkaroon ng detalye. Hindi maialis sa isip ng dalaga kung may kinalaman man ang aksidente sa lahat ng
nangyayari ngayon.

Matapos ang ilang minutong pagmumuni muni ay naisipan na rin ni Clarisse ang bumangon. Sandali lamang
siyang nag shower at nagbihis ng simpleng bestida. Agad niyang tinakbo ang pababa ng komedor at
nagpasalamat ng tahimik ng maabutan pa si Aaron na kasalukuyang nagkakape. Luluwas ang binata sa
Maynila upang asikasuhin ang napapabayaan na nitong trabaho dahil na rin sa mga hindi maipaliwanag na
nangyayari.



"Good morning. Tara na't mag-almusal Clarisse." matamis siya nitong nginitian. Muli ay nag-unahan na
naman sa pag-tibok ang puso niya. Mahal na nga niya talaga ang lalaking ito. Ang lalaking minahal niya
mula pa sa panaginip niya at ngayon hanggang sa realidad. Ngunit siya nga ba talaga ang nagmamahal kay
Aaron o si Victoria na ginagampanan niya sa panaginip.

"Maaari ba akong sumama sa iyo sa Maynila? Pupunta lang ako sana ako sa Makati Med." malambing
niyang tanong sa binata habang inaabutan siya nito ng kape.

"Ano naman ang gagawin mo roon Clarisse? Ayaw mo bang dumito nalang?" nag-aalala nitong tanong sa
kanya.

"Mas lalo naman hindi ko kaya manatili sa mansion? Huwag kang mag-alala may aasikasuhin lang ako sa
hospital."

"Kung gusto mo ay maaari kitang samahan?" alok ng binata kay Clarisse.

"Ayos lang ba?" walang sandali ang ayaw niyang palampasin na makasama si Aaron. Wala siyang ideya
kung ano ang kakayahan ni Victoria upang kuhanin ang sarili niyang katawan kaya naman gusto niyang
sulitin ang mga panahon na kasama ang binata. Mahal niya ang binata, walang duda ngunit paano si Aaron?
Ano bang nararamdaman nito para sa kanya? Bahagya siyang nakaramdam ng kirot sa isiping iyon kaya
naman isinantabi niya na lamang ito.

"Oo naman. Samahan mo muna ako sa airport pagkatapos ay tutuloy naman tayo sa hospital." binigyan na
lamang niya ng matamis na ngiti ang binata at humigop na sa kanyang mainit na kape.



Matapos hintayin makapagbihis ang binata ay umalis na ang dalawa paluwas ng Maynila. Nagkwentuhan
lamang sila ng binata habang nasa biyahe at iniiwasang mapag-usapan ang mga kababalaghang nangyayari
sa kanila. Halos lahat ng mga tao sa airport lalong lalo na ang nakakakilala sa kanila ay hindi mai-alis sa
dalawang taong magka-hawak ng kamay. Hindi maiwasan ni Clarisse ang mailang sa mga matang kanina pa
sila tinatapunan ng tingin at sa mga bulung bulungan kung ano nga ba ang relasyon niya sa General
Manager ng naturang airport. Sinubukan niyang ialis ang kanyang kamay sa pagkakahawak ni Aaron ngunit
mas lalo lang nitong hinigpitan.
"Wag mo silang intindihan. Ano bang malay nila kung nagka-developan na tayo habang nasa bakasyon
tayong dalawa diba?" napailing na lamang ang dalaga ng kindatan siya ni Aaron. Kahit sa simpleng
pagkindat ay napapatalon ang kanyang puso na umiibig para dito.

"Nakakahiya naman kasi ang ginagawa mo. Baka isipin nila na may relasyon tayo diba? Ang sasama ng
tingin sakin ng mga may gusto sayong stewardess, hamak ganda nila kumpara sa akin."

"Ano naman? Walang tutumbas sa ganda mo lalo na sa mga mata mo." napalingon siya binata at nais
sanang magtanong ngunit binabati nito ang mga nakakasalubong kaya naman napayuko na lamang siya.



Matapos pumirma ng sandamamak na papeles ang binata ay agad na silang tumungo sa Makati Med na
hindi naman kalayuan sa airport. Pagkarating ay agad niyang hinanap ang doctor na siyang nag-opera sa
mga mata niya. Tatlong taon na ang nakakaraan ngunit ngayon lamang siya nagka-interes sa taong nag-
donate ng mga nito para sa kanya. Hindi niya alam kung ano ang nagtulak sa kanya ngunit ramdam niya na
kailangan ito.



"Good morning Ma'am. Ako po ang sekretarya ni Dra. Nieves magpapalista po ba kayo para sa check-up?"
tanong sa kanya ng sekretarya nito.

"H-hindi. Dati niya akong pasyente. Inoperahan niya ako tatlong taon na ang nakakaraan, may gusto lang
sana akong itanong sa kanya."

"Sige po, hahanapin ko lang ang record niyo at ililista ko na din kayo. Ano nga po pala ang pangalan niyo?"

"Clarisse Lonzaga." nagbuntong hininga na lamang siya at inayang maupo sa gilid si Aaron.

"Naoperahan ka sa mata dati? Bakit?" nagtatakang tanong ng binata sa kanya habang naghihintay silang
tawagin ng sekretarya ng doktor.

"Oo. Ak---" bago pa makasagot ang dalaga ay tinawag na sila ng sekretarya upang pumasok sa loob ng clinic
ng doktor.

"Ma'am sabi po ni Doc mauna na kayo." tinanguan na lamang niya ang sekretarya at pumasok na sa loob.
Agad siyang binati ng doktora at pinaupo.

"Clarisse. Kamusta ka na? Kamusta na ang mga bago mong mata?" nakangiting bati sa kanya ng doktora.

"Ayos naman ho. May itatanong lang sana ako doktora, alam ko namang confidential ito at may ibang mga
donors o pamilya nila na ayaw ipaalam kung sino sila pero nais ko lang sanang malaman kung sino yung
donor ko." tatanungin lamang niya kung sino ang donor niya pero bakit kailangan siyang kabahan ng
ganoon.

"Nakakapagtaka naman na gusto mong malaman ang donor mo? Wag kang mag-alala nasabi sa amin ng
pamilya ng donor mo na kung may oras ka ay dalawin mo sila ngunit kahit kailan hindi mo naman
nabanggit ang tungkol sa donor mo kaya naman hindi na namin siya sayo nabanggit." tumango na lamang
siya. Pagkatapos ng operasyon ay ilang linggo siyang nagkulong sa kanyang silid at hindi makausap. Ayaw
niya noon pa sa mga mata niya dahil wala na itong saysay pa kung hindi na rin niya makikita pa si Russel.

"Namatay ang iyong donor sa parehong aksidente na kinasangkutan ninyo. Lulan siya ng kotse na siyang
nakabanggan sa sinasakyan niyo ng iyong nobyo. Ang nais nga sana ng iyong lola ay ang mga mata na
lamang ng iyong nobyo ang ibigay sa iyo ngunit pareho kayong binulag ng mga bubog. Namatay ang mag
nobyong lulan ng kotse na iyon." pigil ang hininga ng dalaga sa kwento ng doktora. Ang mga taong
kinamumuhian pa pala niya ang dahilan kung bakit muli siyang nakakita.

"Hindi ka na naki-alam pa sa imbestigasyon sa nangyaring aksidente kaya naman hindi mo sila nakilala.
Kasalukuyan silang nag-aaway noon sa sasakyan at nag-aagawan sa manibela kaya naman hindi nila
napansin ang sasakyan ninyo."







"At ang pangalan nga pala ng iyong donor ay si Victoria Vega." sukat doon ay pareho silang napatayo ni
Aaron na noong una ay tahimik lamang na nakikinig.



Kabanata 23



"Sa tingin mo ba mamahalin ka ni Aaron?" nakangising tanong ng kaharap ni Clarisse. Animo siya
nakaharap sa salamin dahil magkamukang magkamuka ang kanilang mga suot. Simula sa suot niyang
maskara hanggang sa kulay pula niyang sapatos. Naghahamon ang boses ng babaeng kaharap niya.

"Kahit anong gawin mo ako pa rin ang nakikita ni Aaron. Ikaw nga ang kasama niya pero dahil sa mga mata
ko ako pa rin ang minamahal niya." masasabi niyang puno ng galit ang boses ni Victoria. Puno ng inggit sa
buhay na mayroon siya ngayon.

"Ako nalang dapat ang nabuhay! Bakit kailangang ikaw pa?!! Sa ating apat bakit ikaw pa?!!" tinanggal ni
Victoria ang kanyang maskara bakas sa magandang mukha niya ang labis na inggit.

"Hinding hindi mo makukuha ang katawan ko! Wala ka ng magagawa! Akin 'to! At ikaw? Patuloy na
pagpipiyestahan ng uod ang katawan mo!" sigaw ni Clarisse. Hindi niya kailangang matakot dahil kaluluwa
lang ang kaharap niya. Alo niya sa sarili upang hindi lukuban ng matinding takot.

"Pasasaan ba't makukuha ko rin ang katawan mo. Bakit hindi si Aaron ang papiliin natin? Kaunting panahon
nalang Clarisse." nagtayuan ang mga balahibo ng dalaga sa pagtawa ni Victoria.

"Natatakot ka na ba? Ako ang pipiliin ni Aaron. Kaytagal niyang hinintay na makasama ako. Siyempre sino
ka ba sa buhay niya? Bakit ikaw ang pipiliin niya?" tinaasan siya nito ng kilay at muling tumawa.

"Kaawa awang Clarisse. Maganda ka naman at matalino hindi na masama kung mabubuhay ako bilang ikaw.
Pano ka? Hmm. Pagpipiyestahan ka ng mga uod sa hukay ko." naningkit ang mga mata ni Clarisse sa mga
pananakot ni Victoria. At bakit niya hahayaan na makuha nito ang katawan niya? Sakanya iyon.

"Bakit sa tingin mo ba hahayaan ni Allen na hindi ka niya maisama sa impyerno? Hindi nga ba't isinama ka
niya hanggang kamatayan. Sa tingin mo ba hahayaan niya na magkasama kayong muli ni Aaron habang
siyang sinusunog sa impyerno?! Pwes nagkakamali ka! Kung kailangan makipag-usap ako sa hudas gagawin
ko. Dapat kang mapunta sa impyerno! Yan ang nararapat sa isang ganid at isang taksil na nobya na katulad
mo!" si Clarisse naman ang napangiti ng mapansin ang takot ni Victoria. Labis ang obsesasyon ni Allen kay
Victoria ang kailangan lang niya ay ang magtiwala dito.

"Gagawin ko ang lahat makasama lang si Aaron. Maibalik lang ang buhay na dapat mayroon ako! Ayaw mo
ba noon? Makakasama mo na din si Rusell. Makakasama mo na ulit ang pinakamamahal mong nobyo."
magsasalita pa sana siya ng unti-unti ng lamunin ng dilim si Victoria na may nanlilisik na mga mata.



Pawis na pawis si Clarisse ng magising siya. Agad na bumungad sa kanya si Aaron na tahimik lamang na
nagmamaneho. Hindi pa sila nag-uusap simula ng manggaling sila sa hospital hanggang sa pag-uwi. Inabot
na sila ng dilim sa pag-uwi dahil sa malakas na ulan na naging sanhi ng matinding trapiko sa NLEX.
Nagbuntong hininga na lamang ang dalaga at napasapo sa kanyang noo.



"Nanaginip ka. Ano iyon?" malamig na tanong ni Aaron sa kanya na seryoso pa ring nakatutok ang mga
mata sa daan.

"Si Victoria." halos pabulong lamang niyang sagot. Mula sa gilid ng kanyang mga mata ay nakita niyang
napalingon sa kanya ang binata ngunit agad din nitong inayos ang sarili.

"Ang sabi niya matagal mo daw hinintay na makasama siya. At ngayong alam mo na may posibilidad na
magbalik siya ipagpapalit mo daw ako. Sino nga ba ko? Siyempre mahal mo siya kaya gagawin mo ang lahat
para bumalik siya!" hindi na napigilan pa ni Clarisse ang kanina pa niya pinipigil na mga luha. Napahagulgol
na lamang siya sa isiping iyon. Agad na iginilid ni Aaron ang kotse at pinaghahampas ang manibela.

"Sino ba kayo para isakripisyo ko ang buhay ko para sa inyo?!! Bakit ko naman iaalay ang buhay ko para
magkasama kayo?!!" patuloy pa rin ang pagbuhos ng luha ni Clarisse. Pagod na pagod na siya sa lahat ng
mga nangyayari sa kanya sa mga nakalipas na linggo. Hindi na siya nakapalag pa ng yakapin siya ni Aaron at
halikan siya sa ulo. Unti-unti ay kumalma siya at tahimik na lamang na umiyak.

"Hindi ko hahayaang mangyari iyon Clarisse. Buhay mo yan at kahit sino ay walang makakaagaw niyan
sayo."

"Pero mahal mo si Victoria diba? Chance niyo na'to na magkasama muli? Kaya lang naman magaan ang
loob mo sakin kasi nasa akin ang mga mata niya, kasi nakikita mo siya sa akin. Diba Aaron?" parang
pinupunit ang puso ni Clarisse habang sinasabi ang katotohanang iyon. Mahal niya si Aaron. Nagising na
lamang siya isang araw na mahal na niya ito. Mula sa panaginip niya'y natutunan na niyang mahalin ang
lalaki at masakit sa kanya na ibang babae ang nakikita nito.
Ngumiti lamang ang lalaki at hinawakan ang mukha niya at umiling na labis niyang ipinagtaka.



"Oo minahal ko si Victoria. Pero iba ang pagmamahal ko sayo ngayon. Pasensya ka na kung hindi ko
sinasabi sayo Clarisse, noong una denial pa ko dahil nalilito ako sa nararamdaman ko. Mas lalo ko
napatunayan na mahal kita nung malaman ko na gusto ni Victoria na makuha ang katawan mo. Hindi ko
kaya. Hindi ko yang mawala ka." hindi malaman ni Clarisse kung saan kukuha ng mga salita napangiti na
lang siya at napaiyak sa labis na kasiyahan.



***





"Sana hindi din panaginip iyon." iyon na lamang ang nasabi ni Clarisse sa kanyang sarili ng umagang iyon.
Hinawakan niya ang kanyang labi at inalala ang halik na pinagsaluhan nila ni Aaron ng nakaraang gabi.
Pinaghahawakan niya ngayon ang pangako nito siya ang pipiliin ng binata.



Matapos magmuni-muni ay bumangon na ang dalaga at naligo. Ngayon ay babalik na siya sa Maynila upang
magtrabaho ulit. Namimiss na niya ang tahimik na clinic nila sa airport. Tapos na ang pagbabakasyon niya,
nagpapasalamat pa rin siya dahil kung hindi siya nagbakasyon sa mansyon ng mga Reyes ay marahil hindi
mabibigyan ng kasagutan lahat ng katanungan niya tungkol rito. Ngayon ay alam na rin niya kung sino ang
may kasalanan kung bakit namatay ang kanyang nobyong si Rusell. Si Allen Reyes.

Matapos maligo at mag-impake ay bumaba na ang dalaga sa komedor kung saan naghihintay si Rowena at
Aaron.



Dadalaw ka minsan dito hija. Sana na-enjoy mo ang pag stay dito sa amin. tumango na lamang si Clarisse
at yumakap kay Rowena.

"Maraming salamat Tita sa pagiging hospitable ninyo. Hayaan niyo at dadalawin ko kayo."

"Aasahan ko ya hija. Bagay na bagay talaga kayo ng anak kong si Aaron. Alagaan mo siyang mabuti ha?
Ikaw Aaron wag ka mambabae ah?" nagtawanan na lamang silang dalawa ng mapakamot ng ulo ang binata.

"Oo naman Mama." palihim siyang napangiti ng abutin ni Aaron ang kanyang kamay at hinalikan ito.

"Tama na nga yan at naiinggit ako. Ang mabuti pa ay lumuwas na kayo at baka abutin kayo ng rush hour sa
EDSA. Mag-iingat kayong dalawa" nagpaalam na ang bagong mag nobyo kay Rowena. Pasakay na sana siya
ng kotse ng mahagip ng mga mata niya ang babaeng nasa teresa. Ganoon na lamang ang panlalaki ng
kanyang mga mata ng makita si Victoria na nakatayo roon at masama ang tingin sa kanya.

"Kahit saan susundan ko kayo." hindi niya alam kung saan ang tinig na iyon at hanggang sa makaalis sila ni
Aaron ay masama pa rin ang tingin nito sa kanya.

"Ayos ka lang ba Clarisse?" ngumiti na lamang ang dalaga at hindi na pinansin pa ang kanyang nakita.
Siguro'y iisipin na lamang niya na namalik mata lamang siya.

"Kailan kaya mawawala si Victoria. Hindi ko na napaginipan pa si Allen. Natapos ang lahat ng pagpapakita
niya ng malaman ko na ang mga mata ni Victoria ay nasa akin. Ikaw napapaginipan mo ba sila? O si
Victoria?" tanong niya sa binata na nakafocus lamang ang mga mata sa daan.



Bahagyang nanikip ang kanyang dibdib ng hindi ito magsalita. Naglilihim ba ito sa kanya? Kung
napapaginipan nito si Victoria ay ano naman kaya ang pinag-uusapan ng dalawa. Gusto niyang magtiwala
sa pagmamahal sa kanya ng binata ngunit hindi niya maiwasan isipin na si Victoria ang Greatest Love nito.
Nagawa nitong kalabanin ang sariling kapatid para lamang sa huli. Hindi pa rin siya kumpiyansa sa sarili na
mamahalin siya ni Aaron higit pa sa pagmamahal nito kay Victoria.



"Bakit hindi ka makasagot Aaron? Anong napapaginipan mo tungkol sa kanya?" halos nananakit na ang
lalamunan ni Clarisse sa sari-saring isipin na gumugulo sa kanya. Bakit ba kasi unang nakilala ni Aaron si
Victoria? Bakit ba kailangang isang patay pa ang makaagaw niya sa puso ng binata?

"Hindi na mahalaga iyon Clarisse. Ang mahalaga ngayon ay tayong dalawa." nagbuntong hininga na lamang
siya ng hawakan nito ang kamay niya at pisilin. Kitang kita sa mga mata nito ang nais nitong wag ng pag-
usapan pa ang tungkol sa dati nitong minamahal. "Sinasaktan mo ako ng husto sa ginagawa mo Aaron"
nasabi na lamang ni Clarisse sa kanyang isip at nanahimik na lamang siya hanggang sa makarating sila ng
Maynila.

Nang makarating sa kanyang apartment ay tinulungan siya ni Aaron na ibaba ang kanyang mga gamit.
Kanina pa sila hindi nag-uusap ng binata at wala siyang lakas upang magtanong dito. Alam niyang
masasaktan lamang siya sa katahimikan nito.



"May duty ako mamayang gabi. Mauna ka na sa airport." malamig niyang sabi sa binata at tumalikod na.
Napatigil ang dalaga ng hawakan siya ni Aaron sa kamay.

"Sorry sa kanina Clarisse. Ayoko lang talagang pag-usapan. Pupuntahan nalang kita sa clinic mamaya,
magpahinga ka na muna alam kong pagod ka" yumuko na lamang si Clarisse at tumango.

"Mauna na muna ako. I love you."

"I love you too." mahina niyang sagot at tinanggap ang halik ng binata.



***

"You're back!! Grabe bumalik ka lang dito jowa mo na si General Manager! Ikaw na Clarisse Lonzaga!"
masiglang salubong sa kanya ni Beth.

"Baliw ka talaga Maribeth." napapailing na sagot ni Clarisse.

"Pero yung totoo namiss kita!!" napatawa na lamang ang dalaga ng gigil siyang yakapin ng kaibigan.

"I-kwento mo naman pano naging kayo ni GM! Sabi na nga ba bagay na bagay kayo. Haha. Akalain mo yun
dati aso't pusa kayo ngayon akala mo kayo love birds." kulang na lamang ay mangisay si Beth sa sobrang
kakiligan. Sasagot na sana si Clarisse ng may kumatok sa pinto at bumungad sa kanila ang isang stewardess.

"Hi. Sumakit kasi ang ulo ko pwede bang makahingi ng gamot." agad nilang pinaupo ang babae at kumuha
naman ng paracetamol si Beth sa medicine kit.

"Sige. Inumin mo 'to para mawala na ang sakit ng ulo mo."

"Maraming salamat. Ngayon lang ulit ako napunta dito sa clinic. Kaibigan ko yung dating nurse dito kaya
nga lang patay na siya." agad na nagkatinginan sina Beth at Clarisse. Nahuhulaan na ni Clarisse kung sino
ang tinutukoy ng babae.

"Grabe! Nakakatakot naman! Bakit siya namatay teh?" takot na takot na tanong ni Beth na napakapit pa sa
kanya.

"Naaksidente siya kasama ang boyfriend niya. Si Sir Allen yung boyfriend niya yung kakambal ni Sir Aaron.
Ang sweet ni Victoria at Sir Allen dati. Lagi siyang dinadalaw dito ni Sir. Halos lahat inggit na inggit sa
kanilang dalawa. Kahit anong pagsubok na dumating sa kanila hindi pa rin sila naghihiwalay. Naku ang
daming naiinggit kay Victoria noon lalo na nung nag propose si Sir Allen sa kanya. Hay nako. Nagbakasyon
sila sa probinsya ni Sir tapos ang balita naaksidente daw ang dalawa. Sayang nga ang dalawang yun e.
Sayang talaga. Atleast magkasama sila hanggang kamatayan diba? Sorry sa kadaldalan ko ah. Naalala ko
lang talaga sila."

"Naku, ayos lang yun girl! Magkwento ka pa sa kanila. Etong si Clarisse pala katulad ng nangyari kay
Victoria. Boyfriend niya si Sir Aaron."

"Talaga?!"




Kabanata 24



Tahimik na sinisimsim ni Aaron ang kanyang brandy habang pinagmamasdan ang larawang hawak niya.
Larawan iyon ng unang babaeng minahal niya ng seryoso, ang dahilan upang kalabanin niya ang sariling
kakambal. Si Victoria. Napakaganda ng babae, ang mga mata nitong kumikinang sa tuwing ngumingiti ito,
ang mapupulang labing kaysarap halikan at ang malambing nitong boses na kaytamis sa pandinig.
Napabuntong hininga na lamang ang binata at sumandal sa kanyang swivel chair.



"Tuluyan na nga bang nawala ang pagmamahal ko sayo?" tanong ni Aaron sa kawalan.



Si Clarisse, nais niyang protektahan ito sa lahat ng mananakit rito, bawat segundong kasama niya ang
dalaga ay para bang dinadala siya nito sa alapaap. Hindi na niya maitatanggi pa ang nararamdaman para
kay Clarisse. Pilit niyang nilabanan ngunit tadhana na ang gumawa ng paraan upang mapalapit siya sa
dalaga. Naroon ang pagkakataon na mananatili siyang gising habang nakahiga sa kama dahil sa kakaisip rito.

Malinaw na ang lahat, kung ano man ang naramdaman niya para kay Victoria noon ay wala ngunit ano pa
ba nga ba ang gumugulo sa kanya sa ngayon? Inisang lagok niya ang natitira pang laman ng kanyang brandy
at naipikit na lamang ang kanyang mga mata sa labis na kalituhan. Kung may natitira mang alaala ni
Victoria sa kanya ay hindi na niya matandaan pa.



"Aaron." napamulat ang binata sa kanyang na-ulinigan. Isa ba iyong guni-guni o isa na namang iyong
panaginip.

"Aaron." hindi siya maaaring magkamali kung kaninong boses iyon.

"Victoria." mula sa dilim ay lumabas ang babaeng ilang taon niyang inalagaan sa kanyang puso. Dahan-
dahan nitong inalis ang suot na maskara tumambad sa kanya ang napakaganda nitong mukha at ang
matamis nitong ngiti.

"Kaytagal kitang hinintay mahal ko." tumabi pa ito sa kanya at hinaplos nito ang kanyang mukha. Wala na
siyang maramdaman pa na kahit ano para rito. Pinilit niyang sinubukang lumayo rito ngunit animo siya
ipinako sa kanyang kinauupuan.

Hindi ka ba nangungulila sa akin? masuyong tanong sa kanya ni Victoria. Ngunit walang boses ang
lumalabas sa kanya, hindi pa rin siya makapaniwala kung sino ang kaharap niya ngayon.

Naalala mo ba yung pangako natin sa isat-isa noon? Na magsasama tayo at magiging masaya? Heto ako
nagbabalik at isusugal ko ang lahat para lang magkasama tayo muli. Kaunting panahon nalang at
mabubuhay na ulit ako. Kaytagal kong hinintay ito mahal ko. Wala na si Allen sa landas natin at mabubuhay
ako bilang si----

Hindi na kita mahal Victoria. sa wakas ay nahanap na rin ni Aaron ang kanyang boses at buo ang loob
niyang sinabi ang kanina pa niya gustong sabihin para sa dating minamahal. Gusto na niyang tapusin ang
lahat ng kahibangan nito. Hindi niya nakita noon ang kasakiman nito. Pareho lamang sila ng kanyang
kakambal. Sakim at makasarili pagdating sa pag-ibig. Nawala ang mga ngiti ng dalaga at makikita ang
matinding pagpupuyos ng damdamin nito.

Anong ibig mong sabihin Aaron na hindi mo na ako mahal? Mahal mo pa din ako! Nalilito ka lamang dahil
na kay Clarisse ang aking mga mata. Nandito ako nagbabalik mula sa kamatayan, hahayaan mo bang
sunugin ang kaluluwa ko sa impyerno?! hinarap niya ang galit na magandang mukha ng dalaga. Hindi na
niya maalala ang Victoria na nakilala niya noon. Nilamon na ito ng matinding inggit at kasakiman.

Hindi Victoria. Sigurado ako para sa nararamdaman ko para kay Clarisse. Nakahanap na ulit ako ng dahilan
para mabuhay iyon ay ang makapiling at protektahan si Clarisse. Akala ko hindi na ako makakahanap ng
babaeng higit sa iyo, meron pa pala. Akala ko katapusan na ang lahat ng mawala ka pero dumating ang
tadhana at binigay sa akin si Clarisse kaya naman hindi ko hahayaan na may kumuha pa sa akin ng
pinakamamahal ko. Nawala ka na, hinding hindi si Clarisse. Nag-aapoy sa galit ang mga mata ni Victoria.
Akala niyay hawak niya si Aaron sa leeg ngunit nagkamali ito.

Pwes sa ayaw mo at sa hindi kukuhanin ko ang katawan ni Clarisse. Sa mga sinabi mo mas lalo akong
nanabik na makuha ang mayroon siya. Hinding hindi ko hahayaan na maging masaya kayong dalawa Aaron.
Pinapangako ko iyan. Kahit ibenta ko pa ang kaluluwa ko kay Satanas!

Aaron! Aaron! mula sa kawalan ay nag-eecho ang boses ni Clarisse at tinatawag ang pangalan niya.
Aaron gumising ka! Aaron! sigaw pa ni Clarisse. Nakita niya ang lihim na pag ngiti ni Victoria na sigurado
siyang may binabalak itong masama.

Kung hindi ko lang din naman makukuha ang katawan ni Clarisse bakit hindi nalang tayo magsama dito sa
kabilang dimensyon mahal ko? Hindi ba magandang ideya iyon? at tumawa ng malakas ang dalaga habang
nang-iinis ang mga mata nito.

Tigilan mo na ang kahibangang ito Victoria! sigaw niya. Hindi niya alam kung paano makakabalik sa
realidad ang kaninang opisina niya ay napuno na lamang ng kadiliman at hindi niya tiyak kung mayroon
man iyong katapusan. Ang alam niya ngayon ay na-stuck siya kasama si Victoria.

Bakit ngayon ko lang naisip ang bagay na iyon mahal ko? Dito magkakasama pa tayo habambuhay hindi
tulad sa lupa. Napakagandang ideya hindi ba? pang-aasar pa ng dalaga.

Aaron! Aaron gumising ka! Please! Aaron! gusto niyang malaman kung saan nangmumula ang boses ni
Clarisse ngunit umaalingawngaw lamang ito mula sa kawalan. Humalakhak si Victoria na puno pa din ng
poise habang pinagmamasdan ang kawalang pag-asa sa mukha ng binata.

Kawawang Clarisse. muling hinaplos ni Victoria ang dating kasintahan.

Kawawa naman ang mahal ko. Huwag kang matakot, magiging masaya tayong dalawa pinapangako ko.
masuyong pangako sa kanya ng dalaga. Agad niyang tinabig ang kamay nito na ikinasama ng tingin nito sa
kanya.

Sa ngayoy mailap ka pa ngunit pag nagtagal masasanay ka rin sa kadiliman rito. Hindi mo alam kung
gaano kalungkot rito mahal ko, masaya ako at nandito ka na. naisip ni Aaron kung si Clarisse ang
mapapadpad sa lugar na iyon nahihirapan na siyang huminga. Hindi niya hahayaan na may mangyaring
masama sa babae. Pagkakataon namang ngumiti ng nakakaloko ng binata ng unti-unting nilalamon ng
liwanag ang kadilim.

Anong---



Pawis na pawis ang binata ng imulat niya ang kanyang mga mata, hinahabol pa niya ang kanyang hininga ng
tumambad sa kanya ang nag-aalalang mukha ng kanyang mahal. Agad niya itong niyakap ng mahigpit. Sa
tanang buhay niya ay noon lamang siya nakaramdam ng labis na takot. Hindi takot para sa sarili niya kung
hindi para kay Clarisse.



Salamat at nagising ka Aaron. Alalang alala ako sayo. Humiwalay ang dalaga sa pagkakayap at pinunasan
ang pawis sa gwapong mukha ng nobyo. Kanina ay labis ang takot niya ng ilang beses niyang sinubukang
gisingin ang binata at hindi tumutugon. Akala niyay tuluyan ng hindi ito magigising.

Tinakot mo ko ng husto alam mo ba yun? hindi na napigilan pa ng dalaga ang maiyak dahil sa labis na
takot na naramdaman agad naman siyang hinila ng binata at dinala sa matipuno nitong dibdib at hinalikan
siya sa noo.

Shhh. Im so sorry my love. Huwag kang mag-alala tatapusin na nating lahat to. Iniangat ng dalaga ang
kanyang mukha na may katanungan sa mga mata. Hinawi lamang ni Aaron ang ilang hibla ng buhok na
tumatabing sa magandang mukha ng dalaga at masuyo itong hinalikan sa labi.



Trust me Clarisse. Well get over this.




Kabanata 25



"Isa siyang kaluluwa na sabik sa pisikal na buhay na agad na ipinagkait sa kanya. Takam na takam siya sa
buhay na tinatamasa mo ngayon Clarisse. Nais niyang kuhanin ang iyon upang makabalik sa lupa. Hindi siya
nararapat rito, hindi maaaring agawin ng sinuman ang buhay na inilaan para saiyo." paliwanag ng
kakilalang espiritista sa magkasiklop kamay na magkasintahan.



Ang lahat ng kahibangan ay may katapusan at ngayo'y nais na nila itong tuldukan. Ang pagtulog ay isang
paraan upang ipahinga ang iyong pisikal na katawan at ang pag-iisip ng isang tao ngunit hindi nila magawa
iyon dahil sa paggambala ng kaluluwa ni Victoria. They couldn't afford of another sleepless night, nais na
nilang matulog sa bisig ng isa't-isa ng payapa.



"Ano po bang maari naming gawin para matapos ang lahat ng ito? Sinunog na naming lahat ang gamit ni
Victoria pero hindi pa rin siya nawawala sa aming panaginip, minsa'y nga ay nagpaparamdam pa siya."
pagsusumamo ni Clarisse sa matanda. Pakiramdam niya anumang oras ay mawawala siya sa mundong iyon.
May parte ng pag-iisip niya na gustong unawain si Victoria, kung siya man siguro ang nasa parte nito ay
marahil magpupuyos din ang dadamdamin niya kung makikita niya ang pinakamamahal niya na buhay na
buhay at masaya sa piling ng iba habang siya naman ay nakakulong sa purgatoryo at nag-iisa. She must
have a tortured soul.

"Nakalimutan mo na ba Clarisse na nasaiyo ang mga mata ni Victoria? May isang bagay pa siyang naiwan
na hindi mo maaaring sunugin. Isa lang ang paraan na magagawa natin, kailangan mong matulog ng
mahimbing at sa oras na makita mo si Victoria ay kailangan mong mahanap ang pinto kung saan siya
nararapat." makahulugang saad ng matanda. Muli ay naramdaman na naman niya ang pangungilabot sa
ideya ng matanda.

"Ngunit kailangan mo ng ibayong pag-iingat Clarisse, alam mong tuso ang kaluluwa ni Victoria maaaring
ikaw ang itulak niya sa dapat niyang kalagyan at maangkin ng tuluyan ang katawan mo." sa sinabing iyon ay
halos manghina ang mga tuhod ni Clarisse sa labis na takot. It's a matter of life and death. Ni sa isang
apuhap ay hindi niya naisip na kailangan niyang ipaglaban ang buhay niya sa isang kaluluwang nais
umangkin ito.



Paanong sa iglap ay naging ganito na lamang kahiwaga ang noo'y tahimik at kuntento niyang buhay. Kung
hindi dahil sa aksidenteng iyon ay marahil ay wala siya sa ganitong sitwasyon ngunit kung hindi rin dahil
roon ay hindi niya makikilala si Aaron. Pumikit ng mariin ang dalaga at napabuntong hininga, masuyong
pinisil ng binata ang kanyang kamay at sa pagdilat niya ay nakita niya ang pag-asa.



"I love you." he mouthed.

"And I love you too." sagot niya rito. Kung may isa man siyang ipinagpapasalamat ay ang lalaking nasa tabi
niya ngayon.

"Kailan natin gagawin ang orasyon na iyon?" tanong niya sa matanda. Tumikhim ang matanda at tumayo
na sa wari niya ay nag-iisip ng malalim ito.

"Isagawa na lamang natin ito bukas ng gabi. Alas dose ng gabi kung kailan malalim ang iyong pagtulog, sa
ngayon ay umuwi na muna kayong dalawa at magpahinga alam kong labis na itong nakakagambala sa
inyong magkasintahan." nakangiting usal ng matanda at iginiya silang dalawa palabas sa masikip at
nakakatakot nitong tirahan, sa una'y iisipin mong isa itong bahay ng mangkukulam dahil sa mga kahindik-
hindik na palamuti nito.

"Maraming salamat po." saad ni Aaron na agad naman siyang inalalayan sa paglalakad dahil pakiramdam
niya'y anumang oras ay babagsak siya. Hindi kaya ng isip niyang i-proseso ang lahat ng mga nangyayari.

"Matalik kong kaibigan ang iyong lola Clarisse kaya wala na kayong dapat ipagpasalamat." unti-unti ay
gumaan na rin ang pakiramdam ng dalaga dahil sa kasiguraduhan na natanggap niya mula sa matandang
babae.

"Hindi hindi ko po makakalimutan ang tulong na ito Lola, nagmamakaawa akong gawin niyo ang lahat para
matapos na ang bangungot na ito sa amin ni Aaron."



The greatest pleasure in life is sleeping but not for Aaron and Clarisse Nang gabi ding iyon ay sa unit ni
Aaron sila tumuloy, they want to spend the rest of the night with each other, if only they can stay up all
night just hugging and kissing. Takot silang matulog, takot silang mawalay sa isa't-isa. They end up kissing
and cuddling, enjoying every moment they have had. They're just contented in each other arms.



"Alam mo bang sabik ako noon matulog para lamang makita kang muli? I can feel your warm skin na para
bang totoo lahat. Those dreams came true." paos na kumpisal ng dalaga habang masuyong tinitigan ang
gwapong mukha ni Aaron. Animo sasabog ang puso niya, hindi mapaglagyan ang pagmamahal niya para sa
huli. Nababalutan ng pag-ibig ang paligid nila at hindi na niya mapigilan ang nararamdaman niya para sa
binata. She really loves him with all her soul.
"Litong lito ako sa nararamdaman ko sa iyo at sa babaeng nasa panaginip ko, unti-unti na akong nahuhulog
sa iyo ng mga panahon na iyon pagkatapos ay may isang estrangherang babae na bigla na lamang susulpot
sa panaginip ko. Nagpapasalamat ako at iisa lamang kayo. I really love you my lady. I'll be your safety." nais
tumalon ng puso ni Clarisse dahil sa labis na kagalakan. Nag-uumapaw ang pagmamahal sa paligid nila and
they just couldn't afford to only sit there and staring at each other.



Mataman na tinitigan ni Aaron ang labi ng dalaga, hindi niya maikukubli ang nababalot na tensyon sa
pagitan nilang dalawa, no words can describe how thankful he is to have her. Bago pa siya makapag-isip ay
masuyo na niyang inangkin ang nakaawang na bibig ng dalaga. Sa una'y marahan lamang ngunit hindi na
niya mapigilan ang pagpupuyos ng damdamin para sa minamahal, he sucked her lips, nibbling it.

Halos kapusin sila ng hininga ng saglit silang naghiwalay. Takot siyang mawala ang dalaga, kung noon ay sa
panaginip lang niya ito nahahagkan ngayon ay totoo na ito. Gusto niyang damhin at kabisaduhin ang bawat
parte ng katawan nito na hinahalikan niya. Mas lalo pang nakapagdagdag sa init ng baga ang impit nitong
ungol, ungol na mas nakakapagdarag sa kanya sa nakakakiliting sensasyon.

Ang pangangailangan niya'y pahirap ng pahirap. Gusto na niyang angkinin ito ngunit nais din niyang dahan-
dahanin ito. He wanted to savor every part of her flesh. He wanted to hear those sweet moans coming
from her. He kissed her temples down to her neck and lick every part of it. Hindi na niya kayang patagalin
pa ang panunukso sa dalaga dahil ayaw niyang mapahiya rito, nagmamadali nilang hinubad ang saplot ng
isa't-isa. Namamanghang pinasadaan ni Aaron ang hubad na katawan ng dalaga. She's a Goddess! He
grabbed one peak and caressed the other. He groaned. He can't take it anymore!



"Aaron, take me now. Please?" pagsusumamo ng dalaga. Ibig matawa ni Aaron sa sarili dahil siya mismo ay
kanina pa gustong magsumamo sa dalaga. He granted her wish. He parted her legs and entered his
manhood to hers. Pinahid niya ang ilang luhang kumawala sa dalaga at kahit nahihirapan ay sinubukan
niyang bagalan ang paggalaw sa loob nito. Para siyang papatayin sa sakit na nararamdaman niya ngunit
alam niyang mas masakit ang pinagdadaanan ng dalaga.

"I love you so much Clarisse! I love you to the infinity and beyond." the shared sweet mumurs between
kisses and thrust until they'd reach their own zenith.



Payapang tumabi si Aaron sa babaeng natutulog sa kanyang bisig, noon niya lang napagtanto na mahal na
mahal niya ang dalaga, he looked at her with so much love and passion. He kissed her forehead and went
to sleep. For the first time they had a peaceful sleep.




Huling Kabanata



Sampung minuto bago mag alas dose ay naroon na ang mga gamit na kakailanganin upang maisagawa ang
operasyon. Magkahawak-kamay ang magnobyo habang ang matandang albularya ay nanalangin.



"Oh amang nagbigay sa aming lahat sa mundong ito, gabayan mo ang kaluluwa ang anak mong si Clarisse
upang magampanan niya ang kanyang misyon, huwag mong hayaan na sinuman ang makaangkin sa buhay
na iyong ipinagkaloob mo sa kanya." pigil hininga lamang na nakikinig si Clarisse sa sinasabi ng matanda
kahit na hindi na siya mapakali sa takot.



Marahang umihip ang malamig na hangin na nanunuot sa bawat kalamnan niya. It brought shivers to her
spine, gusto niyang yakapin ang sarili ngunit hinigpitan lamang ni Aaron ang pagkakahawak sa kamay niya
na animo ayaw nitong mawalay siya kahit isang sentimetro man lang mula rito.

Limang minuto bago mag alas dose at unti-unti na siyang iginugupo ng takot at nerbiyos. Paano kung
maisahan siya ni Victoria? Paano kung siya ang mapunta sa apoy ng impyerno? Naiisip pa lamang niya ang
mga posibilidad na mangyari ay nais na niyang umayaw sa ideyang kinasusuungan niya.

Hindi na siya maaaring tumalikod pa, kailangan ng tuldukan ang lahat ng bangungot na iyon. She have to
fight! Hindi lang para sa sariling buhay kung hindi para na rin sa pinakamamahal niya. She just can't lose
her own life, she can't lose Aaron as well.



"Handa ka na bang matulog Clarisse?" tinignan muna ni Clarisse si Aaron na masuyong tumango sa kanya
na animo ay binibigyan siya nito ng permiso, mas hinigpitan nito ang pagkakahawak sa kanyang kamay.

"She cannot take away your own soul, it's yours." nakakaunawang ngumiti na lamang si Clarisse at
tinanguan ang matandang naghihintay sa kanyang pahintulot.

"Kung ganoon ay simulan na natin ang orasyon. Kailangan lamang ay mahanap mo ang pintuan kung saan
nararapat si Victoria pagkatapos noon ay hanapin mo ang pintuan kung saan ang daan pabalik sa realidad.
Oras ang kalaban natin dito Clarisse, huwag kang makikinig sa lahat ng sasabihin niya sa iyo. Ikaw lamang
ang makakatulong sa sarili mo, palakas ng palakas ang kaluluwa niya." huminga muna ng malalim ang
dalaga bago tumango.

"Opo naiintindihan ko."

"Kung ganoon ay pumikit ka na."



Nagpakawala muna siya ng isang buntong hininga at itinuon ang buong konsentrasyon sa pagpikit. Narinig
niya ang kuko ng matanda na tumatama sa isang kahoy at mayroon itong sariling rhytmo, iyon ang
nagsisilbi upang mapasailalim siya sa hipnotismo. Maya-maya'y nakaramdaman na siya ng pagbigat ng
katawan, iyon na naman ang pakiramdam na akala mo may dumadagan sa kanya na isang mabigat na
bagay paraan upang mahirapan siyang huminga.



Madilim at nakakatakot. Walang katapusang kadiliman. She's still wearing that tastefully fine and luxurious
gown, inalis niya ang kanyang maskara upang mas makakita mabuti. Ilang sandali ay nasanay na rin ang
kanyang mga mata sa kadiliman.

Sa harap niya ay isang napaka-laking labyrinth. She's not good in mazes, nakakahilo at nakakalito. Hindi
niya alam kung saan dadaan, maraming posibilidad na exit at kung titignan mo siguro mula sa ere ay
napakalawak ng labyrinth na iyon. Luminga linga siya sa paligid ngunit walang Victoria ang nasa paligid.



"What I'm going to do?!!" sigaw niya sa kawalan ngunit umalingawngaw lamang ang sarili niyang boses.
Hindi ito ang oras para magpanic, hindi siya maaaring gumising dahil hindi rin naman niya alam kung paano.
Saan nga ba ako magsisimula? tanong niya sa dalaga habang pinagmamasdan ang magka-sangang daan.
Damn it! Sana'y noong bata pa siya ay naglaro na siya ng mazes, pagalit niya sa sarili habang
nagsasalawahan sa pag-iisip.

"I'm just a tortured soul begging for life." napalingon ang dalaga kung saan nagmula ang boses. Napapugto
ang kanyang hininga at nahihindak na tinitignan ang duguang si Victoria. Marahil ito ang hitsura niya noong
namatay, she's wearing the same gown like hers, iyon nga lang ay puno ito ng bahid ng dugo.

"You can't take my life. You can't replace my soul that easy. It's mine! Hindi mo ako maaaring ikulong sa
madilim na lugar na ito!" she screamed at her praying that she'll get frigthten but she was wrong.

"It is so easy to be you Clarisse. Akin naman si Aaron una palang! Inagaw mo lang siya sa akin! Pwes, tignan
nalang natin kung sino ang mauuna sa kanya. Paniniwalain ko na ako ay ikaw. I'm so excited to be with hi---
"



"At akala mo naman ay hahayaan ko iyon Victoria? Akin ka lang hanggang uli! Ito ang kabayaran ng
kataksilan mo!" nanlalaki ang mga mata ni Clarisse ng lumitaw sa kawalan ang duguang si Allen. Hindi siya
makapaniwala na napapalibutan siyang ng dalawang taong matagal ng patay.

"You can't do this to me Allen! Hindi ba't galit ka sa kapatid mo? Hahayaan mo bang maging masaya siya sa
mundo habang ikaw ay narito sa kadiliman?! This is so unfair!" nagtatagis ang mga bagang ni Victoria. Kung
hindi lamang sa kagandahan nito ay pakiramdam niya ay lalabasan ito ng sungay anumang sandali.

"Hahayaan ko siyang maging masaya sa kanya kaysa sa iyo. Hindi ka maaaring sumaya Victoria ang dapat sa
isang katulad mo ay sinusunog sa impyerno!" parang nalunok ni Clarisse ang kanyang dila kaya naman hindi
na niya magawang sumingit pa sa pagtatalo ng dalawa, nakita niya ang pagngisi ni Victoria. Hindi niya gusto
ang ngisi na iyon.

"Tignan nalang natin." taas noong pumasok si Victoria sa labyrinth patungo sa kanang daan, sumunod rito
si Allen habang siya naman ay naiwan na nakatulos pa rin sa kinatatayuan niya. Huminga muna siya ng
malalim at pinuno ng pag-asa ang sarili bago tahakin ang kaliwang daan.



Hindi niya alam kung tama ba ang daan na tinatahak sinusunod lamang niya ang sariling mga paa, akala mo
may sarilli itong pag-iisip dahil dire-diretso ang paglalakad niya na para bang kabisado nito ang labyrinth.
Parang walang katapusan ang labyrinth na iyon, ilang minuto din siyang palakad-lakad ng bumungad sa
kanya ang isang puting pinto.



"Must be the heaven?" tanong ng dalaga sa sarili niya habang palapit ng palapit sa puting pinto.



Ilang hakbang na lamang ang lapit niya sa pinto ng bigla na lamang may humila sa kanyang buhok. Halos
masubsob ang kanyang mukha sa lakas niyon hanggang sa makabawi din siya at hinagilap ang buhok ni
Victoria! Iisa lang ang dulo ng maze na iyon at ito ang pinto pabalik sa mundo! Hindi siya maaaring
magpadaig sa lakas ng kalaban. Buong lakas niyang itinulak ito at binawian ng sampal at sabunot.
Kailanman ay hindi pa siya nakipangbuno ng ganoon ngunit ibang usapan na ito sa ngayon. Makikipaglaban
siya hanggang sa natitirang lakas niya.



"Uunahan mo pa ako ah! Mabubulok ka sa kadilimang ito! Hindi mo alam kung gaano kalungkot sa lugar na
ito habang pinapanood ang mahal mo sa mundo na unti-unting umiibig sa isang estranghera! That should
be me! Ako dapat ang nasa pwesto mo ngayon! Kailangan mong mabuhay ulit!" buong lakas siyang
pinagsasampal ni Victoria. Napakalakas nito! Hindi na niya kaya pang lumaban pa.

"Stop this craziness Victoria! We're both dead!" sigaw ni Allen habang inaalis ito mula sa pagkakadagan sa
kanya. Hirap man ay pinilit niyang gumapang papunta sa pinto ngunit napatili siya ng hawakan ni Victoria
ang kanyang mga paa.

"Let me go! Let me go!" she screamed in horror. Habambuhay niyang hindi malilimutan ang bangungot na
ito.

"Ayoko! Hindi pwedeng maiwan ako dito! Hindi!" mabilis na tumayo si Clarisse kahit na nananakit pa din
ang kanyang katawan. Mabilis siyang dinaluhan ng sampal ni Victoria, naging mas mabilis ang pangyayari,
ang huli niyang natatandaan ay ubod lakas siyang itinulak ni Allen sa pinto kung saan ay nahulog siya.
Nagtitili siya sa bilis ng pagbulusok niya. Hinahalukay ang kanyang bituka sa labis na takot hanggang sa
unti-unting nilamon ng liwanag ang kanina'y nababalutang dilim.



"CLARISSE!!" singhal ni Aaron ng hingal na hingal na minulat ng dalaga ang mga mata nito. Kanina pa siya
hindi mapakali sa kanyang kinauupuan habang pinapanood ang pag-ungol ni Clarisse na sa kalaliman ng
pagtulog nito. Nais niyang malaman kung ano ang nasa panaginip nito, kung maaari lamang niyang
samahan ito ay ginawa na niya. Pigil hininga lamang siyang nakikiramdam at naghihintay sa pagbabalik ng
babaeng pinakamamahal niya.

"Thank God! You are back!" sinalubong niya ng yakap at halik ang dalaga. Hindi na niya mapigilan pa ang
mapaluha. Hindi niya maipaliwanag ang saya at galak ngayong tapos na ang lahat.

"Sa tingin ko'y tapos na ang lahat ng ito. Nagpapasalamat ako at nagbalik ka Clarisse." inabutan ng
matanda ng tubig ang uhaw na uhaw na si Clarisse. Hindi na napansin ng mga ito ang hindi maipintang
mukha ng matanda.



"Nasaan si Victoria?" makahulugang tanong ng matanda sa dalaga.

"Tinulungan ako ni Allen na makabalik dito. Inihulog siya ni Allen sa pinto kung nasaan ang langit. Hinding
hindi na niya tayo magugulo Aaron! Habambuhay na siyang makukulong sa kadiliman!" mas lalo pang
kumunot ang noo ng matanda sa tinuran ni Clarisse. Alam niyang may mali ngunit ayaw niyang pangalanan
ito kaya naman nakisalo na lamang siya sa kasiyahan ng magsing-irog

"Yes sweetheart. Wala ng makakapaghiwalay sa ating dalawa." yakap ni Aaron kay Clarisse, bakas ang
tagumpay sa mga ngiti ng dalaga.



Nakatayo sina Clarisse at Aaron sa harap ng dalawang puntod. Lumuhod ang dalaga at inilapag roon ang
dala nilang tulips na siyang paborito ni Victoria.



"Sana mahanap niyo na ang katahimikan ninyong dalawa ni Allen, hindi namin makakalimutan ang
bangungot na iyon." hindi na napigilan pa ni Clarisse ang pag-alpas ng kanyang mga luha kaya naman agad
siyang inihilig ng nobyo sa mga bisig nito.

"Salamat Allen sa pagtulong mo kay Clarisse, sana patawarin mo ako sa kasalanan ko, patawarin mo ako
dahil humantong pa ang lahat sa kamatayan. Sa susunod na buhay natin mas magiging mabait na akong
kapatid." taimtim lamang silang nanalangin at masuyong tinitigan ang isa't-isa.

"I love you my Midnight Lover."

"I love you more Aaron." magkahawak-kamay na tumalikod na at naglakad. Bago tuluyang makalayo ay
nakangising lumingon si Clarisse at pinagmasdan ang puntod ni Victoria.



"May you rest in peace Clarisse Lonzaga. I fooled you and Allen. Hahahahahaha!"



Buong pagmamahal niyang ikinawit ang kamay sa braso ng kanyang pinakamamahal, sa wakas ay
maitutuloy na nila ang pagmamahalan nila. Hindi nga lang bilang si Victoria kung hindi bilang si Clarisse.



Wakas

You might also like