You are on page 1of 2

PANAGINIP"

Ako si Andrea.Di ko alam kung normal ba ako o hindi. Di ko alam. Ayokong magsalita. Baka kasi sabihin
nila na nababaliw na ako. Bakit? Bakit nagdadalawang isip ako? Nakikita ko ang future sa panaginip ko.
Sabihin na para akong si Rudy Baldwin, pero nagsasabi ako ng totoo. Alam kong hindi kapani-paniwala
dahil nakita ko na din ito sa panaginip ko. Sinasabi ko ito sa pamilya ko pero ayaw nilaaniwala. Mahilig
lang daw talaga akong magbasa at manood kayankung ano ano na ang pumapasok sa utak ko. Kaya
minsan, sinasarili ko na lang ang mga nakikita ko sa panaginip ko. Maraming beses ko na itong
napatunayan. Akala ko noong una, wala lang, pero iba eh. Sunod sunod. Kung anong napapanaginipan
ko, nangyayari. Kagaya na lamang nung isang araw, napanaginipan ko na nasa isang mall ako at may
barilang naganap. May hostage ang lalaki na batang babae. Kalunos-lunos ang sinapit ng bata. Binaril sya
sa ulo kaya sumabog ang utak. Isinawalang bahala ko ito kasi di naman ako mahilig pumunta ng mall.
Kaso kinabukasan ay inaya ako ng kapatid ko na samahan siya para bumili ng gagamitin nyang materials
para sa project nya na bibilhin nya sa mall. Di napanaginipan ko, suot ko ang damit sa panaginip ko pero
hindi ko dinala ang paborito kong bag atsaka hindi na din kami dumaan sa lugar kung san ako pumunta
sa aking panaginip, kaya ayun, iba ang nadukutan. Matandang babae na may kasamang dalawang apo na
walang ibang nagawa kundi ang umiyak, dahil naiwan sila doon na walang kalaban laban. Nakita kong
may humabol na security guard pero alam ko din naman na hindi na nahuli pa ang snatcher, gaya ng
nangyari sa panaginip ko. Inabutan ko na lang sila ng pera bilang pakunswelo, lalo't binali ko ang
pangyayari sa hinaharap. Wala pa akong pinagsasabihan nito. Ikaw pa lang. Nagpatuloy ito at lahat ng
nangyari sa hinaharap ay nabago ko, maliban na lang sa pagiwan sakin ng girlfriend ko na hindi ko
napaghandaan. Tatlong gabi akong hindi natulog dahil ayoko ng makita pa ang hinaharap sa pagpikit ng
aking mgamata. Isang linggo na din ang nakalipas at unti-unti kong napabayaan ang aking pag-aaral.
Isang Buwan. Dalawa. Tatlo. Nawala ang Scholarship ko. Nalayo ako sa pamilya, kaibigan, sa mundo. Lagi
lang nasa kwarto, hindi natutulog para hindi makita ang kinatatakutan kong hinaharap. Kinakailangan
kong uminom ng dose-dosenang energy drinks at coke at kumain ng tsokolate para magawa kong
manatiling gising,salamat sa kaibigan kong si Marcus na hinahatidan ako ng supplies kahit ang alam niya
ay nagpupuyat ako para makabalik sa paaralan, kaya eto lang lagi ako. Nakaupo sa kama. Nakatingin sa
repleksyon ng aking sarili sa salamin. Namayat na pala ako. Lumaki na ang itim na pumapalibot sa aking
malamlam na mata. Hindi ko na rin napapalitan ang aking damit. Nagkalat ang bote ng energy drinks at
coke sa kwarto ko. Isang gabi, hindi ko na napigilan pa. Naipikit ko ang mga pagod kong mga mata,
kasabay ng pagtulo ng huli kong luha. Luha ng kawalan ng pag-asa. Luha ng pighati at pagkabigo. Luha ng
pagsuko. Kaiba sa mga panaginip ko nung una, nakita ko ang ang pinakamatalik kong kaibigan sa aking
balintataw, si Marcus. Mahimbing na natutulog sa kanyang kama. Ayun siya, walang kamalay malay sa
mundo habang may isang maitim na hugis tao akong nakikitang papalapit sa kanya. May dala itong
kutsilyo. Itinaas niya ang kanyang kamay at alam kong sasaksakin niya si Marcus. Kumislap ang talim ng
kutsilyo sa liwanag na nagmumula sa bintana ng kwarto niya bago ito bumaon sa bibig ng aking kaibigan.
Kahit anong kagustuhan kong pigilan ang walang habas na pananaksak ng itim na taong ito ay di ko
maigalaw ang aking katawan. Isa. Dalawa. Nasundan ng marami pa.Patay na siya. Kinabukasan, paggising
ko, alam ko na hindi pa patay si Marcus kaya humangos agad ako sa kanilang bahay para tingnan ang
kanyang kalagayan. Pero hinarang ako ng pulis. Hindi ko mainitindihan ang mga nangyayari, hanggang sa
inilabas ang isang stretcher mula sa bahay nila habang pinapanood ito ng nanay niyang namumutla at
umiiyak, buong lakas kong tinabig ang mga pulis at binuklat ang kumot na nakataklob sa katawan nito. Si
Marcus. Maputla. Mulat. Tadtad ng saksak ang mukha at katawan. Walang buhay. Ngayon lang nangyari
ito, dahil sa pagkakaalam ko ay hinaharap ang dapat kong makita, pero bakit yata inunahan na ako nito.
Hindi, baka ang kasalukuyang nangyayari na ang nakikita ko, at ang mga ito ay pahiwatig na dapat
saklolohan ko na ang iba ko pang kaibigan at mahal sa buhay. Naguguluhan na ko at nagsisimula na ding
sumakit ng sobra ang ulo ko. Sunod na gabi, natulog ulit ako, kailangan ko itong makumpirma sa sarili
ko. Si Betty. Girlfriend ni Marcus at isa na din sa matatalik kong kaibigan. Mahimbing din na natutulog
habang papalapit ang itim na hugis. Sinaksak. Paulit-ulit. Kapareho ng ginawa kay Marcus. Kinabukasan,
katulad na scenario din ang nakita ko sa bahay nila. Sa dalawang magkasunod na gabi ay nawala ang
dalawa kong pinakamatalik na kaibigan.Hindi na din maintindihan ng mga pulis ang nangyayari dahil
napakalinis daw ng pagkakagawa, kaya nag simula na silang maglathala ng balita sa dyaro at i-brodkas
ito sa telebesiyon at radyo. Ang itim na mamatay tao na hanggang ngayon ay hindi matukoy kung sino.
Hindi ko na hahayaang madagdagan pa ito, pinuntahan ko na ang iba ko pang kaibigan dahil mukhang
sila ang puntirya nito. Ngunit hindi sila naniniwala. Nabaliw na daw ako mula sa ilang araw na
pagkukulong sa kwarto. Hindi ko na kasalanan kung ganun din ang mangyayari sa kanila, basta malinis na
ang konsensya ko. Tama nga. Katulad ng mga naunang pagpatay ay ganun din ang nagyari sa iba ko pang
kaibigan. Tama, ang lahat ng ito ay pahiwatig. Ngunit bakit hindi ko ito napigilan? Dahil ba ayaw nila?
Dahil ba hindi sila naniwala noong una. Hindi. Takot din ako. Takot ako na baka ganito din ang mangyari
sakin. Hindi pa rin matukoy ng mga pulis kung sino ang walang pusong mamatay tao na may kagagawan
ng lahat ng krimeng ito. Hayop na yun! mukhang pati ang pamilya ko ay titirahin nito kaya
napagdesisyunan kong hindi na ulit matulog ngayong gabi. Habang humihimbing ang tulog ng lahat, eto
ako. Gising. Mulat. Nakangiti mag-isa. Hinihintay pumasok ang serial killer sa aming tahanan. Alas tres ng
umaga. Inaantok na ko. Gusto kong mapagpag ang sarili ko para hindi makatulog, kaya tulad ng
kinagawian. Sinampal sampal ko ang aking sarili sa harap ng salamin. Ngunit, bakit ganun?Nakangiti lang
siya sakin. Ang aking repleksyon. Hindi niya sinasampal ang kanyang sarili bagkus, nakangiti lang siya
sakin. Nagsimula itong magsalita. Naririnig ko ang boses niya sa loob ng ulo ko. "Gusto mong makilala
ang serial killer diba?" Dahil sa galit na namumuo sa dibdib ko, tumango ako bilang pag sang ayon,
upang malaman ko na din kung sino ba ang hayop na pumatay sa mga kaibigan ko. "Pumunta sa
aparador, sa bandang baba may makikita kang baul. Buksan mo ito at nandyan lahat ng kasagutan"
Ginawa ko ang gusto niya. At ng buksan ko ito. May itim na bonnet, tshirt at jogging pants. Nakatiklop ng
maayos. Ngunit nababahiran ng pulang likido, hindi ko ito mabatid nung una dahil madilim sa kwarto,
pero ng buklatin ko pa ito. Napapailaliman nito ang kutsilyo na hindi pa nahuhugasan na naliligo pa rin
sa dugo. Ngayon, alam ko na. Kaya ikaw, sinasabi ko sayo matulog ka na.

You might also like