You are on page 1of 7

Maraming nagtataka sa mga bagay na hindi kayang ipaliwanag ng ordinaryong tao dahil sa ito ay kakaiba at hindi natural sa isang

tao. Ito ay kwento ng kababalaghan na kung saan ay maraming pangyayari ang hindi maipaliwanag ng ordinaryong tao. Ang kwentong ito ay kathang isip lamang. Ano mang karanasan ng ibang tao ay hindi sinasadya. Walang bahagi ng kwento ang maaring kopyahin o gayahin sa anumang paraan ng walang kaukulang pahintulot mula sa may akda.

Ang Third Eye


ni Emarve Gamba Gito

Si arve ay isang ulilang bata, simula ng pagkabata si arve ay nagtataka dahil may kaibigan siyang nakakakita ng hindi nakikita ng mga hindi natural na nakikita ng ordinaryong tao. Hindi niya pa lubos na kilala ang kanyang kaibigan kung sino at ano ang bumabalot na hiwaga sa pagkatao nito. Ang kanyang kaibigan ay kambal na si Rachelle at Michelle, simula pa nang bata sila ay may mga nakikita na silang hindi pangkaraniwan at hanggang lumpipas nag ilang taon tumungtong sa edad na 18 taong gulang. ang kambal ay may karanasang hindi malimutan, karanasan a kahit sila ay hindi kayang ipaliwanag tulad ng nakakakita sila ng taong yumao na at may panaginip din silang kakaiba, dahil nga sa kambal sila pareho ang panaginip at iisa lang ang kanilang nakikita may itim na ibon na umaaligid hindi malinaw sa kambal kung ano ba talaga ang nakita nila at ano ang ibigsabihin nito na ayon naman sa mga matatanda ang itim na ibon sa panaginip ay isan masamang pangitain at kapag daw ang isang tao ay magkasalubong ang balahibo sa likod ay lapitin ito ng mga masasamang elemento, ito ay haka-haka lamang ng mga matatanda at dahil walang sapat na paliwanag at dahilan may mga taong hindi naniniwala. Lumipas ang ilang araw ay muling nanaginip ang kambal nakita nila sa kanilang panaginip ang kanilang lolo na may sakit na ayon kanilang kamag-anak ang kanilang lolo ay pinag-lalaruan, maraming tumubong bulutong tubig na kahit ang doktor ay hindi alam kong ano ang pinanggalingan ng sakit, lumipas ang dalawang araw napagpasyahan ng kanilang angkan na lumapit sa alborlaryo dala

ang pag asang magamot kung ano mang sakit meron ang kanilang lolo, ayon naman sa mangagamot ang kanilang lolo ay nasa ilalim ng kulam ang nagpakulam daw sa kanilang lolo ay isa nilang kamag-anak na ipinagtabuyan ng kanilang lolo sa hindi malaman na dahilan. Lumipas ang ilang araw ay pumanaw ang kanilang lolo dahil sa hindi kinaya ang sakit dulot ng kulam. Bago ihatid ang kanilang lolo sa huling hantungan ang kambal ay hindi tumitingin (dumudungaw) sa Ataol ng kanilang lolo dahil sa takot nila na baka dumilat ito bigla tulad nang naranasan nila noong sila ay bata pa. Dahil sa mahina ang loob ng kambal hindi nila malabanan ang takot, haggang sa inilibing ang kanilang lolo na hindi manlang nila nasilayan. Lumipas ang ilang buwan naging normal ang kanilang pamumunay wala na silang nararamdamang kakaiba sa kanilang paligid haggang sa dumating sa puntong umalis ang kanilang mga magulang upang puntahan ang isang importanteng bagay at sila lang ang natira sa kanilang bahay at bilang kaibigan napagpasyahan ni arve na doon muna matulog at samahan ang kanyang kambal na kaibigan, nag lakas loob ang tatlong magkakaibigan na mag kwentohan tungkol sa kababalaghan. Rachelle; kami nga din nagtataka kung anong meron kami at kung ano ito, bat kami nakakakita ng mga yumao na. Michelle; Oo nga arve eh. Wala kaming sapat na kaalaman kung ano ito Habang napapasarap ang kwentohan ng magkakaibigan hindi nila namalayan ang oras at biglang tahimik ang paligid. mag hahating gabi na pala sabi ni arve, matulog na tayo at baka may Makita nanaman kayong hindi ko nakikita biro ni arve. Kinaumagahan napag isip-isip ni arve na pumunta sa isang Computer shop upang mangalap ng impormasyon tungkol sa mga tao na may kakayahan na makakita ng mga taong sumakabilang buhay na. dahil nga sa modernong panahon ngayon ay hindi siya nabigo sa kanyang pangangalap ng impormasyon. Ang kanyang kaibigan ay may mga kakayahang kakaiba tulad ng nababasa niya sa internet an ang tawag ay Third Eye ngunit ano ba ang third eye? Ayun sa nakalap niyang impormasyon Ang third eye daw ay ang nagsisilbing tarangkahan natin sa espasyo ng ulirat at sa mundo ng kinalolooban. Nakikilala rin ito bilang sixth sense o ajna chakra sa espirituwal na tradisyon ng taga-Western at Eastern. Sa mga relihiyon na Hinduism at Buddhism, ang third eye ay simbolo ng moksha at nirvana. Inuugnay ito sa

pineal gland na kasing laki lamang ng gistantes. Nasa gitna ito ng utak, sa likod ng pituitary gland. Matatagpuan ito sa likod ng mga mata at naka-kabit sa third ventricle. ang third eye ay ang responsable sa abilidad ng tao na makakita ng mga multo o aura. Nakikita nito ang padron ng enerhiya at hindi limitado sa oras at distansya. May kakayahan ito sa ikonektado pag-uugnay sa tao sa pwersa na higit sa karaniwan. Sa pamamagitan ng third eye, maaring makita ang mga nangyari noong nakaraan at ang puwedeng mangyari sa kinabukasan. Nakikita ng third eye ang mga bagay na hindi nakikita ng pisikal na mga mata, dahil masyado tayong nakatutok sa mga alam nating umiiral at totoo sa mga bagay na nasa harapan lamang natin. Lahat ng tao ay mayroon ng third eye, ngunit hindi lamang nakabukas ang karamihan. Para sa mga tao na nakadilat ang kanilang ikatlong mata, alang nila ito bilang isang basbas at ang iba naman, intinuturing ito bilang sumpa. Mayroon namang mga tao na dahil hindi nakadilat ang kanilang third eye, nagtataka sila kung mayroong paraan para mabukas ito. Ilan lang to sa mga nabasa at nakalap niyang impormasyon. Naekwento ni arve sa kambal ang nakalap niyang impormasyon kung anong meron sila. Habang pauwe na si arve lulan ng jeep may hindi inaasahang nangyari. May isang humaharorot na bus at biglang bumangga sa sinasakyan niya, maraming namatay sa mga pasahero, sa awa ng Diyos ay nabuhay si arve, mabilis siyang naidala sa hospital, Agad nabalitaan ng kambal ang nangyari kay arve at agad agad silang pumunta sa hospital kung saan na confine si arve at ayun sa doctor na tumingin kay arve himala daw dahil nabuhay siya pero nasa comatose siya sa ngayon. Hindi makapaniwala ang kambal sa sinapit ni arve, mabuting tao si arve matulongin, masayahin, mabait, kaya ganon na lamang ang pag iisip nila kung bat nangyare sa kanya yun. Wala silang magawa sa nangyari kay arve kundi ipinagdasal nalang nila ito. Lumipas ang apat na araw muling nagkamalay si arve marami siyang iniindang sakit sa katawan maging sa ulo dahil sa kanyang tinamo sa aksidente, habang nagpapagaling si arve marami siyang hindi maipaliwanag na nangyari, lumipas ang isang linggo dumalaw ang kambal sa kanya, kamusta arve? Ang akala ng kambal hindi pa makapagsalita si arve, pero sumagot agad ito sa kanilaokey na ako, nakakabagot naman mahiga gusto ko nang tumayo at

maglakad laking gulat ng kambal, parang walang masamang nangyari kay arve ang bilis niyang maka recover mukhang malakas na agad siya, Habang nag uusap - usap ang mga magkaibigan na parang walang nangyari kay arve Biglang nag tanong si Michelle arve teka lang may naaalala kaba bago ka nawalan ng malay? sumagot agad si arve meron pero ang alam ko panaginip lang ang nangyare sakin pero totoo pala, kase ang naalala ko ay nakatulog ako sa biyahe sa sobrang pagod, at nanaginip ako ng isang aksidente, eto na pala yun, totoo pala Kwento ni arve sa kambal, Biglang tumawag ang kapatid ng kambal at pinapauwe na ito, o yan tumawag na sige uwe na muna kayo may gagawin pa kayo sabi ni arve sa kambal. Habang nag lalakad ang magkapatid ay napaisip sila sa kwento ni arve, Michelle: parang maykakaibang panaginip si arve, parang katulad sa atin, yun bang nakikita niya ang hinaharap. Rachelle: hindi naman siguro, nagkataon lang na nakatulo siya kasi dahil sa pagod. Pagkalipas ng isang linggo nakalabas na si arve sa hospital, pero parang naninibago siya sa mga paligid niya, parang hindi niya maintindihan ang nangyayari sa kanya, Habang nag lalakad si arve patungo nayon upang bumili ng kanyang gamot may nararamdam siyang kakaiba sa kanyang paligid na parang may nakatingin sa kanya, kahit saan saan siya lumingon hanggang sa tumakbo nalang siya bigla dahil sa takot, pagtapos niyang makabili ng kanyang gamot ay agad siyang nag lakad pauwe, habang nag lalakad may nakasalubong siyang isang batang babae na nakatingin sa lupa habang nag lalakad, bigla siyang nangilabot sa nakita at sa lamig na biglang bumalot sa kanyang paligid, Nag taka siya kong tao ba ang nakita o isang galang ispirito. Habang nag iisip siya bigla siyang naka tulog, sa mahimbing na pagkakatulog ay nanaginip siya, May naririnig siyang umiiyak na batang babae at tinatawag ang pangalan niya at nag mamakaawa na tulungan niya ito. arve, arve, tulungan mo ako, kailangan ko ang tulong mo, hinahanp ako ng aking magulang Biglang nagising si arve at pawis na pawis ito. Hindi niya malaman kong ano ang ibigsabihin ng kanyang panaginip. Kinaumagahan ay agad siyang pumunta sa kaibigan niyang kambal at agad niya itong ekwenento. Pagkalipas ng ilang oras agad may kumalat sa kanilang barangay na may nawawalang batang babae,

Biglang nagulat si arve sa nabalitaan agad niyang naiisip na baka yung batang nasa panaginip niya at ang batang nawawala ay iisa lamang. Nais niyang tulungan ang batang nasa panaginip niya ngunit hindi niya alam kong papano niya ito matutulungan. Umaasa si arve na sa pag tulog niya agad niya itong mapapanaginipan kahit may takot siya sa mga ganitong pangyayari. Sa pag tulog niya ay muli siyang nanaginip, ngunit hindi tulad ng inaasahan niya, isa lang ang nakikita niya sa kanyang panaginip ito ay isang Bangin at sa baba ng bangin ay may ilog, ilog na puno ng dugo. Kinaumagahan ay agad agad siyang bumangon at pumaroon ulit sa kanyang kabigian at ekwenento nya ulit ang kanyang panaginip. Takang taka sila kong ano ang koneksyon ng kanyang panaginip sa nauna niyang panaginip, Biglang naiisip ng Kambal na magtanong sa kanilang mga magulang kung may bangin at ilog ba sa kanilang barangay, at ayon sa kanilang magulang ay meron daw, pinag sasabihan ng magulang ang kambal na wag pumunta sa nasasabing ilog dahil ito daw ay pinamamahayan ng mga masasama at mabubuting elemento. Pero hindi nagpatinag ang tatlo nag tanong tanong sila kung saan ang ilog na tinutukoy ng magulang ng kambal, hanggang sa matuklasan nila kung saan ang ilog na hinahanap nila, nasa paanan ng bundok malapit sa kanilang palayan. Napaisip si arve kung itutuloy pa niya ang balak na pumunta sa ilog, pero dahil sa konsensya at gusto niyang tulungan ang nag mamakaawang bata sa kanyang panaginip ay nag lakas loob nalamang siya, sinamahan siya ng kambal para mas mapadali ang pag hahanap sa nawawalang bata. Bago nila maabot ang ilog bigla silang napahinto dahil sa mga kakaibang nararamdaman sabay tanong ni Rachelle tutuloy pa ba tayo? sumagot agad si Michelle, nandito na tayo ituloy na natin ito si arve naman ay walang kibo at sabay sabing , may naririnig ako , yung bata parang nandito!, dito lang kayo susundan ko. nagulat ang magkapatid sa sinabe ni arve at magkalipas ang labing limang (15) minuto ay bumalik si arve pawis na pawis para bang hindi makapaniwala sa mga nangyayari, habang nag lalakad si arve agad itong nagalita Puntahan natin si aling Cena ina nang nawawalang bata nasa kabilang barangay lang. Tumango nalang ang kambal, at habang nag lalakad nagtatakang tinanong ng kambal kong paano niya nalaman kung sino ang ina ng nawawalang bata, ang sagot lang ni arve mahabang kwento pero nakausap ko ang bata sinabe saakin lahat ng nangyare sa kanya at puntahan ko daw ang kanyang inay, papasok daw siya saaking katawan upang makausap ng personal ang kanyang ina at kong ano ang nangyari sa kanya. Pagdating nila sa bahay ni aling Cena agad silang kumatok at

agad itong bumukas na parang walang tao sa loob, mayat maya pa ay nakita nila si aling Cena umiiyak sa may likod bahay kinausap ito ni arve upang pakalmahin at maipaabot ang mensahe ng kanyang anak. Lumipas ang ilang minuto bago nila napakalma ang ale, hindi na nagpaligoy ligoy si arve at agad niya itong kinausap, aleng Cena nagparamdam sa akin ang iyong anak, at may ipinaabot siyang mensahe sayo, Nagulat ang ale, Patay na ang aking anak?! Umiyak si aleng Cena At biglang lumakas ang hangin at biglang nagsalita si arve, Boses ng batang babae, inay, inay pinag tangkaan akong gahasain ni Mang Ben sumigaw ako kaya hinulog niya ako sa bangin, inay mahal na mahal kita lakasan mo ang loob mo nasa mabuting kamay ako maganda dito paraisong maituturing, gulat na gulat ang magkapatid sa nangyari parang isang pelikulang imposible mangyari sa totoong buhay. Biglang nahimatay si arve, habang tulala ang ale sa mga nangyayari ang kambal naman ay hindi alam ang gagawin. Lumipas ang ilang minute bago nagkamalay si arve, Agad nag pasalamat si aleng Cena sa tulong ni arve dahil mabibigyan ng hustisya ang pagkamatay ng kanyang nag iisang anak. Agad silang humingi ng ayuda sa mga Barangay tanod at sa mga pulis upang puntahan ang nasabing bundok, agad nilang nakita ang isang batang babae na wala nang buhay, bago umalis si aling Cena sa bundok nag dasal siya at nagpasalamat, Nabigyan ng magandang burol ang bata at nagkaroon ng matiwasay na pagpapaalam ang ale sa kanyang anak, bago ipasok sa nitso ang labi ng bata ipinangako ng ina sa kanyang anak na makukulong ang may gawa nito sa kanya, kahit pabulong itong sinabe ng ale ay narinig ito ni arve, sabay sabing aling Cena wag kang magaalala kusang susuko si mang Ben. Lumipas ang isang linggo Sumuko si mang Ben sa mga pulis, dahil hindi siya pinapatulog ng kanyang kunsensya gabi gabi sa kanya nag paparamdam ang Bata at maging sa panaginip. Labis niyang pinag sisihan ang nagawang kasalanan pero hindi niya maibabalik ang isang buhay na nawala, humingi siya ng kapatawaran sa mga nagawa niyang kasalanan. Hindi makapaniwala si arve sa mga nangyare, ang sarap pala sa pakiramdam na may natulugan kang tao, ang gaan gaan ang sabi ni arve sa kambal, lumipas ang ilang taon ang Tatlo ay Ganap ng Phychic, At muling nag aral si arve, sa kalukuyan ay nag aaral siya sa kursong (I.T) Impormasyon Teknolohiya.

Para kay arve Ang Third Eye ay isang regalo ng Diyos sa tao, Marami naman nag nagtataka kong paano ito bubuksan, sa ngayon ay may mga ilang kasagutan kong paano ito mabuksan subalit kailangan ng masusing Paghahanap ng impormasyon kung paano ito mabubuksan at kailangan intindihin kong ano ba talaga ang ThirdEye handa kaba sa mga posibleng mangyari oras na mabuksan ito? May iba naman na itunuturing Sumpa ang pagkakaroon ng Third Eye siguro dahil sa hindi nila tanggap kong anong meron sila kong anong kakayahan ang dala dala nila habang sila ay nabubuhay kaya ang iba ay itinuturing nila ito bilang sumpa. Ikaw? Saan mo gagamitin ang third eye mo? Sa kabutihan o sa kasamaan? Simpleng taong na ikaw lang ang makakasagot.

You might also like