You are on page 1of 45

MY ANGEL SIX FEET UNDER

Before anything else, hayaan niyo munang magpapakilala muna 'ko sainyo.

Ako si Keira Eliseo,


isang weirdong nilalang.

1. Hilig kong magrosaryo sa sementeryo tuwing biyernes ng gabi.

2. Pinipicturan ko ang bawat nitso sa sementeryo tuwing kabilugan ng buwan.

3. Bumubulong ako at nagsasalita mag-isa.

4. Laging may rosaryong itim na nakasabit sa leeg ko.

5. Kinakausap ko ang mga butiki at ipis sa boarding house.

6. Tumatambay ako sa morgue tuwing sabado.

7. Tumatakas ako tuwing hating gabi at natutulog sa sementeryo malapit sa boarding


house namin.

8. Gustong-gusto kong makakita ng taong brutal na pinapatay.

9. Pumupunta ako sa haunted hotel sa liblib na lugar kahit malayo sa boarding house
para magreview.

10. Naniniwala ako sa mga multo, dahil nakikita ko sila.. At nakakausap ko sila.

Weirdo? Alam ko. Kasing weirdo ng storyang ikukwento ko sainyo.

Nagsimula ang lahat nang humiling ako ng extraordinary guy at ng extraordinary


love.

Sabi nila, "Be careful on what you wished for. It might just come true.."

...At nangyari nga.

CHAPTER ONE

Nadatnan kong nakaupo sina Aya, Jackie at Pepper sa boarding house. Ala-una na nang
umaga pero hindi pa rin natitinag ang mga ito sa paglalaro ng Spirit of the Glass.

Galing ako sa sementeryo non, pero umulan nang malakas kaya ako napauwi ng boarding
house. Gawain kong matulog sa sementeryo. Sabi nga ng mga ka-boardmates ko, dapat
daw, sa sementeryo nalang ako tumira. 0o na, weirdo na'ko. Matagal ko nang alam
yan.
Brownout nang umagang iyon, kaya siguro naisipan nilang maglaro. Nagpalit na'ko ng
damit at umakyat sa double deck. Dumapa ako, at pinanood sila pagkaraan.

"Oh Keira, andito ka na pala. Halika, sumali ka." aya ni Jackie.

Si Jackie, ang pasimuno sa lahat ng kalokohang nangyayari at mangyayari pa sa


boarding house. Palibhasa maganda, iba ang karisma ni Jackie sa tao. Si Pepper
naman, dahil nakipag-break na sa dating boyfriend ay nakikisali na din sa ibang
trip ni Jackie. Si Aya naman ang pinaka-walang imik sa lahat. Siya yung tipong,
walang pakialam. Pag ayaw, ayaw.

Gumagalaw ang baso. Hindi ko alam kung may nagpapagalaw non o talagang kusang
gumagalaw. Panay ang tanong nila Pepper at Jackie. Kailan sila magkakaboyfriend,
sino, anung itsura at kung anu-ano pang mga walang kwentang tanong na siya namang
naging dahilan ng aking pagkaantok.

Nagising ako sa malakas na tunog ng kulog. Napabalikwas ako, tumingin-tingin sa


paligid. Napansin kong wala nang mga nakasinding kandila. Tapos na siguro ang
paglalaro nila. Nakatulog ulit ako pagkatapos non.

Maya-maya pa'y nagising ako nang maramdaman kong may pumatong na malamig sa ulo ko.
Kinapa ko ito, inilawan ng cellphone at nakita ko ang mga mata ni Jack, isa sa mga
kaibigan kong butiki. Inilagay ko si Jack sa aking tabi.

"Jack, matulog ka pa. Maaga pa." pagkasabi niyo'y bumaling ako sa aking tagiliran
at doon ko nakita ang isang kakaibang nilalang.

Isang lalaking walang mukha. Blangko. Parang binura. Nakasuot ito ng barong na may
bahid ng dugo, lupa, at gula-gulanit. May naistorbo ba'kong ibang nilalang sa
sementeryo?

"Paumanhin po kung ako'y nakaistorbo.." usal ko.

Ngunit hindi umalis ang nasabing nilalang. Nakatayo parin siya sa kanyang pwesto,
sa ulunan ng kama nila Jackie at Pepper. Hindi ko man masabing nakatingin siya
sa'kin ay parang ganun na nga. Nakaharap ang blangko niyang mukha sa aking
direksyon. Naramdaman kong tumalon si Jack sa aking ulo.

"Anong kailangan mo?" buong tapang kong tanong. Hindi ako takot. Mas tamang
sabihing sanay na'kong makita sila. Sila na hindi nakikita ng iba.

Tinuro ng kakaibang nilalang ang kasalukuyang humihimbing na si Jackie gamit ang


putol niyang hintuturo. Pagkaraa'y, nawala siyang parang bula.

Pinilit kong makatulog pagkatapos ng insidenteng iyon. Kahit anung pikit ang gawin
ko'y, bukas padin ang third eye ko.

Hindi ko nagambala ang nasabing nilalang. Hindi siya galing sa sementeryo. Hindi
ako ang hinahanap niya. Kundi si Jackie. Anung koneksyon ni Jackie sakanya?
CHAPTER TWO

"Jackie, may kamag-anak ka bang brutal na pinatay?" tanong ko kay Jackie, na


nagsusuklay sa harap ng salamin.

"Hm. Wala naman. Bakit?"

"Ah. Wala lang."

Lingid sa kaalaman nila Jackie, Pepper at Aya na nakakakita ko ng mga nilalang sa


ibang dimensyon. Pagtatawanan lang nila ko kapag sinabi ko sakanila. Isa pa,
sumasakit na ang tenga ko sa pagtawag nila sakin ng weirdo.

Minsang nagpasama sakin si Aya para mag-ayos ng sarili sa CR, nakakita ko ng batang
babaeng pugot ang ulo. Hawak niya ang ulo niyang nakatingin at nakaismid sakin.
Inismiran ko rin nga. Patay na sila. Wala na silang magagawa kundi takutin ako.

------

Sabay-sabay kaming pumasok ng araw na iyon. Lahat bumabati sa'min, lalo na kay
Jackie. Sabi ni Aya, kerengkeng daw si Jackie kaya maraming tagahanga. Kibit-
balikat lang ako.

Ang nakakairitang mukha ni Glen ang bumungad sa mga mata ko pagkapasok namin sa
bago naming classroom. Kabilang si Glen sa grupo ng mga lalaking tarantado at
walang laman ang utak kundi hangin at kayabangan.

"Hi Keira.." patuksong bati nito sa'kin.


"Ingat ka pre. Baka bigla kang masunog." sabat naman ni Lester, isa pang kaibigan
ni Glen.

Hindi ko sila pinansin.Pumunta nalang ako sa likuran ng kwarto. Dun ko gustong


nauupo, sa pinakasulok ng classroom. Si Aya, dahil nerd, sa harap nakaupo. Si
Pepper sa gitna. Si Jackie, kahit saan basta may makakatabing gwapo. Katulad nalang
ngayon..Tinabihan ni Jackie yung isang lalaki sa may bandang harap. Kinakausap niya
ito. Halatang nabwisit si Aya sa boses niya kaya binitbit nito ang mga gamit at
lumipat sa mas malayong pwesto.

Saka naman pumasok ang isang lalaking mukhang anghel ang itsura. Sobrang amo ng
mukha nito. Kulang nalang ay pakpak at halo, kumpleto na ang getup nito. Halos
lahat ng mga babae sa klase ay sinusundan ito ng tingin. Pati si Jackie ay huminto
sa pakikipagusap sa katabi at napatingin ng wala sa oras. Kakaiba ang karisma nito
kaysa sa lalaking katabi niya.

"Masakit sa ulo ang mga magagandang nilalang." wala sa loob na bulong ko.

Marahil ay nainggit ang grupo ni Glen sa dami nang mga matang bumaling sa lalaki
kaya pinatid nila ito.

Nadapa ito at nasubsob. Nahulog at nagkalat ang mga librong dala nito.

Wala sa loob na tinulungan ko ang inosenteng nilalang. Pinulot ko ang mga librong
dala niya. Sa klase namin, walang nagtatangkang kumalaban o sumalungat sa grupo
nila Glen. Pero ibahin nila ko.

Halatang natakot ang lalaki sa itim na rosaryong nakasabit sa leeg ko at sa mahaba


kong kuko na nilagyan ng itim na nail polish ni Jackie para makumpleto daw ang
aking weirdo-look. Idagdag pa ang aking salamin at ang iba't ibang klase ng
pulseras sa kamay ko. Tawag nga sakin ni Aya, Emily. Hango sa Emily the Strange. Si
Pepper naman binilhan ako ng laruang bungo, para daw maging pareho na kami ni
Sunako.
Kung iisipin, sila pa ang mas weirdo kesa sakin.

"Hoy weirdo. Sinabi ko bang tulungan mo siya?!" sigaw ni Glen.

Hindi ko siya pinansin, bagkus ay bumalik ako sa aking upuan. Takot si Glen sakin.
Hanggang sigaw lang ang kaya non.

Sumunod ang lalaki at tumabi ang sakin.

"A-ah eh. Excuse me." nag-aalangan ang boses nito.

Lumingon ako.

"Bakeeet?" -___-
Sinadya ko talagang pababain at gawing nakakatakot ang boses ko.

Dahil weirdo ako, hangga't maaari ayoko ng kaibigan. Ayoko ng kasama. Gusto ko ako
lang.

"A-ako nga pala si Gabriel."

Hindi ko siya pinansin. Wala akong pakialam kung siya si Gabriel o kung sino man
siya! Ayoko nang kaibigan.

Ibinaling ko ang tingin ko sa iba. Napatingin tuloy ako sa direksyon ni Jackie.


Nakita kong kausap parin niya ang lalaki kanina. Lumingon ang lalaki. Dahan-dahan.
Umikot ang ulo niya. 360 degrees ata yun. Kinabahan ako. Pagbaling ng mukha niya sa
aking direksyon, nakita kong wala siyang mukha! Blangko! Parang binura! Siya nga!
Ang lalaking nakita ko kaninang madaling araw! Kausap niya si Jackie! Pero bakit?!
Anung koneksyon niya kay Jackie?!

Sa isang kisapmata'y, bumalik ulit ito sa dating anyo. Namamalik mata ba 'ko? O
gawain lamang ito ng aking malikhaing isipan?

Napalingon ako kay Gabriel.

"A-ako si Keira."

CHAPTER THREE

Siguro nga, gawa-gawa lang ng aking imahinasyon ang aking nakita. Gusto ko mang
sabihin kina Aya, Pepper at Jackie ang tungkol dito, alam kong tatawanan lang nila
ko at magkikibit balikat lang sila. Nag-eecho na sa aking isipan ang mga sasabihin
nila. Halimbawa nalang si Jackie.

"Humanap ka na kasi ng lovelife mo, Keira kesa sumasawsaw ka sa lovelife ko."

Ganun si Jackie. Pakiramdam niya, lahat naiinggit sa kanya.

Simula nung araw na nakilala ni Jackie si Jinn, ang lalaking walang mukha ay hindi
na siya masyadong nakikisama samin. Lagi niyang kasama si Jinn. Wala namang
problema dito dahil hinahatid naman siya at sinusundo nito. Si Aya lang ang
nabubwisit sapagkat siya ang palaging nagigising upang pagbuksan ng pinto si
Jackie.

Ngayong gabi ay silang dalawa lamang ni Pepper ang matitira sa boarding house. Nag-
away pa ang dalawa dahil sa pagtatakip ni Pepper kay Jackie nang tumawag ang mommy
nito.

Ako naman ay nagpaalam sakanilang matutulog sa sementeryo. Kabilugan ng buwan


ngayon ngunit kamalas-malasang hiniram ni Jackie ang digicam ko. Sa haunted hotel
ko nalang napagdesisyunang pumunta. Hindi ko na binago pa ang paalam ko sa kanila.
Bitbit ang aking backpack ay umalis na 'ko. Mga dalawang oras ang biyahe papunta sa
bayan, idagdag pa ang kalahating kilometrong lalakarin upang makarating sa hotel.

-----

Nagmamadali akong pumasok sa abandonadong hotel. Agad na sumalubong sakin si Apple.


Patay na si Apple. Namatay ito matapos gahasain ng step father at pagkaraa'y
patayin sa mismong abandonadong hotel na ito. Mabait si Apple. Hindi siya nananakot
at nananakit ng iba. Siya pa nga ang una kong naging kaibigan dito.

Wala pa kami sa aming pupuntahan nang may marinig akong ugong ng sasakyan. Dahil
wala namang masyadong pumupunta dito, nagpasama ako pabalik kay Apple upang tignan
kung sino ang dumating. Tumambad sa aking paningin ang pamilyar na kotse ni Jinn.
Ilang beses ko na bang nakita ang kotse niyang iyon? Dahil sa maliwanag ang buwan
at sa mumunting ilaw na nanggaling sa sasakyan, kaagad kong nakita ang pamilyar na
mukha ni Jackie. Anung ginagawa nila dito?

Nakakahiya man ay nagpatulong ako kay Apple upang makahanap ng ibang daan upang
makalapit sa kotse. Medyo malayo ang tinahak namin ni Apple pero sigurado akong
hindi ako makikita ng dalawa.
Sumilip ako sa bintana ng kotse, sa bandang gilid ni Jackie. Nakaharap si Jinn
dito. At maya-maya'y nagbago nanaman ang anyo nito. Tumingin ako sa aking relo.
Alas-tres ng madaling araw. Kabilugan pa ng buwan.

Tumitig akong mabuti. Wala nanamang mukha si Jinn. Naaagnas ang mukha nito, may
lumalabas na nana at uod sa mga sugat nito sa mukha. Para bang nakatingin ako sa
isang malaking pigsa na nanganak ng madami. Umikot nanaman ang ulo ni Jinn,
pagkaara'y hinalikan si Jackie.

Diring-diri ako sa eksenang nakita ko. Maya-maya'y humangin ng malakas. Pinasok ng


alikabok ang mga mata ko. Kinusot ko ito. MALI. Dahil tumunog ang mga burloloy ng
pulseras na suot ko.

"Sino yan?" narinig ko ang pamilyar na boses ni Jinn. Kinabahan ako. Mabilis akong
nag-isip kung anung gagawin ko.

"Umphhh.." may tumakip sa bibig ko, pagkaraa'y kinaladkad ako papunta sa malapit na
gubat.

Nang makalayo na ay tsaka lamang ako binitawan ng taong nagtakip sa bibig ko.

"G-Gabriel??"buong pagtatakang tanong ko.

"Ssh. Wag kang maingay.."

"Umalis ka dito! Lumayo ka sakin! Wag kang dumikit sakin! Ayoko sa magaganda!bulong
ko.

"Kapag hindi ka tumigil, mahuhuli tayo ni Jinn."

"May tao ba dyan?" narinig namin ang tunog ng mga naaapakang tuyong dahon. Palapit
yata si Jinn sa amin!

"Higa!"mariing sabi ni Gabriel.

"B-bakit?"

Hindi na siya sumagot, bagkus ay tinulak ako para humiga tsaka walang pakundangang
pumatong sakin.

"Jinn! Halika na!"tawag ni Jackie mula sa malayong distansya.

"Teka!"

DUGDUG. narinig kong tumibok ang puso ko. Malakas. Mabilis. Parang gustong
kumawala.

"Sabi ko na nga ba. Wala kayong madudulot na maganda. Porke mga magagandang
nilalang kayo simula pinanganak kayo.

"Anu bang tingin mo sa sarili mo, pangit?"bulong ni Gabriel na nakapatong padin ng


bahagya sakin.

"Pangeeet?"-_______-
CHAPTER FOUR

"Oh. Bakit ngayon ka lang?" tanong ni Jackie nang pagbuksan ako ng pinto.
"Pinuntahan kita sa sementeryo kanina, wala ka naman. Saan ka ba nanggaling?

"Kumain ng lugaw dun sa may likod ng sementeryo." pagsisinungaling ko. Wala naman
talagang kainan ng lugaw dun. Tsaka sinong nasa matinong pag-iisip ang magtatayo ng
kainan dun? "Bakit, may nangyari ba?"

"Halika."

Kinakabahan akong sumunod kay Jackie. Hindi parin mawaksi sa aking isipan ang mga
nasaksihan ko kanina. Hindi ko tuloy maiwasang mandiri kay Jackie. Kaso, hindi
naman niya alam. Wala naman akong pruwebang maipapakita sakanya kapag sinabi kong
matagal nang patay ang Jinn na kasama niya.

Sumalubong ang nakakasulasok na amoy nang pumasok kami sa kwarto. Nakita ko si


Pepper, hinahagod ang likod ni Aya at inaalo ito.

"Anung nangyari?" tanong ko.

Tinuro ni Pepper ang mga libro ni Aya na nakatambak sa sulok. Anung nangyari? Ang
alam ko, mahal na mahal ni Aya ang mga libro niya. Lumapit ako upang magsiyasat.
Tumitindi ang mabahong amoy habang papalapit ako sa mga nakatambak na libro ni Aya.

Nagulat ako sa aking nakita. May berdeng likidong bumabalot sa mga libro ni Aya.
Parang laway. Parang sipon. Hindi ko maipaliwanag. Sobrang baho. Nakakasuka. Anu ba
yun?

"Anung nangyari dito? tanong ko sakanila.

"H-hindi ko alam, Keira. Basta nakita ko nalang na umiiyak si Aya dahil may
nangyari sa mga libro niya." tugon ni Pepper.

Lumapit ako kay Aya para aluhin ito, pero pagkahawak ko sakanya, may maliliit na
boltaheng gumagapang sa'kin. At dun ko nakita ang lahat..

*FLASHBACK:

Magkasamang naglalakad sina Aya at Pepper sa corridor nang mabunggo nila ang isang
babae. Nahulog ang mga libro ni Aya, gayundin ang mga librong bitbit ng babae.

"TUMINGIN KA KASI SA DINADAAN MO!" bulyaw ni Aya dito. Hindi umimik ang babae,
yumuko lamang ito.

"N-naku Miss. Pasensya ka na. Sorry talaga. Hindi namin sinasadya. Sorry." paulit
ulit na hingi ng tawad ni Pepper. Pinulot nito ang mga libro ng babae saka isinoli
dito.

******

Kinabukasan ng tanghali. Naisip ni Pepper na pumunta sa auditorium. May screening


kasi para sa drama club. Dahil wala rin kaming ginagawa ni Aya nang mga oras na
iyon ay nakisama na rin kami.

Komportable na kaming nakaupo sa loob ng auditorium nang may mapansin akong kulay
berdeng parang laway na parang sipon sa bandang sulok. Medyo malayo ito mula sa
aming kinauupuan.
Pamilyar ang itsura nito. Parang katulad ito ng berdeng likidong nasa mga libro ni
Aya. Panay ang tulo nito mula sa itaas.

Hindi ko naiwasan. Tumingin ako sa taas. At sana, hindi nalang ako tumingin. May
babaeng nakaupo sa pinakataas ng auditorium. Sa mga bakal na nagsisilbing pundasyon
ng bubong nito. Nakaitim ang babaeng nangunguyakoy. Wala itong mga mata! Kundi itim
na bilog lamang kung nasaan dapat ang mga mata nito.Tumatawa. Parang tuwang-tuwa.
Maya-maya'y mas lalo pa itong nagalak. Tumawa pa ito. Pagkararaa'y tinuro si Aya na
katabi ko.

Tumawa ito ng tumawa. At sa sobrang galak ay nakita ko ang mga ngipin nitong
nangingitim. Sa bibig nito ay may tumulong berdeng likido mula sa bibig nito.
Tumulo ito pagkaraan. Sa mismong sulok kung saan naipon ang mga berdeng likido.

Siya kaya at ang babaeng nabangga ni Aya at Pepper ay iisa? Impossible. Hindi niya
kamukha iyon. Maganda ang babaeng iyon.. Sino siya?

CHAPTER FIVE

*Basahin ng mabuti. Namnamin ang takot. Umuulan. :| Ikaw lang mag-isa. Tulog na
silang lahat. Biglang namatay ang ilaw. Pati ang PC/laptop mo. Sabay bumukas. May
babaeng walang mukha, nasa screen.

Kung dati rati'y si Jackie lamang ang problema ko, ngayo'y kasama na din si Aya.
Sinundan si Aya ng babaeng walang mata hanggang sa boarding house. Tawa ito nang
tawa. Walang tigil. Hanggang sa pagtulog ko, ay walang humpay pa din ang pagtawa
nito. Umupo pa ito sa tabi ni Aya at niyuyugyog ang double deck kaya pati ako ay
nayuyugyog. Ang resulta, dalawang malaking eyebags sa magkabilang mata ko.

Miyerkules. Absent ang teacher namin sa computer kaya maaga kami pinag-lunch.
Nagpasama sa akin si Aya sa library. Habang nagbabasa siya ng libro ay pumunta ako
sa isang sulok kung saan naroroon ang mga year books. Kinuha ko mula 1972 hanggang
2009. Ewan ko kung makikita ko dito ang babaeng hinahanap ko. Pero bahala na.
Subukan na lahat ng pwede.

Alas-onse palang nun kaya naman may dalawang oras pa ko upang hanapin ang kung
sinumang sumusunod kay Aya. Umupo ako sa harap ni Aya. Hindi ko nalang pinansin ang
mga halakhak ng babaeng walang mata na nasa tabi niya. Tumutulo nanaman ang berdeng
likido mula sakanyang mga bibig.

Sinimulan kong buklatin ang mga pahina ng 1972 yearbook. Wala don. Hanggang
makarating ako sa 2000. Nakita ko ang isang kakaibang babae. Parang nasira ang
mukha nito dahil sa laki ng pilat sa mukha nito. Halatang tinangka nitong takpan ng
buhok ang pilat sa mukha, ngunit masyado itong malaki.

Sa yearbook sa taong 2001 at 2002 ay naroon pa rin ang mukha nito. Alyanna Ponce.
Yun ang pangalan nito. Katabi nito ang isang babaeng kabaligtaran ng itsura nito.
Maganda ang babae. Magandang maganda. Ashley Ponce naman ang pangalan nito.
Tumingin ako sa multong katabi ni Aya. May malaking pilat din ito. Mahirap nga lang
sabihin kung siya nga ang Alyanna Ponce na nasa larawan sa yearbook. Ibang-iba na
ang hitsura nito.

Pagsapit ng alas dose y medya ay umalis na kami sa library ni Aya. Ang babaeng wala
mata'y nakasunod pa din sa kanya. Tuwang-tuwa sa galak.

"Pepper, may kilala kang Ashley Ponce?" tanung ko kay Pepper. Bukod sa matagal nang
nag-aaral dito si Pepper, ay Ms. Congeniality pa ito.

"W-wala eh. Si Jackie tanungin mo."

Pumunta ko sa kinaroroonan ni Jackie. Katabi nito si Jinn. Isinantabi ko muna ang


paninibugho at pandidiring nararamdaman ko sa dalawa.

"Jackie, may kilala kang Ashley Ponce?" tanung ko.

"Ashley meron. Pero ewan ko kung Ponce apelyido nun."

"Dito pa ba siya nag-aaral?"

"Oo naman! Sa 3-F kaya yun."

Umalis na'ko pagkaraan, naupo sa tabi ni Gabriel at nag-isip.

"May kilala ka bang Ashley Ponce?" wala sa loob na tanung ko.

"Parang." sagot niya na may kasamang ngiti. Nakakasilaw! Mauuna pa yata akong
mamatay kaysa malaman ang totoong nangyari sa babaeng sumusunod kay Aya. Pero
kailangan kong tiisin ito.

"Eh Alyanna Ponce?" tanung ko ulit. Nagbabakasakaling kahit papano'y may magbigay
linaw sa king mga tanong.

"Parang pamilyar yang binabanggit mong mga pangalan."

"Kilala mo?"

"Hindi. Pero pamilyar. Sila ata yung magkapatid na yung isa pangit, yung isa
maganda."
Ayon kay Gabriel, magkapatid si Alyanna at Ashley pero mas paborito ang huli ng
kanilang ina na isang sikat na plastic surgeon. Noong walong taong gulang si Ashley
ay naaksidente ito na naging sanhi upang masira ang mukha nito. Hindi maremedyuhan
ang mukha ni Ashley sa sobrang tindi ng aksidente. Dahil mahal na mahal ito ng ina,
ay kinuha nito ang mukha ni Alyanna upang ipalit sa nasirang mukha ni Ashley, sa
pangakong papalitan nito ang mukha ng una na hindi na nito nagawa. Nawala ang
memorya ni Ashley at nang gumaling ito'y pinalabas ng ina na si Alyanna ang
naaksidente kaya nasira ang mukha nito.

Taong 2002 nang makitang patay si Alyanna sa silid nito. Maraming basag na salamin.
Hiniwa nito ang sariling mukha sa pag-asang mawawala ang malaking pilat dito.
Tinusok nito ang dalawang mata nito na siyang naging dahilan upang matanggal ang
mga ito. Hindi malaman kung nabaliw ang babae o sinadya nitong kitlin ang sarili.

"Paano mo nalaman lahat yan?" tanung ko.

"Sikat ang mama nila Ashley kaya nahirapan silang itago ang pagkamatay ni Alyanna
kahit tinangka nilang itago ito. Dun nagtaka ang media. Isang sikat na plastic
surgeon, may anak na kabaligtaran ng dapat."

Lumabas ako ng classroom upang bumalik sa library at humanap ng kahit anong


artikulo sa dyaryo na magsasabi o magbibigay linaw sa pagkamatay ni Alyanna.

Pagliko ko'y nabangga ko ang isang babae.

"Sorry."

"0k lang. Sorry din."

"Ashley! Halika na! Mahuhuli na tayo." tawag ng isang babaeng marahil ay kaklase
nito.

"0-oo! Pasensya ka na ha."

Ashley. Kung siya man si Ashley, ibang iba siya sa nabanggang babae nila Aya at
Pepper. Ibang-iba sa babaeng, nakatakip ang buhok sa isang parte ng mukha. Sa
babaeng, nakayuko at walang imik. Ibang iba ang kilos ni Ashley.

"I-ikaw si Ashley Ponce?" tanung ko.

"0o.." tugon nitong may ngiti sa mga labi. Pagkaraa'y nagpaalam at patakbong
binalikan ang kaklase nito.

Doon ko nakumpirma, na si Alyanna nga ang babaeng nabangga at nakaalitan ni Aya.


CHAPTER SIX

Tinangka kong kausapin si Aya tungkol sa babaeng sumusunod sakanya at sa hinala


kong si Alyanna Ponce iyon. Hangga't maaari ay pinilit kong sabihin ng maayos
sakanya ang tungkol sa istorya ng buhay nito, ngunit kagaya ng aking inaasahan,
hindi siya naniwala dito.

"Urban Legend lang si Alyanna Ponce, Keira." anito.

"Urban Legend? Aya, kapatid ni Ashley si Alyanna.

"Sus. Si Ashley na mismo ang nagsabi, Keira. Wala siyang kapatid. Kaya please lang,
wag mo na ko piliting maniwala pa sayo.

"Kahit mag-sorry ka lang dun sa babaeng nabangga mo."

"Sinasabihan mo kong mag-sorry sa freak na yun?! Matutulog na ko Keira. Matulog ka


na din. anitong pinatay na ang kanyang lampshade.

-----

"AAAAAAARRRRRGGGGGHHHHHHH!"

Nagising ako sa nakakabinging tili ni Aya. Tili nga ba iyon ni Aya o mp3 player ko
lamang iyon? Bumangon ako nang may nagbukas ng ilaw.

"A-anong nangyari?" tanong ko kay Pepper.

"Si Aya.." tugon nitong inginuso si Aya.

Bumaba ako sa double deck. Kumuha naman ng tubig si Pepper. Nakita ko si Aya,
nakahawak sa isang parte ng pisngi niya. Nanginginig. Umiiyak. Nakatingin sa
kawalan.

"Ba..kit?" tanung ko.

Ayon sa tagpi-tagping kwento ni Aya, naalimpungatan siya nang maalala niyang may
naiwan pa siyang assignment na hindi pa tapos. Bumangon siya upang buksan ang ilaw
at gawin ito nang biglang bumungad ang sarili niyang mukha sa dilim. Nakangiti ito
sa kanya. Pagkaraa'y may humawak na mga kamay dito, saka hiniwa ng isang kamay ang
kabila nitong pisngi gamit ang isang scalpel. Dugo. Puro dugo ang kanyang nakita
mula sa nahiwang pisngi. Kinuha ng isang kamay ang natanggal na pisngi. Pagkuwa'y,
iniaabot ito sakanya. Pagkatapos niyo'y, nawala itong parang bula.

Pinainom namin ng tubig si Aya. Nangako si Pepper na tatabihan niya na lamang sa


pagtulog sa Aya at hayaan nalang na nakabukas ang ilaw.

Iniabot sakin ni Aya ang baso ng tubig. Nang mahawakan ko ang kanyang kamay, ay
nakita ko nanaman ang lahat. Sa ikalawang pagkakataon..

------

Nagmamadali si Aya. Halos mahulog na ang mga librong dala-dala nito sa magkabilang
braso. Sa sobrang pagmamadali ni Aya ay hindi niya napansin ang isang nilalang na
tumagos palabas ng pader. Nabangga niya ito. Nahulog ang mga librong dala ni Aya.
Sumambulat at nagkalat ang mga papel mula sa isang folder na bitbit niya.

"Anu ba-" bungad ni Aya habang pinupulot ang kanyang mga libro.

Tiningnan niya ang taong nakabangga sakanya at wala man lamang konsensya na
tulungan siyang magpulot ng mga libro at papel na nagkalat.

"IKAW NANAMAN?! BAKIT BA LAGI KA NALANG NAKAHARANG SA DINADAANAN KO?! BWISIT KA


TALAGANG PANGIT KA! LATE NA NGA KO, MALELATE PA KO LALO NG DAHIL SAYO!" bulyaw ni
Aya dito.

Pinulot ni Aya ang mga libro at papel na nagkalat. Pagkaraa'y umalis ng walang
kaalam-alam sa sinabi ng nakabangga pagtalikod niya.

"Mapapasakin din ang mukhang iyan, Aya.." bulong nito sabay hawak sa malaking pilat
na tinatakpan ng buhok nito.

CHAPTER SEVEN

Tinangka kong kausapin si Aya upang makahingi na ito ng tawad kay Alyanna Ponce,
ngunit naging matigas ang ulo nito. Mahirap pilitin ang ayaw. Lalo na pag si Aya.
Sa huli, ay hinayaan ko na rin siya.

Nagbalik ulit kami sa aming dating gawain. Si Jackie, madalas pa ring lumalabas
kasama si Jinn. Ako nama'y pumupunta pa din sa sementeryo o sa abandonadong hotel
kung saan ako madalas na naaabutan ni Gabriel, iba-iba man ang araw ng punta ko.
Sabihin mo mang makapal ang mukha ko, may pakiramdam akong sinasadya niyang sundan
ako. Bakit? Ewan. Hindi ko rin alam.

Nang gabing iyon, naiwan muli sila Pepper at Aya sa boarding house. Ako nama'y
naabutan ni Gabriel sa abandonadong hotel. Hindi ko alam kung bakit ganun nalang
ang reaksyon ko at ng puso ko sa tuwing makikita ko siya. Naguguluhan ako. :|
Naiinis ako na parang ewan.

Crush mo siya, Keira. Anu pa ba? bulong ng isip ko. CRUSH? Hindi ata.

"Matutunaw ako sa ginagawa mo, Keira." sabi nito nang makitang wala sa loob akong
nakatitig sakanya.

Sabi ko naman sainyo, mala-anghel ang mukha ni Gabriel. Pakpak nalang ay siguradong
walang tulak kabigin ang mga anghel sa kanya. Hindi talaga maiiwasang hindi
tumingin ang kahit na sino man. Babae man o lalaki.

Hindi ako kumibo. Nagiging abnormal talaga ko pag kasama ko siya. Nawawala lahat ng
tapang ko. Pati ako, nawawala sa sarili ko.

"Wag na wag mong susubukan, Keira. BAWAL." mariing sabi nitong, idiniin pa ang
salitang bawal.

Bawal ang ano? Ang mahalin siya? Ang humanga? Ang magkagusto? Ang alin ba?
Naguguluhan ako.

Pumikit ako. Nainis ako sa sinabi niyang iyon.


"Anghel po ang gusto ko at hindi si Gabriel.."
----

Kinaumagahan, kahit anong tanggi ko'y nagpumilit pa rin si Gabriel na ihatid ako sa
boarding house. Wala pa man kami sa boarding house ay narinig namin ang pamilyar na
tili ni Aya.

"HINDEEEEEEEE!"

Nagkatinginan muna kami ni Gabriel bago kami tumakbo upang mapuntahan si Aya. Nang
tangkaing buksan ni Gabriel ang pinto'y nakalock ito. Sinipa niya ito pero nanatili
parin itong hindi natitinag.

"Pepper! Aya! Jackie!" sigaw nito.

Walang sumagot.

Hindeee! Akin to! Umalis ka! Akin to! Akeeeeeen! muling sumigaw si Aya.

Nang sisipain ulit ni Gabriel ang pinto ay saktong dating naman ni Pepper. Mukhang
galing ito sa malapit na convenience store.

"Anung nangyari, Keira?" tanung nito.

"May nangyayari kay Aya sa loob.." Hindi ko maiwasang mag-alala kay Aya. Hindi ko
maiwasang hindi magalit. Sana humingi na siya ng tawad para wala nang gulo.
Pero ayaw niya.

Pagkabukas ng pinto ay sinalubong kami ng isang nakakahindik na tanawin: Ang


malaking salamin sa sala, basag lahat. Kinakabahan kaming naglakad papunta sa
kwarto. May nabasag pang iba. Anu bang nangyayari?

Pagpasok nami'y nakita namin si Aya, nanlalaki ang mga mata, tulala sa kawalan,
nanginginig.. At sa kanang kamay nito'y isang malaking tipak ng bubog. Dumudugo na
ang isang kamay nito sa sobrang higpit ng pagkakahawak nito don.

"Aya.." tawag dito ni Pepper.

Nagulat si Aya. Tumingin ito kay Pepper.. sa kin, kay Gabriel.. Dahan-dahan. Tsaka
sumiksik sa pader..

"WAG KANG LALAPIT! Hindi ako natatakot sayo! Akin to! Akeeeeen! Papatayin
kitaaaaaaaaaaa! halos mapunit ang tenga ko sa tinis ng boses ni Aya. Itinaas nito
ang dumudugong kanang kamay. Winasiwas.

"Huwag." Pigil ni Gabriel nang tangkain kong lapitan si Aya. Tumingin ako sakanya.

"Anung alam mo?"

CHAPTER EIGHT

Hindi namin maiwan si Aya nang araw na iyon. Hindi na rin kami nakapasok. Wala
kaming magawa nila Jackie, Jinn, Pepper at Gabriel kundi pagmasdan ang kalunos-
lunos na kalagayan ni Aya. Sa tuwing tatangkaing lumapit nila Jinn at Gabriel dito,
ay nagwawala lamang ito, binabantaan pa silang magpapakamatay ito. Nagsimula na
kaming mag-alala nang makita naming marami nang dugo ang nawawala kay Aya. Tumawag
na kami sa mga magulang ni Aya ngunit ang sabi ng katulong ay nasa ibang bansa ang
mga ito upang dalawin ang nakatatandang kapatid ni Aya. Tumawag na din kami sa
pinakamalapit na ospital upang masaklolohan si Aya.

Matapos ang mahigit na isang oras ay narinig na namin ang pamilyar na sirena ng
ambulansya. Sinalubong nila Jackie at Pepper ang dalawang lalaking nurse at
sinamahan ito sa aming silid. Narinig kong nagwala si Aya. Pumasok ako. Nagwawala
si Aya, pumipiglas ngunit maingat at mabilis kumilos ang dalawang nurse na nilagyan
agad ito ng straight jacket. Kaming dalawa ni Gabriel ang sumama sa loob ng
ambulansiya. Sina Jackie, Jinn at Pepper ay susunod na lamang sa ospital.
"AKIN TOOOOOOOO! PAPATAYIN KITAAA! UMALIS KAAAA!" nagpupumiglas si Aya sa dalawang
lalaking nurse. Ang isa'y mariing nakahawak kay Aya habang ay isa nama'y
nilalapatan ng panandaliang lunas ang kamay ni Aya.

Wala sa loob na tumulo ang luha ko. Ayokong makitang nagkakaganun si Aya.
Nahihirapan din ako. Naiyak ako lalo nang maalala ko ang mga pinagsamahan namin.
Napayuko ako.

Nagulat ako nang hawakan ni Gabriel ang mukha ko, at punasan ang luha ko.

"Matapang si Aya, Keira. Kaya niyang malampasan yan."

-----

Pagkarating sa ospital ay inihatid agad sa Emergency Room si Aya na patuloy parin


sa pagwawala. Laking pasasalamat namin nang may doktor agad na tumingin dito.
Halatang nahirapan ito dahil inutusan nito ang isang nurse na bigyan ng pampakalma
si Aya upang mas maobserbahan ito.

Kinausap ng doktor si Gabriel. Ayon dito, kailangang sumailalim ni Aya sa MRI at CT


scan upang malaman ang tunay na kondisyon nito. Ipapa-schedule pa raw ito. Sa
ngayon ay kailangan muna nitong manatili sa ospital upang maobserbahan.

Dahil nasa ibang bansa ang mga magulang ni Aya, nagboluntaryo si Pepper na siya na
muna ang magbabantay dito.

"Okay ka lang ba?" tanong ni Gabriel.

Tumango ako pero sa totoo lang ay mabigat na ang pakiramdam ko. Kulang ako sa
tulog. At talagang pagod na pagod ako. Pero sa isang banda, kasalanan ko rin naman
kung bakit iyon nangyari kay Aya. Hindi ko siya nagawang ipagtanggol mula sa
Alyanna Ponce na yon. Nakikita ko siya pero wala akong magawa. Ako ang dapat
sisihiin. :|

-----

Kinagabihan ay napagpasyahan na naming umuwi. Galing si Pepper sa boarding house


upang kumuha ng konting damit at gamit ni Aya. Si Jackie ay kila Jinn muna
mananatili. Gusto ko siyang pigilan. Pero anung sasabihin ko? Na demonyo si Jinn?
Na matagal na itong patay? Baka hindi ko alam, isama na din nila ako kay Aya.

Kasama si Gabriel ay umuwi na kami sa boarding house. Matigas talaga ang ulo ng
lalaking iyon. Kahit anung sabi kong huwag na ko samahan pauwi ay nagpumilit pa rin
ito. Maputla daw kasi ako. Sa totoo lang ay parang binabayo ang ulo ko sa sobrang
sakit, idagdag pa ang bigat ng pakiramdam ko.

Sa kasamaang palad ay umulan pa ng gabing iyon, kaya naman basang basa kami ni
Gabriel nang makauwi sa boarding house.

"Magpunas ka, basang basa ka." sabi nitong hinagisan ako ng tuwalya.

Naglakad ako papunta sa aming kwarto. Wala na ang mga bakas ng dugo ni Aya. Marahil
ay nilinis ni Pepper kaninang umuwi siya. Sumunod si Gabriel sakin. Narinig kong
binuksan niya ang TV. Ako nama'y nahiga sa kama ni Pepper.

"Keira! Bakit ka nahiga dyan?! Basang basa ka pa! Magpatuyo ka muna't magpalit ng
damit."

Ayoko. Ayoko nang gumalaw. Sobrang bigat na ng pakiramdam ko. Ang init. Bakit ba
ang init init? Narinig ko ang mga yabag ni Gabriel.

"Nilalagnat ka.." malumanay ngunit mababakas ang pag-aalalang sabi nito.

Naramdaman ko ang bawat kilos niya. Habang pinupunasan at tinutuyo niya ang katawan
ko. Habang pinapalitan niya ko ng damit. Naramdaman ko ang init ng katawan niya.
Yakap mo ba ako, Gabriel? Gusto kong magprotesta, pero ayaw ng katawan ko. Ayaw ng
puso ko. Dito ka lang Gabriel. Huwag kang aalis. Huwag mo kong iiwan. Hindi ko
kaya. Dito ka lang sa tabi ko.

Gabriel..
Bawal ba talaga?
Hindi ba pwedeng mahalin ka?

"Matulog ka na Keira. Bukas pagkagising mo, magaling ka na.."

CHAPTER NINE

GABRIEL

Niyakap ko si Keira. Hindi ko alam kung bakit parang ang tagal tagal ko nang
gustong gawin to sakanya.

"Dito ka lang Gabriel. Huwag kang aalis. Huwag mo kong iwan. Hindi ko kaya. Dito ka
lang sa tabi ko."

Niyakap ko pa siya ng mas mahigpit. Sobrang taas ng lagnat niya. Hindi ko alam kung
anung gagawin ko. Misyon kong bantayan siya.. Protektahan.. Pero hindi ko inakalang
ganito pala kahirap yun..

"Dito lang ako.."

Maya-maya'y nakatulog na siya.

"Gabriel..."

"mmmm?"

"Bawal ba talaga? Hindi ba pwedeng mahalin ka?"

Keira.. Pasensya na. Hindi talaga pwede. Bawal. Dahil ginawa ako para lang alagaan
ka. Hindi para mahalin ka. Patawarin mo ko, Keira. Ngayon pa lang humihingi na ko
ng tawad sayo. Hindi kita pwedeng mahalin. Bawal. Dahil wala akong puso. Hindi ako
marunong magmahal. :|,

KEIRA
Nanatili si Aya sa ospital nang mga ilaw araw upang maobserbahan pa ng mga doktor.
Nang lumabas ang resulta ng MRI at CT scan, sinabi ng doktor na Psychosis daw ang
tawag sa kondisyon ni Aya. Hindi ko alam kung papaano nakagawa ang doktor na iyon
ng ganung kabilis na konklusyon. Basta ako, isa lang ang alam ko. HINDI BALIW SI
AYA.

Lumipas pa ang ilang mga araw. Sinigurado muna ng doktor na maayos na ang estado at
kalagayan ni Aya bago ito palabasin ng ospital. Mahigpit na ibinilin ng doktor na
kailangan ni Aya ng pahinga, at matulog sa tamang oras. Ibinilin din sa amin na
itago lahat ng matatalim at nakasusugat na bagay mula dito.

Nang mga sumunod na araw ay nakita namin ang unti-unting pagbalik ng sigla at saya
na mababakas sa mukha ni Aya. Mukhang nakatutulong ang payo ng doktor sa kanya,
isama pa ang mga gamot na ibinigay sakanya.

Akala namin, maayos na ang lahat.. Akala ko tapos na.. Pero hindi pa pala..

"Keira, magjajogging lang kami ni Pepper ha. Si Aya kasama mo dyan.." narinig ko
ang pamilyar na boses ni Jackie.

Nakarinig ako ng mga kaluskos. Pagkaraa'y narinig kong bumukas at sumara ang pinto.

...
...
...

"AAAAARRRRRRRRGHHHHHH!!!" narinig ko ang mas matinis at mas malakas pa sa tunog ng


alarm clock na tili ni Jackie.

May mga kaluskos, kalabog at nabasag. Anu bang ginagawa ng mga to?

Kahit inaantok pa'y pinilit kong idilat ang aking mga mata. Araaaay.. Napasimangot
ako nang marinig kong nagsitunugan ang mga buto-buto ko. Ang sakeeeet..

"Anu bang ingay yan, Jackie?"

Dahan-dahang tumingin sakin si Jackie. Mababanaag ang takot sa mga mata nito.
Kinabahan ako agad.

"Si... si... A... A... ya..." tila wala sa sariling sabi nito.

"Si Aya?"

Bumaba ako sa double deck namin ni Aya kung saan sa taas ako natutulog.

Nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko. Punung-puno ng dugo ang kama ni Aya. Nakadapa
ito.

"A-A..ya.."

Narinig ko ang impit na hagulgol ni Pepper.

Naglakas-loob akong lapitan si Aya. Tumindi ang amoy ng dugo. Malansa. Nakakasuka.

"A....ya.."

Hindi pa rin ito natitinag. Kinabahan ako. Hinawakan ko siya. Malamig. Matigas.
Pinihit ko siya paharap sakin.
"Diyos ko Aya.."

Lahat kami ay nagulat sa aming nakita. Naliligo ito sa sariling dugo. Malansa.
Mabaho. Nilalangaw. Ang kalahati ng mukha nito'y parang pinilit hiwain para lang
matanggal. Kitang kita ang mga laman niyon.

Naramdaman kong tumulo ang luha ko. Napaupo si Jackie sa sahig, umiiyak.

"Ayaaaaaaaa!" hagulgol ni Pepper.


Niyugyog nito si Aya.

"Aya! Wala namang ganito! Aya.."

"Pepper, wala na si Aya.." awat ni Jackie dito.

"AYA! GUMISING KA DYAN! WAG KA NAMANG GANYAN! AYA! PARANG AWA MO NA."

Wala na si Aya.. Wala na..

CHAPTER TEN
GABRIEL

Agad akong pumunta sa boarding house matapos akong tawagan ni Jackie upang sabihin
ang masamang balitang wala na si Aya.

Pagpasok ko pa lamang ay halos masuka na ako sa amoy ng malansang dugo. Narinig ko


ang malakas na boses ni Pepper. Tila nagwawala ito sa loob ng kanilang silid.
Minabuti kong pumasok.

Agad kong nakita si Jackie, hawak-hawak ang magkabilang braso ni Pepper na siya
namang pilit na sinisipa ang nakalugmok sa sahig na si Keira.

"KUNG SINABI MO SANA SAMIN ANG TUNGKOL SA ALYANNA PONCE NA YON, EDI SANA BUHAY PA
SIYA NGAYON!" nagpupuyos sa galit na bulyaw ni Pepper dito.

Hindi alintana nang tatlo ang nakasusukang amoy sa loob ng silid. Tinakpan nila si
Aya ng kumot at mas inuna pang magsisihan.

Saglit na nakawala si Pepper mula sa pagkakahawak ni Jackie. Sinabunutan at


pinagsasampal nito si Keira na wala man lang ginawan. Hindi siya lumaban. Hinayaan
lang niya si Pepper na saktan at murahin siya. Kahit hindi niya sabihin, alam kong
sinisisi niya ang sarili niya. Pero sino bang may gustong mangyari yun kay Aya?

"Tama na yan Pepper." sabi ko nang kunin ko si Keira at inilayo mula dito.

"SIGE! MAGKAMPIHAN KAYONG LAHAT!"

Nang dumating si Jinn ay tumulong ito sa pag-awat kay Pepper.

"KASALANAN MO TO KEIRA! HABANG BUHAY KANG UUSIGIN NG KONSENSYA MO! NA MINSAN SA


BUHAY MO, PUMATAY KA! PINATAY MO SI AYA! WALA KANG KWENTANG KAIBIGAN! SANA IKAW
NALANG ANG NAMATAY! SANA IKAW NALANG!

"Gab, ilabas mo na muna si Keira. Kami nang bahala ni Jinn dito."

Inilabas ko muna sa sala si Keira. Pumasok ulit ako upang ipaalam kay Jackie na
iuuwi ko muna pansamantala sa bahay si Keira.

"Mabuti pa nga, Gab. Pasensya ka na sana kay Pepper. Malapit kasi sila ni Aya.
Halika, ikuha mo ng mga damit si Keira.

Matapos kong kumuha ng ilang mga gamit ni Keira ay pinainom ko muna siya ng tubig
para kumalma ngunit patuloy pa rin siya sa pag-iyak. Nag-taxi nalang kami pauwi.
Baka isipin pa ng mga tao'y ako ang nagpaiyak sa kanya.

-----

Pagdating sa bahay ay agad akong sinalubong ni Mama Beth. Hindi ko siya tunay na
ina pero Mama ang tawag ko sakanya.

"Gabriel.."

"Mama.. Kaibigan ko po. Si Keira. Inuwi ko po muna siya dito dahil namatay po yung
kaibigan namin."

Halatang nagulat si Mama Beth, pero tinulungan niya kong akayin si Keira. Kilala
niya na ito. Dahil nga sa misyon ko. Alam ni Mama yun.

Binihisan at inayusan ni Mama si Keira. Ayon dito, parang walang balak tumigil si
Keira sa pag-iyak. Tuloy-tuloy daw ang pag-agos ng mga luha nito.

"Aba'y ayaw tumigil sa pag-iyak. Hala, iakyat mo na nga't patahanin mo yang baby
mo, Gabriel. I-hele mo nang makatulog." nagbibirong sabi nito.

Iniakyat ko na si Keira sa aking silid. Sa kama ko na lamang siya patutulugin. Sa


sofa na lamang ako para mabantayan ko siya.

"Keira.."

Nanginig siya. "Hi.. Hin..Di... Ayo..Ko.. Hin... Di... A...Ko.. humagulgol ito.

"Keira.." pagkasabi niyo'y niyakap ko siya nang mahigpit. Katulad ng dati.

"Sshh, tahan na.. Wala kang kasalanan.. Hindi mo yun kasalanan..

Suminok siya, saka humikbi.

"A...Ya... A...Ya... So... Sor...ry.. A.. Ya... A...Ya..

Tiningnan ko siya. Pinunasan ang mga luha niya.

Hindi ko alam kung bakit natutuwa ako tuwing inaalagaan ko siya. Hinaplos kong
mukha niya, ang mga pisngi. Hindi ko mapigilang hindi siya hawakan.

Nilapit kong mukha ko sakanya habang hawak ko ang mga pisngi niya. Saka ko inilapat
ang mga labi ko sa labi niya. Mainit. Malambot. Hindi ko maintindihan. Sabi sakin,
alagaan ko siya. Alagaan.

Saglit akong tumigil. Tiningnan ko siya. Bawal ang ginawa ko. Mapaparusahan ako.
Pero nakita kong tumigil siya sa pag-iyak. Hinalikan ko ulit siya. Nakita kong
pumikit ang mga mata niya. Hinahalikan din niya ko.

DUGDUG.
DUGDUG.
DUGDUG.

Biglang may kumabog sa dibdib ko. Anu yon?


CHAPTER ELEVEN

GABRIEL

"Diba ang sinabi ko sayo, alagaan mo lang siya?! Ano ba sa tingin mo ang ginagawa
mo?!"

Napayuko nalang ako. Alam ko naman yun. Na tanging ang iniutos lamang ang dapat
sundin. Sa una palang, alam kong hindi ko kakayanin ang trabahong 'to. Mahina kasi
ang loob ko sa mga Hello's at Goodbye's. Alam ko namang bawal ang ginawa ko pero
kahit ako, hindi ko rin maintindihan ang sarili ko sa tuwing kasama ko siya.

"Ayusin mong trabaho mo, Gabriel. Ang trabaho ay trabaho."

-----

Dalawang araw binurol si Aya. Closed coffin ceremony ang ginawa dahil sa hindi
magandang sinapit ng mukha niya. Akala ng madami, nabaliw si Aya. Nabaliw sa
sobrang katalinuhan. Wala na rin kaming ginawa upang itama ang mga spekulasyon ng
tao. Sinong maniniwala sa kababalaghan? Na hindi talaga nabaliw si Aya? Na hindi
niya kinitil ang sarili niyang buhay?

Hindi na pinatagal pa ang burol. Nang dumating ang nakatatandang kapatid ni Aya
galing sa ibang bansa ay napagpasyahan nang ilibing ito, at sa pagkakataong iyo'y
ilang beses nawalan ng malay si Keira. Si Pepper naman ay halos tumalon na sa
bumababang kabaong ni Aya.

Matapos ang libing ay bumalik kaming lahat sa boarding house upang magpahinga at
ayusin ang mga gamit ni Aya. Masyado kaming naging abala sa burol kaya hindi na
namin nagawang ayusin pa ang mga gamit niya. Si Pepper ang nag-aayos ng mga libro.
Si Jackie sa damit. Kami ni Keira ang nagsasalansan ng mga ito sa kahon. Tahimik na
gumagawa ang lahat. Pinilit man ni Jackie na humingi ng tawad si Pepper sa mga
ginawa at sinabi nito kay Keira ay halatang masama padin ang loob nito.

"Guys, tingnan niyo to! Nakapangalan satin." tanong ni Jackie. Hawak nito ang isang
tape recorder. May masking tape na nakabalot dito. Nakasulat ang pangalan nila
Pepper, Jackie at Keira dito.

>TAPE RECORDER<

"Pepper.." napahagulgol agad ng iyak si Pepper nang muling marinig ang boses ni
Aya. "..Jackie... Keira.. Sigurado 'kong wala na ko pag nakita niyo to... Pepper,
salamat sa lahat.. Alam mo namang ikaw lang ang nakakapag-tiyaga sa pagiging
mainipin at masungit ko.. Naalala mo ba nung nag-away tayo dahil hindi mo ginawa
yung assignment mo? mahinhing tumawa si Aya. "Sana hindi ka magbago.. Saglit na
tumahimik ang tape recorder. Tanging ang mga hagulgol lamang ni Pepper ang
maririnig.

"Jackie.. Alam kong palagi tayo nag-aaway pero alam kong ikaw na ang tumayong ate
namin dito.. Alagaan mo sila Pepper at Keira.. Tulad ng pag-aalaga mo sakin..

"Keira... Sorry, sorry.. sa hindi ko pakikinig sayo... Sana nga.." humikbi si Aya.
"Sana nga.. nakinig nalang ako sayo... Sana... Sana.. humingi nalang ako ng tawad..
Sana.. Sana nakinig ako sayo, Keira.. Edi sana.. sana.. kasama ko pa kayo..
Bahagyang napasinok si Aya. "Kaso.. Huli na.. Ayaw na niya kong tigilan.. Gusto
niyang.. Gusto niyang... Kunin ang mukha ko.. Sabi niya.. Hindi niya ko titigilan..
Sa pagkakataong iyo'y naiyak na si Keira.

"Sorry... Keira.."

"B-bakit A..Ya.. A-ko ang dapat.. humingi ng.. sorry..

"Gabriel.. Alagaan mong mabuti si Keira.. Baby namin yan..

>END OF TAPE<

"Aw Aya. Bakit wala si Jinn?"

"S-Sinong Jinn?" tanong ni Pepper.

CHAPTER TWELVE

GABRIEL

Napatingin ako kay Keira, patuloy parin ito sa pag-iyak. Papanong hindi kilala ni
Pepper si Jinn? Ganun din kaya si Aya? Pero palaging umaalis si Jackie kasama si
Jinn! Isa pa'y kaklase namin ito. Papanong hindi nila ito nakikilala?
Tumayo si Jackie nang makarinig ang busina mula sa labas.

"Andyan na pala yung taxi eh. Tulungan niyo nga muna ko."

Tinulungan namin si Jackie na buhatin at ilipat sa taxi ang mga kahong naglalaman
ng mga kagamitan ni Aya. Nang makaalis ito'y kaagad kong binalingan si Pepper.

"Hindi mo ba talaga kilala si Jinn?" tanong ko.

"Sinong Jinn ba yung sinasabi niyo?" tanong nito sa amin. Halatang naghihintay ito
ng kasagutan.

"Si Jinn. Yung kaklase nating parating kasama ni Jackie. Kasabay ko siyang pumasok
nung pasukan."

Umupo si Pepper sa kanyang kama. Inalalayan ko si Keira para makaupo ito ng maayos
sa dating higaan ni Aya.

"Teka nga. Kayong dalawa ha, hindi to magandang biro. Kakamatay lang ni Aya para
simulan niyo kong takutin."

"Hindi ka namin tinatakot, Pepp. Kay Jackie mo na mismo narinig."

"D-Diba nagkaroon si Jackie ng kasintahang Jinn ang pangalan noon?" tanong ni Keira
dito. Mabagal itong napatango.

"Teka, teka. So sinasabi niyong yung Jinn na sinasabi ni Jackie ay hindi namin
nakikita ni Aya?"

"Papano ngang hindi mo makikita eh kaklase natin yun? Katabi pa ni Jackie si Jinn
sa upuan."

Napanganga si Pepper.

"Pero.. Ikaw lang ang new student sa klase namin Gab. Tsaka.. Bakante yung upuan sa
tabi ni Jackie.."

"Siya yung kasama ni Jackie pag lumalabas siya tuwing gabi. Yung sumusundo sa kanya
nakakotse."

"Wala namang sumusundo sa kanyang nakakotse ah?"

Nagkatingin kami ni Keira nang mga sandaling iyon.

"Nakakatakot na kayo ah. Sino ba kasi yun?"

"Si Jinn nga."

"Jinn ano?"

"Jinno Czamir Rivera.."

Saglit na natahimik si Pepper.

"Jinno? Eh.. Ang alam ko, matagal nang patay si Jinno.. Nung second year pa tayo..
Sumali yata si Drag Racing.. Sumemplang yung kotse niya at sa sobrang lala, hindi
na siya halos makilala... Buti nga nakuha pa yung katawan niya mula dun sa kotse
niya eh.. Papanung magiging siya yun? Teka.. I-describe niyo nga siya sakin..
Halatang kinakabahan na din si Pepper.
Tumingin ako kay Keira, marahan itong tumango.

"Matangkad. Medyo may kahabaan yung buhok. Maputi. Chinito. Medyo matangkad."

"Teka-" Tumayo si Pepper, binuksan nito ang cabinet ni Jackie. Parang may
hinahanap. Maya-maya'y kinuha nito ang pitaka ni Jackie at kinuha ang laman niyon.

"Eto bang sinasabi niyo?" tanong nito, binigay ang larawan ni Jinn.

Nagkatingin kami ni Keira. Eto nga. Si Jinn nga ang nasa larawan!

Bakit nandito pa si Jinn? May kailangan pa ba siya kay Jackie? Bakit hindi
matahimik ang kaluluwa niya?

CHAPTER THIRTEEN

Sabado.
Naisipan kong dalawin si Aya. Pinaalis kasi ako nila Jackie at Pepper dahil sa
dumating na double-deck na mas malaki kaysa sa aming nakasanayan. Silang dalawa na
lamang daw ang mag-aayos dun. Binigyan pa ko ng perang pampanood ng sine at
pangkain. Nang wala akong nakitang magandang palabas sa sine, naisipan ko nalang na
bumili ng bulaklak at dalawin si Aya.

"Kamusta Ayanami? Ako to." bati ko sa marmol na lapida ni Aya. Nilagay ko ang
basket ng bulaklak sa ibabaw ng lapida niya.

"White tulips para sayo. Ang mahal kaya niyan. Napadaan ako sa mall kanina. Papano,
sila Pepper pinalayas ako sa boarding house. May sorpresa daw sila sakin." saglit
akong tumigil upang magsindi ng kandila.

"Pasensya na ah. Ang dami kasing ginagawa sa school eh. Yung baby thesis, hirap na
hirap ako. Sana nandito ka, para tulungan ako. Siguro alam mo na din yung tungkol
kay Jinn? Haaaay. Papano ko ba sasabihin kay Jackie?"

Umupo ako sa mga damong nakapaligid sa puntod ni Aya. Luminga-linga saglit,


pagkaraa'y binalingan ulit ang lapida ni Aya.

"Pasensya ka na ah, wala kasi akong pera ngayon eh. Yan lang nabili ko. Binigyan
lang ako nila Jackie at Pepper ng pera at ipinagtulakan palabas ng pintuan eh.."

Luminga-linga ulit ako at lumanghap ng sariwang hangin.

"Siguro hindi na nila ko kagagalitan kapag natulog ako sa sementeryo. Nandito ka


naman na eh."
Mabuti pa si Aya, hindi ako pinagtatabuyan. Saglit akong nagmuni-muni. Dinama ko
ang masarap na simoy ng hangin. Maya-maya'y may napansin akong kakaiba. May isang
babaeng nakasuot ng itim na baro't saya. May malaking itim na rosaryong nakasuot
dito. Naka-belo ito ng itim. May hawak din itong kandilang itim. Kinilabutan ako.
Mariin kong ipinikit ang mga mata ko. Nang buksan ko ang mga ito'y naroroon parin
ang babae. Nakahinto. Napalunok ako. Maya-maya'y gumalaw ito. Parang naglalakad.
Ngunit ng tignan ko ang mga paa nito'y nakalutang ito. Punong-puno ng putik.

"Akin siyaaaa."

Hindi ko alam kung saan galing boses. Parang sobrang lapit. Parang bumubulong sa
tenga ko.

Maya-maya'y may malalamig na kung anung bumalot sa aking leeg. Nanigas ako. Dahan-
dahan akong lumingon sa mga balikat ko.

Halos lumuwa ang mga mata ko sa nakita ko. Ang babaeng naka-itim na baro ang siyang
malamig na bagay. Nakayakap ito sa aking leeg. Umiiyak ito ng dugo. Maya-maya'y
nagsalita ito.

"Akin siyaaa."

Parang galing sa ilalim ng lupa. Hindi ko mawari.

Nakatingin lang ako sakanya ng ibuka niya ang kanyang bibig. Lumabas ang maraming
maraming dugo mula rito. Maya-maya'y may lumabas na parang laman. Nang makita ko'y
parang maliit ng butete- SANGGOL! Yung mga sanggol na nakikita ko sa mga bote sa
science laboratory. Yung mga sanggol na hindi pa gaanong nabubuo. Kinuha ito ng
babae, tsaka pilit na ibinibigay sa akin.

Sino siya? Hindi ko maintindihan. Anong koneksyon ko sakanya?


CHAPTER FOURTEEN

Pagdating ko sa boarding house ay agad akong sinalubong nila Pepper at Jackie,


kapwa nakabungisngis. Ano nanaman kayang binabalak ng mga ito?

"Halika Keira, ipapakita na namin yung sorpresa namin sayo." sabi ni Pepper.
Lumingkis ito sa aking braso at inaya ako papunta sa kwarto.

Bago ang aming double-deck. Hindi na yung katulad ng dating lumalangitngit ng


malakas kapag nagalaw ng konti.

"Oops. Hindi yan ang sorpresa namin sayo.." sabi ni Jackie.

Iniabot nito sa akin ang isang malaki at matigas na bagay na tinatago nito sa likod
kanina. Nakabalot ito sa magandang papel.

"Ano to?" tanong ko. Ngunit umiling ang dalawa. Buksan ko na lamang daw.

Bumungad sa mga mata ko ang isang makapal at malaking itim na libro.

THE BIG BLACK BOOK OF SPELLS

Sa katunayan ay dati ko pa gusto ang librong ngayo'y hawak-hawak na ng aking mga


kamay. Kaya lang, kung gaano ito kalaki ay ganun din kalaki ang presyo nito. Siguro
nama'y alam niyo na kung ano ang nilalaman nito.

"Paanong-"

"Pinag-ipunan namin yan nila Aya at Pepper." ani Jackie. Tumango at ngumiti si
Pepper. "Dapat ibibigay pa namin yan sa birthday mo kaso naisip namin ni Pepper na
baka umuwi ka sainyo."

Halos magkandabulol-bulol ako sa pagpapasalamat sakanila. Nawaglit sa aking isipan


ang babae sa sementeryo.

"Mamaya ka na mag-Thank you, Keira. Dahil hindi pa tapos ang sorpresa namin sayo."

Nagulat ako sa sinabi ni Pepper. May isa pang sorpresa?

"Pasok na!" sabi ni Jackie.

Pumasok ang isang nakasisilaw na nilalang. Kinusot ko ang aking mga mata at saka
kumurap-kurap.

"Gabriel?!" Siya ang sorpresa nila Jackie at Pepper sa kin? Pero bakit?

Tumingin ako kay Gabriel. Ano bang ginagawa niya dito? Maya-maya'y napansin kong
may dala siyang isang itim na maleta. Teka, hindi ko maintindihan.

"Dito na satin titira si Gabriel, Keira." Kilig na kilig na sabi ni Pepper.


"Bumalik na kasi ang mama niya sa ibang bansa. Kaysa naman sa iba pa siya
mangupahan, eh di dito nalang diba? Para may kasama tayong lalaki."
Hindi ako makapaniwala sa sinabing iyon ni Pepper. Nang tumingin ako kay Gabriel ay
nginitian ako nito. Ang ngiting nakakapagpatibok ng puso ko. Ang gumigising sa
kamalayan ko. Ang ngiting yun na una yatang papatay sakin.

Lumabas ako ng aming kwarto. Bakit dito pa? Hindi ko yata makakayang makasama siya
sa bawat oras ng buhay ko. Mamamatay ako.

Pagbukas ko ng pinto ay may malalamig at mapuputlang kamay na humawak sa kamay ko.


Kinilabutan agad ako ng maalala muli ang nakita kong babae sa sementeryo ngunit
naglakas loob padin akong tignan kung sino ito.

Napaatras ako ng makita ko ang pamilyar na mukha ng babaeng nakaitim. Lumuluha ito
ng dugo na siya namang pumapatak sa sahig.

"AKIN SIYAAAAA."

Niyugyog nito ang mga balikat ko, pagkaraa'y lumabas nanaman ang maraming dugo na
sinundan ng hindi pa gaanong nabubuong sanggol. Pilit nitong iniaabot ang sanggol
sa akin. Hinila ng babae ang kamay ko. Pagtalikod ko ay nakita ko si Gabriel.
Naramdaman ko ding wala ng humihila sa kamay ko. Lumingon ako. Wala na ang babae.

Paglingon ko kay Gabriel, ay napanganga na lamang ako. Dahil sakanya'y nakasakay


ang babae, nakapulupot pa ang mga hita nito sa katawan ni Gabriel. Ang mga braso
nito'y nakayakap sakanya.

Hindi na ito lumuluha ng dugo. Ngayo'y nakalabas ang mahabang dila nito, umaagos pa
ang dugo dito. Ngumisi ito, na naging dahilan upang gumalaw ang mahabang dila nito.

Nakita kong lumapit si Gabriel, pagkatapos niyo'y wala na kong matandaan.

CHAPTER FIFTEEN

Pagkagising ko'y ang gwapo ngunit nag-aalalang mukha ni Gabriel ang aking
nasilayan.

"Mabuti naman at nagising ka na. Gusto mo ba ng tubig?"

Mas gusto ko pang lumayo ka sakin dahil mas lalo akong pinapatay pag nakikita kita,
naisip ko.

Tumayo si Gabriel at lumabas ng kwarto. Nakarinig ako ng mga kaluskos. Maya-maya'y


pumasok si Gabriel, dala-dala ang lalagyan ng tubig. Sa kabilang kamay nito ay may
hawak itong supot ng Greenwich at Dunkin Donuts.

"Saan to galing?" tanong ko ng iabot niya sakin ang mga supot. Medyo nagdidilim pa
din ang paningin ko ngunit nakabawi na'ko ng sapat na lakas.

"Binili ko. Sabi kasi nila Pepper, hindi ka daw kumakain ng dinuguan. Eh yun pa
naman ang inulam namin kanina."

Dinuguan? Ew. Maisip ko palang ang putaheng iyon ay nadidiri na ko. Naalala ko kasi
ang babaeng sumusuka ng dugo. Baka ang laman palang sahog noo'y ang laman ng
sanggol niya. Bahagya akong nanginig sa aking naisip.

"Pumunta sila kina Maurice. Gagawa daw ng thesis. Hindi ka na isinama't nahimatay
ka nga. Isa pa'y tapos mo naman na yung iyo." paliwanag nito ng mapansing palinga-
linga ako sa paligid.

Hindi na'ko kumibo, nagpatuloy nalang ako sa pagkain ng Lasagnang inuwi ni Gabriel.

Matapos kumain ay nagsipilyo na'ko. Si Gabriel naman ay nanood ng basketball habang


ako nama'y binuklat-buklat ang THE BIG BLACK BOOK OF SPELLS.

Lesson Number 23:


Make your desired partner, want you as much as you want him/her.

Napatingin ako kay Gabriel. Tatalab kaya to pag sinubukan ko? Napasinghap ako ng
biglang humiyaw si Gabriel. Sinarado ko na ang aklat, baka kung ano pa ang isipin
ng lalaking ito pag nakita niya kung ano ang binabasa ko.

******

Nagising ako nang may maramdamang kung ano sa paa ko. Akala ko nama'y nanonood
padin si Gabriel, ngunit nakita kong mahimbing na siya natutulog sa tabi ko.

"Huhuhu.." Narinig ko ang mahinang pag-iyak ng isang babaeng mahaba ang buhok. Para
bang glow-in-the-dark ito. Umiilaw kasi siya.

"Tulungan mo ko.."

Nagulat ako ng marinig ang boses niya. Galing sa ilalim ng lupa. Parang galing sa
malalim. Tumingin siya sakin.

"Maawa ka.."

Nanlaki ang mga mata ko ng makita kong hindi man lang bumuka ang bibig niya. Wala
namang nakakatakot sa mukha ng babae. Normal naman, yun nga lang, ay parang umiilaw
ito at hindi bumubukas ang bibig pag nagsasalita.

"Pinatay niya ang anak ko.."

Lumuha ito. Lumuha ito ng dugo. Napatingin ako kay Gabriel. Hayop kang lalaki ka,
mula ng dumating ka dito ay kung anu-ano nang nakikita ko. Gusto ko siyang
gisingin, sigawan, sampalin. Pero parang may nakabara sa lalamunan ko.

"Pinatay niya ko.." muling sabi nito. Hinila nito ang isang paa ko. Parang
binuhusan iyon ng yelo sa sobrang lamig ng mga sandaling iyon. Pinilit kong umatras
ngunit nahihirapan ako dahil sa ginagawa niyang paghila sa paa ko.

jdgajmdpm mo, Gabriel!!! Gumising ka dyan! Bulong ng isip ko.

"Akin siya.. At walang ibang aagaw sakanya mula sa akin.."


Umakyat ito sa kama. Kitang kita ko ang puting kamisong may bahid ng pinaghalong
putik at dugo. Ang lansa. Ang baho. Parang bumabaon ang amoy sa pinakaloob ng
katawan ko. Gumapang ang babae, palapit ng palapit..

"GABRIEEEEEEEL!!!"
******
"Keira!" pagkarinig ko ng aking pangalan ay siya namang aking naramdaman ang
malakas at masakit na pwersang dumapo sa pisngi ko.

Napabalikwas ako.

"ANU BA?!" sigaw ko.

"Gabriel ka kasi ng Gabriel. Nananaginip ka yata." anito.

"Pinatay mo sila ng anak niya!" sigaw ko dito.

"Ano bang sinasabi mo? Anong anak ba? tanong nitong bahagyang nakakunot ang noo.

"Wala. Basta samahan mo ko mamaya. May gagawin tayo.

Naguguluhan man ay tumango nadin ito.


CHAPTER SIXTEEN

Wala akong ibang nagawang matino sa klase kung hindi ang isipin kung papaano ko ba
aayusin ang sarili ko tuwing nariyan si Gabriel. Kung makikita niyo lang, daig ko
pa ang batang dina-diarrhea sa itsura ko. Putlang putla at pinagpapawisan ng
malapot kahit nakabukas na ang aircon, kahit nakatutok sa electric fan o kahit
umuulan. Nawawala ako sa konsentrasyon at.. nakakahiya mang aminin ay pati sa
sarili ko.

Sana lamunin nalang ako ng lupa.


Sana may bumabang asteroid at tamaan ako.
Sana masagasaan ako ng rumaragasang truck.
Sana kidnapin nalang ako ng mga aliens at dalhin sa planeta nila.

Hindi ko na halos mabilang kung ilang beses kong hiniling na sana mangyari ang
kahit isa man lang sa mga iyan tuwing kasama ko siya. Kung laging ganito ang buhay
ko, wala akong kahihinatnan. Sigurado.

Nayayamot kong sinipa ang nakakalat na piraso ng papel. Napabalikwas ako mula sa
aking pagkakaupo nang marinig ko ang malakas na tunog ng bell. Tanghali na. Wala
man lang akong natutunan! Wala man lang akong nasulat!

Nakita ko mula sa sulok ng akhng mga mata ang nag-aayos ng gamit na si Gabriel.
Tiningnan ko ito. Ngumiti ito sa akin. Bwisit! Ayokong nakikita yan!

"Halika na. Bilisan mo." sabi ko rito. Bago pa ito nakasagot ay tumalikod nako.
Kaagad naman itong sumunod.

Dumiretso kami sa library kung saan hinanap ko agad ang lagayan ng yearbooks.
Sana.. Sana makita ko siya sa dami nito. Sana swertehin ulit ako, kagaya ng kay
Alyanna.

Hindi ko pa nahahawakan ang kahit na anong year book sa hilerang iyon nang may
pumukaw sa aking paningin. Ito ay ang tabloid ng aming eskwela. Dito na rin pala
tinatambak ang mga ito. Pamilyar na pamilyar ang itsura ng babae sa black and white
na larawang nasa dyaryo. Hindi ko makakalimutan ang mahabang buhok ng iyon. Katabi
ng larawang iyon ay ang mga katagang:

STUDENT HANGED ONESELF AFTER ABORTION


Story by: Katarina Perez

Napatitig ako sa dyaryong nababalutan ng alikabok. Kinuha ko ito, pinagpag at saka


binuklat. Narinig kong bumahing si Gabriel.

"Sorry.."

"Ok lang."

"Had a merry christmas but will never see another happy new year."

Nobody would be able to decipher the hidden meaning behind her suicide note but
Frances Reyes herself. The sixteen year old senior student of Xavier Highschool was
found dead yesterday, December 27,2008. She took her life by hanging herself up in
her dormitory, still in that long black dress she wore during the Annual Christmas
Costume parade held the night of December 26.

Some students claimed seeing Reyes not on her usual cheerful self days before she
committed suicide. Rumors spread that she apparently took her life after he
boyfriend forced her to get their one-month old baby aborted. Her closest friends
and family had already cleared up the rumors, stating that Reyes have no boyfriend.

Natulala ako pagkabasa niyon. Ilang minuto din bago ako nakabawi.

Kung nagpakamatay si Frances Reyes dahil pinilit siya magpaabort, ang kailangan
kong hanapin ngayon, ay ang kasintahan niya. Pero- SINO SIYA? SAAN KO SISIMULAN?
CHAPTER SEVENTEEN

Inilahad ko sa naguguluhang si Gabriel ang lahat ng aking mga nakita mula nang
dumalaw ako sa puntod ni Aya hanggang sa pag-uwi ko sa boarding house. Kitang-kita
ang pandidiri nito ng sabihin kong umiiyak ng dugo ang babae at nagluluwa ito ng
sanggol. Nanlaki ang mga mata nito ng sabihin kong nakasakay ang babae sakanya
kahapon lamang. Tinapat ko din siya na siya ang iniisip kong ama ng batang
iniluluwa ng babae.

Mariin namang itinanggi ni Gabriel ang aking spekulasyon. Kinuha nito ang
pahayagan, binasa ng maigi tsaka ako binalingan.

"Anong binabalak mo?" tanong nito.

"Ano ba sa palagay mo?" balik na tanong ko kay Gabriel.

"Gusto mong hanapin si Katarina, ano?" mababakas ang kasiguraduhan sa mukha nito.

*****

"Katarina Perez? Ah.. Yung dating writer dito! Kakagraduate lang niya nung
nakaraang taon." pahayag ng guro kay Gabriel.

"Ganun po ba? Eh pwede po bang makuha kahit telepono o address po? Importante po
kasi."

"Naku iho, kailangan may permiso ka mula sa magulang ni Katarina bago namin ibigay
sayo ang gusto mo.. Confidential kasi yun.."

Tumango si Gabriel. Ngumiti at magalang na nagpasalamat sa guro. Nang makalabas


kami sa silid ay agad akong binalingan nito. Hinawakan nito ang braso ko.

"Bakit ba?!" angil ko dito.

"Wag kang gagawa ng kahit anong estupido, Keira. Tutulungan kita."

"Anu bang sinasabi mo?" binawi ko ang braso ko. Iniwasan ko ang mga titig niya. Ang
mga titig na yun na nakakatunaw ng puso ko.

Bawal. Yun ang palaging sinasabi ni Gabriel kaya nabubuhay din ako sa bawal. Sa
bawal na pagmamahal ko sakanya. Lahat ng masarap, bawal. Tama nga ang kasabihang
iyon. :|

"Kilala kita." mariing pahayag nito.

"Pakialaman mo buhay mo, Gabriel. Huwag ang buhay ko!" inirapan ko ito.

"Bakit ba galit na galit ka sakin, Keira?" mahinahong tanong nito.

"Wala ka ng pakialam!" sinigawan ko ito. Naglakad ako palayo.

"Dahil ba mahal mo? HA? Mahal mo ba ko, Keira?"


*****

"Gabrieel! OMG! Panalo Lakers! Champioonnnn! What the fudge! HAHAHAHA. Andoks na
yaaan!" bungad ni Pepper nang pumasok kami sa loob ng boarding house. Tumatalon-
talon pa ito.

Nagpustahan kasi silang dalawa sa magiging resulta ng NBA 2010. At ngayon nga'y
panalo si Pepper kaya naman sagot ni Gabriel ang kahit anong gusto niyang kainin sa
hapunan. Ngumiti si Gabriel. Ibinaba nito ang bag at nagbihis. Walang imik na
nagbigay ako ng pera- yung parte ko sa pambili ng hapunan. Naiinis padin ako
sakanya.

Bakit ba bawal siyang mahalin? Wala naman siyang kasintahan? O baka meron? gatong
ng isip ko.
Ngumuso ako. Nakakainis talaga. Ilang beses ko nang pilit hinahanapan ng sagot ang
tanong na iyon. BAKIT BA KASI BAWAL? BAKIT? BAKIT? BAKIT? BAKIT?

"Si Jackie?" tanong ko kay Pepper nang marinig kong umalis na si Gabriel.

"Hayun. Nasa imaginary boyfriend niya." natatawang sabi nito.

Inilipat na nito ang channel. Mukhang libang na libang ito sa mga koreanong
pinapanood nito. Napatitig ako sa telebisyon.

"Kilala mo si Frances Reyes?" wala sa loob na tanong ko. Okupado na kasi ang isip
ko. Problemado na kay Jinn, kay Frances at idagdag niyo pa si Gabriel.

"Oo naman. Bakit?"

Inilahad ko lahat kay Pepper. Ganoon din sa kwento ko kay Gabriel. Nakakunot ang
noo nito at titig na titig sa akin. Mukhang interesado ito. Bakas din naman iyon sa
mukha nito.

"Baka nga kay Gabriel. Di kaya? Nakasakay kamo sa likod niya e."

"Sabi niya hindi naman daw sakanya eh."

"Naniwala ka naman agad? Kaya baka nagpapakita si Frances sayo ay dahil inaangkin
mo si Gabriel tuwing gabi." humagikgik ito.

"Pepper!" pinandilatan ko ito. Puro talaga ito kalokohan.

"Possible naman yun a!"

Inirapan ko ito.

"Baka naman isa sa mga naging kasintahan mo dati?"

Bumilog ang mga mata nito.

"Hala! Isa lang naman naging boyfriend ko! Tsaka hindi naman halang ang bituka ni
Josh noh! Baka isa sa mga boyfriend ni Jackie!" pabirong sabi nito.

Natahimik kami pareho. Nagkatinginan. Halatang pareho ng iniisip.

"Teka- hindi kaya.. Si Jinn?"


CHAPTER EIGHTEEN

Nang dumating si Gabriel ay pinagusapan agad nila ni Pepper ang tungkol kay Frances
Reyes. Ayoko na sanang pag-usapan pa iyon lalo na't nasa harap kami ng grasya, ng
pagkain. Ngunit hindi pa rin nagpaawat ang dalawa.

"Papano mo naman nasabing si Jinn nga iyon?" tanong ni Gab dito. Tumingin ako kay
Pepper. Hinihintay ko ang magiging sagot nito.

"Wala naman. Naging rumored girlfriend kasi ni Jinn si Frances dati eh! Chaaar!"
Tumawa ito. Ayan ang napapala ni Pepper kakapanood ng telebisyon. Tch.

"Hindi nga?" tanong ni Gabriel. Hindi rin niya siguro malaman kung seryoso si
Pepper o hindi.

"Oo nga. Ganito kasi yun eh. Teka-" dumukwang si Pepper upang kumuha ng manok. "Si
Jinn kasi, mayaman ang parents nun. Doktor pareho pero nasa ibang bansa. So
palibhasa wala siyang kasama sa kanila, palagi siyang nandito noon nung sila pa ni
Jackie. Sky is the limit ang pera niyan. Spoiled brat kasi. Ang hilig pa niya, Drag
Racing. Mninsan sinama niya kami ni Jackie dun. Dun ko nga nakilala si Josh ko e!"
humagikgik ito at bahagyang kinilig.

"Tapos nung bandang kalagitnaan ng first year, nag-break sila ni Jackie. Wala
namang sinabi si Jackie pero alam kong dahil yun sa third party. May pinag-aawayan
kasi silang babae sa phone palagi e."

Tuon na tuon ang atensyon ni Gabriel kay Pepper. Ako nama'y patuloy sa pagkain.
Pareho kasi kaming walang alam. Second year kasi ako nang lumipat ako ng school
kasabay ni Aya. Si Pepperat Jackie talaga ang unang mga nag-board dito.

"Tapos, dun lumabas yung chismis na may relasyon si Frances at Jinn. Na pinagsabay
ni Jinn si Jackie at Frances." Huminto ito para lumagok ng tubig. "Hindi naman
nilinaw ni Jackie yung mga kumalat na chismis. Ang alam ko, narinig ni Katarina si
Frances at Jinn na nag-uusap tungkol sa isyung nagbunga nga ang ginawa nila, pero
hindi niya yung pwedeng isulat diba? Makakasuhan siya. Isa pa'y hindi rin naman
umamin yung dalawa. Maski si Jackie, never nagsalita. Pakiramdam ko, nanliliit siya
kay Frances kasi natalo siya ni Frances noon sa pagiging presidente ng Student
Council. Nung medyo nawala yung mga chismis, dun namin nalamang nagpakamatay pala
si Frances."

"Pero nagpa-abort nga ba si Frances?" tanong ni Gabriel kay Pepper.

"Sabi ni Katarina. Chismosa kasi yun kaya nga member ng schoolpaper yun e! Syempre
nung namatay si Frances, mga magulang niya nalang talaga yung nakaalam kung
nagpaabort nga talaga siya."

"Hindi niyo man lang ba naisip tanungin si Jinn?"

"Naisip ko. Naka-schedule na nga rin siya for interview kay Katarina two weeks
after mamatay ni Frances e! Kaso namatay din siya e."

Nagkatinginan kami ni Gabriel.

"Namatay din siya?" tanong ko kay Pepper. Binalingan ako nito.

"Oo. Nawalan daw ng premo yung kotse niya kaya nahulog dun sa malapit sa bangin.
Buti nga di pa dumiretso mismo sa bangin e! Kundi, hindi na siguro nakuha yung
katawan niya. Diba-"

Napahinto sa pagsasalita si Pepper. Nagriring kasi ang cellphone ko. Oo, kahit
weirdo ako ay may cellphone naman ako.

"Hello?"

"Keira? Ikaw ba yan, Apo?" narinig ko ang pamilyar na boses ng lola ko.

"Opo 'La. Napatawag po kayo?"

"Makikipagkita ko sayo bukas, Keira. Mga alas-siyete sa Plaza Leticia. Saglit lang
tayo. Pumunta ka. Magsama ka ng kaibigan mo ha at may sasabihin ako sayo."
CHAPTER NINETEEN

Kinabukasan ay nagpasama ako kay Gabriel na makipagkita kay lola . Ayaw kasi ako
samahan ni Jackie. Aalis daw sila ni Jinn. Ayaw din akong samahan ni Pepper. May
papanoorin pa daw kasi siya sa TV ng ganoong oras.

Saglit akong nakaramdam ng kaba nang maalala ko ang lola ko. Hindi nito gawaing
tumawag para lamang makipagkita. Ngayon lamang. Kaya naman mga Alas-sais y medya pa
lamang ay umalis na kami ni Gabriel upang pumunta sa Plaza Leticia. Matapos ang
labinglimang minutong biyahe ay nakaupo na kami sa bandang dulo kung saan malamlam
ang ilaw at wala masyadong tao.

Saglit kaming naghintay. Nang makita ako ni Lola ay kaagad akong niyakap nito ng
mahigpit. Kitang kita ko ang pangingilid ng mga luha nito ngunit agad nitong
ikinubli ang lungkot na nadarama. Umupo ito, umorder ng makakain pagkalapit ng
waiter at bumaling kay Gabriel.

"Kasintahan ka ba ng Apo ko, hijo?" tanong ni Lola. Matipid na ngiti lamang ang
isinukli ni Gabriel. Sinabi nitong magkaibigan lamang kami at magkaklase. Sinabi ko
kasing huwag na huwag niyang babanggitin kay Lola na magkasama kami sa bahay at
magkatabi pa sa kama! Naramdaman kong nag-init ang mga pisngi ko nang maisip ko
iyon.

Nang dumating ang pagkain ay napansin kong tamilmil sa pagkain ang lola ko.
Matamlay ito ang mukhang malungkot.

"La, ayos lang po ba kayo?" tanong ko dito.

Umayos ito nang upo. May kinuha ito sa bag nito pagkaraan. Isang sobreng puti. Ano
kaya iyon? Pera ba iyon na ibibigay niya kay Gabriel upang layuan ako? Ngunit
iniabot ni lola ang sobre sa akin. Kinuha ko ito.

"Patay na ang mama at papa mo, Keira. Iyang sulat na yan ang magpapaliwanag sayo sa
tunay mong pagkatao."

Tunay na pagkatao? Ano nanaman bang problema to? Tumayo si lola. Napatayo na din
kami ni Gabriel.

"La.." usal ko. Lumapit ito at niyakap ako.


"Mahal na mahal ka ni lola, Keira." Bumaling ito kay Gabriel at ibinilin ditong
alagaan ako ng mabuti.

******

Pagdating namin sa bahay ay napansin naming nanonood ng horror movie si Pepper.


Hindi kaya siya natatakot? Naisip ko. Siya lang ang tao dito habang pinapanood
iyon?

"Oh. Kamusta naman ang lakad niyo?" tanong nito.

"Patay na sila.. Wala na.. Sila mama at papa." usal ko. Pabagsak akong naupo sa
kama.

Tumayo si Pepper at lumapit sa akin. Niyakap ako nito. Mahigpit. Alam nito ang
tungkol sa mama at papa ko. Na kahit kailan, hindi ko sila nakita.

"Ayos lang ako, Pepp. Hindi ko lang kasi... Hindi ko lang kasi.. Sila nakilala.."
Totoo. Simula nang magkaisip ako, wala akong nakagisnang magulang. Maski sa
litrato, hindi ko sila nakita. Wala akong ideya kung kamukha ko ba si Mama o kung
nakuha ko ang mga mata ni Papa. Ang alam ko lang, lumaki ako sa pangangalaga ni
Lola na siyang nagsabing nasa ibang bansa sina mama at papa para magtrabaho. Pero
ni minsan sa buong buhay ko, hindi ko sila nakausap maski sa telepono. E-mails lang
na pagkaraa'y nalaman kong gawa gawa lamang ni lola ang natatanggap ko.

Simula nang makasama ko sila Aya, Jackie at Pepper, tsaka ko lang naramdaman na
kahit papano'y may pamilya din ako. Kahit madalas ay hindi kami magkasundo.

Gusto ko na sanang basahin ang sulat na binigay ni Lola ngunit gusto ko sanang ako
muna ang makakaalam ng tungkol sa nilalaman nito. Tungkol sa tunay kong pagkatao.
Napagdesisyunan kong iintayin ko munang magsawa si Pepper sa kakapanood ng TV at
makatulog bago ko basahin ang sulat. Nang saktong bubuksan ko ito ay dumating naman
si Jackie. Agad akong tumabi kay Gabriel, nagtalukbong ng kumot at nagtulug-
tulugan.

"Kukuha lang ako ng damit." narinig kong bulong ni Jackie.

Palagi ba siyang ganito? Ilang araw ko na ngang napapansing palagi siyang wala siya
dito. Hindi ako nakapagpigil. Sumilip ako sa ilalim ng kumot. Nakita ko ang hugis
ni Jinn, nakatayo sa medyo di kalayuan. Dahan dahan itong lumingon sa aking
direksyon. Kinabahan ako. Nakikita ba niya ko? Kitang kita ko ang mga pulang mata
nito. Parang umiilaw sa dilim. Lumapit ito sa akin. Mariin kong ipinikit ang mga
mata ko.

"Natatakot ka ba sa akin Keira? HA? Bakit hindi ka makatingin?" bulong nito.

Natatakot ako ngunit unti-unti ko paring idinilat ang mga mata ko. Kinilabutan ako
ng makita kong purong pula lamang ang nakikita ko.

CHAPTER TWENTY ONE

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko sa nakita ko. Si Pepper, nakabitin sa


sala. Iyong mga paa niya siguro ang naramdaman kong tumama sa akin kanina. Nakayuko
ang ulo nito ngunit kitang kita ang lubid na nakasabit sa leeg nito. Dilat ang mga
mata nitong mistulang nakatunghay sa amin. Pepper..

Kumuha ng silya si Gabriel, pinilit nitong tanggalin ang katawan ni Pepper sa


lubid. Teka-

"Tumawag ka sa ospital Keira! Kahit saan! Basta tumawag ka ng tulong!"

Nagmamadali akong pumasok sa loob ng kwarto upang tawagan ang ospital kung saan
namin dinala si Aya noon. Matapos ay nanghihinang napaupo na lamang ako sa sahig,
minamasdan ang ginagawa ni Gabriel. Wala na daw pulso si Pepper, umiiling na sinabi
nito. Doon nabuo sa isip ko na siguro.. Mahal ni Gabriel si Pepper.. Na ito talaga
ang gusto niya.. Bakit kaya hindi nalang ako ang namatay? Tutal, sawang sawa na din
naman ako sa nangyayaring kababalaghan sa amin.

"Keira, tawagan mo ang ate ni Pepper. Papuntahin mo agad sa ospital."

Nanghihina at bagsak ang mga balikat na tumayo ako sa aking kinauupuan. Si Aya, ang
mga magulang ko.. Ngayon naman si Pepper. Si Jackie at ako na lamang ang natitira.
Kung sino mang susunod, sana ako nalang.

Tinawagan ko ang ate ni Pepper. Ito nalang kasi ang natitirang kamag-anak ni Pepper
matapos ang mahabang istorya tungkol sa paghihiwalay ng mga magulang nito. Ibinilin
kong sumunod nalang ito sa ospital. Apat na oras kasi ang biyahe mula sa
kinaroroonan nito hanggang dito sa kabihasnan.

Bumalik ako sa kinaroroonan ni Gabriel. Naabutan kong dinasalan nito ang


nagsisimula nang mangitim na bangkay ni Pepper.

Sandaling oras pa ay dumating na ang ambulansya ngunit mukhang sa punenarya na


talaga ang diretso ni Pepper. Isa na itong malamig at nangingitim na bangkay.

Inasikaso ni Gabriel ang lahat. Kinausap nito ang mga tauhan ng ospital na
pahintulutan munang manatili ang bangkay ni Pepper sa kanilang morgue hanggang sa
makarating lamang ang kapatid nito.

Maalinsangan ang gabing iyon. Hindi parin ako makapaniwala sa nangyari kay Pepper.
May palagay akong may nagtulak kay Pepper para gawin iyon. Pero ano? Sino?

Naramdaman ko ang mga braso ni Gabriel sa balikat ko. Napatingin ako dito.

"Pasensya ka na Keira, kung hindi kita maalagaang mabuti.." Hinimas-himas nito ang
ulo ko.

"Gabriel.. Sa palagay mo.. Bakit iyon nagawa ni Pepper? Wala naman siyang
nababanggit na problema.."

Katahimikan. Walang anumang sinabi si Gabriel. Siguro ay nag-iisip din ito.

"Kanina.. Napansin ko lang.. Hindi magulo yung boarding house.. Wala man lang
nakakakalat na maski anong pwede niya tuntungan. Hindi naman pwedeng magbigti ng
hindi ka tutuntong sa kahit ano..

"Ano bang ibig mong sabihin?"

"Napansin ko lang naman.. Nung dumating tayo, nakalock padin yung pinto hindi ba?
Pwede nating sabihin na baka nga si Pepper ang naglock noon. Pero ang isabit ang
sarili niya sa kisame ng walang ginagamit upang tuntungan, parang-"

"Ibig mong sabihin may nagsabit kay Pepper sa kisame hanggang mamatay siya? Pero
kayo nalang nila Jackie ang may hawak ng susi."

"Si Jackie.. At.. Si Jinn.. Papano kung si Jinn iyon Gabriel? Papano kung siya
iyon?!

Hinawakan ni Gabriel ang mga balikat ko. Mariin. May pwersa.

"Hindi tayo sigurado Keira. Pagdating ng Ate ni Pepper, tsaka tayo magpaalam.
Hanapin natin si Jackie. Wala akong makitang dahilan para patayin ni Jinn si
Pepper. Pero kayo nalang ni Jackie ang natitira. Isa sainyo, pupwedeng mauna."

CHAPTER TWENTY TWO

Halos maghahating gabi na nang dumating ang ate ni Pepper, kasama ang asawa nito.
Humagulgol ito ng iyak at pilit na ginigising ang matigas nang bangkay ni Pepper.
Kinalma ito ng asawa ngunit hindi ito nagtagumpay. Patuloy parin ito sa
paghagulgol.

"Kailangan na natin siyang patahimikan, Nadia. Wala na ang kapatid mo at ang


magagawa na lamang natin ay ayusin ang kanyang mga labi."

Natahimik si Ate Nadia. Siguro'y naisip niyang wala na ding magagawa ang pagiyak at
pagtangis niya roon. Sandali itong umupo. Ibinilin sa amin ng asawa nito na
bantayan muna namin ito habang bumibili siya ng tubig sa labas.

"A-Ano bang nangyari sakanya?" tanong nito sa amin.

Nagkatinginan kami ni Gabriel nang mga sandaling iyon. Maniniwala ba si Ate Nadia
kapag sinabi namin ang mga nangyayaring kababalaghan sa aming lahat? Na nagsimula
iyon mula ng naglaro sila ng Spirit of the Glass? Teka- Naalala ko ang gabing iyon!
Sino nga ba ang naglaro? Si Aya. Si Jackie. At si Pepper.

Narinig kong nagpapaliwanag si Gabriel kay Ate Nadia ngunit hindi na ako nakinig.
Naunang namatay si Aya. Ngayon si Pepper. Hindi kaya- lahat ng naglaro ng Spirit of
the Glass noon ang siyang mamamatay? Ibig bang sabihin, hindi isa sa amin ni Jackie
ang susunod kung hindi si Jackie na mismo?! Pero nasaan si Jackie?!

"Gabriel!"

Marahas na lumingon sa akin si Gabriel. Siguro'y dahil mukhang wala ako sa sarili
ko. Pero, kung si Jackie ang susunod, may magagawa pa ba kami para pigilan ito?
Meron pa ba?!

"Iho, mukhang pagod na ang kasama mo. Tutal nandito nanaman kami ni Nadia, pwede na
muna kayong umuwi. Bumalik nalang kayo bukas. Kami na ang mag-aasikaso dito."
Tumango si Gabriel. Nagpaalam na rin ito. Nanatili naman akong walang kibo.
Kinakabahan ako. Pakiramdam ko huli na ang lahat! Bakit ngayon ko lang naisip
iyon?! Bakit ngayon lang kung kailan huli na ang lahat?! Maaaring patay na din si
Jackie ngayon pero ayokong isipin! Ayoko!

"Anong nangyari Keira?" tanong ni Gabriel.

"Gabriel! Alam ko na ngayon. Si Jackie ang susunod. Kailangan nating humanap ng


masasakyan Gabriel! Si Jackie! Si Jackie talaga ang susunod!"

Nagmamadali kaming naglakad ni Gabriel palabas ng ospital. Mabuti't may tricycle na


nagaabang sa may labasan. Sumakay agad kami.

"Ano bang sinasabi mo Keira?"

"Nung araw bago ka namin nakilala.. Nung mga hating gabi.. Naglaro sila Aya, Jackie
at Pepper ng Spirit of the Glass.. Hindi ako.. Hindi ako sumali dahil.. Dahil
umuulan noon, galing ako sa sementeryo at.. Basang basa ako.. Matapos nilang
maglaro, saka nagsimulang magpakita si Jinn.. Ilang araw lang.. Namatay si Aya..
Ngayon si Pepper.. Gabriel, si Jackie na ang susunod.."

"Hussshh.. Wag kang mag-alala Keira.. Hahanapin na natin si Jackie.. Wag kang mag-
alala.."

Nang huminto ang tricycle sa tapat ng aming boarding house ay nagmamadali akong
tumakbo papasok ng gate ngunit hinila ako ni Gabriel.
Tinakpan nito ang bibig ko.

"Huwag kang gagawa ng kahit anong ingay, naintindihan mo? Kahit ano. Hindi na
maganda ang pakiramdam ko. Parang may mali. Basta sumunod ka lang sakin."

Tumango ako.

Dahan dahan kaming naglakad ni Gabriel papasok sa bakuran ng aming boarding house.
Madilim. Halos wala na akong makita. Tanging ang tibok ng puso ko nalang ang
nararamdaman ko. Tanging ang paghinga na lamang ni Gabriel ang naririnig ko. Hindi
ko na alam kung saan kami pupunta. Ang alam ko lang ay parang umakyat kami ng
hagdan.

Maya maya'y may nakita akong maliit na liwanag. Lumalapit kami dito.

"Sa likod tayo dumaan. Basta huwag kang maingay. Huwag kang sisigaw kahit anong
makita mo."

Lumapit kami sa liwanag. Bintana pala iyon. Bintana ng boarding house. At sa loob
ay naroon si Jinn..

Nanlaki ang mga mata ko sa aking nakita ngunit agad tinakpan ni Gabriel ang bibig
ko.
CHAPTER TWENTY THREE

Ano pa nga bang mas sasakit sa lahat? Ang pagkawala nilang lahat sa buhay ko? O ang
mismong bagay na nasasaksihan ko ngayon?

Gusto kong sumigaw. Gusto kong tumakbo sa loob para tulungan siya. Siya nalang ang
meron ako. Siya nalang...

Tinangka kong magpumiglas mula kay Gabriel ngunit masyado itong malakas kung
ikukumpara sa akin. Gusto kong tumakbo at iligtas siya. Si Jackie nalang ang
natitira sakin. Pilit kong tinanggal ang kamay ni Gabriel na tumatakip sa aking
bibig, ngunit sadya itong malakas.

Kitang kita ko sa loob ng aming kwarto ang nakataling si Jackie. Wala itong malay,
nakahandusay sa sahig. Hindi ko alam kung buhay pa ito. Hindi ito gumagalaw. Ang
pamilyar na anyo ni Jinn ang aking sunod na nakita. Lumuhod ito sa tabi ng katawan
ni Jackie, hinaplos haplos ang pisngi nito. Lalong tumindi ang galit na
nararamdaman ko. Noong una pa lamang ay masama na talaga ang kutob ko rito ngunit
nawala dito ang aking atensyon dahil sa mga sunod-sunod na trahedyang dumating.

Biglang lumamlam ang kaninang matingkad na ilaw mula sa aming kwarto. Ngunit
kitang-kita ko padin ang anino ni Jinn.

"Sa wakas mahal ko.." alam kong bulong lamang ito ngunit sa layo nila ay
impossibleng marinig ko ito. Ngunit bakit ko nga ba naririnig ito?

Muling lumiwanag ang ilaw mula sa aming kwarto. At kitang kita kong hiniwa ni Jinn
ang isang daliri sa kamay ni Jackie gamit ang isang matalim na bagay. Muli ay
tinangka kong kumawala mula kay Gabriel.

"Wala na tayong magagawa. Huli na tayo. Kapag nakialam ka, hindi ka na makakalabas
pa ng buhay."

Kinilabutan ako sa tinuran nito. Gusto kong iligtas si Jackie ngunit ayoko pang
mamatay.

"..magkakasama na tayo.." napangiti si Jinn. Maya-maya'y narinig ko ang mahinang


halakhak nito.

Nanatiling tahimik ang buong paligid. Nananatili kaming nakatago sa likod ng


bintana. Naramdaman kong umagos ang mga luha ko. Niyakap ako ni Gabriel mula sa
aking likuran. Nakatakip parin ang isang kamay nito sa aking bibig. Alam nitong
kahit anong oras ay kaya kong sumigaw.

Maya-maya'y yumuko si Jinn. Sa tingin ko hinalikan nito si Jackie. Matagal-tagal


din itong nakayuko. Nang muli itong naupo ay nakita kong may hawak itong isang
bagay. Punung-puno ng eugo ang mga kamay nito.
"Diyos ko.." usal ni Gabriel. Nakita kong kinain ni Jinn ang hawak nito.

"Puso.. Kinuha niya ang puso ni Jackie.. Pero bakit.. Hindi ko maintindihan.."
bulong ni Gabriel. Hindi ko alam kung ako ba ang kausap niya o ang sarili niya.

Hindi ko lubos maisip kung anung kamalasan ang dumapo sa aming apat.

"Hindi ako nagkamali.. Masarap ka nga mahal ko. Pero kulang.. Hindi pa
sapat..Hmm.." Hinaplos nito ang pisngi ni Jackie. "Pero mas mabuti nang meron kasya
wala.. Mabuti nalang at nadispatsa ko agad si Pepper bago ka niya masabihan..
Masyado siya madaldal.. Hindi sana siya namatay kung tumahimik siya.. Bakit hindi
niya gayahin si Keira? Teka.. Nasaan nga pala si Keira?"

Kinabahan ako bigla nang marinig iyon. Ako ba ang isusunod niya? Napaluha ako. Sino
bang may gustong mamatay? Wala naman.

CHAPTER TWENTY FOUR

Nagising ako sa isang hindi pamilyar ng lugar. Puting-puti ang paligid. Maging ako
ay nakasuot ng puti. Nasaan na ba ako? Bakit hindi ako makagalaw? Patay na ba ako?
Napatay din ba ako ni Jinn?

Hirap man ay pinilit kong tumayo. Makailang beses din akong natumba ngunit
kailangan kong tumayo upang makalabas sa pintong nasa dulo ng silid na ito. Nasaan
na ba si Gabriel? Bakit wala siya dito?

Tumakbo ako patungo sa pintuang bakal. Ano bang ginagawa ko dito?

"Gabriel!"

Halos mapaos na ako sa paulit-ulit na pagsigaw sa pintuang bakal ngunit walang


tumulong sa akin. Bumalik ako sa puting kama kung saan ako nagising. Nag-isip ako
ng paraan kung paano ako makakaalis sa lugar na iyon. Ngunit walang kahit na anong
makatutulong sa akin. Tanging kama lamang ang laman ng silid. Walang bintana.
Walang kahit na ano.
Maya-maya'y narinig ko ang marahang langitngit ng bakal na pinto. Napaatras ako.
Ako nalang ang mag-isa. Wala si Gabriel upang tulungan ako.

Bahagya akong nahimasmasan ng makita ang pamilyar na mukha ni Gabriel. Sa likod


nito ay isang may edad na lalaking nakasuot ng puti at isang babaeng nakasuot din
ng puti.

"Gabriel! Tulungan mo ko! Bakit ako nakaganito?! Tanggalin mo to! Nasasaktan ako!"

Bumaling si Gabriel sa may edad na lalaki at sa babae.

"Anung ginawa niya sakanya?! Tanggalin niyo ang bagay na yan!" galit na utos nito.

Napatingin ang babae sa kasama nito na siya namang marahang tumango. Agad itong
lumapit sa akin at tinanggal ang puting long sleeve na nakasuot sa akin at nakatali
sa likod. Agad akong tumakbo kay Gabriel.

"Gabriel! Wala na si Jackie! Si Jinn! Hinahanap niya ako! Ako na ang isusunod niya!
Ako na!"

"Lumabas na muna kayo." utos nito sa dalawang kasama nito.

"Hindi po namin pwedeng basta iwanan ang pasyente." mariing sabi ng may edad na
lalaki kay Gabriel.

"Pasyente?! Hindi ako baliw! Ilabas mo ko dito Gabriel! Parang awa mo na!" umagos
ang luha ko sa aking magkabilang pisngi. Nagsasabi ako ng totoo. Hindi ako baliw.

Bahagya akong inilayo ni Gabriel sa dalawa niyang kasama. Mahigpit akong niyakap ni
Gabriel, halos maubos na ang mga luha ko sa pag-iyak.

"Makinig ka sakin, Keira. Sa ngayon, dito ka muna. Mas ligtas ka dito. Walang kahit
na sino ang pwedeng manakit sayo dito. Babalik ako pag maayos na ang lahat. Alam
kong hindi mo pa maiintindihan pero sasabihim ko din sayo ang lahat. Lagi mo lang
tatandaan na mahal na mahal kita. Simula pa noon. Kaya nangako ako sa sarili ko na
poprotektahan kita. Babalik ako Keira. Mahal kita. Mahal na mahal na mahal."
ANG HULING YUGTO

"Wala na si Jinn. Kahapon lamang ay natugis na siya at pinabalik na sa impyerno


kung saan siya nababagay."

Nanatili akong tahimik. Dapat ay maging masaya na ako dahil natapos na ang aking
misyon. At dahil dun ay magiging ganap na akong anghel. Magkakaroon na ng pakpak at
magsusuot na ng kulay puting damit. Matagal ko itong hinintay ngunit bakit hindi
ako masaya?

"Hindi ka ba natutuwa at tapos na ang misyon mo?"

"Hindi ko kayang iwanan si Keira nang mag-isa." malungkot kong tugon.

"Ganyan talaga sa una. Matagal kasi kayong nagkasama. Siya rin ang una mong alaga."

"Mahal ko siya."

"Hindi ko sinasabing masama ang magmahal. Ngunit eto ka na. Matagal ka nang
namaalam sa mundo ng mga tao."

"Ngunit-"

"Alam mo ang batas, Gabriel. Hindi ka na makababalik pa rito sa sandaling piliin


mong makasama ang babaeng iyon. Alam mo ang maaari niyang sapitin. Tandaan mo,
mawawala lahat ng alaala mo sa isip niya. Lahat-lahat."

Tumalikod na ako bago pa man bumagsak ang mga luhang kanina pa nagbabanta. Hindi ko
alam kung bakit parang hinihiwa ang dibdib ko. Magiging tao ako pero walang kahit
na anong maaalala si Keira tungkol sakin. Makakalimutan niya ako sakaling piliin ko
siya.

----------

Kinabukasan ay nagpasya akong dalawin si Keira kahit hindi pa man ako ganap na
nakakapagdesisyon. Inilabas ko siya at pinagpasyahang dalhin sa isa sa mga lugar na
dapat niyang malaman.
"G-Gabriel?" mahinang tanong nito.

"Uhm?"

"Ano nang nangyari kay Jinn? Nasaan na siya?"

Hinawakan ko ang isang kamay ni Keira nang makita ko ang pag-aalala sa mukha nito.

"Wala na siya. Maayos na ang lahat." tugon ko rito. Ngumiti ito. Umiwas ako ng
tingin. Nakaramdam ako ng hapdi sa aking dibdib.

"Pero bakit tayo nandito? Sino bang pupuntahan natin?"

Hindi ako kumibo. Hindi ko alam kung ito na nga ba ang tamang gawin pero gusto kong
malaman na niya ang lahat bago pa humantong sa puntong hindi ko na siya kaya pang
pakawalan. Hinawakan ko ang kamay niya at dinala siya sa lugar kung saan titigil na
ang lahat. Ang lahat-lahat.

"A-anung.. Bakit.. Bakit nakaukit ang pangalan mo sa.. Sa lapidang iyan, Gabriel?"
Bakas ang magkahalong pagkalito at takot sa mukha nito.

"Keira.." malungkot na tugon ko rito. Hinawakan ko ang magkabilang balikat nito.


"Isang taon na.. simula nang.. simula nang mawala ako sa mundo.. At noon nga'y
kasing-edad mo rin ako.. Isang taon matapos ang aking pagkamatay ay naatasan akong
maging bantay mo.. alagaan ka at protektahan sa anumang panganib.. Kapag nagawa ko
iyon ay magiging anghel na ako.."

Katahimikan. Matagal ding hindi kumibo si Keira. Waring nag-iisip.

"At nagawa mo.." bulong nito.

Napayuko ako. Hindi ko na kayang magtagal pa kasama niya. Ang sakit-sakit na.
Niyakap ko ito.

"Mahal na mahal kita. Mali mang sabihin. Mali mang gawin. Mali mang maramdaman.
Hindi ko mapigil kahit maling-mali." hagulgol ni Keira. Sa mga oras na kasama ko
siya, ngayon ko lang siya narinig na humagulgol ng ganun.

"Gabriel.. Wag mo kong iwan.. Mahal kita! Mahal kita, Gabriel! Buong buhay ko hindi
ako naging makasarili! Hindi ba pwedeng kahit ngayon lang, kahit sayo lang maging
makasarili naman ako?!! Gabriel..

Kumalas ako sa pagkakayakap sa kanya at saka hinawakan ang magkabilang balikat


niya.

"Siguro, sa tamang panahon, hindi na mali ang magmahal tayo. Siguro, sa susunod
wala nang hadlang para makasama kita. At siguro, sa susunod, lahat ng mali,
magiging tama."

Yumakap ito sa akin. Mahigpit. Humahagulgol. Keira.. Kung alam mo lang kung gaano
kita kamahal.

"Gabriel! Parang awa mo na! Wag mo naman akong ganituhin.. Gabriel hindi ko kaya..
Makinig ka naman!! Mahal kita! Mahal kita! Naririnig mo ba?!! HA!?

Huminga ako ng malalim. Tumingin ako sa itaas.

"Pasensya na po.. Pero mahal ko si Keira. At kahit ilang beses akong sumuway,
makasama lang siya, hindi ko pagsisisihan ang hindi pagkakaroon ng pakpak.."
Lumiwanag ang buong paligid. Nakakasilaw na liwanag. Ngunit sandali lamang.
Naramdaman kong kumalas si Keira mula sa pagkakayakap sakin. Hindi kaya, nawala na
ang ala-ala niya?

"Keira?"

Nakatitig lamang ito sa akin. Parang wala sa katinuan. Parang hindi ako nakikilala.
Matagal na katahimikan. Wala akong ibang magawa kung hindi ang umiyak sa harap
niya. Wala na siyang natatandaan. Hindi na niya ko kilala.

"Sabihin mo, mahal mo din ba ako, Gabriel?"


<PIXTEL_MMI_EBOOK_2005>4###########################################################
</PIXTEL_MMI_EBOOK_2005>

You might also like