You are on page 1of 2

Ma. Alyza Kae Galnayon.

04/05/24
Jared Elly Edan. 10-STE
Filipino - Pagsasalaysay

TAYA

Jared: Mataman kong pinag-isipan kung babangon ba ako mula sa pagkakahiga sa aking kama.
Kanina ko pa hawak ang isang lukot-lukot na papel. Inimbitahan ako sa palabas sa isang sirkus
malapit lang dito sa amin. Sikat ang sirkus na iyon dahil magagaling nga naman talaga ang mga
akrobat sa bawat palabas na kanilang ginagawa.

Napabuntong-hininga ako at daliang bumangon nang makita ko sa orasang nasa dingding, na


malapit nang mag-alas nuebe. Alas nuebe y media magsisimula ang palabas, maglalakad pa ako.

Maingay ang peryahan. Bibihira ang mga araw na nananahimik ang lugar na ito. Pati ang mga tao
mula sa karatig-bayan ay madalas pumupunta pa rito upang makapanood ng mga palabas at
maglibang.

Pinagmasdan ko ang mga tao, habang ako ay naglalakad patungo sa lugar kung saan ako
manonood. Masaya sila't nakangiti, bakas sa mga mukha nila ang tuwa. May mga pamilya, mga
magkakaibigan, at may mga magnobyo't nobya rin.

"Angge? Sigaw ng isang babae. Kilalang-kilala ko ang boses na iyon. Kumaway siya sa akin. Nginitian
ko siya at lakad-takbong tumungo sa pintong kinatatayuan niya.

Alyza: "Nay, naman. Angel kasi. Ang daming tao na nakarinig." Bungad kong sabi sa kanya.
Hinampas niya ko sa balikat at walang sabi-sabiy niyakap niya ako.

"Hoy. Maria. Anong oras na Malapit na tayong magsimula.” Napalingon kami sa nagsalita, naka suot
nang matingkad na kasuotan ang lalaking iyon. Kulay pula at itim ang damit niya. Parang iyong
kasuotan din nung bida sa pelikulang The Greatest Showman.

"Akala ko kasi hindi ka pupunta. Pumasok ka na rin. Sa harap ang puwesto ng upuan mo" Huling sabi
ng nanay bago kami naghiwalay. Tumungo ako kung nasaan ang madla. Maraming tao ang nag-uusap
habang hinihintay ang palabas. Makulay ang paligid. Malakas ang tugtog na maririnig sa loob ng
gusali.

Naipangako ng nanay na huling beses na niyang palabas ang gagawin niya ngayon. Napagsabihan ko
kasi siya noon na itigil na niya, kaya ko naman siyang suportahan dahil may trabaho na ako.

"Magandang gabi po sa ating lahat! Naway makapagbigay muli kami ng masayang ala-ala sa inyo
ngayon” bati ng lalaki na kumausap kay nanay kanina. Napuno ng tunog ng palakpakan at sigawan ng
mga tao ang lugar. Nagsimula na ang palabas. Minsan ay may napapasigaw sa mga manonood, dahil
nakakatakot ang mga aktong ginagawa ng mga tagapalabas.

Nariyang gumugulong sila at sumisirko. Nagbabalanse sila sa manipis na tali o kaya naman ay
naglalambitin. Bumilis ang tibok ng puso ko nang lumabas si nanay. Ngiting-ngiti siya. Tumayo siya sa
isang metal na sinusuportahan ng dalawang tali.
Jared: Hindi ko mapigilang kabahan dahil ilang beses na rin siyang nalagay sa panganib dahil sa
trabaho niya. Bata pa lamang siya ay kinuha na siya rito. Iniwan siya ng nanay niyang mag isa.
Naging lagalag at kalaunan ay napadpad sa lugar na ito.

"Siguro ngay hindi ko pa talaga oras at hindi ako namamatay-matay sa daming beses ko nang
nagkamali sa mga akto ko noon." Naaalala kong sabi niya. Habang pinapanood ko siya'y humihigpit
ang hawak ko sa upuan. Ito ang dahilan kung bakit ayaw na ayaw kong pinapanood siya. Ngunit
bakas ang tuwa sa mukha't mga mata niya, salungat sa kabang nararamdaman ko.

"Ito lang naman ang alam kong gawin anak, ni hindi nga ako nakapagtapos ng pag-aaral. Hindi ko
naman kasi kailangan ng talino sa paglalambitin diyan. Diskarte lang at bilib sa sarili." Naalala kong
muling sambit niya noong nilalagyan ko ng benda ang napilay niyang paa.

Alyza: Natapos si nanay nang walang masamang nangyari. "Huli na 'to Bulong ko. Hindi na ako
kakabahan pa.” Hindi na mauulit ang nangyari kay tatay. Hindi na ako kakabahan na maaaring
mawawala rin ang nanay sa lugar kung saan nawala ang tatay.

"Mauna ka na sa pag-uwi anak. Mag aayos pa kami rito." Sabi niya nang matapos ang palabas.
Tumango ako't umuwi na. Mukhang nagkakatuwaan din sila dahil tagumpay ang kanilang palabas.
Marami pang kalat kaya maaaring matagalan sila sa paglilinis.

Naalimpungatan ako nang marinig ang sigaw ng kapitbahay. "Angge! Si Maria.” Sigaw niyang may
kasamang malalakas na katok sa pinto.

Habang pinapaliwanag niya ang nangyari ay unti-unting humihina sa pandinig ko ang mga salitang
nanggagaling sa bibig niya. Hindi na niya naituloy ang sasabihin nang iwan ko siyat tumakbo papunta
sa peryahan.

Ako ata talaga ang pinaglalaruan ng mundo. Hindi naman ako tumaya, para manalo pa. Kuntento ako
sa kung anong mayroon ako. Hindi ako pumusta ngunit bakit naubusan ako?

Bakit hindi ko napansing sinabi niyang huling palabas na niya iyon?

Bakit hindi ko naintindihan ang higpit ng huling yakap niyang iyon?

Bakit sinisisi niya pa rin ang sarili niya sa pagkamatay ng tatay?

Hindi naman siya ang bumaril sa tatay habang nakaupot nakangiting nanonood sa palabas ng nanay
ng gabing iyon?

Bakit siya nakasabit doon?

Bakit sa leeg at hindi sa kamay niya nakasabit ang taling iyon?

Bakit ako naghahabol ng hininga gayong hindi naman ako ang taya?

You might also like