You are on page 1of 1

Bagong Kurikulum: Direksiyon nga ba sa mas MATATAG na Edukasyon?

Pinoy Pride ---- tiyak na nakikita at naririnig natin ito araw-araw. Kapag may nananalong Pilipinong
atleta, Pilipinong nakilala sa kanyang kabayanihan, o kapag ang ating bansa ay nababanggit sa
internasyonal na midya, nararamdaman natin ang tinatawag na ‘Pinoy Pride’. Sa larangan ng musika,
isports, sining, at iba pa tayo lubos na nakikilala dahil sa pinapakita nating angking talento at inuuwing
mga karangalan. Pati din sa larangan ng edukasyon, tayo ay kilala. Sa katunayan ‘lowest IQ’ ang
bansag sa ating mga Pilipinong estudyante. Sa resultang inihain ng Programme for International
Student Assessment 2018, pumangalawa ang Pilipinas sa pinakamababa ang marka sa matematika at
agham at nasa huli naman sa reading comprehension at pagbasa. At sa nakaraang PISA assessment
noong 2022, ang Pilipinas ay muli na namang napabilang sa may pinakamababang resulta sa pagbasa,
matematika, at agham sa mga 15-taong-gulang na mag-aaral. Ang ating bansa ay nasa ika-77 puwesto
sa 81 na bansang nakilahok. Ipinapakita ng mga datos na ito na walang nabago sa sistema ng
edukasyon sa ating bansa; hanggang ngayon, kulelat padin tayo sa larangan ng edukasyon.

Dahil dito, inihain ang K-10 “MATATAG” Kurikulum, na nangangahulugang, ”Makabagong kurikulum
na napapanahon”; “Talino na mula sa isip at puso”; "Tapang na humarap sa ano man ang hamon sa
buhay”; at “Galing ng Pilipino, nangingibabaw sa mundo”, upang matugunan ang nangungulelat na
sistema ng eduaksyon sa ating bansa. Ngunit, ito na nga ba ang nararapat na hakbangin tungo sa
kalidad na edukasyon? O isa na naman itong palusot para sa pangarap ng mga nasa pwesto na mas
‘malaking pondo’?

Ang pangunahing layunin ng Matatag Curriculum’ ay paluwagin ang kasalukuyang siksik na sistema ng
edukasyon. Humigit-kumulang 70 porsyento ng kasalukuyang kurikulum ang puputulin. Babawasan
mula pito hanggang lima ang mga paksa at sesentro ang mga ito sa Language, Reading and
Literacy, Matematika, Makabansa, at Good Manners and Right Conduct (GMRC).

Naniniwala akong ang implementasyon ng Matatag Curriculum ay isang hakbang sa mas kalidad na
edukasyon dahil tinatalakay at rineresolba nito ang mga pangunahing problema na naranasan sa
sektor ng Edukasyon sa mga nagdaang taon. Una na diyan ang pagde-decongest sa mga aralin para
mas matutukan ang ‘foundational skills’ ng mga kabataan.May mga aralin kasi sa dating kurikulum na
hindi naman talaga kailangang aralin ng mga estaduyante sa mga mabababang baitang kaya
nakokompromiso ang mga pangunahing kakayahan na dapat nilang mapag-aralan gaya na lamang ng
pagbabasa at paglutas ng simpleng problema sa matematika. Pangalawa ay ang pagpaprioridad sa
kapakanan ng mga estudyante, sa pamamagitan ng isasagawang mga feeding programs at
pagpopokus sa pagtigil ng karahasan sa mga paaralan, at pagbibigay ng psychological support. May
mga estudyante kasing lumiliban sa klase dahil sa takot sa mga bully, yung iba nama’y pumapasok
naman ngunit hindi makapokus dahil sa kumakalam na sikmura, at yung mga iba’y may mabigat na
pinagdadaanan sa kanilang mentalidad na kalusugan.
Pangatlo, ay ang pagpapatayo ng mga paaralan, pagbibigay ng internet connection sa mga
pampublikong paaralan, at pagbibigay ng mga ‘e-learnig packages’ o mga teknolohiya para mapabuti
ang pag-aaral ng mga estuyante at pagtuturo ng mga guro. Pang-lima ay ang pagsasagawa ng training
sa mga guro para mas mapabuti ang kalidad ng pagtuturo nila, at pagpopokus sa ‘teacher’s welfare’ sa
pamamagitan ng pagbibigay ng ‘Personal Accident Insurance’, PhilHealth consulta package, at iba pa.

Napakaganda hindi ba? Kung maisasagawa lang lahat ng mga ito, tiyak mapapaganda talaga ang
kalidad ng edukasyon sa ating bansa. Ngunit sa ngayon, ang mga ito’y pangako lang. At nasanay
naman na tayong mga Pilipino na makarinig ng mga pangakong lagi nalang napapako. Kaya’t kung
hindi maipapatupad ang mga ito sayang naman ang ‘padagdag budget’ ng DepEd na ngayong taon ay
pumalo na sa P924.7 billion, tumaas ng 5.37 percent mula sa P710.6 bilyon noong nakaraang taon.

Kaya’t sa bagong curriculum na ito, sana hindi lang ‘dagdag budget’ ang bago, at sana maging
‘transparent’ and DepEd sa publiko sa kung saan nila inilalaan ang mga pondo.
Sa laki naman ng budget ng DepEd, na sa katunayan ang may pinakamalaking hati sa pambansang
budget, ay inaasahang magamit ito pagpapatupad ng kanilang mga pangako, para sa huli’y ang mga
guro at estudyante ang mabiyayan nito at hindi lang ang bulsa ng mga nasa pwesto.

You might also like