You are on page 1of 1

Mga Guhit sa ating mga Ala-ala

“Legends never die” ika nga nila. Ngunit, kamakilan lamang, tila kabaliktaran ang naramdaman ng
buong manga community. Poot at pagdadalamhati ang nagibabaw sa kanila sa pagkawala ng
itinuturing nilang “legend” na si Akira Toriyama.

Si Akira Toriyama ay isang kilalang Japanese manga artist na pumanaw nito lang Marso 1, 2024 sa
edad na 68 dahil sa Acute Hematoma.

Una natin siyang nakilala sa katauhan ng kanyang obra maestrang si Son Goku, isang piksyonal na
karakter sa kanyang manga komiks na “Dragon Ball”. Ang batang bayaning ito ay hindi lang ang
nagligtas sa kanyang piksiyonal na mundo, siya rin ang naging kasakasama natin sa paglaban sa pagod
at pagkabagot na ating naramdaman.

Mula pagkabata, ito na ang lagi nating inaabangan sa mga telebisyon kaya’t malaki ang papel na
ginampanan nito sa ating buhay. Dito tayo unang namulat, natuto, at nakaramdam ng iba’t-ibang
emosyon. Hindi lang ito simpleng kuwento ng pakikipaglaban o pakikipagsapalaran, ipinakita din nito
ang malalim na mga aral na may kaugnayan sa pagkakaibigan, pamilya, at kabutihang-loob.

Nalimutan man natin ang buong kwento ng kabayanihan ni Son Goku , ang mga masasayang alaala
naman na iniukit ng kanyang kwento sa ating mga puso’t isipan ay kailanma’y hindi mawawala.

Ayon nga sa isa niyang tagahanga, “Toriyama-Sensei had greatly chnaged the trajectory of my life
even more than my relatives had. I’m not one who get emotional over celebrity deaths, but I openly
wept for this one.”

Isa lang siya sa mga milyon milyong taong nakaramdam ng poot sa pagkamatay ng isang ‘alamat sa
pagsusulat at pagguhit’.

Sa kanyang pagkawala, napatunayang muli ang katagang ‘legends never die’. Nawala aman siya sa
ating mundo, an kanyang mga gawa at pamana naman ay nanatili sa bawat sulok ng ating puso at
isipan. Ang kanyang mga tagumpay at obra maestra ang patuloy na bumubuhay sa atin at magbibigay
pa ng inspirasyon hanggang susunod na henerasyon.

You might also like