You are on page 1of 1

“TAYA”

Ang maikling pelikulang pinamagatang “TAYA” ay sumisimbolo at nagpapaalala sa aking pagkabata


noon. Karamihan sa mga larong tradisyonal na ipinakita sa pelikulang ito ay aking naranasan halos
araw araw kasama ang aking mga kalaro noon. Ipinakita din ni Adi Bontuyan sa kanyang pelikula
ang ibat ibang bagay na naguugnay sa katotohanan at realidad ng buhay. Ito ay sa pamamagitan
ng mga simbolo at representasyon na nagbibigay buhay at interest sa pelikula. Ang mga
representasyong ito ay iniugnay nya sa mga tradisyonal na laro ng isang batang Pilipino.

Maraming mga larong ipinakita sa pelikula at isang bagay ang sigurado na ang bawat laro ay
perpektong kaugnay sa realidad ng buhay. Ito ay mahahalintulad sa larong “LANGIT-LUPA”, pag
ikaw ay nasa lupa talo ka ito ay sumisimbolo sa mga taong mahihirap na walang legal na karapatan
at hindi gaano nadidinig ang mga boses. Ang langit naman ang sumisimbolo sa mga taong nasa
taas na may kontrol at lehitimong karapatan sa mga nasasakop at pag-aari. Ipinakita sa atin ng
pelikulang ito na ang larong nilalaro natin sa ating buhay ay tungkol sa buhay at kamatayan. Na
ang bawat kilos na gagawin natin ay tiyak na makakaapekto sa ating kinabukasan bilang
indibidwal. Masasabing ang mga larong naipakita sa pelikula ay larong pambata lamang ngunit
hindi natin napapansin na simula bata palang pala tayo unti-unti na tayong minumulat sa realidad
ng buhay na kadikit ng mga larong ito. . Ang mga larong ito ay mahirap na ipanalo sa totoong
buhay

You might also like