You are on page 1of 8

KAHIRAPAN: DISIPLINA NGA BA ANG SOLUSYON?

Ang kahirapan ay isa sa mga mabigat na problema ng bansa. Madalas nating


sisihinang mga namumuno ng bansa sa mali nilang pamamalakad. Pero sila ng aba ang may
kasalanan o tayong mga mamayan na tamad? Sabi nga nila ang “Katamaran ay katumbas ng
kahirapan,” tama sila pero tama rin naman na nasa gobyerno ang pagkakamali.
Ang rason kung bakit patuloy parin ang kahirapan sa ating bansa ay ang kakulangan
ng pagtutulungan, digmaan, pagmamalabis, krisis, maling pagtrato sa mga mahihirap,
korapsyon at kakulangan ng disiplina ang mga tao.
Kung patuloy na paiiralin ang ganitong mga pag-uugali ay hindi uunlad ang ating
bansa. Walang mangyayari, walang makakamit na progreso upang umunlad ang ating
bansa. Ngunit ang solusyon lamang sa kahirapan na dinadanas ng ating bansa ay ang
pagkakaroon ng disiplina ang mga mamayan ng ating bansa.
Ang mahirap lamang ay may mga taong walang bokabularyo sa salitang disiplina.
Displina lamang ang kailangan upang magkaroon ng pagbabago ang ating bansa. Hindi lang
dapat isang tao ang gumalaw, dapat lahat tayo ay gumalaw upang magkaroon ng
pagbabago.
Disiplina nga ang kailangan. Ngunit lahat ba ay may disiplina, dahil lahat ng mga
masasamang nangyayari sa buhay ay sa gobyerno nila isinisisi. Hindi sila nakapag-aral,
walng trabaho, walang makain nasa gobyerno nila isinisisi o di kaya’y sasabihin nilang ang
gobyerno ang may kasalan sa kahirapan nilang dinadanas. Nakakapagtaka tuloy kung bakit
may mga taong nagmula sa kahirapan subalit sa kanilang pagsisikap ay nakaahon din sila
sa kahirapan.
Kapag may disiplina ang bawat mamamayan ay may magandang kaugalian at
sumusunod. Hindi gagawa ng mali. Hindi rin aasa sa bigay ng gobyerno at hindi sinisisi ang
gobyerno. Pero ang tanong, paano matutuhan ng mga taong walang disiplina na magkaroon
ng disiplina?
Kumilos na tayo hanggat may oras pa. Masusolusyan pa natin ang kahirapan basta
tayo ay ay nagtutulungan upang ang kahirapan sa ating bansa ay mabawasan.
I. Pamagat
Hello, Love, Goodbye
II. Mga Tauhan
 Kathryn Bernardo bilang Joy Marie Fabregas
 Alden Richards bilang Ethan Del Rosario
 Jameson Blake bilang Edward Del Rosario
 Kakai Bautista bilang Sally Daraga
 Lito Pimentel bilang Mario Del Rosario
 Joross Gamboa bilang Jhim
 Maymay Entrata bilang Mary Dale Fabregas
 Lovely Abella bilang Gina Marikit
 William Lorenzo bilangCelso Fabregas
 Anthony Jennings bilang Eric Del Rosario
 Wilbert Ross bilang Joey Fabregas
 Aliyah Billote bilang Liezel Fabregas
 Angela Poliquit bilang Annie
 Jon Go bilang Wayne
 Poon Po Lun Lilac bilang Lin (Annie's mother)

III. Buod ng Pelikula


Ang istorya ay umiikot sa isang OFW na namamasukan bilang isang domestic helper
sa Hong Kong na nagngangalang si Joy Fabregas na ginagampanan ni Kathryn Bernardo. Sa
kanyang pagdating sa Hong Kong, nabanggit niya na pansamantala ang kanyang pananatili
sa Hong Kong sapagkat si Joy ay mayroon lamang dalawang taon na kontrata upang
makapagtrabaho sa nabanggit na bansa. Karagdagan pa rito, siya ay pasimpleng kumukuha
pa ng ibang trabaho na mahigpit na ipinagbabawal sa Hong Kong kaya kapag may mga
rumorondang pulis na nagsasagawa ng inspeksyon sa mga trabahador, siya ay hindi
nagdadalawang isip na tumakbo paalis.
Sa bawat araw na lumilipas ukol sa kanyang pananatili sa Hong Kong, ganoon din
ang bilang ng araw na kanyang pakikipagsapalaran sa hamon ng buhay. At sa bawat
solusyon na patuloy niyang hinahanap sa kanyang mga problema, dito papasok ang
pagkrus ng landas ni Ethan, isang lalaki na namamasukan bilang isang barista. Sa
pagpatuloy ng istorya, ganoon din ang pagpatuloy ng pagkilala nila sa bawat isa na nauwi
sa unti-unting paglalim ng kanilang pagtingin at damdamin. Sa kabila ng matatamis na
pangyayari, humantong ito sa pangyayari na kailangan nilang maghiwalay hindi dahil sa ito
ay kanilang gusto sapagkat ito ay kanilang kailangan na gawin upang maisaayos ang
desisyon na dapat nilang pinili upang maisakatuparan ang mga ninanais nilang tahakin na
landas na dapat sana ay kanila ng nakamtan.
IV. Banghay ng mga Pangyayari
a. Tagpuan
Ang tagpuan ay naganap sa Hong Kong. Ito ay epektib na naipakita dahil may
mga senaryong inilahad sa pelikula na nagsasabing sa Hong Kong ito ginanap kagaya
ng pagpapakita ng mga lugar na matatagpuan lamang sa Hong Kong, pagkain,
paninda, lenggwaheng ginagamit, at mga taong naninirahan sa nabanggit na lugar.
b. Protagonista
Kathryn Bernardo bilang Joy Marie Fabregas
c. Antagonista

d. Suliranin
Ang naging suliranin sa pelikulang ito ay ang pagiging domestic helper,
waitress, tinder, atbp. ni Joy bilang illegal alien o TNT sa Hongkong.
e. Mga kaugnay na pangyayari o mga pagsubok sa paglutas suliranin
May isang eksena na kung saan napatakbo si Joy sa gitna ng kanyang
pagwewaitress at tinugis siya ng mga pulis ng Hongkong kung saan aksidente siyang
natulungan ni Ethan na kunyari ay maghahalikan sila para hindi mapansin ng mga
pulis.
f. Mga Ibinunga
Ang ibinunga nito ay pinanindigan nila na sila ay may relasyon upang hindi
na tugisin ng mga pulis sa Hongkong si Joy at unti – unti na silang nahuhulog ang
kanilang loob sa isa’t – isa.
V. Paksa o Tema
Base sa aking pagkakaintindi, ang paksa ng pelikula ay naaangkop sa hirap ng buhay
ng isang OFW na nangibang bansa upang magtrabaho para sa kinabukasan ng kanilang mga
mahal sa buhay o sa kanilang pamilya. Ito ay naaangkop sa kasalukuyang panahon natin at
isa ako sa mga nakakaranas ng ganitong sitwasyon sapagkat ang aking tatay ay isang OFW
sa Singapore.
VI. Mga Aspektong Teknikal
a. Sinematograpiya
Ang Hello, Love, Goodbye ay isang 2019 Philippine romantic drama film sa
direksyon ni Cathy Garcia – Molina na ginawa ng Star Cinema. Ang pelikula ay
sumusunod kay Joy Fabregas (Kathryn Bernardo), isang nagpupumilit na
manggagawang pinoy sa ibang bansa, at si Ethan Del Rosario (Alden Richards), isang
bartender, habang tinatangka nilang pagsamahin ang kanilang mga personal na
karera at pagmamahal sa bawat isa sa Hong Kong. Inilabas noong Hulyo 31, 2019 sa
Pilipinas, ang pelikula at ito ang pinakamataas na pelikulang Pilipino.
Naipapakita ng pelikula ang pinagdadaanan ng mga OFW ngayon. Ang mga
disenyo ay simple lamang at akmang-akma sa nais ipahiwatig ng pelikula.
Mapapansin din na nag kamerang ginamit ay may magandang kalidad at pinagalaw
ng maayos simula sa umpisa hanggang sa magwakas at mas nabigyang – diin ang
mga pangyayari, damdamin at tagpo sa pelikula. Ang kamera ay ipinosisyon sa iba’t
– ibang anggulo at layo. Malimit na ginagamit ang pagpopokus sa mukha ng bawat
tauhan sa tuwing mayroong matinding mga linyang binibitawan. Sa pamamagitan
nito mas naipapakita ang emosyon namayani sa mga tauhan sa pelikula.
b. Musika
Ang musika at tunog ay naging malaking tulong sa pelikulang ito dahil sa
pamamagitan nito ay napalitaw ang kahulugan ng storya at napatingkad ang
damdamin ng bawat eksena na tunay na napapadama ng tunay na damdamin na
naipapakita ng pelikula.
Ang mga kantang ginamit sa pelikula ay akmang – akma sa pelikula. Dahil ang
mensahe ng mga kantang ginamit . Dahil ang pagdaragdag ng mga musika at tunog
ay mas naantig ang damdamin ng mga manonood at mas Nakita nila ang bawat
emosyong pinapakita ng mga tauhan na nangyayari sa totoong buhay.
c. Visual Effects
Naipamalas sa pelikula ang natural na daloy ng pangyayari sa mga
nasaksihang eksena, mapapansin na mahusay at maayos ang pagkaka – edit dahil
hindi halata ang pagputol ng mga bahagi muli sa umpisa hanggang sa katapusan ng
pelikula. Dahil dito mas nabigyang – daan ang tunay na nilalaman nito . Ang
paggamit ng visual effects sa pelikula ay nakakatulong upang matuklasan ang paksa,
banghay at iba pang kaangkop nito. At mas madaling maunawaan ng mga manonood
ang takbo ng storya at mas gumanda ang laman ng pelikula.
VII. Kabuuang Mensahe ng Pelikula
Ang kabuuang mensahe na nais iparating ng pelikulang Hello, Love, Goodbye ay nais
nilang magsalita para sa mga OFW sa paglalahad ng mga di-kanais-nais na bunga ng
paglayo sa pamilya para kumita nang malaki sa ibang bansa: mga nawawasak na pamilya at
gumuguhong pangarap, ang pagbabago ng pananaw ng mga kabataan tungkol sa kanilang
pinapahalagahan sa buhay, ang nasusugatang paggalang sa sarili gawa ng mapang-aping
ugali ng mga amo, atbp.

Talumpati
Mga Kabataan Noon at Ngayon
Maliit lamang ang pagkakaiba ng mga kabataan noon at ngayon, mula sa kilos, gawi, ugali,
damdamin at iba pang mga bagay-bagay. Sabi ng mga matatanda na mas higit pang
magalang, masunurin at mabait di-tulad ng mga kabataan ngayon. Lubhang isinasapuso
nila ang kanilang ginagawa. Sa kabilang dako ang mga kabataan ngayon ay mas naging mas
masinop pagdating sa pananamit at lubhang mapagwalang-bahala ng saloobin. Ika nga ang
mga kabataan noon ay hubog sa pag-aaral kababaang loob at asal na ipinagmamalaki ng
lahat.
Ang mga kabataan noon ay lubos na magkaiba sa mga kabataan bgayon. Dahil ang mga
kabataan noon ay mapagkumbaba at magalang. Masunurin rin sa mga magulang. Pagdating
sa pananamit ay lubos na magkaiba ang kabataan noon at ngayon.
Magkaiba sa mga kabataan noon, ang mga kabataan ngayon. Dahil ang mga kabataan
ngayon ay namulat sa makabagong panahon kaya mas higit ang kanilang kaalaman at mas
higit silang maunlad sa pangangatwiran kung saan napagkakamalang walang galang sa
kapwa minsan. Mas nahuhumaling din sila sa mga gadgets tulad ng cellphone, computer at
iba pa. At mahilig din sila sa mga maraming uri ng paglilibang. Napakataas ng kanilang
mithiin. Iba rin ang kanilang paraan pagdating sa pananamit. Ngunit marami ring mabait at
masipag katulad ng mga kabataan noon.
Sabi nga ni Rizal, “Ang kabataan ang pag-asa ng bayan.” At ang kabataan noon at ngayon ay
ang pag-asa ng bayan. Kapwa sila makabayan, mapagmahal at matulungin sa kapwa may
mithiin sa buhay. Ang pagkakaiba nga lang ay ang lakad ng panahon. Hindi bat meron
tayong tinatawag na mga sangguninang kabataan na siyang ating pinipili. Sila nag saksi sa
ating pinakamahusay na kabataan noon at ngayon.
Bilang isang kabataan ay masasabi ko na iba ang kabataan noon at ngayon. Hindi
maipagkakaila na ang kabataan ngayon ay sumasagot at sumusuway sa magulang. Bilang
isang kabataan sa panahon ngayon ay maikukumpara ko ang pagbabago ng kabataan
ngayon sa kabataan noon.
Sintesis
Online Games
Isa ang mga Pilipino sa mahilig tumangkilik ng mga online games at karamihan sa mga
tumatangkilik nito ay ang mga kabataan. Ang online games ay ang larong naimbento upang
makapaghatid ng kasiyahan at nagsisilbinglibangan para sa ibang kabataan. Karaniwang
makikita ito sa iba’t – ibang uri ng gadyet tulad ng smartphone, kompyuter at iba pa. Ngunit
sa sobrang pagkakahumaling sa mga ito ay nagdudulot ito ng masamang epekto tulad ng
maaaring maapektuhan ang kalusugan, pag-aaral at pag-uugali.
Ayon sa isang pananaliksik, ang adiksyon ang dahilan kung bakit hindi napipigilan o
napahihinto ang taong naglalaro nito. Ngunit ginagamit ng mga kabataan ang paglalaro ng
online games kung sila ay nababagot sa kanilang mga ginagawa. Kaya naman ang paglalaro
ng online games ang kanilang pinagkakaabalahan.
Ang mga halimbawa ng nauuso o tinatangkilik na online games ay ang Mobile Legends,
PUBG, Call of Duty o DOTA. Ang mobile legends ay isang mobile multiplayer online battle.
Kung saan mayroong dalawang koponan na may tig-limang manlalaro. Ngunit kung minsan
ang mobile legends ay hindi isang simpleng multiplayer game, dahil karamihan ay
ginagawa na nilang tournament ito. Di kaya’y ang iba ay nalilipasan ng gutom at natutulog
makapaglaro lamang nito.
Ayon kay Dr. Jose George na isang psychiatrist na ang paglalaro ng magdamagan o
pagbabad sa paglalaro ng online games ay maituturing na adiksyon hindi tulad sa ibang
ordinaryong laro o mga larong klaye ay may matutunan at magiging malusog ang
pangangatawan dahil ang katawan ay sumasabak sa isang recreational activity. Mas
maraming magandang epekto ang paglalaro sa labas kaysa sa mga makabagong
teknolohiya.
Bionote
RAMONA GRACE SIMERA. Ipinanganak sa bayan ng Ibajay, Aklan noong ika-labingdalawa
ng Oktubre taong 2002. Siya ay nag-aaral ng kanyang Primarya sa Naisud Central School at
doon nagtapos. Siya ay nagtapos ng kanyang sekondarya bilang junior high sa Melchor
Memorial School Inc. at siya ay kasalukuyang nag-aaral sa Melchor Memorial School Inc.
bilang isang senior high school student.
Mahilig din siyang makilahok sa mga patimpalak sa kanilang paaralan noong nasa junior
high pa siya at miyembro siya ng band majorette ng kanilang paaralan. Nang nag senior
high school siya ay pinagpatuloy niya parin ang pagsali sa mga patimpalak. Habang siya ay
nag-aaral ay nahilig din siyang mag calligraphy at magpinta na kung saan ito ay kaniyang
naging libangan.
Pictorial Essay
Kulay ng Buhay
Ang buhay ay parang mga markers. Minsan makulay minsan walang kulay. Matinding
pagsubok ang kailangang harapin kailangang bigyan ng solusyon upang makapagpatuloy sa
kulay ng buhay. Katulad ng mga makukulay na markers, na ginagamit sa pagkulay ng mga
iginuguhit ganun din ay kinukulayan ang ating buhay.
Sa kabila ng maraming problema, panatilihin mong maging masaya at iwasang maging
malungkot. Hindi solusyon ang pagiging malungkot sa matitinding kinakaharap bagkus
ngitian mo lamang ang mga ito dahil ipinapahiwatig nitong kaya mo iyon. Laging tandaan
na may iba pang may mas matinding kinakaharap, hindi ka nag-iisa.
Dahil sa maliit na bagay o tulong tulad ng makukulay na marker ay magagawa mong
maging makulay ang buhay ng isang tao. Basta’t hihingi ka lang ng tulong sa Diyos at
gagawa ka ng aksyon. Magiging masaya na ang lahat at masarap sa pakiramdam.

You might also like