You are on page 1of 2

CARATIHAN, Zayra Jane C.

BSEDEN 2-1

BALANGKAS SA PAGSUSURI NG ISANG PELIKULA

I. A. Pamagat: Anak
B. May Akda: Rory B. Quintos
C. Genre: Pelikulang Panlipunan/Makabayan/ Melodrama
Ito ay isang uri ng pelikulang Panlipunan sapagkat binubuo ito ng magkakaibang eksena
na pinagsama-sama para mabuo ang isang istorya. Ipinakita rin sa pelikulang ito ang mga kwento
ng isang OFW na nawalay ng ilang taon sa kanyang mga anak. Ipinakita rin kung paano
naaapektuhan ang mga anak na iniiwan ng kanilang mga magulang upang magtrabaho sa ibang
bansa.

II. Buod:
Ito ay tungkol sa isang ina na nagtatrabaho sa Hong Kong bilang domestic helper.
Ginawa niya ito upang makapagpadala ng pera sa mga anak niya upang matustusan ang kanilang
pangangailangan. Ang Anak ay isang pelikula noong 2000 na handog ng Star Cinema para sa
mga OFW (Overseas Filipino Workers) sa iba't ibang dako ng mundo. Sa natatanging pelikula na
ito na sumikat sa takilya at kumita ng mahigit 160 milyon piso ay pinagbibidahan nina Vilma
Santos at Claudine Baretto. Noong 2000, ang pelikulang ito ang pinakatanyag na pelikula sa
kasaysayan ng pelikula sa industriyang Pilipino dahil sa laki ng binatak nito sa takilya. Ito ay
tungkol sa isang ina na nagtatrabaho sa Hong Kong bilang domestic helper. Ginawa niya ito
upang makapagpadala ng pera sa mga anak niya upang matustusan ang kanilang
pangangailangan.

III. Paksa: Ang tema ng pelikula ay tungkol sa isang Ina na nakipagsapalaran sa bansang
Hongkong upang matustusan ang mga pangangailangan ng kanyang mga anak at umasang
magbago at guminhawa ang kanilang buhay. Naglalayon ito na ipabatid na hindi madali ang
kanilang nagiging buhay sa ibang bansa at hindi sila umaalis uang takasan ang kanilang mga
responsabilidad at obligasyon. Ipinahahatid lamang nito na handang gawin ng isang ina ang
lahat para sa kanyang mga anak kahit pa masakit ito sa kanyang kalooban

IV. Bisang Pampanitikan


A. Bisa sa Isip
Dahil sa pelikulang ito ay napagtanto ko na iba't iba talaga ang uri ng anak dahil kahit na
ang magulang ay napakabuti at mapagmahal ay nagiging pariwara pa rin sila.
B. Bisa sa Damdamin
Naiyak ako dahil sa mga problemang hinarap ng OFW na ina at naiinis naman ako dahil
sa tigas ng puso ng kanyang anak. Malalim ang istorya sapagkat hindi ito pangkaraniwan lamang
na may mag-aaway at magbabati. Ipinapakita ng kwento ang detalyado at eksaktong mga
pangyayari kung bakit nagkaganoon ang kanilang pamilya. Hindi paligoy-ligoy ang istorya
sapagkat fokus nito ang mga pangyayari kung bakit kinamumuhian siya ng kanyang anak na si
Carla.

C. Bisa sa Kaasalan
Ang pangunahing tauhan na ginampanan ni Vilma Santos ay nagpapakita ng katapangan
sa pagharap niya sa suliranin- ang paglayo ng loob ng kanyang anak sa kanya. Hindi niya
tinakbuhan bagkus ay hinarap niya ito ng buong lakas.

D. Bisa sa Panlipunan
Maganda ang pelikula dahil maraming magagandang asal ang makukuha mula sa
pelikula. Base sa aking reaksyon sa pinanood na palabas, ang puso ko ay naantig at naging
emosyonal sa mga piling pagkakataon. Ang bawat pangyayari ay kaabang-abang sapagkat ang
pelikula ay kakaiba sa paraan ng pagkakalahad ng kwento bagama't ang kabuuang kwento ay
pangkaraniwan, hindi mo masasabi kung ano ang susunod na mangyayari.

V. Mensahe
Dapat nating pasalamatan ang ating mga magulang. Kahit minsan hindi natin sila
maintindihan, hindi tayo sang-ayon sa kanilang mga desisyon para sa atin, dapat nating tandaan
na lahat ng kanilang mga ginagawa, mga sakripisyo at paghihirap ay para rin sa ating kapakanan.
Walang magulang ang gustong mapariwara ang kanilang mga anak. Lagi nilang nanaiisin na
mapabuti ang kanilang anak.

VI. Pananalig Pampanitikan/Teorya:


● Realismo - ang mga ipinakitang pangyayari sa pelikula ay posible o karaniwan na
talagang nangyayari sa ating lipunan.
● Romantisismo - dahil ipinakita sa pelikula ang pagmamahal ng isang ina sa kanyang mga
anak at tinanggap niya ito ano mang pagkakamali sa buhay.
● Feminismo - dahil nakatuon ang istorya ng pelikula sa karakter ni Josie at bilang isang
ina ginawa niya ang lahat para sa ikabubuti ng kanyang mga anak at bilang asawa siya
ang nagtataguyod para may masuporta sa pamilya.

You might also like