You are on page 1of 4

I.

KUWENTO O BANGHAY (STORY OR PLOT)


Si Dr. Vivian Rabaya (Vilma Santos), isang tanyag at matagumpay na CEO ng real estate
development company, ang Optima Land. Kilala siya bilang istrikta at walang lugar para
sa katangahan. Bagamat siya ay nasa tuktok ng kaniyang karera, siya ay bigo sa pagiging
isang ina at sa kaniyang buhay pamilya. Siya ay nahiwalay sa kaniyang nag-iisang anak na
si Albert R. Mitra (Xian Lim) at hiwalay sa kaniyang asawa na hindi na siya maabot sa
pagbuo niya ng kaniyang business empire.

Nang malaman ni Vivian na may cancer siya sa bone marrow at mayroon na lamang siyang
dalawampu’t siyam na buwan para mabuhay, kinuha niya si Jaica para maging full-time
nurse niya. Si Jaica (Angel Locsin) ay isang panganay na anak na talaga namang masipag
para matustusan ang pangangailangan ng kaniyang pamilya. Dahil sa kasipagan at galing,
siya ay kinilala bilang isa sa mga pinakamagaling na nurse sa kanilang hospital. At doon
magsisimula ang gampanin ng kanilang karakter sa buhay ng isa’t isa.

II. KARAKTER (BIDA O KONTRABIDA)


Si Ms. Vilma Santos na gumanap bilang si Viviam Rabaya ay wala pa ring kakupas-kupas
pagdating sa pag-arte. Masasabi ko na napakahusay ng kaniyang pagganap sa kaniyang
karakter lalo na at nagawa niyang pagsabayin ang dalawang katangian ni Vivian—isang
terror businesswoman at isang mapagmahal na ina na nananabik sa kapatawaran ng
kaniyang anak. Dahil sa role ay muling naipakita niya ang kanyang versatility bilang
artista, at ang puso at dedikasyon na ipinapalabas niya sa bawat eksena ay walang hirap na
lumalampas sa mga manonood.

Nabigyan din ng katarungan ni Angel Locsin ang kaniyang role bilang si Jaica Domingo.
Walang duda na pinamalas niya ang kaniyang pagiging flexible bilang isang artista. Sa
tingin ko ay bagay sakaniya ang karakter ni Jaica Domingo dahil sa totoong buhay ay isa
rin siyang matulungin na tao.

Ang panghuli naman, ang role ni Xian Lim bilang si Albert R. Mitra. Nasanay ako na
makita si Xian Lim sa mga genre na romantic comedy kaya akala ko hindi niya
magagampanan ng maayos ‘yung mga mabibigat na drama pero nagkamali ako nung
napanood ko na kung paano niya ginampanan ang role niya. Masasabi ko na mahusay
siyang aktor.
III. LUNAN AT PANAHON (SETTING)
Sa tingin ko ay angkop naman ang mga pinagdausan ng mga eksena lalo na nung pinakita
ang maliban na lang sa Tagaytay dahil imbes na umikot sa meeting ang eksena sa
Tagaytay, mas umikot ito sa pagsisante sa empleyado kaya sa tingin ko ay napagastos
ang produksyon doon lalo na at sumakay pa sila ng helikoptero.

IV. SINEMATOGRAPIYA
Ang pinakatumatak sa aking isipan na eksena dahil sa mahusay na paggamit ng kamera ay
ang eksena sa hardin na kung saan tinawagan ni Vivian si Albert ng paulit-ulit at kung saan
nag-usap si Vivian at Jaica dahil nagpokus talaga ang kamera sa emosiyon na binibigay ni
Vivian bilang isang ina na nag-aalala sa kaniyang anak at ang sakit na pinakita ni Jaica sa
pag-alala sa kaniyang ina.

Tumatak din sa akin ang eksena na kung saan kumakain ang pamilya ni Jaica para
icelebrate ang graduation ni Jewel. Sa anggulo ng kamera at lokasiyon na hapag-kainan
mas mararamdaman mo ang pangungulila ng pamilya sa kanilang ina dahil sa hapag-kainan
dapat kumpleto ang pamilya na kumakain.

V. ISKORING NG MUSIKA
Mahusay at angkop ang mga musika na ginamit. Kapag ang eksena ay mabigat, ang
instrumental na musika ay malungkot na siyang mas nagpapalakas sa damdaming
kalungkutan. Kapag naman masaya, masaya rin ang tugtog. At kapag nakakakaba naman
ay ginagamitan din ng nakakakabang musika , katulad na lang sa eksena na kung saan
lumabas si Vivian nung aksidenteng napasa sakaniya yung text message ni Jaica na kung
saan sinabihan siya nitong monster. At ang panghuli, ang ginamit na kantang ‘Something
I need’ na may lirikong ‘If you only die once, I wanna die with you’, sa eksena na kung
saan nasa hospital si Albert pagkatapos umalis nung makita ang kalagayan ng kaniyang ina
habang si Vivian naman ay tinatawagan siya, sa tingin ko ay umangkop ito dahil bilang
isang anak, kapag nakita nating nahihirapan sa sakit ang ating mga magulang, mas
gugustuhin pa natin na samahan sila sa hirap na iyon.
VI. EDITING

Ang editing ay mahusay. Ang pagkakasunud-sunod ng eksena ay mahusay na naipakita


kung hindi lang dahil sa kulang na eksena na kung saan hindi pinakita at pinaliwanag ng
mabuti ang tungkol sa ina ni Jaica, kung ano bang nangyari dito, kung nagkabati ba sila, at
iba pa.

VII. KABUUANG DIREKSYON O KAHUSAYAN NG DIREKTOR

Ang chemistry ng tatlong karakter at ng mga artistang nag portray sa kanila ang nagbigay
buhay sa pelikulang ito. Epektibong nagamit ni Joyce Bernal ang chemistry na ito, at dinala
ang kailangan mula sa central cast, lalo na sa parte ni Xian Lim na nagpakita ng mas
maraming potensyal at maturity bilang artista sa pelikulang ito.

Naging mahusay din si Joyce Bernal sa pagbabalanse sa emosiyon ng kuwento. talagang


nakakapatak ng luha ang pelikula, at nagawa ni Joyce Bernal na sabihin ng mga sentral na
tauhan ang mga tamang bagay sa tamang sandali upang maging maayos ang pelikula.

VIII. TEMA
Ang kuwento ay may tema na tumatalakay sa pagiging ina na pupukaw sa damdamin ng
mga manonood. Bilang isang ina, pinakamahalagang gawain nila ay ang alagaan at
palakihin ang kanilang anak, mahalin at ipadama ang pag-ibig at seguridad sa kanila.At
tingin ko ayon ang gustong ipakita ng pelikula.

IX. REKOMENDASYON
Ang pinakamalakas na puntos para sa akin ng pelikula ay ang akting at ang mga liny ana
talaga namang tatatak sa mga manonood. Samantala ang kahinaang maaaring makita sa
pelikula ay ang paggamit nila ng bulgar na mga salita dahil hindi natin maiiwasan na may
mga batang manonood kaya sa tingin ko ay hindi ito magiging angkop para sakanila na
panoorin dahil baka magaya nila ito.
Sa kabuuan, sa tingin ko ay papasa pa rin ito sa panlasa ng mga nakakarami lalo na sa mga
magulang at mga anak na may kaparehong sitwasiyon na kinakaharap katulad ng sa mga
karakter. Irerekomenda ko ito hindi lamang dahil sa husay ng mga artista at para magbigay
ng libangan ngunit dahil din sa mga aral na kakapulutan sa kuwento. Pupukawin nito ang
emosiyon ng kung sino mang manonood dahil may pagkakataon na makakarelate ka sa
kahit sinong karakter. Bibigyan ko ito ng ratings na 9/10.

X. REPLEKSYON
Sa pelikulang ‘Everything about Her’, kahit na makukuha mo na agad ang magiging takbo
ng kuwento, nagawa pa rin nitong paiyakin ako dahil sa mga linya ng mga karakter lalo na
sa eksena na kung saan nag-usap si Jaica at Vivian sa hardin na kung saan pinag-usapan
nila ang tungkol sa kanilang karanasan bilang isang ina na hindi na wala sa tabi ng kaniyang
anak at anak na iniwan ng kaniyang ina. Nangibabaw din sa akin ang tawa dahil may mga
linya si Angel Locsin na talaga namang aani ng tawa sa mga manonood.

Ang iniwan na mensahe sa akin ng pelikula ay kahit anong pagkakamali pa ang gawin ng
iyong ina o magulang, sa huli ay magulang mo pa rin sila. At kahit anong kinikimkim mo
na sama ng loob o galit sakanila ay tatanggapin at mamahalin mo pa rin sila dahil kayo ay
mananatiling pamilya.

You might also like