You are on page 1of 1

KULTURANG POPULAR (LARO)

TUMBA PRESO O TUMBA LATA

“ Ang tumba lata ay maiuugnay natin sa buhay ng tao , kapag marami nang taong

nananakit sayo ay mararamdaman talaga natin na mawawalan na tayo ng pag-asa o

matutumba tayo pero hindi tayo hahayaang natumba , itatayo nila tayo.”

Ang tumbang preso ay isang sikat na laro sa aming lugar. Maganda ang larong

ito sapagkat nagbibigay ito ng lakas ng mga kabataan. Nagtataglay rin ito ng kasiyahan

sapagkat , makikita sa larong ito ang pagkakaisa. Kahit na hatak sa bagong henerasyon

ang mga makabagong teknolohiya ay hindi pa rin nawawala ang larong tumbang preso.

Kapag nanonood ako sa mga kabataang naglalaro ay pati na rin ako ay nasisiyahan

dahil maririnig mo ang hiyawan ng mga tagpaglaro. Kung ikukumpara ko ang aking mga

kapanahunan noon sa mga kabataan ngayon , ang larong tumbang preso nalang ang

kanilang nilalaro ngayon. Kaya ko nasasabing ang larong ito ay naging kulturang

popular sa aming lugar sapagkat kahit maraming taong nakalipas ay buhay na buhay

pa rin ang larong ito.

You might also like