You are on page 1of 8

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION VIII- EASTERN VISAYAS
SCHOOLS DIVISION OF SOUTHERN LEYTE
SOGOD DISTRICT 1
SOGOD NATIONAL HIGH SCHOOL
SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT

Masusing Banghay-Aralin sa
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Filipino

MARIA TERESA L. ADOBAS Baitang 12- HE 1


Guro sa Asignatura ika-29 ng Oktobre, 2022

Pamantayang Pangnilalaman: Nauunawaan nang may masusing pagsasaalang-alang ang mga


lingguwistiko at kultural na katangian at pagkakaiba-iba sa lipunang Pilipino at mga sitwasyon ng
paggamit ng wika dito.
Pamantayan sa Pagganap: Nakagagawa ng mga pag-aaral ukol sa iba’t ibang sitwasyon ng
paggamit ng wikang Filipino sa loob ng kultura at lipunang Pilipino.
Most Essential Learning Competency:
I. Nakasusulat ng mga tekstong nagpapakita ng mga kalagayang pangwika sa kulturang
Pilipino. (F11PU-IIc-87)
Natutukoy ang iba’t ibang register at barayti ng wika na ginagamit sa iba’t ibang
sitwasyon (Halimbawa: Medisina, Abogasya, Media, Social Media, Enhinyerya,
Negosyo, at iba pa) sa pamamagitan ng pagtatala ng mga terminong ginamit sa mga
larangang ito. (F11WG-IIc-87)

Mga Layunin:
Pagkatapos ng isang oras ang mga mag-aaral ay inaasahang:
 Natutukoy ang kahulugan at kalikasan ng register at barayti ng wika.
 Naitatala ang mga termino ayon sa disiplina o larangang pinaggagamitan nito.
 Nakasusulat ng tekstong nagpapakita ng mga kalagayang pangwika sa kulturang
Pilipino na may kaugnayan sa register at barayti ng wika.

II. Paksang Aralin


Paksa: Iba’t Ibang Register at Barayti ng Wika
Mga Kagamitan:
 Power point presentation, chalk, handouts
Sanggunian:
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino. Jocson, M.O. Vibal
Group, Inc. 1253 Gregorio Araneta Avenue, Quezon City. 2016.
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino. Rex Book Store, Inc.
84-86 P. Florentino St., Sta. Mesa Heights, Quezon City. 2016
https://philnews.ph/2019/07/17/barayti-ng-wika-uri-halimbawa/

III. Pamamaraan

Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral


A. Panimulang Gawain
 Panalangin
Tumayo muna ang lahat para sa (Ang mga mag-aaral ay sabay-sabay na
panalangin. tumayo para sa panalangin)
Magandang Umaga sa ating lahat! Magandang Umaga rin po ma’am, at sa
mga kaklase.

Kumusta ang pakiramdam natin Mabuti naman po ma’am.


ngayon?
(Ang mga mag-aaral ay seryosong
Mabuti kung ganun, alam kong nakikinig sa guro)
nasasabik na kayong malaman ang
panibago nating talakayan sa araw na
ito. Tapos na po, Ma’am..

Maaari bang isaayos muna ang mga


upuan at pulutin ang mga basura sa
inyong gilid at itapon ito sa tamang Opo, Ma’am.
basurahan.

 Pagtatala sa dumalo sa klase


Kompleto ba tayo ngayon? Kung
tatawagin ko nag inyong pangalan ay
itaas lamang ang inyong kanang kamay. Masusunod po, Ma’am.

 Kasunduan
Habang sisimulan ko ang talakayan
dito sa harapan, dapat ay itago ang
inyong gadgets at makikinig kayong
mabuti dahil pagkatapos ng ating
talakayan ay may inihanda akong mga
gawain. Aktibong sinagutan ng mga mag-aaral
ang paunang gawain.
B. Pagganyak

Ilan sa mga mag-aaral ang sumagot sa


inihandang katanungan batay sa
kanilang pang-unawa.
Mga Tanong:
1. Sino ang kinakausap na mahihinuha:
Unang nagsasalita:
Ikalawang nagsasalita:
Ikatlong nagsasalita:
2. Anong mga salita ang magpapatibay na tama
ang iyong pagtukoy sa nagsasalita at
kinakausap sa bawat pahayag?
3. Anong kalagayang pangwika sa kulturang
Pilipino ang masasalamin sa bawat pahayag?
Tama ang inyong mga kasagutan. Nakikinig ang mga mag-aaral sa talakayan
Para mas maunawaan pa natin lalo makinig ng at nagkakaroon ng partisipasiyon ang mga
mabuti sa aking talakayan. mag-aaral sa pamamagitan ng
C. Pormal na Talakayan pagbabahagi ng kanilang ideya.
Tinatalakay ng guro ang “Iba’t Ibang Register
at Barayti ng Wika”.

Ang wika ay sinasalita nang ayon sa gamit o


sitwasyong paggagamitan nito. Isang katotohanan na
penomenon o pangyayaring panlipunan ang wika
kaya’t dapat na lalo pang pahalagahan ang mga
konseptong pangwika tulad ng: wika, wikang
pambansa, wikang panturo, wikang opisyal,
bilingguwalismo, multilingguwalismo,
lingguwistikong komunidad, unang wika,
pangalawang wika; gayundin ang pag-aaralan sa
araling ito na: register at barayti ng wika.
Maraming naghahambing ng register sa
diyalekto. Ngunit ano ang register? Ang register ay
baryasyon batay sa gamit, samantalang ang diyalekto
ay batay sa taong gumagamit. Tinatawag ding estilo sa
pananalita ang register. Iba ang register ng guro kapag
kausap niya ang punong-guro, iba rin ang gamit
niyang register kapag kausap niya ang mga
kasamahang guro, at lalong naiiba ang register niya
kung kaharap ang kaniyang mga mag-aaral.
Isang pinanggagalingan ng mga baryasyon ng
pananalita ng indibidwal ay depende sa mga
sitwasyon ng paggamit.
Halimbawa ng ilang sitwasyon:
1. Paki-react ng post na nasa timeline ko, paki-
share na lang din sa fb friends mo…thank you
Pagsusuri: mahihinuhang ipinadala ang
mensahe sa pamamagitan ng social media
platform
2. Igisa ang bawang, sibuyas, at kamatis. Lagyan
ng kaunting tubig, pakuluin, timplahan, ilagay
ang giniling, huli ang patatas.
Pagsusuri: mula naman sa isang resipe
3. Alis mantsa, alis amoy, malambot na damit.
Pagsusuri: isang adbertisment
Samantala, ipinahayag ni Alonzo (2002) na
ang barayti ng wika ay isang maliit na grupo o
makabuluhang katangian na nag-uugnay sa uri ng
sosyo- sitwasyonal.
Homogeneous- Sa konseptong ito ng wika,
ipinahahayag na may iisang katangian ang wika tulad
ng language universals. Ibig sabihin, lahat ng wika ay
may bahagi ng pananalitang pangngalan at pandiwa.
Karaniwang isa lamang ang layunin at ang
gumagamit, isa lamang ang gamit ng wika.
Heterogeneous- Sa konseptong ito ng wika, iba-iba
ang gamit, layunin, at gumagamit. Iba-iba ang wika
dahil sa lokasyong heograpiko, pandarayuhan, sosyo-
ekonomiko, politikal, at edukasyonal na katangian ng
isang partikular na lugar o komunidad na gumagamit
ng naturang wika. Halimbawa, sa Pilipinas, ang
pagiging multilingual ay nagsasabi na nag-iiba ang
wika.

Nagkaroon ng partisipasyon sa
panimulang gawain.

D. Gawain (Activity)
Ngayon, tapos na ang ating Talakayan. Pangkatang Gawain (10 pangkat)
Maghanda sa unang gawain.
Panuto: Basahin ang sumusunod na balitang
pangkalusugan at sagutin ang mga tanong kaugnay
nito. Pahalagahan ang mga ito sa pamamagitan ng
pagsusuri sa mga konseptong pangwikang maiuugnay
dito.
Sinagot ng mga mag-aaral ang mga
katanungan base sa kasagutan nila sa
unang gawain.

Pangkatang Gawain (10 pangkat)

E. Pagsusuri (Analysis)
Panuto: Suriin ang nilalaman ng bawat teksto.
Tukuyin ang mga register, barayti ng wika, at ang
larangang kinabibilangan nito.

Kumuha ng kalahating papel ang mag-


aaral at agad sinagutan ang ikalawang
gawain.

F. Abstraksyon (Abstraction)
Panuto: Magtala ng limang register na ginagamit sa
mga sumusunod na larangan. Isulat ang sagot sa
inyong sagutang papel.

Ginawa ng mga mag-aaral ang maikling


pasulit na susukat sa kanilang
natutunan batay sa paksang tinalakay.

G. Paglalapat (Application)
Panuto: Tukuyin ang dalawa sa mga larangang
kinabibilangan ng bawat salita/register. Pagkatapos,
ibigay ang kahulugan batay sa larangang
kinabibilangan nito.

Register Larangan Kahulugan

Hal. Astrolohiya Flaming ball o gas


na makikita sa
bituin
kalawakan
Pelikula
Artista

1. Beat

2. Mouse

3. Hardware

4. Mata
Kumuha ng isang buong papel ang mga
5. Pagong mag-aaral upang gawin ang inihandang
6. Window pagsasanay.

7. Crush

8. Foul

9. Buwaya

10. Bato

H. Ebalwasyon (Evaluation)
Panuto: Sumulat ng maikling usapan/palitan ng
pahayag gamit ang lobo ng usapan. Ang pagguhit sa
mga tauhan ay maaaring sa pamamagitan ng figure
stick. Pumili lamang ng isang paksa mula sa ibaba.
Paksa:
1. Register- Pakikipag-usap sa Isang Balikbayan
2. Barayti- Pakikipag-usap sa Isang Service Crew ng
Isang Fast Food Chain
3. Homogeneous- Pakikipag-usap sa Isang Scientist,
Chemist, at iba pa
4. Heterogeneous- Pakikipag-usap sa Isang Tsinoy o
Fil-am

I. Takdang-Aralin
Pag-aralan ang susunod na paksang-aralin,
“Adbertisment sa Kapapligirang Pinoy”

Inihanda ni:

MARIA TERESA L. ADOBAS


Teacher II Academic
Iwinasto ni:

NANCY N. TOLIBAS
Department Head

You might also like