You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

SOUTHERN LEYTE STATE UNIVERSITY


TOMAS OPPUS
San Isidro, Tomas Oppus, Southern Leyte

Self-Paced Learning Plan in Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino


(KonKomFil)
(This lesson is good for 3 meetings: April 14,17, 2020)
I. Title of the Topic: Suliraning Panlipunan
II. Objectives:
 Nakapagpapahayag ng mga makabuluhang kaisipan sa pamamagitan ng tradisyonal
at modernong midyang akma sa kontekstong Pilipino.
 Napapalalim ang pagpapahalaga sa sariling paraan ng pagpapahayag ng mga
Pilipino sa iba’t ibang antas at larangan.
Content of the Lesson: Malawakang pagkawasak ng Kalikasan/ marhinalisasyon ng mga lumad at
iba pang katutubong pangkat/ Kahirapan
III.

Malawakang Pagkawasak ng Kalikasan


Ang natural na kalamidad ay hindi maaring mapigilan ng tao sa kasalukuyang
naabot na kaalaman at teknolohiya ng mundo. Subalit ang paglala nito at ang pagdami ng
mga biktima – buhay ng tao, kabuhayan, ari-arian – ay hindi na kagagawan ng kalikasan
kundi kagagawan na ng panlipunang sisteman umiiral.
Mayroong mayor na dahilan kung bakit patuloy na nasisira ang kapaligiran:
 Paglaki ng green house effect
 Kawalan ng epektibong pangangasiwa sa basura
 Mabilis na pagkalat ng polusyon
 Pagkaubos ng likas na yaman

Basahin: https://fil.internationalism.org/internasyonalismo/201001/118/matinding-
kalamidad-komunistang-rebolusyon-o-pagkasira-ng-mundo

Marhinalisasyon Ng Mga Lumad At Iba Pang Katutubong Pangkat


Ano ang Lumad?
Ang salitang “lumad” ay hango sa terminong bisaya na nangangahulugan “katutubo”
o “indigenous”. Ang salitang ito ay ginamit sa administrasyon ni dating Pangulo Cory Aquino
sa R.A. 6734, Artikulo XIII sec. 8(2) para makilala ang mga pangkat etniko sa Bangsa Moro.
Kabilang sa mga binansagang lumad ay ang mga: Subanen, B’laan, Mandaya, Higaonon,
Banwaon, Talaandig, Ubo, Manobo, T’boli, Tiruray, Bagobo, Tagakaolo, Dibabawon,
Manguangan at Mansaka.
Ang marhinalisasyon ay ang paglalagay sa isang tao o pangkat ng mga tao sa isang
posisyon na hindi sila napapansin at napapahalagahan. Ang mga lumad at ilang mga
katutubo dito sa Pilipinas ay nakararanas din ng pangungutya at pangmamaliit madalas
tinitingnan sila ng mga hindi kabilang sa kanilang tribo, o silang mga mas sibilisado, bilang
mga mangmang at ignorante.
Basahin: https://www.bulatlat.com/2019/09/03/ang-lumbay-ng-mga-lumad/

Kahirapan
Ang kahirapan ay tumutukoy sa kalagayan o katayuan g isang tao na walang isang
halaga ng mga pag-aaring materyal o salapi.

Dahilan ng Kahirapan
1. Edukasyon
Dahil na rin sa kahirapan, kadalasang napagkakaitan ang mga mahihirap ng
oportunidad para makapag-aral. Karapatan nga raw ang edukasyon pero sa bansa
nating ito, mas pinipili pa rin ng ibang mga bata na tumulong sa kani-kanilang mga
magulang upang may makain sila araw-araw. At dahil, ditto mas nahihirapan silang
makahanap ng maayos na trabaho dahil wala silang sapat na edukasyon upang
makapagtrabaho sa malalaking kompanya.
Bukod pa rito, dahil sa kakulangan ng edukasyon at matinding pangangailangan sa
buhay, may iba ring tao na nagiging desperado para lang may makain sila at mas pinipili
na lang mabuhay sa kalye at magnakaw

2. Kawalang Disiplina
Sabi nga nila, sa panahon ngayon sa Pilipinas, opsiyonal na lang ang pagsunod sa
mga batas. Maging ang mga kabataan ngayon ay hindi na natatakot sa batas. Kailangan
nating maging disiplinado at matakot sa mga awtoridad para matuto tayong sumunod sa
mga patakaran. Marami nang nagdaang matatalinong mamumuno sa ating bansa pero
kung hindi marunong sumunod ang mga tao ay wala ring patutunguhan ito. Lahat ng tao
ay gustong makamit ang pagbabago pero iilan lang talaga ang handang magbago.

3. Katamaran
Sinasabi ng karamihan, kaya sila naghihirap ay sa kadahilanang wala silang trabaho,
pero ang totoo, maraming trabahong nakalaan, mapili lang talaga ang mga Pilipino. Pero
hindi rin natin masisisi, mas pipiliin pa nilang maupo na lang sa isang tabi at manghingi
ng limos kaysa magpakapagod sa napakabigat na trabaho at kumita ng isang daang piso
sa isang araw, pero sa kadahilanang ito, pinapakita lang natin na tayo ay tamad.

4. Korapsyon
Ang pagnanakaw sa pondo ng bayan ay gawaing karumal-dumal. Ito ang
pangunahing dahilan kung bakit hanggang ngayon ay naghihirap ang mga Pilipino.

Panoorin: I-Witness: “Anak ng Kalye” (Dokumentaryo ni Kara David)

IV. Guide Questions:


Isagawa!
1. Gumawa ng sariling slogan patungkol sa kung paano mapuksa ang mga katiwalian sa
lipunan. (20 puntos)
2. Mula sa iyong napanood na dokumentaryo na pinamagatang “Anak ng Kalye”, sino ba sa
tingin mo ang dapat na sisihin sa kanilang kinahinatnan? Ipaliwanag ang sagot. (15
puntos)

V. Self-Learning Activities:
Panuto: Magtala ng mga bagay na nagawa mo na nagpadagdag sa suliran sa lipunan ayon sa
klasipikasyon sa talahanayan. At magtala ka rin ng mga magagandang bagay na nagawa mo
upang maibsan ang mga suliranin sa lipunang kinabibilangan mo. Ipaliwanag.

Malawakang Pagkawasak ng Marhinalisasyon Ng Mga Kahirapan


Kalikasan Lumad At Iba Pang
Katutubong Pangkat

Prepared by: Submitted to:


ERNA MAE V. ALAJAS DR. ANALIZA M. NARES
Instructor Program Head, Arts and Letters

MARIA TERESA L. ADOBAS


Instructor

Approved:
DR. MARVIN S. DAGUPLO
Assistant Director, ARI

You might also like