You are on page 1of 1

ANG RETORIKA SA MASINING NA PAGPAPAHAYAG

Maikling Kasaysayan ng Retorika

Pinaniniwalaang ang retorika ay nagsimula pa noong ikalimang siglo bago dumating si Kristo. Ito
ay nabuo bilang isang paraan ng pakikipagtalo sa isang isla sa Sicily ng Syracuse. Nang bumagsak
ang pamahalaang diktaturya sa islang ito, binigyan ng pagkakataon ang mga mamamayang
dumulog sa hukuman at ipagtanggol ang kanilang mga karapatan sa mga lupang inilit ng
nakaraang rehimen. Nagpanukala si Corax, isang iskolar na tagaroon, ng mga tuntuning dapat
sundin ng mga maglalahad sa gagawing argumento. Ayon sa kanya, mahalagang magkaroon ng
maayos na pamamaraan sa paglalahad ng mga argument upang makuha ang simpatiya ng mga
nakikinig. Batay sa kanyang inihahandang pamamaraan, ang lahat ng argumento ay kailangang
nakasentro sa talumpati na kakikitaan ng limang element: 1) ang proem o panimula, 2) ang
salaysay o kasaysayan, 3) ang mga argumento, 4) mga dagdag na pahayag o kaugnay na
argument, at 5) ang kongklusyon.

Bunga nito, nalikha ang retorika upang makahikayat at mapunuan ang mga pagkukulang
sa mga nasusulat na mga katibayan. Bagaman masasalim ng isang tagamatyag na ang nalikhang
konseptong ito ay nakapokus sa mga nararamdaman ng tagapagsalita, at hindi sa kawastuhan at
galing ng argumentong ipinahahayag. Ayon sa mga Sophist (mga iskolar), ang retorika ay
mahalaga upang makamtan ang kapangyarihang political sa panahong iyon.. Gayunpaman, hindi
ito sinang-ayonan ni Socrates at tahasang tinuruan na ang mga Sophist ay naghahangad lamang
ng kabayaran sa kanilang pagtuturo at pagpapataas ng kalidada ng retorika bilang isang sining ng
pagtatalo at hindi bilang isang palaman sa isang talumpati. Ayon pa kay Socrates ang gawing ito
ay naghihikayat lamang sa mga mag-aaral na palabasin ang kasamaan ng isang mabuti at busilak
na adhikain.
Si Aristotle ay naghayag ng bagong kaisipan sa retorika. Ang kanyang ambag sa
pagsulong ng sining na ito ay nag-iwan ng malaking impluwensya sa larangang ito. Ang kanyang
pamantayan sa pagtatalumpati ay nagging batayan ng mga abogado sa paglalahad ng mga
usaping nakatuon sa nakaraan (ano ang nangyari) sa kanilang mga usaping legal. Sa kanya rin
nagmula ang oratoryong political na ang pokus ay sa hinaharap (ano ang maaari mong gawin).
Makikita sa anyong ito ang bagong anyo ng retorika. Inihahayag ditto ang isang malayang
talakayan at pagtaatalo. Siya ri ang nagdisenyo ng paglalagay ng mga mabulaklak na mga salita
sa talumpatian na kadalasang ginagamit bilang pagpuri sa mga natatanging panauhing
pandangal.

Nakilala rin sa larangang ito si Cicero, isang kilalang orador na nagpakilala rin ng
kakaibang pamantayan sa pagtatalumpati. Ayon sa kanya, mahalaga ang pagkakaroon ng
mabuting asa;l upang maging mabuting mananalumpati. Ang kanyang mga pangungusap na
ginagamit ay mga hugnayan upang higit na malilahad ang damdamin at prinsipyong nais ilahad
ng isang nagsasalita.

You might also like