You are on page 1of 4

Mala-Masusing Banghay-Aralin

Sa
Filipino 11

Maria Teresa L. Adobas ika-05 ng Abril, 2020


Guro Petsa

`Ika-8 ng umaga
Oras

I. Layunin
Pagkatapos ng talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. Nagagamit ang komunikatibong kasanayan sa paggamit ng wikang Filipino sa
isang simposyum. (F10PN-Ii-j-63)

II. Paksang-Aralin
A. Paksa: Gamit ng Wika sa Lipunan
B. Sanggunian: K-12 Filipino Curriculum Guide;
http://floredelresus.blogspot.com/2017/08/gamit-ng-wika-sa-lipunan_11.html?m=1
http://wika-sa-lipunan.blogspot.com/2017/08/gamit-ng-wika-sa-lipunan.html?m=1
C. Mga Kagamitan: powepoint presentation, laptop at flash cards

III. Pamamaran (4As)


1. Activity (Gawain)
Ang guro ay magpapakita ng mga halimbawang larawan hinggil sa
paksang tatalakayin. Pagkatapos ay ipapasalarawan sa mag-aaral kung ano ang
ipinababatid ng mga larawang ito. Ang mga pahayag ng mag-aaral ay ipapasulat
sa pisara.
2. Analysis (Pagsusuri)

Gamit ang mga larawan ay muling susuruin habang iuugnay ang mga
pahayag ng mga mag-aaral gamit ang mga gabay na tanong.
a. Ano ang nais ipapabot ng liham? Larawan ng mga tao? Diary?
Pangyayari sa Klasrum? Pakikipagpanayam? Prosedyur ng isang
recipe?
b. Nagagamit ba ang wika ayon sa mga larawang ito?
c. Ano-ano baa ng gamit ng wika sa lipunan?

3. Abstraction (Pagtatalakay)
Itatalakay ay bibigyang kalinawan ng guro ang sumusunod na gamit ng
wika sa lipunan nilang siyang paksa sa talakayan.

“Gamit ng Wika sa Lipunan”

Inilahad ni M.A.K Halliday sa kanyang “Explorations in Functions of


Language” ang iba’t ibang gamit ng wika.

a. Instrumental- ito’y gamit ng wikang tumutugon sa pangangailangan


ng tao.

Hal.
Pasulat: Liham
Pasalita: Pakisabe kay Anabelle na pumasok na siya.

b. Regulatoryo- ito’y gamit wikang tumutugon sa pagkontrol o paggabay


ng ugali sa iba, at pagbibigay instruksiyon o direksiyon.

Hal.
Pasulat: Prosedyur ng isang recipe, babala
c. Interaksiyonal- ang gamit ng ito ay nakikita sa paraan ng pakikipag-
ugnayan ng tao sa kaniyang kapwa. Ito’y nagpapatatag at
nagpapanatili ng relasyong sosyal.

Hal.
Pasalita: Kumusta na ang ina mo sa ibang bansa”

d. Personal- ito’y ginagamit sa pagpapahayag ng sariling opinion.

Hal.
Pasulat: Diary
Pasalita: Ano?! Kasama siya sa mga nasawi sa bumagsak na eroplano?

e. Heuristiko- ang gamit na ito ay amg pagkuha o ang paghanap ng


impormasyon o datos.

Hal.
Paggawa ng survey, pananaliksik, at pakikipagpanayam

f. Impormatibo- kabaliktaran ito ng heuristiko. Ito ay pagbibigay ng


impormasyon.

Hal.
Pagbabalita ng TV at radio, talumpati, at iba pa.

“Miguel, may paparating na bagyo bukas ng umaga.”

4. Application (Paglalapat)
Ipapangkat ng guro ang mga-aaral sa anim na pangkat at bibigyan ang
bawat pangkat ng mga strips na may nakasaluta na gamit ng wika. Sila’y
magkakaroon ng isang simposyum upang makabigay sila ng halimbawa sa gamit
ng wikang inaatas sa bawat grupo. Pagkatapos ay ibabahagi ito sa klase.

IV. Ebalwasyon

Panuto: Tukuyin ang sumusunod kung anong gamit ng wika ang ipinapahayag. Isulat
sa isang-kapat na papel ang sagot.

1. “Pakikuha ng gamut ng may sakit.”


2. Pakikipagpulong ng punong barangay sa mga konsehales
3. Mga hakbang sa pag-install ng isang aplikasyon
4. “Kumusta ang iyong bakasyon sa Baguio?”
5. “Naku! Nahulog ang bata sa hagdan.”
6. Isang “application letter” ang natanggap ng namamahala sa JYSMI.
7. “Uwi ka na sa bahay.”
8. Travelogue ng isang manglalakbay
9. Nagpapasagot ng mga “questionnaires” ang mga mananaliksik
10. Ang buong Pilipinas ay nakikinig sa SONA ni Panglong Duterte.
11. “Bukas ang dating Melissa galing Maynial.”
12. Checklist ng mga batang kulang sa timbang.

Susing sagot:
1. Instrumental
2. Interaksiyonal
3. Regulatori
4. Interaksiyonal
5. Personal
6. Instrumental
7. Regulatori
8. Personal
9. Heuristiko
10. Impormatibo
11. Impormatibo
12. Heuristiko

V. Takdang-Aralin

Panuto: Magsaliksik ng mga sitwasyon na maaaring maihahalimbawa sa anim na uri


ng gamit ng wika na hindi pa naihahalimbawa ng inyong guro. Tigtatatlong
halimbawa ang ibigay sa bawat gamit ng wika. Maaari kayong kumuha ng mga linya
mula sa mga paborito pelikula o teleserye o mga larawan mula sa “internet”. Ilagay
ito sa “short bond paper” at ipasa sa susunod na pagkikita.

You might also like