Professional Documents
Culture Documents
Food Delicacy
Food Delicacy
Malawak ang nasasakupang karagatan ng Sogod kaya ang isa sa ikabubuhay ng mga tao
rito ay ang pangingisda. Sa katunayan dito rin nagsimula kung bakit tinatawag ang lungsod na ito
matapos- tapos dahil magsimula ring dadagsa ang mga isda kaya umalis ang datu sa
pagpupulong. Ang datung ito ay mapagbigay sa kanyang nasasakupan kahit pa ang hindi kakilala
ay binigyan nito ng isda. Nang mayroong sumigaw ng “Sogod”, “Sogod” ito ay vernacular na
salita na ang ibig sabihin ay simulan na ang pagpupulong doon na nagsimulang pangalanan ang
Lungsod ng Sogod. Bagaman ang pangalang Sogod ay umiiral na kaya lang ito ay binibigkas na
“sȕ.gut” na ang ibig sabihin ay pagpayag sa napagkasunduang barter sa bawat item ng kanilang
lungsod, ang barter ay hindi ko na namulatan, ito’y nagpapatunay na unti-unting nagbabago ang
kulturang nakasanayan noon. Hindi maipagkaila, ang isa sa kultura ng mga Pinoy ay ang
pagkahilig sa mga pagkain kaya kahit saan mang sulok sa Lungsod ng Sogod ay may iba’t ibang
budbud at moron. Maraming lugar sa Pilipinas ang gumagawa nito kaya hindi rin pahuhuli ang
mga Sogodnon. Mayroong nagtitinda nito sa terminal at mayroong gumagawa rin nito sa Brgy.
Malinao at Javier.
Budbud o Suman:
May variety ang Suman o Budbud, ang kakanin na ito ay gawa sa glutinous rice na kung luto na
ay naging malagkit o sticky. Ito ay niluluto sa gata ng niyog na binabalutan ng dahon ng saging.
May iba ring ingredients ang suman, ito ay gawa sa cassava o Singapore, at kamoteng kahoy.
Moron:
Ito ay kagaya rin ng suman o budbud mula sa malagkit na bigas na hinaluan ng gatas at
tsokolate. Ito ay malambot na suman na gawa sa dalawang klaseng bigas, niluluto sa gata ng
niyog, gatas at cocoa powder. Ito ay orihinal ng Tacloban Leyte ngunit marami na rin gumagawa
nito sa Ormoc, Mahaplag, at hindi rin nagpapahuli ang Sogod Timugang Leyte.
Bibingka:
Ito ang kadalasang inuuwi ng mga tao lalung- lalo na kung sila ay mula sa sabungan o
cockpit arena. Isa sa kultura kasi ng mga Pinoy na nakuha mula sa dayuhan ang sabong. Mabibili
din ito sa terminal o kung nais omorder nang maramihan maaaring pumunta sa San Miguel o
Batang, may gumagawa doon na katakam- takam dahil pogon o kahoy ang kanyang ginagamit sa
pagluluto. Ang pangunahing ingredients nito ay bigas, mayroong ding gumagamit ng malagkit na
bigas. Ang ibang nagluluto nito ay hinaluan ng tuba o coconut wine. Kailangan makapili ang
nagnenegosyo nito nang magandang uri ng bigas sapagkat nakasalalay rito ang maganda at
malasang bibingka.
Sources:
https://www.google.com/search?
tbm=isch&sa=1&ei=72HEXMTfA7jZz7sPl6WbWA&q=paano+ginagawa+ang+suman+o+budbud&oq=paan
o+ginagawa+ang+suman+o+budbud&gs_l=img.3...20006.27899..28138...0.0..0.205.5258.0j32j1......1....1.
.gws-wiz-
img.......35i39j0j0i67j0i8i30j0i24.YittRbUpAI8#imgdii=8qx9TMw9gJnCRM:&imgrc=d8N5Vs8ETGSM9M:
https://www.google.com/search?
q=larawan+ng+suman+o+budbud&tbm=isch&source=hp&sa=X&ved=2ahUKEwim78eqr_DhAhUXT48KH
Vr7CP4QsAR6BAgIEAE&biw=1333&bih=632#imgrc=sgbcnNoJnkIr0M:
https://www.google.com/search?
source=hp&ei=xkjEXJ6JLOfZz7sPkcmKmAw&q=alamat+ng+sogod+southern+leyte&oq=kasaysayan+ng+s
ogod+southern+leyte&gs_l=psy-
ab.1.0.0i22i30l2.213376.229839..233578...2.0..1.499.7429.0j27j7j1j2....2..0....1..gws-
wiz.....0..35i39j0i131j0j0i3j33i21j33i160j33i22i29i30.LwlmZrISpLk