You are on page 1of 7

LAKBAYIN

NATIN ANG ISLA


NG GUIMARAS
Ipinasa ni:
Jesslyn Rose E. Magbanua
12- Istanbul

“HOME OF THE SWEETEST MANGOES”

Ang isla ng Guimaras ay isang maliit na isla sa bahagi ng Kanlurang Kabisayaan.


Kinikilalang Jordan ang kabisera ng lugar na ito at matatagpuan sa gitnang bahagi ng isla
ng Panay at Negros.

Ang Guimaras ay binansagang “home of the sweetest mangoes” dahil dito mo


matitikman ang mga matatamis na bunga ng mangga buko pa dito, ang lugar na ito ay
mainam puntahan lalong-lalo na sa mga taong gustong magbakasyon tuwing summer
dahil sa naggagandahang resorts at rourist attractions na hindi maipagkakaila ang bughaw
na kulay ng karagatan,topograpiya, naglalaking puno sa kabukiran, at ang hindi pagiging
modernisado ng isla.

Tatlong pantalan ang maaaring pipiliin upang makarating sa


sinasabing isla. Ito ay ang Pantalan ng Jordan,
Pantalan ng Roro, at pantalan ng MacArthur na
naghahalagang 13 php ang pamasahe at umaabot
mula 15 hangga 20 minutos ang biyahe. Sa pagdaong
ng pumpboat ay sasalubongin ka ng mga motorista at
traysiklo upang alokin ka kung saan ka man tutungo
at nakadepende ang pamasahe sa layo ng lugar na iyong tutunguhin. Mayroon ring mga
dyip na may kaniya-kaniyang pangalang lugar kung saan ito naka destinasyon sa
halagang 30 php lamang.

“MAMAMAYAN SA ISLA NG GUIMARAS”

Sa aking paglalakbay napansin kong aktibo pa rin ang mga katutubong tao na kung
tawagin natin ay “Ati”. Sila ay gumagamit ng transportasyon at masayang
nakikisalamuha sa mga mamamayan doon.
Napagtanto ko na kahit tayo’y parehong Pilipino,
may mga iba pang karakter ang mga mamamayan sa
ibang bahagi ng lugar kahit isang bansa lamang tayo.
Sa lugar ng Guimaras, tinatawag na Guimarasnon ang
mga naninirahan doon, sila ay matatahimik pero
magiliw kausap at masayahin, at matulungin sa sariling
kapwa. Hindi tulad ng mga pagkain dito sa lungod, ang
pagkain nila ay mas tradisyunal na galing din sa bigay
ng ibang mamamayan bilang tulong o pasasalamat.
Simple lang naman ang pamumuhay ng mga mamamayan doon, dahil bukod sa
kanilang propesyon, sila ay nagsasaka, nangingisda, at nang-aasin.
Isang uglai na ayaw ko sa mga tao doon ay ang pagiging sobrang masugarol.

“TUKLASIN AT ALAMIN ANG MAGANDANG TANAWIN SA ISLA”

Bukod sa asul na karagatan, at magagandang tanawin na gawa ng ating kalikasan,


marami pang tinatagong kayamanan ang isla ng Guimaras na gawa naman ng tao na
patok din sa mga dayuhan sa ibang lugar. Iilan lamang ang mga sumusunod:

 HOLY FAMILY HILLS


Sa pagpunta ko sa lugar na ito, napansin ko na malinis ang lugar na ito at tahimik.
Ang Holy Family Hills ay isang relihiyosong lugar na mainam para sa mga taong
nais ng kapayapaan habang kasama ang pamilya lalong-lalo na tuwing Semana Santa.
Ito ay matatagpuan sa Tamborong, San Lorenzo, Guimaras. Mayroon itong istatwa ni
Hesus mula pagkasilang sa kanya hanggang nasa krus na siya na kasing laki ng
tao.Ang Holy Family ay mayroon ding chapel, at silid-dasalan.

 WINDMILL FARM
Ang Windmill Farm na ito ay pinatayo upang magbigay ng karagdagang
enerhiya upang makakatulong sa mamamayan na naninirahan sa lugar na ito. Pero
bukod sa pagkunan ng enerhiya, ito ay naging isang sikat na tourist attraction sa mga
dayuhan dahil sa naggagandahang windmills na tinayo sa mga kapatagan o di kaya’y
malapit sa dalampasigan.

“KASIYAHAN SA MGA PISTA NG ISLA”


Sa pagpunta ko sa isla ng Guimaras nagkaroon ako ng pagkakataon na daluhan ang
kanilang mga pista. Katulad ng ibang mga selabrasyon, wala itong pinagkaiba dahil
nagdudulot ito ng kasiyahan at nagbabalik tanaw ang ating kultura at kung saan tayo
nagsimula.

 HARVEST FESTIVAL
Sa ilang araw na pamamalagi ko sa isla ay nagkaroon ako ng pagkakataon na
makadalo sa kanilang Harvest Festival kung saan dinadaos sa Suclaran, San Lorenzo,
Guimaras apat na araw tuwing Oktubre. Idinadaos ang pistang ito bilang pasasalamat
sa masaganang ani ng bayan. Sa pistang ito, walang streetdance ang nagaganap kundi
tanging malakas na tambol at nagsasayawang majorette kasama ang pagparada ng
mga naggagandahang tora-tora na nagpapakita ng iba’t-ibang disenyo gaya ng mga
prutas at gulay na nakukuha nila bilang ani.

 MANGGAHAN FESTIVAL
Sikat ang pistang ito sa mga dayuhan dahil nagpapakita ito ng ani ng mangga.
Kinikilalang “home of he sweetest mangoes” ang bansag ng Guimaras dahil dito mo
matitikman ang masarap at matamis na mangga sa buong mundo. Idinadaos ang
pistang ito sa buong buwan ng Mayo at bawat distrito ng pistang ito ay nagdadaos ng
pista. Ang halimbawa ng programang ito ay eat-all-you-can kung saan malaya kang
kumain ng mangga sa halagang 200 php, panunuod ng streetdance at hubon kung
saan ipinapakita ng mga alamat at pasasalamat ng mga mamamayan sa bathala.
“PINAGMAMALAKING PRODUKTO NG MGA GUIMARASNON”

Bawat lugar ay may kani-kaniyang produkto na nagpapakita kung gaano ka


malikhain at masipag tayong mga Pilipino. Hindi lamang ito nakakatulong sa ain
mismong sarili, napapalago din nito ang ekonomiya ng ating bansa. At dahil kilala ang
Guimaras sa matatamis na mangga, ang kanilang sikat na produkto ay mismong prutas ng
mangga sa kanilang isla. Ang iba naman ay ginagamit ang kahusayan at nakakagawa ng
mga pagkain katulad ng piayang mangga, dried manggoes, at iba’t-iba pa na nagmula sa
prutas.

“BAGAY NA NATUTUNAN KO SA AKING PAGLALAKBAY”

Sa ilang araw na pamamalagi ko sa isla ng Guimaras ay napagtanto ko na iba ang


kilos ko doon sa isla. Hindi tulad dito sa lungsod na bawat oras at galaw ko ay
binabantayan, doon natutunan kong mamuhay ng simple at maging malaya na hindi
iniisip ang halaga ng barya. Natuklasan ko ang mga bago kong kahinaan sa mga
naranasan ko doon na makakatulong sa akin sa paglutas ng aking mga suliranin sa
susunod na taon. Sa pagpunta ko sa ibang lugar ay natutunan ko na hindi lahat ng bagay
ay masusunod sa iyong naaayon at hindi lahat ng lugar at tao ay pare-pareh. Sa ngayon,
ang aking pinapahalagahan ay ang aking pamilya na siyang gumagabay sa akin, ang
pag-aaral na makakatulong sa pagkamit ng aking mga mithiin, at ang oras na
ipinagkaloob ng Diyos sa akin na dapat ay huwag kong sasayangin at gamitin ng wasto.

You might also like