You are on page 1of 9

Desposorio Festival

Cruz, Christian Jhace M.


2A
Noong una, ang kapistahang ito

Davao
ay tinawag na “Apo Duwaling” na
nanggaling sa pinakatanyag na
mga simbolo ng Dabaw, ang
Bundok Apo, prutas na Durian,
at bulaklak na Waling-waling.
Noong 1988, ang kapistahang ito
ay pinalitan ng “Kadayawan”
upang ipagdiwang ang masaganang
ani ng Davao. Hanggang ngayon
ang “Kadayawan” ay patuloy na
ipinagdiriwang upang parangalan
ang lungsod na mayaman sa iba’t
ibang artistikong kultural at
makasaysayang pamana sa isang
enggrandeng pagdiriwang ng
pasasalamat. Ang kapistahang
ito ay dinadayo ng mga Pilipino
Ang Bangus Festival ang isa sa mula sa iba’t ibang sulok ng
mga pinakaaabangang festival sa Pilipinas at dinadayo rin mga
Norte at itinuturing na
pinakamalaki at pinakamakulay na dayuhan upang makisaya sa
selebrasyon na nagtatampok sa napakalaking selebrasyon na
kultura at pangunahing produkto ginaganap tuwing buwan ng
ng Dagupan City. Agosto.

Bago ginaganap ang street dancing


competition sa plaza ng Dagupan
ay nagparada muna ang mga kalahok
sa downtown area kaya
Dagupan,Pangasinan
pansamantalang isinara ang
kalsada sa mga pampubliko at
pribadong saksayan.
Kabilang din sa mga aktibidad sa
Bangus Festival ang Bangusine
Bangus International Cuisine
Showcase na nilalahukan ng ilang
dayuhan. Kaabang-abang din ang
Festivals of the North na
nakikipag-showdown ang mga
kalapit-probinsiya sa street
dance sa Abril 15.
Tampok sa Festivals of the North
ang magkakaibang musika at
costume ng iba’t ibang probinsiya
sa norte.
Ang Halamanan Festival ay
kinonsepto at sinimulan noong
Guiguinto,Bulacan taong 1999 ni Mayor Ambrosio C.
Cruz, Jr. sa layuning makilala
ang Guiguinto bilang Sentrong
Halamanan ng Lalawigan dahil sa
malagong industriya ng
paghahalaman sa bayang ito. Ito
ay itinakda tuwing Enero bilang
paggunita sa pagkakatatag ng
Guiguinto bilang isang
nagsasariling munispyo at
kaalinsabay sa Kapistahan ng
Patron ng Bayan.

Ito rin ang unang festival sa


Bulacan na nagkaroon ng sariling
musika na ginagamit din sa ibang
festival sa ibang lalawigan.
Noong una sayaw lang ang Tunog pa lamang ng Halamanan
hahanapin, ngunit ang Desposorio Music ay alam na agad na ito ay
(ng Malanggam Malolos, Bulacan) tatak Guiguinto.
ay naglarawan ng isang buong
Kultura na kinagawian (o
Produksyon). Sapagkat ang
Desposorio ng Malolos ay
kinapapalooban ng iba’t-ibang
Hagonoy,Bulacan
Sayaw (Bulacan), Awitin ng Pag-
iibigan, Pamahiing kinagisnan,
Mabuting Asal na Turo ng
matatanda at Simbahan at higit sa
lahat mga aral ng Simbahan na
Matibay na gabay para sa
pagsasama ng mag-asawa o ang
Matrimonyo ng kasal.

Ngunit darating ang Panahon ay


muli itong maitatanghal sa harap
ng mga kabataan at mga Bulakenyo,
sapagkat ito ay maliwanag na
katunayan na makulay ang
kulturang Bulakenyo sumasalamin
sa kaugaliang Filipino.
Ang kauna-unahang Tanglawan Festival ay
inilunsad ngayong taong 2016 upang magbigay
pugay sa ika-16 na anibersaryo ng pagiging
lungsod ng San Jose del Monte. Sa pangunguna
ng pamunuang kawani ng Pamahalaang Lungsod,
ang Tanglawan Festival ay isang naging
posibilidad upang mabigyang pansin ang iba’t
ibang sektor ng lungsod at itampok ang
anibersaryo ng pagiging lungsod ng SJDM.
Ang pagsasalungsod ng San Jose del Monte ay
naganap noong ika-10 ng Septiyembre. Bago pa
maging lungsod ang SJDM, ito Nag-uugat
naman ang konsepto ng Tanglawan sa salitang
ilaw. Ang kaugnayan ng salitang ilaw sa
nasabing kapistahan ay iniaalay para sa
Inang Birhen ng Grotto, ang sumisimbolo sa
pagiging ina o “ilaw” ng mga San Joseño. Sa
kapistahan na ito at sa mga susunod na
darating na taon, ang Tanglawan Festival ay
magtutuon ng pansin sa mga mahihirap na San
Joseño. Nabanggit ni Kgg. Robes na maraming
pamilya sa SJDM ay wala pa ring ilaw,
gayunpaman, ang Tanglawan Festival ang
siyang sasalamin sa pagbibigay ng tulong
upang mabigyan ng ilaw, literal man o
metaporikal, para sa mga San Joseño na
lugmok sa kahirapan

San Jose Del


Monte,Bulacan
Ang sawikain o idyoma ay isang pagpapahayag na
ang kahulugan ay di komposisyonal – sa ibang
salita, hindi binubuo ng tumpak na kahulugan
ang mga kanya- kanyang salitang binuo. Ito ay
di tuwirang pagbibigay ng kahukugan at
pagpapakita ng kaisipan at kaugalian sa isang
lugar.

1. agaw-buhay -- naghihingalo

2. anak-pawis -- magsasaka; manggagawa

3. anak-dalita -- mahirap

4. alilang-kanin -- utusang walang sweldo,

5. balitang kutsero -- hindi totoong balita

6. balik-harap -- mabuti sa harapan, taksil sa likuran

7. bantay-salakay -- taong nagbabait-baitan

8. bungang-tulog -- panaginip

9. balat-kalabaw -- mahina ang pakiramdam, di agad tinatablan ng


hiya

10. tulak ng bibig -- salita lamang, di tunay sa loob

11. dalawa ang bibig -- mabunganga, madaldal

12. halang ang bituka -- salbahe, desperado, hindi nangingiming


pumatay ng tao

13. mahapdi ang bituka -- nagugutom

14. sukat ang bulsa -- marunong gumamit ng pera, marunong magbayad at


mamahala ng kayamanan

15. kidlat sa bilis -- napakabilis

16. kusang palo -- sariling sipag

17. mabigat ang kamay -- tamad magtrabaho

18. magaan ang kamay -- madaling manuntok, manapok, manakit

19. mabilis ang kamay -- mandurukot

20. malikot ang kamay -- kumukuha ng hindi kanya

21. di makabasag-pinggan -- mahinhin


22. di mahulugang-karayom -- maraming tao

23. pag-iisang dibdib -- kasal

24. kabiyak ng dibdib -- asawa

25. daga sa dibdib -- takot

26. nagbukas ng dibdib -- nagtapat na nais pakasalan ang kasintahan

27. bulaklak ng dila -- pagpapalabis sa katotohanan

28. magdilang anghel -- magkatotoo sana

29. makati ang dila -- madaldal, mapunahin

30. matalas ang dila -- masakit mangusap

31. maanghang ang dila -- bastos magsalita

32. matamis ang dila -- mahusay mangusap, bolero

33. kaututang dila -- katsismisan

34. sanga-sangang dila -- sinungaling

35. may krus ang dila -- nakapanghihimatong

36. kumukulo ang dugo -- naiinis, nasusuklam

37. magaan ang dugo -- madaling makapalagayan ng loob

38. maitim ang dugo -- salbahe, tampalasan

39. hampas-lupa -- lagalag, busabos

40. haligi ng tahanan -- ama

41. ilaw ng tahanan -- ina

42. itaga sa bato -- tandaan

43. isulat sa tubig -- kalimutan

44. makitid ang isip -- mahinang umunawa, walang masyadong nalalaman

45. malawak ang isip -- madaling umunawa, maraming nalalaman

46. malakas ang loob -- matapang

47. mahina ang loob -- duwag

48. mababa ang loob -- maawain


49. masama ang loob -- nagdaramdam

50. mabigat ang loob -- di-makagiliwan

51. bukal sa loob -- taos-puso, tapat

52. mahabang dulang -- kasalan

53. makalaglag-matsing -- nakaka-akit

54. makuskos-balungos -- mareklamo, mahirap amuin, mahirap pasayahin

55. mahaba ang buntot -- laging nasusunod ang gusto, kulang sa palo,
salbahe

56. malapad ang papel -- maraming kakilala na makapagbibigay ng


tulong

57. may magandang hinaharap -- may magandang kinabukasan

58. may sinasabi -- mayaman, may likas na talino

59. matalas ang mata -- madaling makakita

60. tatlo ang mata -- maraming nakikita, mapaghanap ng mali

61. namuti ang mata -- nainip sa kahihintay, matagal nang naghihintay

62. matigas ang leeg -- mapag-mataas, di namamansin

63. matigas ang katawan -- tamad

64. makapal ang palad -- masipag

65. maitim ang budhi -- masamang tao, tuso

66. mababaw ang luha -- madaling umiyak

67. makapal ang mukha -- di marunong mahiya

68. manipis ang mukha -- mahiyain

69. maaliwalas ang mukha -- masayahin

70. madilim ang mukha -- taong simangot, problemado

71. dalawa ang mukha -- kabilanin, balik-harap

72. nakahiga sa salapi/pera -- mayaman

73. nagbibilang ng poste -- walang trabaho


74. namamangka sa dalawang ilog -- salawahan

75. nagmumurang kamatis -- matandang nag-aayos binata o dalaga

76. naniningalang-pugad -- nanliligaw

77. ningas-kugon -- panandalian, di pang-matagalan

78. panis ang laway -- taong di-palakibo

79. pagkagat ng dilim -- pag lubog ng araw

80. patay-gutom -- matakaw glutton

81. pulot-gata -- pagtatalik ng bagong kasal

82. putok sa buho -- anak sa labas

83. makati ang paa -- mahilig sa gala o lakad

84. pantay ang mga paa -- patay na

85. utak-biya -- bobo, mahina ang ulo

86. nagpupusa -- nagsasabi ng mga kuwento ukol sa isang tao

87. saling-pusa -- pansamantalang kasali sa laro o trabaho

88. sampid-bakod -- nakikisunod, nakikikain, o nakikitira

89. samaing palad -- malas na tao

90. sampay-bakod -- taong nagpapanggap, hindi mapagkakatiwalaan

91. takaw-tulog -- mahilig matulog

92. takipsilim -- paglubog ng araw

93. talusaling -- manipis ang balat

94. talusira -- madaling magbago

95. tawang-aso -- nagmamayabang, nangmamaliit

96. matalas ang tainga -- madaling makarinig

97. maputi ang tainga -- kuripot

98. nakapinid ang tainga -- nagbibingi-bingihan

99. taingang kawali -- nagbibingi-bingihan

100. malamig ang ulo -- maganda ang sariling disposisyon


Ito ay hango sa totoong kwento ni Marie, itinago natin sa kanyang tunay na pangalan.
Siya ay nagtatrabaho sa isang club sa angeles city bilang isang waitress. Masayang-
masaya ang kanyang grupo habang sila'y nagiinuman kasama ng ilang kostumer na
banyaga. Habang naghi-hiayawan ang ilan sa kanilang kasama, sila Marie sa ay nagpi-
picture taking gamit ang kanyang phone. Sa di inaasahang pagkakataon ay may kakaibang
nilalang ang nasali sa picture katabi ng ilang dancers sa stage. Tiningnan nya ang stage
at ang ilang dancers ngunit wala siyang nakitang kakaibang itsura. Ang babae ay galit na
galit, nanlilisik ang mga matang nakatingin sa camera. Maputlang maputla na tila galing
sa hukay ang babae. Kamukha ni sadako. Sa takot nya siya ay napasigaw at huli na para
burahin ang litrato, naagaw yon ng isa sa mga kasamahan nya habang nagsasaya.
Hanggang sa kumalat ang nasabing litrato sa buong club.
Lahat kinilabutan sa kanilang nakita. Ang ilan ay hindi naniwala ngunit may ilang takot
na takot. Pinakita ang nasabing litrato sa may-ari ng bar ngunit hindi ito naniwala, at
tanging sinabi, "That's not true baby, I don't believe in ghost. It's edited."
Pinakiusapan nila ang may-ari na pabendsiyunan ang nasabing establisyimento para
matahimik ang kaluluwang nagpakita sa larawan, ngunit tumanggi ang may-ari.
Ipinaliawanag naman ng kanilang manager kung bakit kailangan bendsiyunan ang gusali at
sa huli ay napapayag naman nila ito.
Marami ang haka-haka tungkol sa babaeng nagpakita sa larawan, ang ilan sa sabi-sabi
marahil ay may galit ang babae kay Marie dahil nagambala sya nito. At ang ilan ay
sinasabing dati daw itong nagtatrabaho doon bilang dancer at pumanaw sa di malaman na
sakit.
"Ang Kwentong Palaisipan ni Lolo P"
May 15 sundalo at 2 bata na ibig tumawid sa
kumukulong tubig ng ilog papunta sa
kabilang pampang. Bawat isang sundalo ay
may bigat na 60 kilos, at 30 kilos naman
ang bawat isang bata. Ang gamit nila ay
bangka na ang kayang isakay lang ay 70
kilos, kapag sumubra lulubog na ito. Ang
bilis ng bangka ay nakadepende sa bigat. 30
segundo ang gugugulin sa pagtawid kung 30
kilos ang nakasakay. 1 minuto naman kung 60
kilos ang nakasakay.
Tanong: ilang minuto ang ginugol nilang
lahat bago nakatawid sa kabilang pampang?

–Rod: Bakit badtrip ka ?


Harry: nagtampo sakin ang uto lko.
Rod: Bakit naman?
Harry: nakalimutan ko kasi ang birthday nya
Rod: yun lang? anong masama run?
Harry: ang masama run…..Twins kami!!!
TWINS!!!!!

You might also like