You are on page 1of 14

DESKRIPSIYON NG MGA KARAKTER

April - isang batang Aeta na naninirahan sa kabundukan Siya ay naghahangad na maka bilang sa
mundo ng mga unat. Siya ay nagtungo sa kapatagan upang mag trabaho at sa di inaasahan ay
pinag aral siya ng isang guro. Sa kanyang pakikipag sapalaran ay dinanas niya ang iba’t ibang
pang aalipusta na nag udyok sa kanya upang bumalik sa kanyang tunay na pamilya.

Florita Degado- isang mapagmahal na ina na handang gawin ang lahat para sa kasiyahan ng
kanyang pamilya. Siya ay may dalawang anak, si April at Lilia. Si Florita ay maaalahanin at ang
nais lamang niya ay magkaroon ng buo at masayang Pamilya

Leo Degado - ama ni April at Lilia. Siya ay asawa ni Florita. Isa siyang masipag at mapag mahal
na ama sa kanyang mga anak. Ang nais niya ay magkaroon ng magandang kinabukasan ang
kanyang pamilya.

Lilia Degado - nakakabatang kapatid ni April. Isang mapang asar at pasaway na kapatid. Sa
tuwing sila ay tutungo sa kapatagan ay walang humpay ang kanilang asaran. Ngunit sa kabila
nito ay wala siyang inisip kungdi ang kanyang pamilya.

Teacher Lea - isang volunteer teacher na umakyat sa kabundukan upang mag abot ng tulong sa
mga kabalat. Siya rin ang kumukop kay April noong nagpasya ito na mag trabaho sa kapatagan.

Teacher Edna - kasamahang guro ni Teacher Lea at matalik na kaibigan. Isa siya sa mga
kasama ni Teacher Lea na nag abot ng tulong sa Baryo ng mga kabalat.

Janeth - kamag-aral ni April. Siya ay may ugali na di kanais-nais. Isa siya sa mga nagpahirap sa
buhay pag aaral ni April.

Rose - kaklase ni April at kaibigan ni Janeth. Siya ay isa sa mga nang aasar at nagpapahirap sa
buhay ni April.

Mela - kaibigan ni Janeth at Rose, kamag-aral ni April. Isa siya sa mga nakaisip na pahirapan si
April sa kanilang klase.

Marco- anak ni Aling Becky na kamag-aral ni April. Siya ay isang varsity sa kanilang paaralan
at estudyanteng walang pakielam sa mga nangyayari sa kaniyang paligid.

Aling Becky - ang may ari ng kainan na pinagtrabahuhan ni April noong siya ay nasa
kapatagan. Siya rin ang ina ni Marco na kamag-aral ni April.

Ginoong Alfredo Cruz - Guro sa Filipino ng baitang pito pangkat De Jesus. Isang
mapagmalasakit na guro at nais magkaroon ng isang maayos na klase.

Kristine - kasamahang guro ni Ginoong Alfredo. Nahuli niya si April na may ginagalaw na
papel sa mesa ni Ginoong Alfredo.
UNANG TAGPO (SA KABUNDUKAN)

Ang pamilyang Degado ay kabilang sa lahi ng mga Aeta. na naninirahan sa kabundukan, isa sa
kanilang kaugalian ay ang pagbaba ng bundok sa tuwing sasapit ang Pasko.

Florita: (lalabas at kukuhanin ang mga gamit na kanilang dadalhin sa kapatagan) Oh


mga anak.. Bababa kami ng tatay nyo sa lugar ng mga unat. (unat-mga taga syudad).

Kitang kita sa mukha ni april ang pagka galak at tuwa habang papalapit sa kanyang ina.

April: (walang mapag sidlan ang kasiyahan) nayy! Sama ako ha, sama ako nay ha!!!
Lilia: Excited siya… nagpi piling unat nanaman siya, pang aasar ng kapatid niya.

April: iIgit ka lang kasi mas maganda ko sayo, sagot ni april.

Florita: Oh tama na magkapikunan nanaman kayo dyan… (papalabas na ng pintuan)

IKALAWANG TAGPO (SA KABUNDUKAN)

Sabay sabay bumaba ng bundok ang mag anak, makikita ang kagalakan ni april at pag mamasid
ng ina sa kanilang pagbaba.

Florita: Mag ingat kayo Lilia, April baka dumausdos kayo madulas pa naman yung lupa.
Paalala niya.

Lilia: Oh te mag ingat daw baka madulas ka at mauna ka pa sa kapatagan.

April: hahaha.. Dami mong alam. Alam mo yon? napipikong sagot niyal.

Lilia: Totoo naman eh, ikaw pa e gustong gusto mo nga iyon. Dagdag pa nito.

Florita: Maglubay na nga kayo, magkakapikunan na naman kayo nyan.

April: Si Lilia kasi nay e, pinatatawa ko tugon nito.

IKATLONG TAGPO (LUGAR NA MAILAW MATAO AT SIBILISADO)

Dumating ang mag anak sa kapatagan, makikita sa mata ni april ang pagka mangha. Sasakyan,
tao, matataas na pasilidad, mga ilaw na dilaw na animo’y ulan sa pag kutitap, kakaibang
kasuotan at marami pang iba, ang pumukaw sa atensyon ni april

April: Ayos… nandito na tayo sa syudad.

Lilia: Iwan ka na dito o kaya sumama ka na sa mga unat.

April: Di mo talaga ako lulubayan noh? Unatin ko kaya buhok mo?!! Naiiritang sagot ni
april.

Lilia: Sige ngaaa…

Florita: Ayan na naman kayo tigilan nyo na yan.

April: Ang ganda ng mundo para sa mga unat (bakas ang inggit nito sa kanyang mga
mukha)

IKA-LIMANG TAGPO (SA BUNDUKAN)

Pabalik at paakyat na ang mag anak sa bundok.


April: Ang ganda nung mga ilaw kanina noh? (tanong ni april sa kanyang kapatiddi ito
pinansin ni lilia at patuloy na umakyat sa matarik na kabundukan)

April: Hoyy! Naririnig mo ba ako? pasigaw na tanong ni april

Lilia: Ha? Ano ulet? Di ko narinig eh! tugon ni lilia na may pang aasar

April: Sabi ko ang ganda kako nung mga dilaw na ulan.

Lilia: Huhh? Ano pinagsasabi mo? natawa si lila pagkatapos marinig ang sinabi ng
kanyang ate)

April : Tapos yung buildings ang tataas, pati yung mga tao ang gaganda ng suot ang
gaganda ng buhok tapos ang puputi. (di magkaugagang kwento ni april)

Lilia: Ay nako ate nangangarap ka nanaman dyan hmpp (napangiti)

April: Meron pa nga ko nakita kulay pulang buhok eh, dagdag pa nito.

Lilia: Tingin mo bagay sayo yun? Hahaha (halos sumakit ang tiyan ni lilia sa kakatawa)

April: Panira ka naman eh

Florita : Hoy kayong dalawa tama na yan bilisan nyo na, wika ng kanilang ina.

IKA-ANIM NA TAGPO (SA ISANG TINDAHAN NG TELEBISYON)

Habang namamalimos si April ay nakakita siya ng telebisyon at namangha sya kanyang nakita
(ipinapalabas ang isang sikat na palabas sa telebisyon)

Mapapatulala si April sa tv at iniisip na sana siya din ay maaaring maging katulad nung mga ini
idolo ng mga tao.

April: BALANG ARAW MAGIGING KABILANG DIN AKO SA MGA UNAT.

IKA-PITONG TAGPO (SA KABUNDUKAN)

Pagdating sa kanilang baryo ay agad kinuha ni April ang isang salamin na kanyang binili mula sa
kanyang ipon noong siya ay namalimos.

April: Di naman ako panget kakaiba lang yung kulay ko kaya pwede din naman ako
makihalubilo sa mga taga unat, maganda ako.

IKA-WALONG TAGPO (SA KANILANG TAHANAN SA BARYO)

May mga gurong volunteer ang dumating sakanilang baryo daladala ang tulong pang kalusugan
at kaalaman.
Lea: Good Morning po mga ka baryo ako po si lea at kasama ko po ang kapwa ko guro
narito po kami para magpahatid nang kaunting tulong para sainyo

Florita: Nako maraming salamat po maam lea(nakipag kamay ang nanay ni april sa mga
volunteer teachers.)

IKA-SIYAM NA TAGPO (BUNDOK)

Bilang kultura ng pagsalubong sa mga bisita ay sumayaw ang tribo kasama ang mga volunteer
teachers. (katutubong sayaw ng mga aeta)

IKA-10 NA TAGPO (PAGHATID NI APRIL SA MGA GURO)

Nagpasiya si April na ihatid pababa ang mga guro

Lea: Ang daldal mo talagang bata ka nakakatuwa ka. Oh basta mag aral ka ng mabuti ha!

Edna: Tama para kapag nakapagtapos ka makahanap ka nang magandang oportunidad.

April: Opo naman tsaka gusto ko doon ako sa syudad kasama ng mga unat tapos
gagayahin ko yung postura at galawan doon tapos mamamasyal ako lagi para masaya.
Parang ang saya saya po kasi doon eh.

Edna: Wala namang masama sa mga nais mo basta lagi mong tatandaan na gawin ang sa
timgin mo na tama.

Lea: Kapag natupad mo na lahat nang pangarap mo, lagi kang bumalik sa mga taong
mahahalaga at nagpapasaya sayo.

Irene: Opo naman po.

IKA-11 NA TAGPO (BAHAY NG PAMILYA DEGADO)

Dahil sa kagustuhan ni april na manirahan at maranasan ang mga gawi ng mga unat, pinasiya
niyang bumaba ng kabundukan mag isa ngunit ayaw ng kanyang ama at ina na siya ay umalis.

Florita: Hindi april, hindi ka aalis!

April: Nay desidido na ko, tugon nito.

Leo: April tigil tigilan mo yan, biglang wika nito.

April: Pero tay makakapag trabaho ako don makakapag padala ako ng pera sa inyo.
(pangangatwiran ni april)

Leo: Hindi mo alam ang papasukin mo april, hindi mo alam kung anong klaseng mundo
meron sa patag hindi mo alam kung ano ang mga kapahamakan don wala kang ideya
kung anong pwede ng mangyari sayo doon at wala kami don para tulungan ka, galit na
tugon ngn kanyang ama.

April: Tay malaki na ko kaya ko na sarili ko,pag pupumilit ni april.

Leo: Sige umalis ka, bahala ka, desisyon mo yan

Florit: Pero leoooo…

Leo: Hindi Florita hayaan mo siya di niya na tayo kailangan pabayaan mo siya.

Tuluyan ng binalangkas ni April ang daan patungo sa kapatagan.

IKA-12 NA TAGPO ( SA SYUDAD)

Nang makababa ng bundok ay agad na naglakbay si april na walang patutunguhan sa syudad ay


may nakitang isang lugar na napaka raming magagandang ilaw

April : Napakaganda talaga ng dilaw na ulan at ang sasaya ng mga tao, ngayon lagi na
kitang makikita

Nagpatuloy si April sa paglalakad upang masilayan ang mga dahilan kung bakit siya tumungo
rito.

IKA-13 NA TAGPO ( SA SYUDAD)

Habang nag lalakad sa kalsada ay nakasalubong ang pamilyar na mga mukha

Lea: Oh bat nandito ka

Edna: Paano ka napadpad dito?

April : Ehh makikipagsapalaran lang po tska gusto ko po talagang maranasang


manirahan sa lugar ng mga unat, pinayagan naman po ako nila nanay

Lea: May matutuluyan kaba.

April: Wala nga po eh.

Lea: Kung gusto mo samin ka muna tumuloy tapos si aling ana nangangailangan ng
katulong sa kainan nya.

April: Nako nakakahiya po pero maraming-maraming salamat po maam mababait po


talaga ang mga unat.

IKA-14 NA TAGPO (SA BAHAY NG GURO)

Pag uwi ni April galing sa trabaho, ay agad syang kinausap ni Ma’am Lea.
Lea: April magpapasukan na, gusto mo ba mag enroll?

April: Opo sana ma’am.

Lea: Tama yan April kahit anong mangyari edukasyon ang mabisang sanda sa laban ng
buhay, kung gusto mo tutulungan kita makapasok dyan sa may malapit na eskwelahan
satin.

IKA-15 NA TAGPO (SA PAARALAN)

Pasukan na at tila nagdadalawang isip si April, dala nya ang kanyang mga gamit na pinaglumaan
lamang samantalang ang mga kaklase ay halos bago ang kagamitan.

April: Ang gagara ng mga dala nila nakaka inggit bibili din ako nyan bukas

Mela: onga eh kala mo kung sino e…

Nakipag kilala si April sa mga kaklase at sinakyan lang siya ng mga kaklase sa mga sinabi neto

April: Bagay ba sakin?

Janeth: hmm oo pwede na hahaha

Rose: Oo sobrang bagay hahahaha

April: Simula ngayon kaibigan ko na kayo ah

Janeth: Ah o-okay? (akmang makikipag kamay pero tinalikuran lamang si april ng


kanyang mga kaklase)

IKA-16 NA TAGPO (SA PAARALAN)

Naulit ang mga pambubully sakanya kahit na mismo ang mga tinuring na kaibigan ay ginagawa
siyang utusan.

Janeth: April bili mo nga ko tubig?

Rose: Kunin mo din tong mga to sa library.

Mela: ito din prenny pasabay

Hinayaan na lamang ni april ang mga yon dahil ang mahalaga sakanya ay kabilang na siya sa
mga unat.

IKA-17 NA TAGPO (SCHOOL FACULTY)

Napagkasunduan ng mga kaklase ni April na isabotahe si April


Janeth: sige na kuhanin mo na.. Bilis…

April: Seryoso ba? Sige antayin nyo ko dyan sa labas ha!

Rose: Tara na! Iwanan nyo na yan. (pabulong na sabi ni kaklase)

Pumasok si April at kinuha ang answer key sa lamase ng kanyang guro.

Di namalayan ni April na galing pala sa cr ang kanyang guro at sa di inaasahan..

Ms.Kristine: Ms.Degado anong ginagawa mo dyan?.. Wag ka na magpaliwanag kitang


kita ko na, laking gulat at napasigaw na lamang si Ms. Kristine

April: Maam kasi……

Ms.Kristine: Sumama ka sa akin sa guidance. Doon ka magpaliwanag.

IKA-18 NA TAGPO (SA PAARALAN)

Nang dahil sa pangyayari ay napatawan ng major offense si April halata ang pag iyak nito.

Nag aabang ang mga itinuturing kaibigan ni April at tila nabalitaan ang pagdawit sa kanilang
mga pangalan sa nangyari.

Rose: as if naman na welcome ka talaga sa grupo namin.ginamit ka lang namin. Di mo ba


alam sa tuwing kasama ka namin, napipilitan lang kami. Wala kang lugar dito sa mundo
namin. Don ka sainyo bumalik ka sa bundok nyo (sabay tawa at talikod nila kay April)

IKA-19 NA TAGPO (SA SYUDAD)

Gabi na at nadaanan niya ang magagarang pasilidad na minsang nagpasaya sa kanya habang siya
ay lugmok at mukhang talunan

April (habang umiiyak) akala ko magiging masaya ko sa mundong ito. Akala ko tanggap
ang mga kagaya ko dito. Ano na lang ang mukhang ihaharap ko sa mga magulang ko?
Sobrang daming nangyari na akala ko kakayanin ko. Tama nga ang aking ama, di ko nga
alam kung ano ang pinasok ko. Kailan matatanggap ang mga katulad ko dito. Hanggang
kailan mamamalimos ng atensyon at pagmamahal ang mga katulad ko galing sayo?
(patuloy ang pagtangis ni april habang pinagmamasdan ang ika niyay dilaw na ulan.

IKA-19 NA TAGPO (SA KABUNDUKAN)

April: tay…. Tatay ko

TATAY: April, anak bumalik ka (napangiti ngunit at bakas ang kanyang pangungulila sa
kanyang anak)
April: Tay sorry… patawarin mo ko, tama ka…. Tama ang mga tinuran mo na kailanman
ay di tayo magiging katulad ng mga unat na di natin sila mapapantayan

Tatay: Nauunawaan kita nak.. Pero di kailangan magpadalos dalos… tanggap ang mga
katulad natin sa mundo, madaya man ang tadhana pero may darating saan na itinakda..
Oo nga’t di tayo katulad nila at di natin sila mapapantayan dahil bawat uri ng tao ay
kailan ma’y di kinakailangang maging pantay dahil mayroon tayong sarisariling daan ng
buhay ngunit mayroon tayong iisang paroroonan at yun ay ang panginoon,

Nagkapatawaran ang mag ama at nag yakap ang buong pamilya

IKA-20 (SA ISIP NI APRIL)

Nagsimula ang lahat sa isang pangarap. Pangarap na kailanman ay di ko pinangarap. Mga


pagsubok sa sinuong sa pag-abot nito, pang-aalipusta, pang-mamata, na nagsasabing hindi ko
kaya, na kalianman ay hindi ako nababagay sa mundong ang tingin sa’kin ay iba. “Marumi”,
“walang alam” – mga salitang tinanggap ng aking kalamnan.

Sadyang makulay ang mundo. At nakasalalay sa bawat tao kung padidilimin nya pa ito. Ako ay
nangarap na minsan sanang mabigyan ng tinig ang isang tulad ko. Ako ay namulat, at iba ang
nakita ko – ang dilaw na ulan – na nagsisilbing pangarap sa kagaya naming kapos palad. Hindi
na ko pipikit. Ang tunay na dilaw na ulan ay hindi pala ang ilaw ng siyudad na akala ko’y
katatagpuan ng tunay na kasiyahan. Dahil ito, ay makikita sa aking lupang pinagmulan – sa
aking tahanan. Ang dilaw na ulan ay pagmamahalang wagas at walang katapusan – isang
kapangyarihang tulad ng isang bahaghari pagkatapos ng ulan.
DILAW NA ULAN
HANAPIN ANG SARILI SA IBANG MUNDO

(ISKRIP)

DILAW NA ULAN
Ang Dilaw Na Ulan ay isang payak na pelikulang obra ng Kolehiyo ng Edukasyon, kasabay ng
pagdiriwang ng Buwan ng Wika sa taong 2019.

Ito ay sumasaklaw sa kwento ng isang kabataan na nagmula sa kabundukan at nagnanais na


danasin ang buhay sa kapatagan kung saan akala niyang matatagpuan ang marangyang buhay. Si
April Degado. Isa siyang simpleng Aeta na nangangarap na maging katulad ng mga kabataan sa
siyudad - nakikihalubilo sa mga kapwa kabataan, nagsasaya at 'di na kailangang kumayod upang
may makain sa bawat araw, nagtatamo ng kalidad na edukasyon at may pagkakataong mag-abot
ng matayog na pangarap. Mapag-ambisyon man sa tingin ng karamihan, nais lamang niyang
patunayan ang sarili - na ang isang gaya nyang tubong bundok ay may kakayahan ring
makipagsabayan sa mga tiga patag.

Ang inakala niyang pagkamulat ay naging dahilan ng kanyang pagkabulag - sa tunay na


kahulugan ng dilaw na ulan.

MGA TAUHAN

IRENE JANE JUAN:

Bilang April, isang batang Aeta.

MARRIANE BATUCAN:
Bilang Florita, nanay ni April.

ANGELA SALCEDO:

Bilang Lilia, nakababatang kapatid ni April.

JACEL MENDOZA:

Bilang Teacher Lea, isang guro sa kapatagan.

JOSSA PERJES:

Bilang Teacher Edna, kasamahang guro ni Teacher Lea.

AMELIA GREGORY:

Bilang Janeth, kamag-aral ni Apri.l

PATRICIA PAÑAS:

Bilang Rose, kaibigan ni Janeth at kamag aral ni April.

CAMILLE FRANCISCO:

Bilang Mela, kaibigan nina Janeth at Rose, kamag-aral ni April.

IYVES SATAIRIPAN:

Bilang Marco, anak ni Aling Delia at kamag-aral ni April.

CARLA CAPARAS:

Bilang Aling Becky, nanay ni Marco.

CHRISTIAN JHACE CRUZ:

Bilang G.Alfredo Cruz, guro nina April.

ANGELICA GUEVARRA:

Bilang Kristine, kasamahang guro ni G.Cruz

Mga Ekstra:

MARK ANTHONY LOPEZ


MARIAN LABAYNO

MA. EUNICE MICABALO

RHIA MACAPAGAL

ABEGAIL DELA CRUZ

MICHELLE AGUILA

ANGELICA MAGBAG

SA MUSIKA NI :

LANZELOT SAMANIEGO

SA DIREKSYON AT PANULAT NI:

LYN CRIS DIANITO

SA PRODUKSYON NI:

CHRISTIAN JHACE CRUZ

You might also like