You are on page 1of 18

Si Rizal nag aaral sa UP, alam naman natin na may stereotype na pag UP nag aaral matic activist/ against

sa government. Then, UP has an online forum. Nag popost si Rizal doon ng insights nya about
government anonymously. Then, since matalino siya ilalaban siya sa debate. Mapipikon kalaban niya and
'yun ang makakabangga niya. Lahat ng galaw niya babantayan nun, kumbaga he gained an enemy.
Malalaman ng taong 'yun na si Rizal 'yung nag popost sa forum. Then, that person will get mad kasi anak
siya ng Presidente ng Pilipinas. (He just went to UP to study kahit na alam nya na taliwas ang UP sa
pagpapatakbo ng tatay niya.) And pwede rin na si Rizal is part ng organization ng film eme. And nagcacall
casting sila about sa gagawin nilang film na may shade ng politics. Then, makikita 'yun ng kaaway niya
and will report it immediately sa tatay nya/ presidente (sasabihin niya na may ginagawang organization si
rizal na against sa tatay nya - but the truth is call casting lang ng pwede maging actor ng pelikula)

red tagging - every weekend napunta sya sa church/ngo as volunteer para sa mga bata. Yung kaaway nya
magbabayad ng batang pulubi at uutusan na pumasok sa church/ngo and magbubulakbol sya doon
tatakas at manlilimos. Mahuhuli siya ng pulis (kasabwat or not) tas sasabihin niya na sindikato sila Rizal.
Si Rizal ang ipipinpoint nya at mareredtag ito.

Tatakutin friends nya para umamin na siya ang lider ng sindikato.

Pasko, araw ng paglaya niya tumawag siya kay Paciano na wag siyang sunduin at sya na lang ang uuwi ng
bahay para sabay sabay silang mag noche buena. Bago makapasok ng pinto babarilin siya, aakalain ng
pamilya na paputok lang yun. May mag dodoorbell which is yung kasabwat ng pumatay. Masayang
pupunta sa pinto ang pamilya, makikita nila si rizal na patay at may karatulang "wag t
SCENE 1

Papasok si Rizal sa loob ng bahay bitbit ang ilang papel. Masaya niyang binabasa ang mga
nakasulat sa papel. Lalapit ito sa kaniyang ina at magsasalita.

Rizal: Ma, pasado ako sa UP!

Lilingon ang kaniyang ina, hindi maipinta ang muka nito. Ilalapag niya ang hawak na walis at
hihingang malalim. Lalapit siya kay Rizal at hahawakan ang kamay nito.

Rizal: Ma, UPD!


Mama: Alam mo naman na ang UP ay---
Rizal: Pero ma pangarap kong mag aral sa UP. Libre tuition at quality pa ang education system.
Mama: May mga paaralan naman rito, dito ka na lang mag aral.
Rizal: Ma, mahal ang matrikula.
Mama: Kaya naman natin, may pera naman kahit papaano. At isa pa, malayo ang Diliman.

Malulungkot si Rizal at magkikibit balikat na lamang ito. Sasabat sa usapan si Paciano.

Paciano: Payagan mo na, Ma. Malapit lang naman ako sa Diliman, saakin na lang muna siya
tumuloy. Ako na bahalang umagapay sa kaniya.

Bubuntong hinga ang nanay nila at tutungo.

Mama: Sige, pero kung ano mang mangyari sa kaniya ikaw ang may pananagutan, Paciano.

Tatango si Paciano. Masayang haharap si Rizal sa kaniya at magpapasalamat.


SCENE 2

Sa Quezon City,

Rizal: Sa apartment mo talaga ako tutuloy, Kuya?

Umiling si Paciano.

Paciano: Nakahanap ako ng dormitory malapit sa paaralan mo, kilala kita at alam ko na mas
gusto mong maging independent kesa dumepende ka kung kani kanino.

Ngumiting muli si Rizal dahil sa sinabi ni Paciano.

Dinala siya ni Paciano sa Dorm na tutuluyan niya.

Paciano: Ito `yung dorm mo, ayos ba?


Rizal: Salamat, Kuya.
Paciano: Mag aral kang Mabuti, ako na bahala sa lahat.

Paciano: Bukas idadaan kita sa UP para sa orientation niyo, magpahinga ka na.

Kinabukasan,

Hinatid ni Paciano si Rizal sa UP at agad din itong nag paalam.

Nagmumuni muni si Rizal at pinagmamasdan ang mga estudyanteng nasa kaniyang nasa
harapan.
Agad na pumukaw ng atensyon nya ang tatlong estudyanteng nag uusap sa may hindi kalayuan,
lumingon ang isa sa mga ito tungo sa direksyon ni Rizal.

Nakangiti ito habang palapit kay Rizal, agad namang sumunod ang kaniyang mga kasama.

Cris: Hi, PolSci ka rin?

Nakangiting tumango si Rizal.

Rizal: Oo.
Cris: Ako nga pala si Cris. Ito naman sina Eli at Claire. Taga PolSci rin sila.

Naglahad ng kamay si Eli at agad din namang iyon tinanggap ni Rizal.

Eli: Eli, pare.

Sumegunda naman si Claire.

Claire: Hello, I`m Claire.

Bago pa makasagot si Rizal, napalingon ang apat sa harapan at nakita ang mga seniors ng UP.

(UP CHEER CHANT) Then nandon yung tatlong lalaking makakaaway niya.

Nagtatawanan ang tatlong lalki habang nakatingin kay Rizal.

Hideo: Bro, Bro, tignan mo `yung naka(color ng shirt)


Raphael: Bagong salta ata, Bro. Mukang hindi lalaban.

Magtatawanan silang tatlo.

Diego: Kailan ba may tumangkang lumaban sa`yo, pre? Ikaw na `yan oh!

Dumaan ang mga araw naging maayos naman ang pamumuhay ni Rizal sa Diliman. Masigasig
siya sa loob ng klase at dahil dito ay namamangha ang kaniyang mga propesor. Isang araw
habang nagrereview sina Rizal at Eli para sa paparating na preliminary exam, humahangos
naman na dumating si Claire.

Claire: Nabasa niyo ba `to sa forum? (ipapakita ang phone)


Rizal: Forum? (Nagtataka)
Cris: Wala ka pa ba dyan?
Rizal: Wala pa, ano ba `yan?
Eli: It`s like facebook group pero exclusive lang siya para sa mga katuladd nating taga UP.
Claire: Wait, invite kita sa forum.
Claire: Anyway, ito ang usap usapan sa forum ngayon. (Ihaharap ulit ang phone) Pinawalang sala
ng presidente ang anak ng isang senador na sangkot sa droga.

Kukunot ang noo ni Rizal.

Rizal: Bakit raw?


Eli: Sabi rito sa forum wala raw sapat na ebidensya para ipakulong pero nung nagkaroon ng raid
operation ang kapulisan nandoon ito.
Cris: Hindi kaya may foul play na nangyari?

Nagkibit balikat si Claire bago sumagot.


Claire: Hindi natin sure.

Pag uwi ni Rizal ay agad nyang binuksan ang phone nya at nagbasa sa forum. Patuloy siyang
nagbabasa hanggang sa may pumukay sa kanya na isang komento. Galing ito sa isang dummy
account.

Comment: Nadamay lang sa raid `yan. Maging masaya na lang kayo at hindi siya nakulong.

Rizal: Nadamay? Maging masaya? Pero ayon sa balita at iilang article na nabasa ko nakuhaan
siya ng droga sa bulsa at may records din ito sa pulis.

Huminga siya nang malalim at nagtipa ng sasabihin. Matapo iyon ay inilapag niya na ang phone
at nagpahinga.

Kinabukasan matapos ang unang subject nila nag aya si Claire na kumain.

Claire: Mang Larry`s muna tayo bago umuwi.


Cris: Pass muna ako, need ko lumuwas nang maaga. Traffic pauwi ng Cavite pag gantong Friday.
Rizal: Uuwi rin akong Laguna today. Pero Samahan ko muna si Claire.
Eli: Ako naman, dyan lang bahay ko oh. Tara kain na tayo.

Pagdating sa Mang Larry`s umorder si Eli ng makakain sila. Habang si Rizal at Claire ay
naghihintay sa kabilang table.

Claire: Nakita mo na ba `to sa forum? (Ihaharap nya ang phone)

Rizal smirk, hindi alam ni Claire na nakita niya na ang post na iyon. Dahil sa kanya rin naman
nanggaling ang mensaheng iyon.
Rizal: Hindi pa, patingin nga.

Ibibigay ni Claire ang phone.

Rizal: May point siya.


Claire: Kaya nga eh, napaisip din tuloy ako. Tapang niya rin, ano?

Lalapit si Eli sa table dala ang ang pagkain.

Eli: Ano pinag uusapan niyo?


Rizal: Forum pa rin. Alam mo naman `tong si Claire, tambay ng forum.
Claire: Grabe ka! Nandito kasi latest balita sa forum. Ayaw niyo `yun? Updated tayo.

Napaliling na lang ang dalawang lalaki.

Eli: May nabasa nga ako riyan kagabi. `Yung si Boligrafo ba `yun? Sabi niya dapat raw hinold
muna ng kapulisan yung anak ng senador. Sumatotal ay hindi pa naman tapos ang
imbestigasyon.

Claire: `Yan ang pinag uusapan naming ngayon. Ang dam ingang sumang ayon sa comments eh.
Kahit naman ako sasang ayon sa sinabi niya kasi may point naman talaga sya.

Palihim na ngumiti si Rizal nang marinig mula sa kaibigan ang mga salitang iyon.

SCENE 3
Biyernes pa lang ng hapon ay nakauwi na si Rizal ng Laguna. Kaya naman sa araw ng sabado kasama ang
kaniyang mga kapatid ay tumutungo sila sa “HELPING HANDS FOUNDATION” isang non-government
organization na naglalayon na tumulong sa mga bata.
Agad silang sinalubong ng mga bata at iilang kasami ng samahhan.

Bata 1: Hello po, Kuya!

Rizal: Hello, Kumusta ka rito?

Bata 1: Ayos lang po, ang tagal kita hindi nakita po.

Rizal: Busy si kuya eh. (nakangiti)

Ang mga kapatid naman ni Rizal na sila Ria, Lucy at Oly ay tumulong sap ag aasikaso sa mga bata.

Nagtagpo ang mata nila ng kaniyang Ate Nina.

Nina: Kumusta ka sa Diliman? At bakit hindi mo kasama umuwi si Ciano?

Rizal: Sa susunod na linggo raw uuwi si Kuya Ciano. Marami lang daw siyang inaasikaso roon. Ayos
naman ako roon, Ate Nina.

Nina: Wala namang bullies?

Umiling si Rizal.

Rizal: Wala naman…... so far.

Bumuntong hinga si Nina bago sumagot.

Nina: Riz, alam ko naman na di ka lalabanan ng pisikalan. Pero mag ingat ka naman, alam mo naman
mga tao roon.

Rizal: Oo na, oo na. Ako pa ba? (pabirong wika)

Buong maghapon ay ginugol nila sa pakikipaglaro sa mga bata at pagtulong sa gawain.

Kinabukasan araw ng linggo, maagang nagising ang mag anak upang magsimba.
Mama: Kumain na lang tayo sa labas pagkatapos ng misa.

Papasok pa lang sila ng simbahan ay hinarang na sila ng isang taong grasa, babae.

(baliw baliwaan like sisa)

Taong grasa: HAHAHHAHAHAAH mamamatay ka, mamamatay to oh!

Habang nakaturo ito kay Rizal.

Taong Grasa: *itataas ang manikang hawak* anak ko hihihihih crispin anak ko hihihih

Papa: Guard, may baliw rito oh.

Matutulala si Rizal dahil sa sinabi ng baliw at aaluin siya ng ina.

Mama: Tara, Joriz. Hayaan mo na `yan, magsisimula na ang misa.

Dumaan ang mga araw at patuloy pa rin ang normal na buhay ni Rizal sa UP. Isang araw habang
naglalakad sila Rizal papuntang Sunken Garden ay nakasalubong nila ang grupo nila Hideo.

Hideo: Hoy, bago kayo rito?

Sigaw ni Hideo sa kanila.

Rizal: Joriz pangalan ko, sino si Hoy?

Raphael: Aba, bastos ka ah!

Rizal: Ako pa? Sinong nanigaw kanina?

Eli: Pre, tama na `yan, hayaan mo na.


Claire: Oo nga, tara na.

Ngumisi sa Hideo at humarang sa daraanan nila.

Diego: H`wag kayong mag mamaangas sa school na `to.

Rizal: Grabe, naglalakad lang naman kami. Anong maangas doon?

Hideo: May araw ka rin, tandan mo `yan. (nakaduro kay rizal)

Nagpatuloy sa paglalakad ang magkakaibigan matapos ang eksenang iyon.

\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\

SCENE 4

Habang naglalakad si Rizal sa hallway ay may makakasalubong siyang lalaki, classmate niya sa isang sub.

Leon: Hello, ikaw si Joriz `di ba?

Tumango siya.

Rizal: Oo ako nga, bakit mo pala natanong?

Leon: Ah eh, ako ng apala si Leon. Classmates tayo sa Macroeconomics. Kasali kasi ako sa isang film
organization dito sa UP. Itatanong ko lang sana kung gusto mong sumali.

Rizal: Hindi ako umaarte eh.

Leon: Naku! Hindi ka naman aarte, nag hahanap kami ng creative writer.

Rizal: Titignan ko.

Leon: Ayon! Ito calling card ko, tawagan mo lang ako if go ka ha. Salamat, ingat ka!
Papalayo na si Leon samantalang si Rizal ay nakatitig pa rin sa calling card at pinag iisipan ang pagsali sa
film org.

Sa kabilang banda, mainit ang ulo at inis na inis si Hideo.

Diego: Kumalma ka nga muna, ano bang problema?

Raphael: Hindi mo ba nabasa?

Diego: Ang alin?

Raphael: May post na naman sa forum `yung boligrafo.

Diego: `Yun ba `yung nag post tungkol sa pinalaya ng Dad ni Hideo?

Tumango si Raphael.

Hideo: Humanda talaga siya pag nahanap ko siya. Hindi niya alam kung anong kaya kong gawin.

Diego: Pre, kumalma ka muna.

Hideo: (Titignan ng masama si Diego) Can you shut up? Hindi ka nakakatulong, Diego.

Diego: Pinapakalma lang naman kita, Bro.

Raphael: Diego, please. Tumahimik ka na muna.

Itinikom ni Diego ang bibig dahil sa mga salitang binitiwan nang kaniyang mga kaibigan.

Hideo: Do you agree with Boligrafo? (Haharap kay Diego)

Diego: (Mapapaisip) May point `yung sinabi niya.

Hideo: So, you`re telling me that my dad was wrong?

Napalunok si Diego.

Raphael: Tama na `yan, Bro. Walang sense kung pagtatalunan niyo pa `yan. Sa ngayon, hanapin muna
natin `yang Boligrafo na `yan. At dapat malaman natin kung an oba talagang gusto niyang patunayan.
Diego: Paano kung gusto niya lang naman talaga patunayan na kahit papaano ay tama pa rin naman ang
justice system ng bansa.

Hideo: Wala ka talagang kwenta.

Matapos ang pangyayaring iyon ay umalis na sina Hideo at Raphael habang naiwan si Diego na
pinagmamasdan sila papalayo.

SCENE 5

Sabado na naman at umuwi ng Laguna si Rizal para makasama ang kaniyang pamilya. Tulad ng
dati sama sama na naman silang magkakapatid na nagtungo sa Helping Hands Foundation.

Papasok pa lang si Rizal nang silid ay napukaw na ng kaniyang atensyon ang isang babaeng
mahihin na tumatawa, kausap ito ng kapatid niyang si Lucy.

Lucy: Joriz!

Lumapit si Rizal sa kaniyang kapatid

Lucy: Si Josie, friend ko. (Habang nakaturo kay Josie) Jo, ito nga pala brother ko, si Joriz.
Rizal: (Naglahad ng kamay) Nice to meet you, Josie.
Josie: Jo na lang. (Smiles)

Magsasalita na sana si Lucy nang bigla naman itong tawagin ng Ate Nina niya.

Nina: Lucy, halika rito sandal.


Lucy: Sige, Ate.
Lucy: Joriz, ikaw na muna bahala kay Josie. Ilibot mo siya rito or ipakilala mo siya sa mga bata.
Josie, siya na muna ang bahala sayo. Mauuna na muna ako.
Rizal: Sige, ako na ang bahala.

Nakangiti lang si Josie.

Haharap si Rizal kay Josie upang kausapin ito.

Rizal: Tara?
Josie: Saan?
Rizal: Ipapakilala kita sa mga bata rito.

Nagpunta si Rizal at Josie kung saan naroroon ang mga bata.

Bata: KUYA JORIZ!


Rizal: Hello!
Bata: Sino po siya? Girlfriend mo po ba? Hello po, Ate!
Rizal: Siya si Ate Josie niyo.
Bata: Hi, Ate Josie! Boyfriend niyo po ba si Kuya Joriz?
Josie: Hindi eh.
Rizal: Hindi niya ako boyfriend. Unless gustuhin niya, pwede naman.

Sasabat si Oly na nasa gilid lang pala nila.

Oly: Ay, sa harap talaga ng bata bumanat? Grabe `yun oh, `di ko kinakaya.

Nagtawanan silang lahat.


Tinapos nila ang araw na `yun nang sama samang nakikipaglaro sa mga bata.

SCENE 6
Bago pa man dumating ang professor ni Rizal ay nakapasok na siya ng silid. Tumabi siya sa
upuan nila Cris. Nakita siya ni Leon at tumabi na rin ito sa kanila.

Professor: Good morning, wala tayong class today pero nandito ako para iannounce sa inyo na
magkakaroon tayo ng debate. Makakalaban niyo rito ang mga third year.

Rizal: Bakit ho third year?


Nagtatakang tanong ni Rizal.

Professor: At bakit naman hindi?

Kumunot ang noo ni Rizal.

Rizal: Tungkol saan ho ba ang pagdedebatehan?


Professor: Sa pagkakaalam ko ang topic ay, sandal, ito (huhugutin ang pitaso ng papel) Is
freedom of speech is needed for a nation to grow.

Tumango si Rizal.

Professor: Bakit hindi na lang kaya ikaw ang maging representative ng freshmen?
Rizal: Ayos lang naman po sakin.
Claire: Oo agad? Hindi man lang nagdalawang isip? Lord, sana ganyan din po ako katalino.
(Pabulong na wika ni Claire.)

Professor: Are you saying something Ms. Rivas?


Claire: Ah eh, wala ho.

Matapos ang anunsyong iyon ay agad din umalis ang professor nila. Lumapit naman si Rizal kay
Leon. Habang sina Eli ay abala sa pag uusap.

Leon: Astig mo kanina ah!


Rizal: Hindi `no, nainis lang ako sa prof natin kanina. Ang bastos kasi sumagot, kaya ito napasubo
tuloy ako.
Leon: Kaya mo naman `yun, ikaw pa ba?

Nagtawanan silang dalawa.

Rizal: Tungkol nga pala sa film organization, gusto ko sanang sumali.


Leon: Ayun! Finally!
Rizal: Susulat lang naman ako `di ba?
Leon: Oo, susulat lang.
Rizal: May sinulat ako nitong bakasyon, baka maconsider niyo.
Leon: Sige, sige. Free ka ba bukas? Ipapakilala kita sa org.
Rizal: Libre ako today.
Leon: Sige, ngayong araw na lang.
Rizal: Kunin ko muna sa dorm ko `yung hardcopy.
Leon: Sige, goods. Kita na lang tayo sa Mang Larry`s.

Nagpaalam si Rizal kina Claire na pauwi na rin sa kani kanilang mga dorm. Pagbalik ni Rizal ng
dorm ay nagpahinga lang siya saglit at saka kinuha ang hardcopy ng kanyang obra. Nagtext siya
kay Leon na papunta na siya sa Mang Larry`s

At Mang Larry`s
Naunang dumating si Leon. Dumiretso na rin sila sa silid kung saan nananatili ang film org.

Leon: Guys, si Joriz. Classmates kami sa Macroeconomics. Siya pala `yung bagong writer natin.
Rizal: Hello!

Lumapit sa kaniya ang dalawang lalaki.

Leon: Ito pala si Teo at Kiko.

Nakipagkamayan si Rizal sa dalawang lalaki.

Rizal: Ito nga pala `yung hardcopy nung naisulat ko.


Kiko: Astig ah! May naisulat ka na agad?
Rizal: Noong bakasyon ko pa naisulat `yan.
Teo: Babasahin at aaralin naming muna ito. Titingnan natin if may mga changes na mangyayari.
Ayos lang ba `yun sa iyon?

Tumango si Rizal,

Rizal: Oo naman, ayos lang sa akin.

Bago matapos ang araw nakatanggap ng mensahe si Rizal galing kay Claire.

Claire: Ikaw ba si Boligrafo?


SCENE 7

You might also like