You are on page 1of 7

Role play rizal in Europe

1st scene:

Narrator: Nang makapagtapos ng kursong Medisina sa Unibersidad ng Santo Tomas, napagdesisyonan ni


rizal na ipagpatuloy ang kanyang pag aaral sa Espanya – sa kadahilanang hindi pa siya kontento at hindi
niya gusto ang Sistema ng edukasyon sa pilipinas. Maliban sa rason niyang iyon, gusto ni rizal na
obserbahan ang kultura, pamumuhay, linguahe, pamahalaan at mga batas sa mga bansang Europa
bilang kanyang paghahanda sa kanyang mission sa pagpapalaya sa mga Pilipino sa mga Espanyol.

Rizal: Kuya, gusto kong tapusin ang aking pag-aaral sa ibang bansa, at doon aalamin ko ang pamumuhay
ng mga kastila pati narin ang pamamalakad ng kanilang bansa at sa kanilang mga nasasakupan.

Paciano: kung ganoon, kailangan natin ng malaking pera sa mga gagastusin mo sa ibang bansa, pepe.

Rizal: huwag kang mag-alala kuya gagawa ako ng paraan.

Paciano: Ah, hindi! ako nalang ang bahala mahal kong kapatid, ako na ang bahala sa mga gagastusin mo
sa ibang bansa. Ngunit hindi dapat ito malaman ng ating pamilya lalo na si inang.

Rizal: Oo, kuya.

Narrator: Pumunta si Rizal sa kanyang malalapit na kaibigang sina Antonio Rivera, Chenggoy at ang
pamilya ni Orang para ipaalam ang kanyang desisyong pagpunta sa ibang bansa upang ipagpatuloy Ang
kanyang Edukasyon.

Rizal: Magandang araw sa inyo aking mga kaibigan, batıd kong malaman niyo Ang aking desisyong
tapusin Ang aking pag-aaral sa ibang bansa at para na rin alamin Ang pamamalakad nila roon.

Rivera: Kung yan Ang plano mo, pepe. Sinusuportahan ka namin sa iyong paglalakbay.

Rizal: Maraming Salamat kaibigan. Ngunit dapat ay ‘wag niyong pagsasabi ang aking plano sa kanino
man.

Chenggoy: Huwag kang mag-alala pepe Makakaasa kang hindi namin ipagsasabi ang iyong mga plano.

2nd SCENE

Narrator: Lumuwas si Rizal ayon sa tulong ng kanyang kapatid at walang ibang nakakaalam ng kanyang
pag-alis maliban sa kanyang kuya at ilan sa malalapit niyang mga kaibigan. Mayo noong 1882 umalis si
Rizal patungong Espanya. Noong setyembre 1882 nakilala at nakipag-kaibigan si Rizal sa anak ni Don
Pablo Ortiga y rey isang Spanish liberal at dating mayor ng Manila na si Consuela Ortiga y rey. At sa diary
ng binibini’y nabanggit niyang sa unang pagkakakilala nil ani Rizal ay higit na buong gabi sila nag-usap at
kung gaano kagalang si rizal dahil sa mga magagandang sinabi nito sakanya.
Rizal: Magandang Gabi senyora, ako nga pala si Rizal.

Consuelo: Magandang gabi Rizal, ako’y nagagalak na makilala ka.

Rizal: Sa aking pagkakaalam senyora. Ay ikaw ang pinaka magandang na anak ni Don Pablo Ortiga ang
dating mayor ng manila.

Consuelo: Hindi ka nagkakamali diyan, Rizal. Ako nga’y anak ni Don Pablo. Yan ba ang rason kung bakit
ako’y nilapitan mo?

Rizal; Paumanhin senyora. Nguni’t hindi yan ang rason ng aking paglapit. Ang pakay ko sayo’y malinis
senyora at iyon ay upang makilala ka ng lubusan.

3rd SCENE

Narrator: Makalipas ang ilang buwan, Nobyembre 1882 ng mag-enroll si rizal sa Universidad Central De
Madrid sa kursong Medicine, philosophy and letters. Sa sinulat ni Rizal na letra para sa kanyang kapatid
na si Paciano noong February 13, 1883 .Nabanggit niya rito ang pagkikipagkita niya sa mga iilang Pilipino
sa espanya na sina Marcello, Graciano, Maximo, Antonio, Llorento, Melecio Valentin, Eduardo, at ang
magkapatid na Paterno.

Marcelo: kumusta kana Rizal?

Rizal: ako’y mabuti naman marcelo.

Graciano: Rizal, sana’y maki-isa ka sa aming kilusan para ilathala sa karamihan ang mga paghihirap na
dinadanas ng mga kababayan nating Pilipino sa kamay ng mga Espanyol sa ating bansang sinilangan ang
pilipinas.

Marcelo: Ang kaalaman mo ay magiging malaking bagay para sa kilusan, rizal.

4th SCENE

Narrator: Isang taon makalipas ang pagtitipun nina rizal, namulubi ito sa kadahilanang nakaranas ang
kanyang pamilya ng regrasyon. Ganun paman hindi ito naging hadlang upang hindi magpatuloy si rizal sa
kanyang edukasyon. Hunyo 1884, nang Manalo din si rizal ng gold medal sa isang pakontest at sa gabi
gin iyon nang dumalo si rizal sa dinner party para sa dalawang Pilipino painters na sina Juan Luna at Felix
Ressureccion Hidalgo. Sa okasyon ding iyon nagbigay ng liberal speech si rizal.

Juan luna: kami’y masaya’t nakapunta ka ngayong gabi rizal.

Rizal: At ako’y nasisiyahang malamang kayo’y natutuwa sa aking presensya, juan luna.

Narrator: Sa pagatatpos ng gabi naging kontrobersiyal ang iniwang mga salita ni Rizal patungkol sa
pagbabago at sila’y simbolo ng kapayapaan at pagmamahal sa bansa.
5th SCENE

Narrator: Sa taong 1885 natapos ni Rizal ang kanyang dalawang kurso sa madrid. Taong 1885 hanggang
1886 nagtrabaho si rizal bilang assistant ni Dr. louis de Weckert na isang ophthalmologist. Sa parehong
taon din pumunta si Rizal sa Berlin at mas pinalawak pa niya ang kanyang kasanayan at kaalaman sa
ophthalmology at sa Taong 1887 natapos ni Rizal ang kanyang nobela na noli me tangere at sa tulong ng
kanyang kaibigang si Viola na pinansyal siyang tinulungan nito upang ma iprinta ang kanyang nobelang
noli.

Viola: kumusta ang iyong pagsusulat? Kaibigan

Rizal: Mabuti naman kaibigan natapos ko na din ang aking nobela

Viola: MAbuting balita yan, Rizal!

Rizal: Natapos ko nga ang aking nobela ngunit ‘di ko naman ito mailathala sa kadahilanang kulang ang
aking pera para mailathala

Viola: huwag kang mag-aalala kaibigan ako ang bahala!


Rizal: Salamat! Isa kang tunay na kaibigan Maximo!

Narrator: Mayo 1887 umalis si Rizal kasama ang kanyang kaibigang si Viola para sa Dresden at sa
kadahilanan ding gusto Makita ni Rizal si Blumentritt. Masayang sinalubong ni Professor blumentritt sina
Rizal sa railroad station sa leitmeritz kinilala ni Professor sa isang sketch ng mukha ni rizal. Tumayong
tour guide si blumentritt kina rizal at viola pinakilala rin niya sina rizal sa kanyang pamilya.

(titingnan ang sketch)

Blumentritt: sa wakas! Tayo nagkita ng personal kaibigan kong Rizal!

Rizal: oo nga kaibigan! Ito nga pala si Maximo Viola, siya ang kasama kong naglakbay patungo rito

Viola: MAganda araw sa’yo propesor

Blumentritt: Magandang araw kaibigan. O siya’t hayaan niyo akong ipakita sa inyo ang magagandang
tanawin rito

6th SCENE

Narrator: hunyo 19, 1887 sa dalawang put anim na kaarawan ni rizal napagdesisyonan nil ani viola na
lumabas upang ipagdiwang ang kanyang kaarawan. MAkalipas ang apat na araw din ay nang maghiwalay
ng landas si Rizal at Viola. Umuwi sa Barcelona si Viola at nagpatuloy naman si Rizal sa italya kung saan si
Rizal ay naglibot libot.

(kunwari umiinom si rizal at viola)

Viola: Kaibigan, Rizal. Maligayang kaarawan!

Rizal: maraming Salamat, viola!


Viola: anon a ngayon ang plano mo kaibigan?

Rizal: plano kong maglibot sa italya bago ako umuwi sa pilipinas

Viola: hindi ba’t masyadong delikado kung uuwi ka roon?

Rizal: Buo ang aking desisyon viola

Viola: kung yan ang iyong ninanais, kaibigan. Ako nama’y nakapagdesisyong bumalik sa Barcelona
pagkatapos ng apat na araw

Rizal:At ako’y magpapatuloy din

Narrator: Makalipas nga ang apat na araw ay naghiwalay ng landas sina maximo at rizal

7th SCENE

Narrator: Makalipas ang limang taon, malugod na pinagmasdan ni Rizal ang lugar na kanyang
pinanggalingan at nagbalik-tanaw sa mga araw ng nakaraan.

Rizal: Wala pa ring nagbago sa lugar na ito matapos ang limang taon.

Narrator: Mainit na sinalubong ng kanyang pamilya si Rizal sa kanyang pagbabalik.

Francisco: Maligayang pagbabalik anak!

Nanay: Anak ko! pepe! masaya ako’t nakauwi ka ng ligtas.

Mga kapatid: Kuya!

Narrator: Matapos ang mainit na pagbati sa isa’t-isa nagkaroon ng masayang salu-salo ang pamilya

*nag uusap ang pamilya sa hapag-kainan.

Narrator: bagamat nag-aalala ang kanyang pamilya sa maaring maganap kapag nabalitaan ng mga
Espanyol ang kanyang pagbabalik, hindi siya iniwan ng kanyang kuya Paciano sa pagharap sa mga
bumabatikos sa kanya.

Narrator: Sinikap ni Rizal na manindigan sa bayan at doon nagpatayo ng Gymnasium para sa kanyang
Medical Mission, lalo na sa mga taong mahihirap.

Narrator: Matapos ang ilang araw, nakatanggap si Rizal ng sulat galling kay Gov. Gen. Ferrrer na
nagsasabing kailangan siyang makausap sa Malacanyang

Rizal: Magandang araw po Gobernador Hneral, ano po ang aking maipaglilingkod sa inyo?

Gov General: Magandang araw din sayo Rizal, maupo ka. Ako’y nagagalak na Makita kang muli

Rizal: Salamat po, Gobernador.


Gov Gen: Nabalitaan ko ang tungkol sa iyong nobela, at maraming nagsasabi na ayon sa nilalaman ng
iyong nobela a ybumabatikos sa mga prayleng kastila at sa kanilang pamamahala.

Rizal: Hindi po. Nagsasabi lang po ako ng katotohanan.

Gov Gen: Sige, kung ganoon; maari ko bang mahingi ang isang kopya ng iyong nobela?

Rizal: Sige po. *inabot ni rizal ang nobela*

Narrator: Marami man ang mga bumabatikos kay Rizal, marami pa rin ang nagtanggol sa kanya at dahil
sa mga usapin na iyon, itinalaga ni Gov. Gen. si LT. Jose Taviel Andrade bilang bodyguard ni Rizal.

*Ipapakilala sa isa’t isa si Rizal at si LT. Taviel)------EXIT


Maraming nangyari sa buhay ni rizal magmula ng siya ay umalis sa Calamba. Sa mga panahon na iyon
hanggang sa matapos niya ang kanyang pag-aaral sa Madrid, nagtungo siya sa Paris at Germany para
siya ay mag aral ng Optalmolohiya. Hindi nagging madali kay Rizal ang pamumuhay doon, namasukan
din siya bilang kahalili ni Dr. Schweigger sa kanyang clinic.

(rayyan, magsusulat kunwari kay paciano)

Rizal: Aking kapatid, Paciano. Hindi ko lubos inaakalang hindi magiging madali ang aking buhay dito.
Ganun pa man ako’y patuloy na nagsusulat ng aking mga nobela at nagmamasid sa pamamalakad nila
dito. Sana’y maayos kayo riyan nina inang.

Narrator: Sa bansang Germany nakilala at naging kaibigan ni Rizal ang mga kilalang iskolar sa germany ng
panahong iyon.

Rizal: Magandang Gabi sa inyo ako nga pala sa Rizal, at ako’y nagagalak na makilala kayo.

Prof. Friedrich ratzel: Kinagagalak ka rin naming makilala, Rizal. Ako nga pala si Prof. Friedrich

Dr. Rudolf Virchow: Ako si Rudolf Virchow, at ito naman ang aking anak na si Dr. Hans Virchow. Kami’y
nasisiyahang makilala ka Rizal.

3rd SCENE

Narrator:

You might also like