You are on page 1of 55

Aralin 15

Ang Kultura at Pagbubuo


ng Pagkakakilanlang Pilipino
Prepared by:
ALICIA M. CABAÑA
Balik-aral:
Paano nagsumikap ang mga Pilipino upang
mapaunlad at maisulong ang ating kultura?
Pag-aralan ang mga larawan:
Sagutin:
Anong tradisyon ng mga Pilipino ang
ipinapakita sa mga larawan?
Ano ang nais ipahiwatig ng mga
larawan?
Tukuyin ang mga katangian at mga
tradisyon ng mga Pilipino.
ALAMIN
MO Subukin ang iyong
kaalaman sa pamamagitan ng
pagbilog sa mga katangian na
Kilala ang mga Pilipino sa makikita sa palaisipan sa susunod
na pahina.
iba’t ibang kaugalian,
tradisyon, at pagkain. Alam Maaaring pahalang o
mo ba ang iba pang mga patayo ang ayos nito.
katangian ng isang Pilipino?
Iba’t Ibang Katangian ng mga
Pilipino
 malapit na ugnayan ng pamilyang Pilipino

Binubuo ito
ng mga lolo at
lola, magulang, at
kanilang mga
anak.
Ama- pinuno ng pamilya, iginagalang siya at siya
ang gumagawa ng huling pagpapasiya.
Nagtatrabaho siyang mabuti para sa kaniyang
pamilya.
Ina - tumutulong din sa paghahanapbuhay at siyang
namamahala sa gastusin ng pamilya.
Minamahal din siya at ginagalang tulad ng ama.
Lahat ng mga miyembro ng pamilya –
nagtutulungan din

Lolo at lola - ang tagapayo. Mahalaga ang kanilang


opinyon sa bawat miyembro ng pamilya.
 paggalang ng mga anak sa kanilang mga
magulang
Hindi tama para sa mga bata ang gumawa ng
desisyon nang hindi kumukonsulta sa kanilang
magulang lalo na kung nakaasa pa sila sa mga ito.
Ang batang sumasagot sa kanilang magulang o
sa nakatatanda sa kaniya ay itinuturing na kawalang-
galang.
Dapat gamitin ang “po” kapag nakikipag-usap
sa matatanda tulad ng lolo at lola.
maawain at mapagbigay ang mga
Pilipino
Handa silang makiramay at magbigay ng
suportang emosyonal. Bukod dito, tumutulong
din ang mga Pilipino sa pangangailangang
pinansiyal, kahit pa sapat lamang ang kita nila.
Para sa mga hindi makapagbigay ng
tulong pinansiyal, tumutulong sila sa
pamamagitan ng pagbibigay ng kanilang
serbisyo.
may pakikisama
Nagpapakita sila ng pagtutulungan sa paggawa
at mabuting pagsasamahan.
Karaniwang umaayon ang mga Pilipino sa
pananaw ng pangkat at iniiwasan niyang magsalita
ng nakasasakit tulad ng pagsasabi ng “hindi” nang
walang pasubali. Ito ay upang hindi makasakit ng
damdamin ng kasama.
Ang katangiang ito ay nakapagpapaunlad ng
samahan ng isang grupo.
 bayanihan
Nangangahulugan na handa ang Pilipino sa oras
ng pangangailangan, krisis, o kalamidad. Hindi
lamang sa pagbubuhat ng kubo o sama-samang
pagtatanim o pag-aani nakikita ang bayanihan.

May iba’t ibang anyo ito sa kasalukuyang


panahon. Halimbawa nito ay ang rescue operation,
kusang-loob na serbisyong pangkalusugan, at
pagbibigay ng relief goods.
Maagap ang mga Pilipino sa pagtulong
sa mga taong nangangailangan nang hindi
naghihintay ng anumang kapalit.

Sa pangkalahatan, mapagmahal sa
kapayapaan ang mga Pilipino . Hangga’t
maaari, umiiwas sila sa pakikipag-away.
Tradisyon
 PAMAMANHIKAN
• Isa ito sa mga mahahalagang tradisyong Pilipino.
Kalimitang ang pamilya ng babae ang nangangasiwa
nito.
• Ang ikakasal na lalaki at ang kaniyang mga
magulang ay dadalaw sa pamilya ng babae para
pormal na hingin ang kamay ng dalaga bilang
mapapangasawa at para mapag-usapan ang darating
na kasalan.
• Kaugalian nang may dalang regalo ang bumibisitang
pamilya.
• Isang magandang daan ito para sa dalawang partido
na magkakilala.
 PAMAMANHIKAN
 PAGSAMA-SAMA NG
PAMILYA
• Karaniwang sa mga pagtitipon nagkakasama-
sama ang pamilya gaya ng Pasko, kasalan,
pagkamatay ng isang mahal sa buhay, Bagong
Taon, at araw ng kapanganakan.
• May mga pamilya namang nagtitipon-tipon kahit
walang espesyal na okasyon.
• Layunin ng pagtitipon-tipon na mapanatili ang
malapit na pag-uugnayan ng mga kasapi ng
pamilya na lubhang pinahahalagahan ng mga
Pilipino.
 PAGKAHILIG SA
PISTA

 Karaniwang may handaan tuwing pista sa


isang lugar.

 Maliban sa salo-salo ng pamilya at bisita,


may misa, parada, at iba-iba pang
programa tuwing pista.
Iba’t ibang Pagdiriwang sa Ating
Bansa
Pagdiriwang Petsa Lugar ng Paglalarawan
Pista
Pista ng Ikatlong Lungsod ng Panlalawigang
Sinulog Linggo Cebu patimpalak tungkol
ng Enero sa kahulugan ng
pagdating ng
mga mananakop na
Kastila para
mapalaganap ang
Kristiyanismo.
Pagdiriwang Petsa Lugar ng Paglalarawan
Pista
Araw ng Pebrero 3 Cabanatuan Binibigyang diin ng
Cabanatuan parada
ang paglago ng Nueva
Ecija at
pag-unlad ng Cabanatuan
mula
noong bago dumating
ang mga
Espanyol hanggang sa
pananakop
ng mga Hapon at
hanggang sa
kasalukuyan.
Pagdiriwang Petsa Lugar ng Paglalarawan
Pista
Semana Santa Marso 24– Buong Pagpapakita ng
(Mahal na 30 bansa paghihirap at
Araw) pagkamatay ni Kristo

Santa Cruz de Huling Lahat ng Pista na nagtatampok ng


Mayo o Santa araw ng bahagi magagandang dalaga ng
Cruzan Mayo ng bansa bansa na
nakasuot ng magagarang
tunika.
Pagdiriwang Petsa Lugar ng Paglalarawan
Pista
Pista ng Abril 10– Marawi Pista na nagpapaalaala
Kalilang 15 City ng
Lanao del anibersaryo ng charter ng
Sur Lungsod ng Marawi;
pagpapakita
ng mga tradisyonal na
awit at
sayaw ng Muslim,
eksibit ng
kulturang Maranao, mga
gamit,
pagkain at mga gawaing
ukol sa
relihiyong Muslim.
Pagdiriwang Petsa Lugar ng Paglalarawan
Pista
Pista ng Maskara Oktubre 19 Bacolod City Pinakamalaking taunang
Negros pagdiriwang na nagpapakita
Occidental ng
pagmamahal at kasayahan ng
mga katutubong taga-
Bacolod.
Kasabay sa pagdiriwang ng
charter ng lungsod ang mga
paligsahan
sa isports, palatuntunang
kultural,
at pagsasayaw sa kalye ng
mga nakasuot ng damit at
maskara tulad ng sa Mardi-
Gras.
Pagdiriwang Petsa Lugar ng Paglalarawan
Pista
Pista ng Gran Nobyembr Lungsod ng Pagdiriwang sa rehiyon
Cordillera e Baguio na
17–25 ginaganap sa Benguet
taon-taon
na nagtatampok ng
pagtitipontipon ng mga
tribu na nagpapakita
ng mga sayaw ng tribo at
pagtatanghal ng mga
ritwal ng
pasasalamat.
Pagdiriwang Petsa Lugar ng Paglalarawan
Pista
Pista ng Disyembr Paskuhan Pista ng malahiganteng
Higanteng e Village mga
parol San parol na may iba’t ibang
ng San Fernando, kulay.
Fernando Pampanga Sumusukat ng mula 10
hanggang
15 piye ang diyametro ng
mga
parol na ito.
Pagdiriwang Petsa Lugar ng Paglalarawan
Pista
Sayaw sa Mayo 17– Obando, Tatlong araw na pagdiriwang
Ubando 19 Bulacan ng pista ni San Pascual
Baylon, Sta. Clara at Nuestra
Señora de Salambao. Ang
mga mag-asawang walang
anak, nagpapasalamat na mga
magulang, nagpapasalamat na
mga magsasaka at
mangingisda ay nagsasayaw
sa kalye kasama ng mga
babaeng may kasuotang
makukulay para ipagdasal ang
mga
bata at magandang ani.
Pagdiriwang Petsa Lugar ng Paglalarawan
Pista
Pista ng mga Hunyo 29 Tubod, Isang kasiyahan sa kalye
Pintado Lanao del at paligsahan na
Norte nakasentro sa
matatandang kaugalian
ng pagta-tattoo na
nagpapahiwatig ng
tapang at istatus sa isang
pamayanan
Pagdiriwang Petsa Lugar ng Paglalarawan
Pista
Pista ng Hulyo 3–5 Basco, Kakaibang pistang kultural na
Sagayan Batanes. nagpapakita ng sayaw ng
pakikidigma ng mga lalaking
katutubo at ang “Kasiduratan”
ng mga babaeng Muslim na
suot ang kanilang makukulay
at kakaibang kasuotan.
Sumasali sa pistang
ito ang lahat ng mga bayan ng
lalawigan.
Pagdiriwang Petsa Lugar ng Paglalarawan
Pista
Pista ng Agosto 4– Malaybalay, Pagtatanghal kultural ng
Palupalo 5 Bukidnon iba’t ibang
bayan ng Batanes na
nagpapakita
ng mga kakayahan ng
mga Ivatan.
Pagdiriwang Petsa Lugar ng Paglalarawan
Pista
Pista ng Setyembre Bukidnon Kakaibang pista ng mga
Kaamulan 5–7 awit, sayaw at sosyo-
kultural na gawain na
nagsasama at pinag-iisa
ang mga tribo ng
pamayanan at ang iba
pang mga sektor ng
lalawigan ng Bukidnon.
GAWIN
MO
Gawain A
Isulat sa notbuk ang T kung ang pahayag ay
tama at M kung ang pahayag ay mali.

1. May malapit na ugnayan ang mga


pamilyang Pilipino.
2. Sa isang pamilyang Pilipino, ang ina ang
namumuno.
GAWIN
3. Lubhang maawain at mapagbigay ang mga
MO
Pilipino, lalo na sa pagtulong sa mga taong
nawalan ng mahal sa buhay.
4. Ang pakikipag-away sa kaibigan at
pananakit ng damdamin ang kahulugan ng
pakikisama.
5. Ang sistemang padrino ay ang paggamit
ng tagapamagitan kung may hindi
nagkakasundo.
GAWIN
MO
6. “Bahala na” ang ginagamit na ekspresyon
kapag ang tao’y naniniwala na ang kaniyang
tagumpay at pagkabigo ay nakasalalay sa
suwerte o kapalaran.
7.Ang ugali ng mga Pilipino na tapusin ang
mga Gawain sa oras ay tinatawag na mañana
habit.
GAWIN
8. Ang amor propio ay tumutukoy sa
MOpagpuna sa sarili.

9. Ang panggagaya ay isang katangian ng


mga Pilipino.

10. Taglay ng Pilipino ang mga kanais-nais at


di-kanais-
nais na katangian.
Gawain B
Itugma ang mga salita o parirala sa hanay B sa mga inilalarawan sa hanay A.
Isulat ang letra ng sagot sa notbuk.
GAWIN
MO
Gawain C

Pangkatang Gawain: Lights, Camera Action


Suriin ang iba’t ibang katangian at tradisyon ng mga Pilipino. Isa-
isahin ang epekto at bunga sa pagbuo ng pagkakakilanlan ng Pilipino.
Pangkat I - Pakikisama
Pangkat II - Pagkahilig sa pista
Pangkat III - Pagkakalapit-lapit ng pamilya
Pangkat IV - Pagiging matulungin
TANDAAN
MO
 Mayaman at makulay ang kulturang Pilipino.
 Mahalagang bahagi ng ating kultura ang iba’t
ibang tradisyong Pilipino.
 Ang mga tradisyong ipinamana ay katibayan ng
yaman ng kulturang Pilipino.
TANDAAN
MO
TANDAAN
MO
TANDAAN
MO
NATUTUHAN
KOKopyahin ang mga bilang. Lagyan ng bituin ang bilang
kung ito ay tumutukoy sa iyo bilang isang Pilipino at buwan ( )
kung hindi.
NATUTUHAN
KOKopyahin ang mga bilang. Lagyan ng bituin ang bilang
kung ito ay tumutukoy sa iyo bilang isang Pilipino at buwan ( )
kung hindi.
NATUTUHAN
KOKopyahin ang mga bilang. Lagyan ng bituin ang bilang
kung ito ay tumutukoy sa iyo bilang isang Pilipino at buwan ( )
kung hindi.
TAKDANG GAWAIN

Gumawa ng isang liham na nagpapamalas


sa paghanga sa mga katangian at tradisyon ng
mga Pilipino.

You might also like