You are on page 1of 9

Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino

2nd Quarter Performance Task


Grade 11-Sparrow

Mga pananaliksik patungkol sa layunin at halaga ng


kultural na pista sa Pilipinas, sa SHS Department
Akademikong taon 2919-2020.

Ipinasa nina:
Danah Reigne Anne Elejido
Joana Aira Cajipe
Har-C Munar
Remos Petrarch Santiago
Zenryc Matthew Lorica
Mark Joseph Valenzuela
Francis Roi Santos

Ipinasa kay:
G. Mico Macandog
KABANATA 1
Ang Suliranin at Kaligirang Pangkasaysayan
Sa kabanatang ito ay tatalakayin ang pangunahing detalye ukol sa
pananaliksik na may pamagat na “Mga pananaliksik patungkol sa
layunin at halaga ng kultural na pista sa Pilipinas, sa SHS Department
Akademikong taon 2019-2020” gaya ng Panimula, Kaligirang
Pangkasaysayan, at Paglalahad ng suliranin.

I. PANIMULA
Magkahalo ang relihiyon at kasayahan sa
buhay ng mga Pilipino. Namana nila ito sa mga kastila na
sumakop sa Pilipinas na may apat na raang taon. Ang pista ay
kainan, inuman, mga palabas, paligsahan, palaro at paseyo ng
mga banda ng musiko. May nobena at rosaryo sa loob ng siyam
na araw. Nagdarasal ang mga tao sa kanilang patron. Sa ika-
siyam na araw ng kapistahan, nagpapasalamat sila sa nakaraang
taon at humihingi ng isa pang mabuting taon, o ng masaganang
ani. Sa araw ng pista, ginigising ng musiko ang mga tao. May misa
sa simbahan. Maraming tao. May mga palaro at paligsahan.
Maingay kung pista. May prusisyon sa gabi. Iginagala ang imahen
ng patron sa baryo o sa poblasyon. May prusisyon sa ilog, kung
malapit ang bayan doon. Isinasakay ang imahen sa bangka. Ang
bangka ay may dekorasyon o palamuti. Ang mga taong sumasama
sa prusisyon ay nakasakay din sa bangka. Sa ilang mga bayan, ang
mga tao ay sumasayaw sa prusisyon. Mayroon pang pintado ang
mga mukha. Umiinom din sila ng alak o tuba para maalis ang
masamang ispiritu o inhibisyon sa kanilang katawan. Kung
bisperas ng pista, may koronasyon ng reyna at ng kaniyang mga
dama. May sayawan pagkatapos ng pista.

Ayon kay De Torres (2004) ang mga Pilipino ay


magalang sa kanilang mga ninuno, sa mga nakatatanda, at
maging sa mga taongmay katungkulan sa bayan. Maging ang
patay ay iginagalang nila tuwing unang araw ng Nobyembre
at binibisita nila ito sa kani-kanilang mga puntod para
bantayan magdamag at minsa’y pinaghahanda pa. Sa mga pista,
ang mga santo ay binibigyang-pugay at respetosa pamamagitan
ng paghahanda ng mga relihiyosong gawain tulad ng prusisyon,
parade at mga katangi-tanging maka-Pilipinong laro at
patimpalak na gumagamit ng lokal na sangkap. Ang mga patron
at santo ay binibigyang-pugay at respeto para sa saganang ani na
ibinigay ng nakaraang taon at hihilingin na sana’y mayroon pang
mas masaganang ani para sa mga susunod pang taon. Ang
mga pista kadalasan ay ginaganap ng Mayo ngunit ito ay
depende sa lugar o pista ng santo.Ayon sa librong isinulat ni
Gripaldo (2009) angmga Pilipino ay mayroon ng mga ritwal. Ang
pagpapakilala ng katolisismo sa Pilipinas ay nagbigay ng
kanluraning impluwensya sa mga tao at nagkakaroon sila ng
kamalayan sa mga relihiyosong ritwal na pang-kanluranin. Ang
matagumpay na pagbibinyag sa mga Pilipino ay dahil sa
paniniwala nila sa sarili nilang ritwal. Ang mga ritwal na ito
ay nakapagbigay ng malaking puwang sa pangrelihiyong
aspeto at sa sagradong paraan ng pamumuhay ng mga
Pilipino. Pangkalahatan, ang pang-Pilipinong pagpapahayag ng
saloobin ayisang paraan para mamuhay

Ayon kay Spagnola (2007) ang mga natural na


pampamilyang karaniwang gawain at makabuluhang ritwal ay
parehong nagbibigay ng struktura na gumagabay sa pag-uugali
at ang emosyonal na klima na sumusuporta sa maagang pag-
unlad ng tao. At ayon kay Wendt (2008) ang pista ay isang
tradisyon na nakuha pa mula sa sistemang kolonyal ng
gobyerno. Maraming binanggit ukol sa naunang mga konsepto ng
pista. Inilahad din niya na ang papel at tungkulin ng pista sa ilalim
nito ay upang mahulma ang mga utak ng sangkatauhan
tungo sa pinakamahusay na anyo, na siyang papel rin ng mga
relihiyosong grupo. Ngunit ito ay isa lamang bahagi ng
tradisyon. Ang mga pista ay pangkulturang pananakop.
Malayo na ang narating ng katolisismo sa katutubong paraan
ng pamumuhay at ang pista ay isa sa mga nakapag-ambag sa
proseso ng pagbabago.

Bakit nga ba namin napili itong paksa? Upang


malaman ng kadamihan satin ang importansya ng pista at kung
saan o pano ito nagsimula.
At upang maisabuhay at maisapuso pa natin ang orihinal na atin.
At para malaman at maintindihan natin paano lumago ang ating
bansa Para rin alam natin kung saan tayo nagmula at nagsimula
bago tayo nakarating sa kung ano tayo ngayon.
Mahalagang malaman natin ang ating pinagmulan dahil doon nga
tayo nagmula katulad na lang ng tulang nagsasabing kapag ikaw
ay hindi lumingon sa pinanggalingan ay hindi makakarating sa
siyang paroroonan.

KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN

Ayon sa kasaysayan, ang pistá ay bahagi ng


sinaunang pasalámat para sa pangangalaga ng mga diwata at
espiritu ng mga ninuno. Isinalin ito ng mga Espanyol sa
pagdiriwang ng mga santo”t santang patron ng Simbahan.
Tradisyonal na gawaing pampista noon ang misa, nobena,
prusisyon, at handaan. Nadagdag na kasayahan ang mga parada,
palaro, at palabas. Nagiging magarbo ito kapag todo ang
paghahanda sa mga tahanan, paligsahan sa maarteng parada,
paramihan ng bánda ng musiko, at patalbugan sa magastos na
programa’t palabas. Tinangka itong ipagbawal dahil magastos
para sa isang bansang naghihikahos, ngunit hindi nasawata.
Naging kasangkapan ang pistá sa patuloy na pag-iingat ng
tradisyonal na dulang komédya, tradisyonal na pagkain, laro, at
sining, at ibang kaugaliang Filipino. Nagiging pang-akit naman
ngayon sa mga turista ang iniimbentong mga sayáw panlansángan
(street dancing), na nilalahukan ng mga barangay at institusyon sa
bayan at isinasáma sa parada. Ang mga pagdiriwang sa Pilipinas ay
ang anumang pag-alaala at pagdaraos na ginaganap sa Pilipinas
bawat taon. Kinabibilangan ito ng masasayang mga selebrasyon at
pagsasakatuparan ng mga kapistahan. Dahil sa mga okasyon ang
mga ito, karaniwang kinasasangkutan ito ng mga punsiyon o
pagtitipon, mga seremonya, at mga parada. Ilan sa mga
halimbawa ng ganitong mga pestibal ang mga pagpipista ng mga
Pilipino upang alalahin ang Pasko o araw ng mga santo, kaarawan
o araw ng kapanganakan ng Pangulo ng Pilipinas, ang Sayaw sa
Obando, at ang Pasko ng Pagkabuhay. Ang mga pansibikong
pagdiriwang ay mga okasyong idinaraos sa Pilipinas sa loob ng
iba't ibang mga buwang nasa loob ng isang taon. Hindi ito mga
kapistahang opisyal kaya't mayroong mga pasok sa mga opisina at
mga paaralan. Ngunit may mga partikular na pook na
nagpapahayag na walang pasok sapagkat itinuturing ang pista
bilang isang pampook o lokal na pistang opisyal. Halimbawa ng
huli ang araw ng pagkakatatag ng isang lungsod o lalawigan sa
Pilipinas. Narito ang may mas malawak na sakop na mga
pagdiriwang na pangsibiko: ang Araw ng mga Puso, Linggo ng Pag-
iwas sa Sunog, Araw ng mga Ina, Araw ng mga Ama, Linggo ng
Wika (na kaarawan din ni Pangulong Manuel L. Quezon, ang Ama
ng Wikang Pambansa), Araw ng mga Nagkakaisang Bansa, Linggo
ng Mag-anak, Araw ng mga Guro, Araw ng Maynila, at Araw ng
Lungsod Quezon. Sa loob ng isang taon, maraming nangyayaring
mga pagdiriwang sa bansang Pilipinas. Kabilang sa mga uri nito
ang pagiging mga pambansang pagdiriwang, mga pansibikong
pagdiriwang, at mga pagidiriwang na panrelihiyon o
makapananampalataya.

I. PAGLALAHAD NG SULIRANIN
Ang pananaliksik na ito ay ginawa upang maipakita kung
ang mga milenyal ng Southernside Montessori School ay may
sapat na kaalaman ukol sa kultura ng pista sa Pilipinas sa
Panahong Milenyal. Sila ay tatanungin ng mga sumusunod na
katanungan:

a. Dapat ba Tayong Magdiwang ng mga Kapistahan?


b. sang magandang impluwensiya ba ang na-idulot ng Espanyol
sa pag-iwan satin ng tradisyong Fiesta?
c. Sa iyong palagay, napapahalagahan pa ban g ibang tao ang
kutura tulad ng Fiesta?
d. Kung oo ang iyong sagot, sa paanong paraan kaya nila
napapahalagahan ito?

II. SAKLAW SA DELIMITASYON

III. TEORITIKAL NA BALANGKAS

IV. KONSEPTWAL NA BALANGKAS

V. KAHALAGAHAN NG PANANALIKSIK

Sa mga Guro:
Ang pananaliksik na ito ay maaaring magamit ng isang
propesor sa pagpapaibayo ng mga kaalaman ng mga mag-aaral.
Makatulong rin ito sa pagbibigay kasagutan sa mga
katanungang naglalaro sa isipan ng mga estudyante.
Sa mga mag-aaral:
Ang datos na makukuha sa pag-aaral na ito ay
makatutulong sa paglinang ng kaalaman ng mga kabataan at
upang mabigyan nila ng halaga ang ating mga kultura at
tradisyon.
Sa mga mananaliksik:
Ang mga datos sa pananaliksik na ito ay magagamit ng mga
mananaliksik na nagsasagawa ng isang pananaliksik.

IV. TERMINOLOHIYA

VI. SANGGUNIAN

https://www.flickr.com/photos/nccaofficial/18443242589

http://www.seasite.niu.edu/Tagalog/New_Intermediate_Tagalog/ESSAYS/pistang
_bayan.htm?fbclid=IwAR0Dv187H5Gj-
cI8IWtvnH1ahEYgNZwO8_PYyvFmVWR4IXlvO7Zbk8oegmk

https://prezi.com/txtbe2szvjrq/kahalagahan-ng-pag-
aaral/?fbclid=IwAR3ujim03hxF6xbU_QC8_0QzDMf_X9V0_NgzxoEd5HLnyBMC9xg
uxgWl3mc

You might also like