You are on page 1of 5

Flora, Allianah Franchesca P.

Piling Larangan
12 STEM Platinum 2 nd Quarter – Week 3
Gawain 1:
1. Anong imahe ang pinakikita ng larawan?
- Ipinapakita dito ang isang pamilyang nagdarasal bago kumain ng noche Buena sa araw ng pasko.
2. Sumasalamin ba ang kulturang Pilipino sa larawan? Suportahan ang iyong sagot.
- Oo, dahil malakas ang paniniwala ng mga Pilipino sa Diyos. Kasama na rito ang pagdarasal bago
kumain na isa pa lamang sa maraming kaugaliang kanilang nakasanayan na may malaking
impluwensya hanggang ngayon sa ating buhay.
3. Mayroon ka bang karanasan na maaring iugnay sa larawan? Isalaysay ito.
- Katulad na lamang sa nasa larawan, nakaugalian na rin ng aming pamilya ang pagdarasal bago
kumain ng umagahan, tanghalian at hapunan.
4. Ano ang mensaheng nais ipabatid sa iyo ng larawan? Gaano ito kahalaga sa iyong sarili?
- Ang mensaheng nais ipabatid ng larawan ay ang pagkakaroon ng malaking pasasalamat sa Diyos
para sa pagkain at inumin na nakahain sa hapag, dahil ito ay nagsisilbing mga biyayang Kaniyang
ipinagkaloob. Ang kaugalian na ito ay parte na ng aking buhay dahli sa araw araw naming itong
ginagawa, kaya naman nakakatuwa na may mga ganitong gawain na makakapagbigay paalala sa
mga mamayan lalo na sa kabataan ng kahalagahan ng pasasalamat at pagbibigay importansya sa
bawat pagkain o biyayang ibinibigay sa atin ng Panginoon.
5. Makasusulat ka ba ng isang sanaysay buhat sa larawang ito? Paano mo ito gagawin?
- Oo, ang larawan at nagpapahayag ng iba’t ibang damdamin o kaisipan na makakatulong sa akin
upang makagawa ng isang malayang sanaysay. Ito ay aking magagawa sa pamamagitan ng pagkalap
ng mga susuportang datos sa aking interes o damdamin at maging ang paggamit ng trasisyunal
devices para magkaroon ng kohirens ang aking pagsulat at sa huli, bumuo ng konklusyon na
makakatulong upang maintindihan ng mga mambabasa ang kabuuan ng aking sanaysay at ang
aking nais ipahayag.

Gawain 2:
“Ang Pamilyang Pilipino; Noon at Ngayon”
I. Pagbabago ng Larangan at Aspekto
A. Teknolohiya
B. Siyensiya
C. Moda
D. Pelikula
E. Medisina

II. Pagbabago sa Personalidad


A. Kaugalian
B. Paniniwala
C. Kasabihan
D. Lumang nakagawian

III. Pinagkaiba Noon at Ngayon


A. Itsura, kasanyan at katangian ng mga kababaihan
B. Pagpapalagay ng tattoo sa katawan
C. Estilo ng pananamit
D. Kalinisang taglay ng likas yaman
E. Paggalang ng mga kabataan
F. Pagkain ng mga Pinoy
G. Halaga ng pera
H. Respeto sa magulang
I. Batikos sa pulitika
J. Tingin ng mga tao sa Pulis at Militar
K. Privacy ng mga tao
L. Internet
M. Telepono
N. Kulay ng balat
O. Pagpapahalaga sa responsebilidad ng pagiging buntis
P. Panlalait sa kapwa
Q. Ekonomiya ng Pilipinas
R. Estado ng bansa pagdating sa kayamanan

IV. Kongklusyon
A. Namumulat sa reyalidad ang mga mamamayan
B. Nagkakaroon ng iba’t-ibang interpretasyon at paniniwala
C. Pagsabay sa uso
D. Malaking impluwensya ng iba
E. Pagbaba ng ekonomiya

Gawain 3:
“Pilipinas; Isang Napakagandang Lugar”
Ang kultura ng Pilipinas o kalinangan ng Pilipino ay pinaghalong impluwensya ng mga katutubong
tradisyon at kultura ng mga unang mangangalakal at mananankop ng bansa noong unang panahon. Kasama na
dito ang malaking impluwensya ng mga Kastila sa paggugunita ng isang kapistahan na nagtatampok ng mga
makukulay na disensyo, maingay na kapaligiran at iba’t-ibang uri o putahe ng pagkain. Ang kapistahan na ito
ay nabuo at ipinagdiriwang sa tulong ng tatlong kadahilanan. Ang unang kadahilan ay bilang isang pasasalamat
sa mga kanilang patron o santo dahil sa mabuting ani o mabuting nangyari sa bayan. Ang pangalawang dahilan
ay bilang paraan ipakita ang sariling kultura o gawain ng tampok sa isang lugar. Bilang panghuling dahilan, ito
ay maaaring anibersaryo ng mahalagang pangyayari sa kasaysayan tulad ng pagbagongon ng isang lungsod o
bayan galing sa hindi kanais nais na karanasan. Sa kabubuuan, ang lahat ng ito ay nagpapakita ng debosyon ng
mga Pilipino sa pagdiriwang ng mga pista na kanila nang nakasanayan at tinggap bilang isa nang kulturang
Pilipino.
Kaya naman, halika’t maglakbay upang kilalanin ang makidiwang sa mga kilala at pinagmamalaking
kapistahan sa Pilipinas.

Dahil ito ang ating unang destinasyon, nais ko na agad itampok ang isa sa pinakamasaya at
pinakakilalang pista sa Pilipinas, ang Giant Lantern Festival na matatagpuan lamang sa lungsod ng San
Fernando, Pampanga. Ito ay kalimitang ginaganap ilang araw lamang bago ang araw ng pasko at may layunin
na ipakita ang mga mala-higante at makukulay na mga parol gawa sa abilidad at husay ng mga mamamayan ng
Pampanga. Kadalasan, ito ay yari sa mga papel, kahot, bakal, straw, plastic, capiz at iba pang materyales na
binubuo ng mga mamamayan nang mano mano kaya tiyak na ang mga manonood sa araw ng pagpapailaw ng
mga ito ay mamamangha. Ito ay simbolo ng sining, tiyaga at sipag ng mga Kapampangan kaya naman
mistulang totoong bituin ang kinakalabasan dahil makulay, kumukutikutitap, at at naggagandahang parol ang
makikita mo.
Kasunod naman nito ang Carabao Festival na ginaganap sa Pulilan, Bulacan kasabay ng pagdiriwang sa
kapistahan ng kanilang patron na si San Isidro Labrador tuwing ika-15 at ika-16 ng Mayo. Bilang pagkilala sa
pagdaraos ng parada ay lumuluhod ang mga kalabaw sa tuwing tatapat o bago tumapat ang mga ito sa
simbahan. Siyempre kasama na rin sa mga kaugalian na ito ang pagbibigay parangal at pasasalamat sa
pambansang hayop ng Pilipinas, ang kalabaw, dahil sa angking sipag at tulong nito dahil ang mga kalabaw ay
mistulang kapatid na ng bawat mamamayan ng Pulileno. Ito ay nagsisilbing tagapagdala ng kanilang mga
kalakal at higit sa lahat ay malaki ang tulong sa pangunahing pamumuhay ng mga mamamayan dito, ang
pagsasaka kaya naman tinitiyak ngmga magsasaka na ang ito ay araw-araw na napapakain at nabibigyan ng
wasting pagaalaga kapalit ng kanilang paglilingkod.

Para sa ating pangatlong destinasyon, tayo ay maglalakbay pabalik sa Zambales. Ang Lalawigan ng
Zambales ay kilala pagdating sa pagkakaroon ng masasarap na bunga o ani ng mangga. Kung kaya’t
matatagpuan dito ang “Dinamulag Mango Festival” o ang selebrasyon bilang pasasalamat sa masaganang ani,
partikular na sa mga malalaki at matatamis na manga. Ito ay taunang ginugunita tuwing sasapit ang unang
Sabado ng Buwan ng Abril na tumatagal ng isang lingo na tiyak na dinadaluhan ng maraming turinista o
manonood na may kanya kanya ring kasuotan na may desensyo o hugis itsura ng isang mangga. Gayunpaman,
sa kabilang ng malaking kasiyahan o paagdiriwag na ito, ang isa pang rason bakit nila ito inidinaraos ay upang
magpasalamat sa likas yamang taglay ng kanilang lalawigan at mang engganyo ng damdamin ng mga susunod
pang henerasyon upang patuloy na pahalagahan at ingatan ang kalikasan na bumubuhay sa ating bayan.

Pagkatapos ng kapistahang tampok ang kalabaw at mangga, dumako naman tayo sa kapistahan na may
kaugnay sa yamang tubig. Nangunguna na rito ang “Pandaw Festival” na ipinagmamalaki at idinaraos sa bayan
ng Pantabangan, Nueva Ecija tuwing ikaw-28 ng Abril. Ang salitang pandaw ay nangangahulugang may
kasiguraduhang may mahuhuli sa tuwing mangingisda kaya naman ginugunita nila ang kapistahang itong
upang magpasalamat sa masaganang huli ng isda at upang patuloy na sila ay biyayaan at gabayan sa kaniwalan
pang araw araw na kabuhayan. Sa katunayan, ang Pantabangan ay pinagmamalaki hindi lamang ng Nueva Ecija
ngunit maging na rin ng buong Pilipinas dahil ang bayan na ito ay isa sa malalaking produksyon ng isda sa Asya.

Pagdating sa kapistahan ay tiyak na nagunguna ang “Malatarlak Festival”. Ito ay ipinagdiriwang tuwing
ika-unang buwan ng taon, ang Enero at base na mismo sa pangalan nito, ito ay ginaganap sa lalawigan ng
Tarlac. Hindi katulad ng ibang kapistahan na itinatampok at kinikilala ang iba’t-ibang pagkain, hayop o
kabuhayan ng bawat lugar, ang Malatarlak Festival o mas kilala ngayong bilang “Melting Pot Festival” ay
ginugunita upang pahalagahan at gunitain ang mga unang tao na nagtayo ng sibilisasyon sa lalawigan, ang
ating mga kababayang Aetas. Ito ay dinadaluhan ng maraming indibidwal kalimitan ng mga mag-aaral na
kasuotang may disenyo o puno ng mga damong nagsisimbulo sa ibig-sabihin ng salitang “malatarlak” na hango
sa isang klase ng damo. Kasabay ng kasuotang ito ay ang pagpipinta ng itim sa buong katawan ng mga lalahok
sa kapistahan o makikisayaw sa parada.

Pagkayari ng malawawakang pag-iikot, tayo ay umaabot na sa gilid na parte ng Central Luzon o sa


lalawigan ng Aurora. Bilang ang Aurora ang kilala sa taglay nitong magaganda at malalaking karagadagat, dito
nagsimula ang tinatawag na “Kinagunasan Festival” na ginaganap sa bayan ng Baler, Aurora. Ang
“kinagunasan” ay isang salitang Baler at buhat sa salitang “gunas” na ang ibig sabihin ay pawi, ubos, wasak, o
lipol na naging bunga, dahil sa malaking pinsalang dala ng Tsunami ng sumalanta sa Baler noong 1735.
Matapos ang hindi kanais nais na pangyayaring ito ay taunang na nilang ginunita ang pagbangon at
pagsisimula muli ng mga mamamayan sa bayan ng Baler na nagpapakita ng totoong kahulugan ng
“Kinagunasan – A Celebration of Life, A Festival of Hope” at pagkakaroon ng matibay na determinasyon.

Pang huli man sa listahan ay tiyak na hindi naman pahuhuli sa ganda at kamangha manghang tanawin
na taglay ng lalawigan ng Bataan. Katulad ng ibang lugar, ang Bataan ay kilala rin hindi lamang sa likaw nitong
yaman kundi pati na rin sa aking husay at talent ng mga mamamayan at kaayusan ng pamamalakad at
desiplina sa lugar na ito. Sa katunayan, ang Bataan ay tampok bilang isa sa pangunahing distributor o
pinagkukunan ng samut-saring pagkaing pandagat dahil sa likas yamang taglay nito. Kaya naman,
pinagdiriwang sa bayan ng Orani ang “Alimango at Sugpo Festival” tuwing buwan ng Marso. Ang kapistahang
ito ay sumisimbulo ng maraming pasasalamat sa magaganda at matatabang huli ng mga mamamayan. Ito ay
isa lamang sa malawakang pagkakakilalan sa lalawigan ng Bataan at isa rin sa marami pang kapistahang
matatagpuan dito.
Sa kabuuan, tunay na ang mga Pilipino ay likas na mapagmahal sa kanilang minana man o kinagisnang
kultura. Dumaan man ang maraming taon, patuloy pa rin itong isinasagawa at inaalala upang magbigay pugay,
pasasalamat o pag-aalala sa paraan ng pagsasaya. Ito ang isa sa mga kulturang tumatak na sa ating kasanayan,
at tiyak na mapapatuloy hanggang sa susunod pang henerasyon. Ito ay susi sa kaunlaran ng bansang Pilipinas.

Gawain 4: Pagtataya
MALI 1. Mabubuo ang photo essay kahit walang larawan.
MALI 2. Maaring gumamit lang ng isang larawan sa pagsulat ng photo essay.
MALI 3. Kahit hindi sunod sunod ang mga larawan makakabuo ka ng isang sanaysay.
TAMA 4. Ang pagkakaugnay-ugnay ng mga larawan ay mahalaga sa pagsulat ng photo essay.
TAMA 5. Nakatutulong ang transiyunal devices sa pagsulat ng photo essay.

You might also like