You are on page 1of 8

MGA PISTA SA PILIPINAS

LUZON
Panagbenga
Ito ay ginaganap taun-taun sa Baguio na
ipinagdiriwang sa buong buwan ng Pebrero.
Ito ay ipinagdiriwang dahil sa kasaganahan
ng mga bulaklak sa Baguio.

Pahiyas
Isang makulay na pista na ipinagdiriwang tuwing ika-15 ng
Mayo sa Lucban,Quezon.Sapamamgitan ng pistang ito
pinasasalamatan ang mga
magsasaka sa dahil sa kanilang
masaganang ani ang kanilang patron na
si San Isidro Labrador.

Carabao Festival sa Pulilan,


Bulacan
Idinaraos ito tuwing ika-14 ng Mayo sa
bawat taon. Dahil sa daming
naitutulong ng kalabaw tinitiyak ng mga magsasaka na, araw-araw
ay napapakain at nabibigyan ng hustong pag-aalaga ang mga ito
kapalit ng kanilang paglilingkod. Ayon sa mga Pulileño, ang Carabao
Festival ay isang pagdiriwang ng pasasalamat sa kanilang patron, si
San Isidro Labrador. Bilang pagkilala, sa pagdaraos ng parada ay
lumuluhod ang mga kalabaw sa tuwing tatapat o bago tumapat sa
simbahan.

Mango

Festival
Sa masaganang aning mga
bungang mangga na mas kinilalang “sweetest and most delicious
mango world-wide” ay apat na araw ang ilulunsad na piyesta sa
lalawigan ng Zambales na tinaguriang “Dinamulag 2015”.

Ati-atihan Festival
Ipinagdiriwang tuwing ikalawa
hanggang ikatlong linggong Enero kada
taon ang pistang Ati-atihan sa Kalibo,
Aklan, bilang pagdakila sa Santo Niño.
Nagpapahid ng uling sa mukha at
katawan ang mga mananayaw, samantalang patuloy ang ritmong
tambol nawari ng nagsasagutan sa himig ng “Hala, Bira!” Makikilahok
ang buong bayan sa pista, magbabahagi na ng pagkain at inumin, at
isang linggong malalango ang mga lansangan. Hinango ang pista sa
maalamat na pagtatagpong mga katutubo at ng mga Kristiyanong
mananakop, at ang pagsambasa Santo Niño na malimit hinihingan ng
milagro.
Ang selebrasyon ng Ati-atihan
ay dinadagsa ng mga lokal at
dayuhang turista hanggang
ngayon.

VISAYAS
Sandugo
Ang Sandugo ay ang tradisyunal na kasunduan na pinatutunayan
ng pag-iisang dugo. Ito ay higit na tumutukoy sa ginawang pag-
iisang dugong Kastilang si Miguel de
Legazpi at Boholanong si DatuSikatuna noongMarso 16, 1565
sa Bohol upang selyuhan ang kanilang pagkakaibigan. Pinasok ni
López de Legazpi ang kasunduan upang tiyakin maayos na
pakikitungo sa kanilang mgakatutubo. Ito ang sinasabing unang
kasunduang internasyonal sa pagitan ng dalawang tao mula sa
magkaibang lahi, ang Filipino at Kastila.

Sinulog
Sumisiklab ang Lungsod Cebu, Cebu tuwing Enero dahil sa
pagdiriwang ng Sinulog. Gaya ng Ati-atihan, ang Sinulog ay
tinatampukan ng sagradong imahenng Santo Niño, at sa himig ng
“Pit Señor! Hala, Bira!” ay yayanigin ng tambol, palakpak, at hiyawan
ng
mga tao ang buong lungsod. Ang Sinulog ay binubuo ng halos isang
buwan na paggunita sa mahal na patron ng mga Sebwano, at
kabilang ditto ang Sinulog Bazaar, ang timpalak Sinulog, ang sining
at pangkulturang pagtatanghal, prusisyon, ang parade doonsa Ilog
Mactan, ang Reyna ng Sinulog, at ang makukulay na kuwitis na
pinasasabog sa himpapawid.

Maskara Festival
Unang ginanap ang MassKara
Festival bilang panghalili sa
kinagawian nang pagdiriwang sa
Bacolod na kinatatampukan ng
parada ng mga militar, pagkilala sa
ilang mga piling personalidad at
mga programang musikal tuwing
anibersaryo nang pagkakatatag ng
naturang lungsod. Nagsimula ito noong panahon ng krisis sa
naturang bayan. Ang mga kalahok sa pagdiriwang na ito ay
nagsusuot ng makukulay na maskara. Nakangiti ang mga nasabing
maskara na sumisimbulo ng ugali at pagkakakilanlan sa mga
residente ng Bacolod bilang
lungsod ng mga ngiti.

Pintados de Pasi
Festival
Ang Pintados de Pasi
Festival ay taunang
pagdiriwang na dinaraos
tuwing ikatlong linggo ng Marso
sa probinsiya ng Iloilo.
Itinaon ang kapistahan sa petsa
kung kailan naging siyudad ang
Passi, Marso 14, 1998.
Ang selebrasyong ito ay
sumasalamin sa mayamang kasaysayan ng Passi, Iloilo. Pangunahing
bahagi ng Pintado de Pasi Festival ang sayawan ng mga taong
napapalamutian ng tradisyunal na tattoo sa buong katawan. Sa saliw
ng musikang lumalabas mula sa tambol, plastik at kawayan
umiindayog ang mga mananayaw. Ang itaas na bahagi ng kanilang
katawan animo’y alon na marahang hinahampas ng hangin. Mayroon
ding talon, ikot, lukso at pagsipang paggalaw na parang isang
mandirigma.

Salakayan Festival
Ang Salakayan Festival ay
ipinagdiriwang tuwing unang
linggo ng Pebrero sa bayan ng
Miag-ao sa lalawigan ng Iloilo. Isa
itong selebrasyon ng kasaysayan
na nagbibigay ng oportunidad
para sa mga Miagawanon at mga
dumarayong bisita na
makapagsaya at magkasama sa
isang makulay na kapistahan.

MINDANAO

Kadayawan Festival
Ang Pista ng Kadayawan sa
Dabaw ay isang linggong
selebrasyon ng pasasalamat para
sa masaganang ani. Ito ay
ipinagdiriwang tuwing ikatlong
linggo ng Agosto sa Lungsod ng
Davao.
Ang salitang “Kadayawan” ay
nagmula sa katutubong salitang
“dayao” na ang ibig sabihin ay
“madayaw” – isang ekspresyon
na ginagamit din upang
ipaliwanag ang mga bagay na
mahalaga,
maganda, mabuti at kapaki-pakinabang. Sa Mandaya, ito ay
tumutukoy sa isang magandang bagay na nagdadala ng suwerte.

Kaamulan Festival
Ipinagdiriwang ang
Kaamulan sa lalawigan ng
Bukidnon, partikular sa
lungsod ng Malaybalay, simula
sa ikatlong linggo ng
Pebrero hanggang ika-10 ng
Marso. Bilang isang
etnikong pagtitipon,
ipinagdiriwang ng
Kaamulan ang mga
tradisyon at pinagmulan ng
pitong tribo na orihinal na bumuo sa lalawigan ng Bukidnon. Ang
mga tribung ito ay kinabibilangan ng Bukidnon, Higaonon, Talaandig,
Manobo, Matigsalug, Tigwahanon at Umayamnon. Marami sa mga
miyembro ng nasabing mga tribo ang nagtitipon-tipon na nakasuot
ng mga hinabing kasuotan at mga aksesorya katulad ng mga hikaw,
kwintas, pulseras, mga anting at iba pang adorno sa katawan.

Lanzones Festival
Ang mga lokal na mamamayan ng
Mambajao, Camiguin at mga
turista ay nagsasaya sa isang
linggong selebrasyon na may iba’t
ibang aktibidad na nagpapakita ng
yaman ng kultura ng Camiguin.
Kontribusyon na rin ito ng mga
mamamayan upang makilala
ang Mindanao bilang isang cultural
tourism destination. Ilan sa mga
ito ay ang sayawan sa kalsada,
parada ng lanzones, agri-cottage
industry
products exhibits, at beauty pageant (Mutya ng Buahanan). Bukod
dito, inaabangan din ang taunang barangay beautification
contest, indigenous sports, at iba pang pagpapamalas ng lokal na
kultura.

Tuna Festival
Ang Tuna Festival ay isang
pagdiriwang na
nagaganap sa loob ng isang
linggo, simula huling linggo
ng Agosto hanggang unang
linggo ng Setyembre. Ito ay
nagaganap sa General Santos
City, na siyang tinuturing na
“Tuna Capital” ng
Pilipinas. Ang okasyong ito ay
nagsisilbing pagpapahalaga sa tuna bilang pangunahing
pinagkukunan ng kita ng lugar. Ito rin ay dinadayo ng libu-libong
mga turista, kung kaya’t ang Tuna Festival ay pinapahalagahan din
bilang isa sa mga pinakasikat na “tourist attraction” sa bansa.
Hermosa Festival

Ang Zamboanga La Hermosa o Fiesta Pilar ay isa sa mga pistang


ipinagdiriwang sa Zamboanga bilang pagbibigay-pugay sa
milagrosong imahen ng Ating Babae ng Pilar sa Fort Pila. Naniniwala
ang mga taga-Zamboanga na naging simbolong kultural ang imahen
sa pagkakaisa ng mga tao sa kanilang lugar.

Nagsisimula sa 1 hanggang 12 ng Oktubre ang fiesta, kung saan


isinasagawa ang novena, paputok, parada, kultural na
pagtatanghal, regatta, at ang parada ng Miss Zamboanga.

You might also like