You are on page 1of 15

3

Pagkakakilanlang Kultural
ng Kinabibilangang
Rehiyon
Modyul sa Araling Panlipunan 3
Ikatlong Markahan • Ikatlong Linggo

ROMANA T. TOPAO-I
Tagapaglinang ng Modyul

Redeveloped for DepEd LMS by:


OLIVER T. WAKING

Kagawaran ng Edukasyon.Rehiyong Administratibo ng Cordillera

Pangalan: Baitang at Seksiyon:


Republic of the Philippines
DEPARTMENT OF EDUCATION
Cordillera Administrative Region
SCHOOLS DIVISION OF BAGUIO CITY
No. 82 Military Cut-Off Road, Baguio City

Inilathala ng:
Learning Resource Management and Development System

PAUNAWA HINGGIL SA KARAPATANG SIPI


2020

Ayon sa Seksiyon 9 ng Presidential Decree No. 49:

“Hindi maaring magkaroon ng karapatang-ari sa anumang akda ang


Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunman kailangan muna ang pahintulot ng ahensya o
tanggapan ng pamahalaan ng naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang
sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensya o tanggapan ay ang pagtakda ng
kaukulang bayad.”

Ang materyal na ito ay binuo para sa implementasyon ng K to 12 Kurikulum


sa pamamagitan ng Curriculum Implementation Division (CID)- Learning Resource
and Management System (LRMDS). Maaaring paramihin ang kopya nito para sa
layong pang-edukasyon at pinahihintulutang iwasto, dagdagan, o pagbutihin ang mga
bahagi sa kondisyong kikilalanin ang orihinal na kopya maging ang karapatang-ari.
Walang bahagi ng kagamitang ito ang maaaring gamiting pagkakakitaan.

ii
PAUNANG SALITA

Ang modyul na ito ay inihanda para sa mga mag-aaral na nasa


Ikatlong Baitang sa asignaturang Araling Panlipunan.

Tinatalakay at inilalarawan dito ang Pagkakakilanlang Kultural ng


Kinabibilangang Rehiyon.

Date of Development : Marso, 2021


Resource Location : Dibisyon ng Lungsod ng Baguio
Learning Area : Araling Panlipunan
Grade Level : 3
Learning Resource Type : Modyul
Language : Filipino
Quarter/Week : Q3/W3
Learning Competency/Code: Nakapaglalarawan ng
pagkakakilanlang kultural ng
kinabibilangang rehiyon. (AP3PKR-IIIb-c-3)

iii
PASASALAMAT

Taos pusong pasasalamat ang ipinapaabot sa mga sumusunod


na indibidwal at tanggapan na naging bahagi sa pagkabuo ng
modyul na ito.
Sa Education Program Supervisor para sa asignaturang
Araling Panlipunan na si Dr. Marina D. Tabangcura na nagbigay sa
tagapaglinang ng pagkakataon na makagawa ng modyul.
Sa kasalukuyang Punong Guro ng Apolinario Mabini Elementary
School, Gng. Proserpina M. Estacio, at G. Jerry D. Walsiyen, Ulong-guro
ng AMES, sa kanilang walang sawang paggabay upang matapos at
mabuo ang modyul na ito.
Sa aking mga kapwa guro sa AMES sa pagbabahagi ng
kanilang kaalaman. Kay Gng. Rebecca S. Busaing na tumulong upang
maiwasto ang modyul na ito.
Higit sa lahat sa Poong Maykapal sa kanyang gabay at
patuloy na pagbibigay ng lakas maging pisikal at ispirituwal para
ang gawaing ito ay matagumpay na matapos.
School Learning Resource Management Committee
PROSERPINA M. ESTACIO School Head/Principal
JERRY D. WALSIYEN Assistant to the Principal
and
Learning Area Specialist
NACKY F. RODELA School LR Coordinator

Quality Assurance Team


MARINA D. TABANGCURA EPS – Araling
Panlipunan ARMI VICTORIA A. FIANGAAN EPS -
LRMDS

Learning Resource Management Section Staff


ARMI VICTORIA A. FIANGAAN EPS – LRMDS
Christopher David G. Oliva Project Development Officer II –
LRMDS Priscilla A. Dis-iw Librarian II
Lily B. Mabalot Librarian I
Ariel Botacion Administrative Assistant Officer

CONSULTANTS

JULIET C. SANNAD, Ed.D


Chief Education Supervisor – CID

CHRISTOPHER C. BENIGNO
OIC, Assistant Schools Division Superintendent

MARIE CAROLYN B. VERANO, CESO V


Schools Division Superintendent
iv
INTRODUKSYON
Ang Rehiyong Administratibo ng Cordillera ay
maituturing na mayaman sa kultura. Ang kultura ay
sumasalamin sa paraan ng pamumuhay ng mga pangkat
sa isang lugar. Kabilang na dito ang mga pagdiriwang, wika,
kaugalian, paniniwala, tradisyon, sining, pagkain at iba pa.
Ang bawat lalawigan ay nakikilala dahil sa natatanging
kultura na nagbibigay-daan sa kanilang pagkakakilanlan.
Ang mga pagdiriwang ay isang paraan ng pagpapakita
ng kabuoan ng kultura ng isang lalawigan. Dahil dito,
nagkakaroon ng pagtutulungan at ugnayan ang mga
karatig lalawigan. Lumalago rin ang turismo ng isang lugar
dahil sa mga pagdiriwang na ito.

PAGTALAKAY SA ARALIN
Narito ang mga pagdiriwang sa bawat lalawigan at
mga lungsod sa rehiyon.

Lalawigan
/Lungsod PAGDIRIWANG

Abra Kawayan Festival


Tinawag itong Kawayan Festival dahil dito ang
pangunahing pinanggagalingan ng kawayan sa
Hilagang Pilipinas. Ipinagdiriwang ito tuwing
Marso. Ipinaparada dito ang iba’t ibang
produkto mula sa kawayan, mais, tabako at
palay. Maliban dito, ipinapakita din ng Abrenos
ang mayamang kultura sa larangan ng sayaw,
pagkanta, paggawa ng mga muwebles at iba
pa.

1
Downloaded from flicker.com

Apayao Say-am Festival


Ito ay ipinagdiriwang sa buwan ng Pebrero
bilang paggunita sa pagkakahiwalay nito sa
lalawigan ng Kalinga. Dito rin ipinapakilala ang
mga produkto sa pamamagitan ng Agri-Tourism
and Trade Fair. Itinatanghal din dito ang mga
katutubong sayaw at awit.

Benguet Adivay Festival


Ang “adivay” ay salitang Ibaloi na ang ibig
sabihin ay sama- samang magdiwang. Sa
pagdiriwang na ito binibigyang halaga ang
Agro-Industrial at Trade Fair na nagpapakita ng
iba’t ibang produktong gulay tulad ng
patatas, repolyo, carrots at iba pa na mula sa
Benguet. Ipinagdiriwang ito tuwing Nobyembre.
Strawberry Festival

Unang ginanap ang pagdiriwang na ito noong


1981 upang ipalaganap ang produktong
strawberry ng lalawigan. Hanggang ngayon ito
ang isa sa mga pagdiriwang na dinaragsa ng
mga turista. Ipinagdiriwang ito sa La Trinidad
tuwing buwan ng Marso.

2
https://www.pna.gov.ph/articles/1065448

Lungsod Panagbenga Festival


ng Baguio
Ang “Panagbenga” ay salitang Kankana-ey na
ang ibig sabihin ay panahon ng
pamumulaklak ng mga halaman. Ito rin ay
sumisimbolo ng pagbangon ng lungsod mula sa
mapaminsalang lindol noong 1990. Tinatawag
din itong Flower Festival. Madalas dinarayo ito
ng mga turista dahil sa Street Dancing, Float
Parade, at Session in Bloom. Ipinagdiriwang ito
tuwing buwan ng Pebrero.

Downloaded from
flicker.com

Ifugao Kulpi ad Asipulo


Pista ng bayan na kinuha sa seremonya na salita
na ang tawag ay Kulpi. Ito ay pagpapasalamat
ng pamilya pagkatapos ng paglilipat ng mga
tanim na palay. Idinara os ito tuwing Pebrero.

3
4
Ammong ad Alfonso Lista
Pista ng bayan na mula sa salitang Ifugao na
“ammong” na ang ibig sabihin ay pagsasama-
sama. Idinadaos ito tuwing buwan ng Mayo.
Imbayah ad Banaue Festival
Ipinagdiriwang ito sa Banaue, Ifugao tuwing
ikatlong taon sa buwan ng Abril. Ito ay
nilalahukan ng 18 na barangay na nagtitipun-
tipon suot ang kanilang mga bahag at tapis, dala
rin ang kanilang mga kagamitan tulad ng sibat at
itak. Dito ipinakikita ang mayamang kultura ng
Banaue na kanilang isinasabuhay mula noon
hanggang sa kasalukuyan.

Kalinga Ulalim Festival


Ipinagdiriwang ito tuwing Pebrero. Ito ay
nagpapaalala sa paghiwalay at pagiging
malayang lalawigan ng Kalinga mula sa
Apayao. Ang kape ay isa sa pangunahing
produkto na naggagaling dito. Ipinakikita rin dito
ang kagalingan nila sa paghahabi ng tela at iba
pang bagay na nabuo ng mga taga Kalinga.
Ang Kalinga ay tinawag na “Peacock of the
North” dahil sa makukulay nilang kasuotan na
karaniwang isinusuot nila sa ganitong
pagdiriwang.

5
Lungsod Matagoan Festival
ng Tabuk
Sa pagdiriwang na ito ipinapakita ang mga
produkto ng mga taga Tabuk na nanggaling
sa iba’t ibang bahagi ng Kalinga. Ipinapakita rin
ang G-string Marathon sa pamamagitan ng
pagsasayaw at pagkanta.

Mt. Lang-ay Festival


Province Ang “Lang-ay” ay wikang naglalarawan ng mga
gawain ng tao gaya ng pagkamasayahin,
pagkamagalang, mabuting pagsasama ng
pamilya, magiliw na pagtanggap sa mga bisita
at mabuting pagsasama ng lahat. Ang pistang ito
ay ipinagdiriwang tuwing Abril.

Downloaded from flicker.com

6
GAWAIN:
Isulat ang TAMA kung ang pahayag ay tungkol sa
pagkakakilanlang kultural ng Rehiyong Cordillera,at MALI
kung hindi. Isulat ang sagot sa patlang bago ang bilang.
1. Ang bawat lalawigan ay nakikilala dahil sa
natatanging kultura na nagbibigay-daan sa
kanilang pagkakakilanlan.
2. Ang pagdiriwang ng mga pista ay nakatutulong sa
pagpapakilala sa sariling produkto ng lalawigan.
3. Naipapakita ang mayamang kultura ng isang
lalawigan at rehiyon sa mga pagdiriwang na
ginaganap dito.

4. Hindi mahalagang ipakita at ipakilala ang


natatanging kultura ng lalawigan.

5. May iisang kultura ang mga tao na naninirahan sa


Rehiyong Administratibo ng Cordillera.

7
WRITTEN WORK
Basahin ang bawat pangungusap. Isulat ang titik ng tamang
sagot sa patlang bago ang bilang.
1. Anong pangunahing produkto ang
ipinagmamalaki
sa Festival na isinasagawa sa Abra?
a. strawberry b. kape c. kawayan d. palay
2. Anong prutas ang nagpapatanyag sa Benguet?

a. strawberry c. mansanas
b. dalandan d. bayabas

3. Alin sa mga sumusunod ang karaniwang isinasagawa


tuwing ipinagdiriwang ang Matagoan Festival?
a. Pagpapakita ng G- String Marathon sa
pamamagitan ng pagkanta at pagsayaw.
b. Paggawa ng muwebles mula sa kawayan.
c. Pagkakaroon ng float parade.
d. Paghahabi ng tela.
4. Bakit tinaguriang “Peacock of the North” ang Kalinga?
a. Dahil makukulay ang kanilang kasuotan.
b. Dahil marami silang kasuotan.
c. Dahil sa mga materyales na ginamit sa mga kasuotan.
d. Dahil simple at iisa lang ang kulay.

5. Paano nakatutulong ang pista sa pagkakakilanlang


kultural ng rehiyon?
a. Nagkakaroon ng pagtutulungan at ugnayan ang
mga karatig lalawigan.
b. Naipapakilala ang mayamang kultura ng
bawat lalawigan.
c. Nagkakaroon ng kamalayan ang mga tao
tungkol sa kultura ng bawat lalawigan.
d. Lahat ng mga nabanggit.

6
PERFORMANCE TASK
Panuto: Sumulat ng isang sanaysay tungkol sa
pagkakakilanlang kultural ng pinagmulang lalawigan.
Gamit ang rublik na nasa ibaba.

_________________________________________

_________________________________________

_________________________________________

_________________________________________

_________________________________________

PAMANTAYAN SA PAGSULAT NG TALATA


NAPAKAHUSAY MAHUSAY KATAMTAMAN KAILANGAN NG PUNTOS
5 4 3 PAGSASANAY
2-0
Nilalaman Kumpleto at Wasto ang May ilang Maraming
wasto ang lahat lahat ng detalye na hindi kakulangan sa
ng detalye na detalye na dapat kasama nilalaman ng
nakasaad sa nakasaad sa sa talata talata
talata talata
Presentasyon Organisado at Maayos ang Hindi gaanong Hindi maayos at
sinuring mabuti paglalahad ng maayos ang hindi maunawaan
ang mga detalye inilahad na ang nilalaman
pagkakasunod- talata, hindi
sunod ng mga gaanong
ideya o kaisipan maunawaan
ang nilalaman
Wastong Tama ang Tama ang May ilang mali Hindi wasto ang
bantas at pagbabaybay ng pagbabaybay ang baybay ng baybay ng mga
baybay mga salita at ng mga salita salita at gamit salita at gamit ng
wasto ang mga ngunit hindi ng bantas bantas
bantas na wasto ang
ginagamit paggamit ng
ilang bantas
KABUUANG PUTOS

7
SUSI SA PAGWAWASTO
GAWAIN
1. Tama
2. Tama
3. Tama
4. Mali
5. Mali

WRITTEN WORK
1. C
2. A
3. A
4. A
5. D

PERFORMANCE TASK
“Answers vary”

8
SANGGUNIAN
Angyatao, M.P.,et.al.,(2019)Araling Panlipunan, Kagamitan ng Mag-
aaral Para sa Ikatlong Baitang, Cordillera Administrative Region.
Antonio, E.D.,at.al.,(2016) Kayamanan (Panrehiyon), Batayan at
Sanayang Aklat sa Araling Panlipunan. REX Publishing.
Online Resources:
Image 1

Ezez. 2021. "kawayan marker". Flickr.


https://www.flickr.com/photos/dannysky/3348150829/.
Image 2
Ezez. 2021. "La Trinidad residents munch on world-record strawberry
cake". Pna.gov.ph. https://www.pna.gov.ph/articles/1065448.

Image 3
Ezez. 2021. "Flickr Search — “panagbenga festival in baguio
city”". Flickr.https://www.flickr.com/search/?text=panagbenga%20f
estival%20in%20baguio%20city.
Image 4

Ezez. 2021. "20170408 1843 lang ay festival". Flickr.


https://www.flickr.com/photos/23625352@N04/34865612675/.

You might also like