You are on page 1of 12

Re p u b lic o f th e Ph ilip p in e s

De p a rtm e n t o f Ed uc a tio n
Re g io n 2
Sc h o o ls Divisio n o f Isa b e la
Distric t o f Sa n Ag u stin
Our Lady of the Pillar College – Cauayan Inc.
S an Agustin Campus
o0o
ARALIN PANLIPUNAN 3
ARALIN 11: Bawat Rehiyon ay May Nabuong Kulturang Nagpapakilala sa mga Tao at sa Uri
ng Pamumuhay na umiiral sa kanilang Lugar

Kultura nakagawiang paraan ng pamumuhay ng isang pangkat ng tao sa komunidad.


Uri na Kultura
 Kulturang materyal – tumutukoy sa tirahan, damit, gusali, aklat, muwebles, at mga kagamitan.
Hakimbawa: Bayanihan, pagdarasal, pasko, bagong tao, pagmamano
 Kulturang di- materyal – ay ang mga awit, paniniwala, kaugalian, mga kinagisnang gawi, asal, ritwal.
Halimbawa: post office building, traysikel, Noli Me Tangere, kasuotang Pilipino.
KOMUNIDAD NA URBAN – Cebu, Makati, Mandaluyong, Maynila, Quezon City, Muntinlupa City, Davao
City at iba pang lungsod ng Pilipinas ay maituturing na komunidad na urban.
- Katangian ng komunidad na urban ang pagkakaroon ng matataas na gusali, mataas na bilang ng mga
manggagawa sa pabrika at empleado sa mga opisina.
KOMUNIDAD NA RURAL – ay kadalasang industriyang pang – agrikultura ang ikinabubuhay.
KOMUNIDAD NA PANSAKAHAN – naninirahan sa kumunidad na ito ay mga nagtatanim ng mga gulay,
protas, palay, at iba pang pagkaing butyl sa malalawak na bukurin.
KOMUNIDAD NA Pangisdaan – ang ikinabubuhay ng mga tao ay pangingisda.
KOMUNIDAD NA Pangkalakalan - maraming pumupunta rito upang maghanapbuhay.
KOMUNIDAD NA Pang-Industriya – kakikita ng maraming pabrika.
Makata at manunulat mula sa lalawigang bumubuo sa Rehiyon III
 Francisco Baltazar – “Prinsipe ng Makatang Tagalog”
 Juan Crisostomo Soto – “ Ama ng Literaturang Kapampangan”
 Nicanor Abelardo – “Ama ng Filipinong Sonata”
 Benigno Aquino Jr. – isang politico at mamamayan
 Carlos P. Romulo –nmanunulat at peryodista
 Marcelo H. del Pilar – pinangunahan niya ang paglathala ng Diariong Tagalog.
Mga Pagdiriwang sa iba’t ibang Rehiyon
o Ati- atihan Festival sa Kalibo, Aklan.
o Dinagyang Festival sa Iloilo
o Masskara Festival sa Bacalod
o Pintados sa Visayas
o Sinulog Festival sa Cebu

ARALIN 12: Ang Lokasyon at Klima ay Nakaiimpluwensiya sa Uri ng Pamumuhay ng mga


Tao sa Rehiyon
Klima ng Pilipinas
Klima – pangkalahatan kondisyon ng atmospera sa isang lugar sa loo ng mahabang panahon.
Panahon – kondisyon o kalagayan ng atmospera sa isang tiyak na panahon na maaaring magbago sa anumang
oras sa loob ng isang oras lamang.
Temperatura ng Pilipinas
Temperatura – ang sukat ng init o lamig na taglay ng isang bagay o isang lugar.
Sinusukat ang temperatura sa pamamagitan ng Degree Celsius o Fahrenheit.
Halumigmig – tumutukoy ito sa sukat ng water vapour na nasa hangin.
Presipitasyon – ito ay pagkakaroon o pagbadsak ng hamog, ulan, niyebe (snow), hail, sleet.
Lokasyon – kinaroroonan ng isang lugar ay nakakaapekto rin sa kalagayan ng panahon.
Ihip ng Hangin – nakakaapekto rin sa panahon o klima.
o Habagat – nagmumula ang hangin sa timog- kanlurang bahagi ng rehiyon ng Timog- Silangan Asya.
o Amihan - hangin ay nagmumula sa hilagang- silangan, nagdadala ito ng malamig na simoy ng hangin.
Baguio at Benguet – maraming iba’t ibang gulay at bulaklak na itinatanim dahil maganda ang klima ditto.
Tagaytay – kilalang bilihan ng iba’t ibang uri ng prutas, tulad ng pinya, saging, niyog, avocado, at mga gulay.
Kapuluan ng Batanes – nasa lokasyong madalas daanan ng bagyo.
Gitnang Luzon – pagsasaka ang kabuhayan.
Panahon ng El Nino – hindi nakapagtatanim ang mga magsasaka dahil humahaba ang tag- araw kaya natutuyo
ang mga pananim.
Babala – papaalala o patalastas.

Pointers
English
 More on verbs
 Kinds of adverbs
 Transitive and Intransitive Verbs
 Correct Usage of Words
FILIPINO
 Pang-uri 239
 Uri ng Pang-uri 256
 Kaantasan ng Pang-uri 274
MATHEMATICS
 Division (Lesson 1-4)
MTB
 Salitang- ugat at Panlapi, 90
 Pandiwa at mga Aspeto Nito, 93
 Tinig ng Pandiwa, 97
 Mga Babala ,100
SCIENCE
 Indicators of Motion in Relation to a Reference Point , 215-216
 Identify Things That Cause Movement of Objects, 218-225
 How Force Affects the Different Movements, 227-229
AP
 Aralin 11: Bawat Rehiyon ay may Nabuong Kulturang Nagpapakilala sa mga Tao at sa Uri ng
Pamumuhay na Umiiral sa Kanilang Lugar, 174-193
 Aralin 12: Ang Lokasyon at Klima ay Nakaiimpluwensiya sa Uri ng Pamumuhay ng mga Tao
sa Rehiyon,202-212
Aralin 13: May iba-ibang Pangkat ng mga taong May Sariling Wika, Paniniwala, Kaugalian, at Tradisyon na
Sama- samang Naninirahan sa Isang Lalawigan at Rehiyon

Pagbuo ng mga Wika


 Dahil tayo ay isang kapuluan at hiwa-hiwalay ang mga komunidad na matatagpuan sa iba’t ibang
pulo o isla, nakabuo ang mga sinaunang Pilipino ng iba’t ibang wikang sinasalita.
Mga Pangkat – Etniko sa Luzon
Kalinga
 Kilala bilang dakilang mga mandirigma.
 Pinupugutan nila ng ulo ang kanilang mga kaaway. Kaway ang tawag sa gawaing ito.
 Kilala rin ang mga Kalinga sa pagsusuot ng makukulay at kaakit-akit na mga kasuotan.
Bontoc
 Naninirahan sa Kabundukan ng Cordillera. Nagsusuot ng wanes o bahag.
 Lufid tawag sa pangibabang kasuotan ng mga pangkababaihan.
 Katangian ng kanilang komunidad: Ato ay lugar para sa mga aktibidad na panrelihiyon at panlipunan.
Ulog lugar para sa kadalagahan.
 mahilig silang maglagay ng tato sa kanilang katawan. Tato kumakatawan sa kanilang katapangan at
nagawang kabutihan
 Lang-ay Festival ipinagdiriwang sa Mountain Province.
Ang Katagalugan
 Tagalog ang pangunahing wikang ginagamit sa Gitnang Luzon at sa Timog Luzon. Ang tagalog ay
nagmumula sa salitang taga-ilog.
Ang mga Ilokano
 Karamihan ng mga taga Ilokanoay naninirahan sa Ilocos Norte, Ilocos Sur, at La Union
 Halimbawa ng ipinagdiriwang ng mga Ilokano: Longganisa Festival sa Vigan, Dulang Festival sa
buong rehiyon kung saan ipinagmamalaki ang pinakbet, bagnet, burnay, basi, suka, at tinodok.
Pangasinense
 Naninirahan sa Pangasinan. Sila ay kilala sa paggawa ng inibak na isdang tinawag na Bagoong. Kilala
rin sila sa pag aalaga at pagpaparami ng bangus. Bangus Festival ang kanilang ipinagdiriwang
Kapampangan
 Ang mga lalawigang ito ay nagpoprodus din ng asukal at palay. Tradisyon ng mga Kapampangan ang
paggawa ng naglalakihang parol, sa Giant Lantern Festival tuwing panahon ng kapaskuhan.
Ang mga Bikol
 Naninirahan ang mga Bicol sa Katimugang Luzon. Ditto matatagpuan ang tanyag na “Bulkang Mayon.
Kilala rin ang rehiyong ito bilang “ bayan ng abaka “ o abaca country.
 Nakilala sa kanilang mga pagkaing may gata ng niyog at siling maanghang.
 Karanowan Festival pasasalamat sa masaganang hili ng mga isda sa Lawa ng Bato sa Canarines Sur.
Penafrancia Festival ay isinasagawa bilang parangal sa patron ng siyudad ng Naga.

Mga Pangkat- Etniko sa Visayas


Ang mga Waray
 Ang Silangang Visayas ay binubuo ng Leyte, Samar, at Biliran.
 Nakilala rin ang mga waray sa katatagan ng kanilang loob sa pagharap sa mga pagsubok.
 Bagyong Yolanda (2013) itinuring na isa sa pinakamalakas na bagyong dumaan sa kalupaan sa
kasaysayan ng mundo.
 Lubi-Lubi Festival pasasalamat sa masaganang ani.

Ang mga Ilonggo


 Kilala sa pagiging malambing o mahinahon dahil sa kanilang wika.
 Sila ay naninirahan sa mga lalawigan ng aklan, Capiz,Iloilo,Negros Occidental, at Antique.
 Negros Occidental tinaguriang “Sugar Bowl” ng Pilipinas dahil asukal ang pangunahin nilang
produkto.
 Simbahan ng Miag-ao matandang simbahan.
 Pagdiriwang: Ati-atihan Festival sa Aklan, Dinagyang sa Iloilo, Binirayan Festival sa Antique,
Masscara Festival sa Bacolod at ang MAnggahan Festival ng Guimaras.
Ang mga Cebuano
 Isa sa pinakamalaki at nakararaming pangkat ng katutubo sa bansa. Ang kanilang katutubong wika ay
Cebuano.
 Pagdiriwang: Sinulog Festival ng mga Cebuano na pagdiriwang para kay Sto. Nino. Ube Festival sa
mga Boholano pagdiriwang ng pasasalamat para sa masaganang ani ng ube.

Mga Pangkat- Etniko sa Mindanao


Ang mga B
adjao
 Tinaguriang sea gypsies. Ang karamihan kasi sa kanila ay nakatira sa mga bangkang naglalayag sa
palibot ng Dagat Sulu. Ang kanilang kabahayan ay yari sa kawayn, kahoy, dahon ng niyog, at sawali.
Maguindanaoan
 Nakatira sa kapatagan malapit sa mga pampang ng ilog o lambak. Ang madalas na pagbaha ang
suliranin ng pangkat-etnikong ito. Mahuhusay na artesano o Craftsman. Gumagawa sila ng mga
Handicraft o produktong yaring kamay.
Meranao
 Nagmula sa salitang ranao na ang ibig sabihin ay “lawa”
 Nakatira sa paligid ng Lawa na Lanao.
 Itinuturo ng mga Meranao na hindi dapat saktan ang ibang tao ang marabat ng isang tao. Mahirap nang
patawarin ang isang nagkasala.
Tausug
 Naninirahan sa mga lalawigan ng Zamboanga, Palawan,, At Sulu.
 Ang ibig sabihin ng Tausug ay mga tao ng agos, na naglalarawan ng kanilang ugnayan sa dagat.
Mga Lumad
 Namumuhay parin sa mga lumang pamamaraan at paniniwala.
Tinuray
 Naninirahan sa mga lalawigan ng Sultan Kudarat, Maguindanao, at Cotabato. Ang katawagang Tinuray
ay nagmula sa mga salitang Tiru na ang ibig sabihin “ lugar ng kapanganakan o pinagmulan” at ang
ray na ang ibig sabihin naman ay mula sa dakong dulo ng sapa o ilog.
 Inged ang tawag sa komunidad kung saan naninirahan ang mga Tinuray nang magkakatabi.
Manobo
 Naninirahan sa mga lalawigan ng Cotabato, Agusan del Sur, Bukidnon, at Maguindanao. Ang mga
Manobo
 Nakilala ang mga Manobo sa makukulay nilang kasuotan. Ang pagnguya ng ikmo at bunga ay
kinamulatan na rin ng mga ilang mga Manobo.
Blaan
 Naninirahan sa bulubundukin ng Davao del Sur hanggang Cotabato. Ang kanilang ikinabubuhay ang
pagkakaingin.

Aralin 14: Ang mga Makasaysayang Lugar, Produkto, Katawagang ginamit Sa Usapan, at Katutubong Sining
ay mahalagang Saksi sa Pagkakakilanlang Kultural ng Isang Lalawigan o Rehiyon

Ang mga makasaysayang lugar na ito ay madalas na nagsisilbing pagkakakilanlan ng isang pangkat ng
tao.
Ang Makasaysayang Lalawigan ng Cebu
 March 15,1521 dumating ang Espanyol na Si Ferdinand Magellan.
 Rajah Kolambo itinuro niya kay Magellan ang Lugar na Cebu para doon makipagkalakalan.
 Nakipagkaibigan si Magellan kay Rajah Humabon at kinumbinsi ang mag-asawa na magpabinyag sa
pangalang Carlos at Juana.
 Niregaluhan niya si Reyna Juana ng estatwa ng Santo Nino bilang tanda ng pagkakaibigan.
 Basilica Minore del Santo Nino dinarayo dahil sa pagiging mapaghimala.
 Abril 27, 1521 naganap ang “Battle of Mactan”. Ayaw ni Lapu- Lapu na maisailalaim sa
Kapangyarian ng mga dayuhan. Napatay sa labanang ito si Magellan.
 1565 dumating si Miguel Lopez de Legazpi. Nakipaglaban ang mga kasamahan niya sa na si Rajah
Tupas, hanggang sa Makuha nila ang mga teritoryo ng mga katutubo.
 Enero 1, 1571 bibigyan ni Legazpi ng pangalan ang lugar na “ Villa del Santisimo Nobre de
Jesus”(Town of the Most Holy Name of Jesus)
 Cebu kauna-unahang tirahan ng mga taga-Europa na itinatag ng Batas Espanyol sa Pilipinas.
 Ang Cebu ay salitang Cebuano(sibu o sinibuayang hingpit) na ang kahulugan ay “ lugar para sa
pakikipagkalakalan”
 Rajamuda Lumaya ,isang prinsipe ng Dinastiyang Chola na sinakop ang Sumatra sa Indonesia.
 Ang kabisera ng lalawigan ng Cebu, ang lungsod ng Cebu, ang pinakamatandang lungsod sa Pilipinas.
Naging Kabesera rin ito ng lupaing pinangalanan ni Ruy Lopez de Villalobos na Islas Felipinas bilang
parangal kay Haring Felipe ng Espana.
 Fort San Pedro ginawang opisina ng Department of Tourism Authority.
 Basilica Minore del Santo Nino sa Osmenia Boulevard, Cebu City simbahang ipinatayo ni Legazpi
noong 1565. Nasunog 1566 at muling itinayo nang 1602, tinawag na Basilica Minore Del Santo Nino .

Mga Makasaysayang Pook


Luzon
Rizal Shrine sa Calamba
Ipinanganak ang pambansang bayani ng Pilipinas na si Dr. Jose Rizal.
Fort Santiago
Nasa Intramuros, Maynila,dito ikinulong ng mga Espanyol Si Dr. Jose Rizal bago barilin sa
Bagumbayan(Luneta)
Rizal Park
dito binaril si Dr. Jose P. Rizal noong ika-30 ng Disyembre 1896.
Aguinaldo Shrine
Sa Kawit, Cavite matatagpuan ang Aguinaldo Shrinr. Bahay ni Emillio Aguinaldo. Inihayag ni
Heneral Aguinaldo ang kalayaan ng Pilipinas noong ika-12 ng Hunyo 1898. At pagwagayway ng
watawat ng PIlipinas. Pinatugtug ang hinig ng “Lupang Hinirang”.
Dambana ng Pugad Lawin
Matatagpuan sa Quezon. Nangyari ang makasaysayang Sigaw ng Pugadlawin noong ika-23 ng
Agosto 1896 na siyang naging hudyat ng himagsikan laban sa Espanyol.
Palasyo ng Malacanyang
Ipisyal na tirahan ng pangulo ng Pilipinas.

Simbahan ng Barasoain
Matatagpuan Malolos,Bulacan, Sa simbahang ito unang nagpulong ang mga hinirang na kinatawan
sa Kongreso ng Malolos noong ika-15 ng Setyembre, 1898. Dito Binuo ang Saligang Batas.
Corregidor
Nagimg tanggulan ito ng mga Pilipino noong sakupin ng mga Hapones an gating bansa.
Dambana ng Kagitingan
Sa Samat, Bataan. Isang malaking krus at isang museo ang itinayo rito bilang pag-alala sa
ipinamalas na kagitingan ng mga sundalong Pilipino.
Edsa Shrine
Sa Ortigas Avenue at Edsa. Sa ilalim ng estatwa ng Birheng Maria ,matatagpuan ang isang
simbahan. Ipinatayo upang alalahanin ang milagro sa Edsa noong Pebrero 25,1986.

Visayas
Kruz ni Magellan
Sa lungsod ng Cebu, malapit sa Basilica Minore del Santo Nino de Cebu. Sinasagisag ng kruz ang
pagdating ng Katolisismo sa bansa sa pamamagitan ni Ferdinand Magellan.
Blood Compact
Sanduguan ay isang ritwal ng pagkakaibigan. Marso 25, 1565 sanduguan sa pagitan nina Datu
sikatuna at Miguel Lopez de Legazpi, na naganap sa Loay, Bohol.
Cross Marker and Sunken Cemetery
Sikat na kruz na ito ay ginawa upang matukoy ang lumubog na sementeryo sa Bonbon, Cataman sa
Camiguin.
Fort Pikit
Matatagpuan sa North Cotabato. Ipinakita ng pagtatayo ng mga estrukturang ito ang pagtitiyak ng
mga Espanyol sa kaligtasan laban sa mga Pilipinong nagnanais lumaya sa mapang-aping
pamamahala ng mga mananakop.
Fort Pilar
Ang orihinal na pangalan ng tanggulang ito ay Real Fuerza de Nuestra Senora de Pilar de Zaragoza.
Nagsilbing tagpuan ng mga Espanyol laban sa pananalakay ng mga Muslim at mga dayuhang
olandes, Portuges, at Ingles.

Mga Natatanging Produkto


1. Palay
2. Niyog
3. Gulay
4. Prutas
Re p u b lic o f th e Ph ilip p in e s
De p a rtm e n t o f Ed uc a tio n
Re g io n 2
Sc h o o ls Divisio n o f Isa b e la
Distric t o f Sa n Ag u stin
Our Lady of the Pillar College – Cauayan Inc.
S an Agustin Campus
o0o
Aralin 16 Impluwensiya ng Kapaligiran sa Ekonomiya at Uri ng Pamumuhay ng mga Tao sa Rehiyon

Ang kapaligiran ay nakaaapekto sa pamumuhay ng mga tao saan mang panig ng daigdig sila manirahan
sa Pilipinas iniaayon ng mga Pilipino ang kanilang hanapbuhay at iba pang gawaing pinagkikitaan sa uri ng
kapaligirang napili nilang puntahan o nkagisnan nang tirahan.
May mga lugar na:
Patag na patag ang lupain
Mabato at mabulubundukin
Napapaligiran din ng dagat ang Pilipinas
Nagtataasang mga gusali, aktibong komersiyo, at mabilis na takbo ng pamumuhay.
Maraming nagtratrabaho sa mga opisina at iba’t iba pang tanggapanng nagunguha sa negosyo,
pakikipagkalakalan,edukasyon,kalusugan, at pagbibigay ng mga serbisiyong kailangan sa mga lugar na
maraming-maraming tao ang naninirahan.
Mga Gawaing Pangkabuhayan Kaugnay ng Kapaligiran
Patag o halos pantay ang lupang dinaraanan ng mga tao sa isang kapatagan. Dahil mataba ang lupa,
mainam ditong magtanim ng palay,mais,niyog, tubo at lahat ng klase ng gulay. Isa itong patunay na ang
Pilipinas ay agrikultura na bansa.
Minahan:
Ginto, tanso,bakal, tinnga, uling, marmol
Mga Gawaing Pangkabuhayan:
Pangingisda, pagpapatuyo ng isda, paggawa ng sardinas, pagsisid ng Perlas, paghahanap ng coral reefs
at surfing
Aralin 17 Mga Produkto at Industriyang Matatagpuan sa Bawat Rehiyon
Industriya ng Agrikultura
Kung malawak ang malawak ang lugar na mapagtataniman, maraming tao sa lalawigan ang mabubuhay
sa pagsasaka, pag-aalaga ng mga hayop, at pagtatanim ng iba’t ibang gulay at halaman.
Niyog tinatawag ding “puno ng buhay” dahil nabubuhay ang puno ng niyog sa halos lahat ng lalawigan sa
Pilipinas
Industriya at Produkto ng mga Rehiyon
Sagana sa Likas na yaman at pisikal na kapaligiran ang Pilipinas, subalit hindi lahat ay may likas na
yamang matatagpuan sa maraming bahagi nito. May mga lalawigang higit na malawak at mataba ang lupang
mapag-aanihan ng palay, mais, niyog, at iba pang yamang-lupa.

Rehiyong CAR (Cordillera Administrative Region)


Dito matatagpuan ang Baguio City at Banaue Rice Terraces sa lalawigan ng Ifugao.
Pinakamahalagang yaman ng Rehiyon ang mga mineral:
Ginto, pilak, tanso, manganese, uling, apog, at graba
Panginahing industriya sa CAR ang pagmimina, pagtrotroso, at pagsasaka, paghahabi, paggawa ng banig
at basket, paglililok,pag-aalaga ng kabayoat baka, paggawa ng mga kasuotan sa paa

Rehiyon I (Rehiyon ng Ilocos)


Kapatagan sa Rehiyon I hindi gaanong mataba ang lupa rito pero isa itong rehiyong pansakahan.
Malalawak na taniman ng: Tabako, bulak, bawang, at sibuyas sa bayan ng Ilocos Norte, Ilocos Sur, at La
Union. Nakapagtatanim din ng ubas sa La Union.
Ang malawak na taniman ng palay at niyog sa Pangasinan
Yamang mineral na nakukuha sa bundok: ginto, tanso, chromium, bakal, limestone, buhangin, at luwad

Rehiyon II (Lambak ng Cagayan)


Malawak ang mga kagubatan sa Lambak ng Cagayan o Rehiyon II. Nangunguha ang pagtrotroso sa mga
industriya rito lalo nasa Isabela at Quirino.
Pangunahing produkto ng Rehiyon II ang: tabako, bigas, gulay, mani at halamang-ugat.
Sa Batanes, pinagkakakitaan ng mga Ivatan ang pag-aalaga ng pastulang matatagpuan rito.
Nakagagawa sila ng maasim na suka (vinegar)

Rehiyon III (Gitnang Luzon)


Palay ang pangunahing produkto.
Tinaguriang “Bigasan ng Bansa”. Nangunguna an gang Nueva Ecija sa pag-aani ng palay sa rehiyon.
Pangunahing inaani: mais, tubo, gulay, mangga, saging, sibuyas, pakwan, at sitaw.
Mapagkukunan ng asukal ang mga tubong inaani mula sa Tarlac at sa Pampanga.
Pinagmumulan naman ng mga produktong pagkain gaya ng itlog at manok ang paghahayupan sa
Bulacan at Tarlac.

Rehiyon IVA (Calabarzon)


Isang rehiyong pansakahan at industriyal ang Rehiyon IV-A. Binubuo ito ng Cavite, Laguna,
Batangas, Rizal, at Quezon.
Pinakamahalaga sa mga ito ang : palay,niyog,tubo,at prutas. Mula naman sa mga taniman ng Laguna
at Cavite ang matatamis na rambutan, lansones, pinya, saging at papaya.
Malaking atraksiyon dito ang Bulkang Taal na nasa Lawa ng Taal at mga dalampasigan sa Batangas.

Rehiyon IV-B (MIMAROPA)


Pangalan ng limang lalawigan: Oriental Mindoro,Occidental Mindoro, Marinduque, Romblon, at
Palawan.
Kilala ito bilang “ Food Basket” ng Katimugang Tagalog at ecotourism hub.
Pangunahing produkto: kasuy, saging, kalamansi, kamote, mangga, at bigas.
Pangingisda at pagsasaka ang ikinabubuhay.
Nariyan ang iba’t ibang uri ng isda gaya ng kanduli, biya, at banak. May natatangi ring isda gaya ng
taliwis, na makukuha sa Lawa ng Taal, Dulong sa Lawa ng Bay; maliputo sa ilog Pansipit sa Batangas.
Sagana sa marbalo ang Romblon.
Sa Marinduque naman matatagpuan ang malawak na minahan ng tanso at pilak.
Sa mga minahan ng Puerto Prinsesa, Quezon, Brooke’s Point, at iba pang pook sa Palawan ay may
deposito ng nickel at cobalt.
Nasa Oriental Mindoro and Puerta Galera, isang dalampasigang may puting buhangin tulad ng sikat na
Boracay.
Palawan pinakamalaking pulong lalawigan ng Pilipinas.

NCR (National Capital Region)


Ito ay isang malawak na kapatagang tinitirhan ng napakaraming tao.
Walang bukid na mapagtatamnan at walang bundok na makukuhanan ng torso at iba’t ibang mineral
sa NCR.
Ang naririto ay; nagtataasang gusali, museo, naglalakihang shopping mall, tindahan, bangko,
hospital, at opisina.
Nasa Kamaynilahan ang sentro ng industriya, komersiyo ugnayang local at internasyonal, at
pananalapi sa buong bansa.
Lahat ng hanapbuhay na may kinalaman sa pangangalakal, transportasyon, konstruksiyon, at
edukasyon ay nasa NCR.
NCR tinawag na “ Metropolitan Manila”
Matatagpuan sa rehiyon ang malaking pabrika at planta.
Ginagamit din ang Lupa para sa iba’t ibang gawaing pangkultural, pang-edukasyon, pangkabuhayan,
pampolitika, at pangkaunlaran.

Rehiyon V (Rehiyong Bicol)


Niyugan ang malaking bahagi ng sakahan. Sumunod ditto ang taniman ng palay, mais, at abaka. Ang
Niyog, pili, at abaka ay may produktong panluwas.
Tanyag sa katibayan ang Manila Hemp, ang lubid na yari sa hibla ng abaka.
Ang hibla ng abaka ay ginagamit din sa paggawa ng mga bag at place mat.
Sagana sa mga mineral na metal ang Camarines Norte. Kabilang ditto ang ginto, pilak, at tanso. Ang
mga Mineral na di metal na nakukuha rito ay marmol, apog, at pyrite.

Rehiyon VI (Kanlurang Visayas)


Pagsasaka ang nangungunang industriya rito.
Pangalawa ito sa produksiyon ng palay sa buong bansa.
Negros Occidental na tinaguriang ding “ Sugar Bowl” ng Pilipinas dahil sa laki g produksiyon ng asukal
dito.
Asukal ay isa sa mga kalakal na iniluluwas ng Pilipinas sa ibang bansa.
Ang pangingisda ay isa pa sa pinakamahalagang industriya ng kanlurang VIsayas.
Likas na yaman ng rehiyong to ang Pulo ng Boracay. Malaking industriya sa Aklan ang turismo sa
ngayon na nagbibigay ng trabaho sa maraming tao.

Rehiyon VII (Gitnang Luzon)

Sagana sa isda.

Produksiyon ng tanso, ginto, karbon, asin, manganese, at batong-apog para sa semento.


Mayroon din pantahanang industriya sa paggawa ng sombrero, paghahabi ng banig, pag-iimbak ng
mga pagkain, at woodcraft.
Cebu ay kilala rin sa mga sinamay, gitara at bandurya, at processed food.

Rehiyon VIII (Silangang Visayas)


Silangan Visayas ay binubuo ng dalawa sa pinakamalalaking pulo ng Pilipinas, ang Samar at ang Leyte.
Pangunahing pinagkakakitaan sa rehiyon ang pagmimina, pagtrotroso, pagkokopra, pag-aalaga ng
hayop, pangingisda, at pagsasaka.
Palay at mais ang pangunahing pagkain sa rehiyon.
Mayroon ding mga tanim na niyog, abaka, at tubo.
Madalas daanan ng bagyo
Sagana sa yamang-mineral tulad ng bakal, tingga, zinc, at batong aspalto.

Rehiyon IX (Zamboanga Peninsula)


Malaking ang kagubatan sa Zamboanga Peninsula. Nagbibigay ito ng torso at iba pang produktog gubat.
Nakukuhang mineral na metal; Bakal, ginto, uling, chromite, at manganese
at di metal: graba, malalaking bato, at buhangin.
Pagsasaka at pangingisda ang pangunahing hanapbuhay.
Umunlad ang industriya ng manufacturing o pagbubuo ng produkto sa rehiyong ito. May mga pabrika at
planta para sa produksiyon ng mga goma, African palm oil, brass work, canned sardines, wood
processing, seaweed processing at iba pa.

Rehiyon X (Hilagang Mindanao)


Nangunguna ito sa mga kagubatang natataniman ng mga Punongkahoy gaya ng lauan, tanguile, mayapis
at molave makikita ito sa Misamis Oriental.
Rehiyon X pinakamaunlad na rehiyon sa Mindanao.
Pinakaindustriyalisadong rehiyon sa Pilipinas.
Binubuo ng Bukidnon, MIsamis Oriental, Misamis Occidental, lanao del Norte at ang pulo ng Camiguin.
Pinakamalaking planta ng bakal
Pinakamalawak na nataniman ng pinya sa buong Pilipinas, ang Bukidnon.
“Food Basket of Mindanao” at “Pineapple Capital of the World” ang BUkidnon.
Misamis Occidental nangungunang produkto ang niyog.

Rehiyon XI (Davao)
Davao pangunahing prodyuser ng palay, mais, at niyog sa Mindanao.
Nakakukuha rin ditto ng matatamis na saging, papaya, suha, dalandan at iba pang prutas.Kabilang sa
mga produktong panluwas ng Davao ang saging, plywood, kape, kopra, at abaka. Matatagpuan dito.
Timog Cotabato natatamnan ito ng palay, mais, prutas, bulak, niyog at kape.

Rehiyon XII (SOCCSKSARGEN)


Kinakatawan nito ang mga lalawigan ng South Cotabato, Cotabato, Sultan Kudarat, Saranggani at
General Santos.Sagana sa likas na yaman at isa ito sa pinagkukunan ng Hydroelectric power sa
Mindanao.
Pangunahing produkto: bigas, mais, niyog, saging, tubo, pinya, kape at goma.
Pag-aalaga ng manok, baboy, at baka ang iba pang hanapbuhay.
Kinikilalang “Tuna Capital of the Philippines”
Pinagkakakitaan naman ng mga katutubo ang paggawa ng alahas, tela, at malong, mga kagamitang yari
sa tanso, banig at iba pang bagay na nagpapakita ng kanilang pagiging masinig.

Rehiyon XIII (Rehiyong Caraga)


Tinawag na Rehiyong Caraga ang bahaging ito ng hilagang- silangang Mindanao.
Noong 2011 , mabilis ang pag-unlad ng Rehiyon XIII sa buong bansa dahil sa mga produkto nitong
palay, niyog, cacao, kape, saging, mais, kalamansi, oil palm, at goma.
Mayaman ito sa deposito ng chromite, manganese, at tingga(copper)

BARMM (Bansamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao


Sagana sa yamang-dagat ang kapuluan ng Sulu at Tawi-Tawi.
Umabot sa 72% ng seeweeds o Halamang-dagat ang galing sa Sulu.
Pangingisda at Paninisid ng perlas ang gawain ng mga tagarito.
Malawak na lupain sa Basilan, Lanao del Siur, at Maguindanao ang natatamnan ng niyog, abaka,
cassava o kamoteng kahoy, durian at mangosteen.
Nasa Lanao del Sur naman ang Lake Lanao, ang pinakamalaking lawa sa buong Pilipinas. Ito ang
lawing nagsusuply ng Hydroelectric power sa buong rehiyon.

Aralin 18 Tulong ng mga Itinayong Impraestruktura sa Pagpapaunlad ng Kabuhayan ng Lalawigan


May mga magsasakang nakapagpundar na ng sariling sasakyang pangkalakal na ginagamit nila upang
maihatidnang kanilang mga ani sa pamilihan.
Mga magsasaka direktang pinupuntahan ng mga nagtitinda sa palenke para bilhan ang kanilang aning
gulay at prutas. Ganoon din ang ruta ng mga isda at iba pang pagkaing-dagat na nahuhuli ng mga
mangingisda.
Bukid o tanima’y o kaya’y palaisdaan, naglalakbay ang mga biyahero para ihatid sa iba’t ibang palengke
ang kanilang panindang gulay at prutas, isda at pagkaing dagat.
Mabilis na pagbibiyahe ang maayos na kalsada at daan.
Ang pamahalaan ay nagtatayo ng mga impraestruktura tulad ng tulay, bodegang imbakan, pamilihang-
bayan, airport, bangko, at mga gusaling pangkalakal ng produkto para makatulong sa mga negosyo at
industriya ng mga lalawigan.
Tumatagal ang biyahe kung may putol o sirang daan.
Nagreresulta ng pagkasira ng produkto o pagtaas ng presyo nito sa pamilihan.
Isinasakay sa bapor o eroplanong pangkargamento ang mga isdang galing sa Mindanao papuntang
Luzon o Visayas.
Kailangan ang storage o bodegang paglalagakan o pag-iimbakan ng mga kalakal ng ga iniluluwas sa
malalayong lugar. May mga bodegang malapit sa mga airport o paliparan.

May mga cold storage facility o malalaking bodegang puno ng yelo na mapag-iimbakan upang
mapanatiling sariwa ang mga isdang nagmula sa palaisdaan at pangisdaan bago ihatid ito sa mga
palengke o pamilihan.
Napakahalaga ng transportansyon para mapanatiling maayos at maihatid sa tamangoras ang mga
paninda sa loob ng lalawigan at mga kalapit na Rehiyon
Cargo Plane ang ginagamit sa paghatid ng maraming kalakalan sa malalayong lugar.
Mas mabilis ang eroplano kaysa sa bus at barko.
Daungan o pantalan na dinadaungan ng malalaking barko sa mga impraestrukturang nakatutulong sa
pag-unlad ng ekonomiya ng mga lalawigan at rehiyon.
Dinadala sa mga pantalan ang mga bulto-bultong sako ng bigas, asukal, mais at iba pang produkto upang
isakay sa mga barkong pangkargamento na maghahatid ng mga pamilihan.
Kailangan ng mga magsasaka ng malaking halaga para makapag-prodyus ng mga kalakalan at
produktong gamit sa araw-araw na pamumuhay.
Kaagapay ng pamahalaan ang mga bangko sa pagpapaunlad ng ekonomiya ng mga lalawigan at
Rehiyon.
Bahagi ng impraestruktura para sa pagpapaunlad ng ekonomiya ng lalawigan ang mga daan at tulay na
ipinapagawa ng pambansang pamahalaan.
Ang mga lokal na pamahalaan naman ang umaasikaso sa pagpapatayo ng mga bodega at planta para
mapagimbakan ng mga produkto.

REVIEWER FOURTH PRELIMINARY


English Capitalization pages 275,
Preposition pages 289-291
Conjuctions pages 302

Science Lesson 1:Earth’s Natural


Lesson 2:Land Part of the Earth and Its
Uses, 278-287
Lesson 3:Water Part of the Earth and its
Users, 289-295

Mathematics Lesson 1: Concept of Fractions 210-212


Lesson 2: Kinds of Fraction 215-219
Lesson 3:Equivalent Fraction, 224-226
Lesson 4: Comparing and Ordering
Fractions 231 -232
Lesson 5:Fractions in Lowest Terms, 238-
240

Filipino PANG- UKOL pahina 343-344


Pangatnig pahina 360
Araling Panlipunan Sa summary nap o magreview 

MTB,RELIGION, MAPEH no exam !

You might also like