You are on page 1of 14

"Mga Benepisyo ng Pagpapanatili at Pagtataguyod ng Pamanang Kultural

at Pyesta para sa ikakaunlad ng DANAO CITY”

RASYONALE

Ang kultura at piyesta isa sa mahalagang bahagi ng buhay ng bawat tao.

Ito ay pinagdiriwang taga taon bilang paggunita ng mga mahahalagang

pangyayari ng isang lugar. Ipinagdiriwang ito ng mga tao upang maging daan

nang pasasalamat at pagbigay parangal nila sa mga magagandang pangyayari.

Ang Danao City isa sa mga lugar na may mayaman sa kultura at piyesta

at bahagi na ito ng buhay ng mga Danaowanons. Binuo ang lugar na ito na may

iba't-ibang celebrasyon katulad ng Manong Amon's Anibersaryo at Charter

Anibersaryo. Sa kanila namang piyesta, pinagdiriwang din ng mga Danaowanons

ang kanilang Karansa Festival. Nakasanayan na natin ang mga gawaing ito,

napamana na kasi ito ng mga ninuno natin ang mga nakaraang ginawa nila.

Ang pagdiriwang ng kapanganakan ni Ramon M. Durano Sr. (Manong

Amon) sa Danao ay isa sa pinakamahalagang aktibidad ng mga Danaowanon

sapagkat siya ang tinaguriang “Ama ng Lungsod ng Danao.” Ito ang

nagsisislbing daan upang maalala ng mga mamamayan sa Danao ang kanyang

kadakilaan at ito ay magaganap sa ika-dalawampu’t apat ng Disyembre.


Ang pagdiriwang ng Charter anibersaryo sa Danao City ay isa sa mga

pangunahing aktibidad ng mga Danaowanons. Nakatakdang ipagdiwang ng

lungsod ng Danao ang araw ng charter sa buwan ng Hunyo. Maraming

hinandang aktibidad at kaganapan ang Danao City para sa mga Danaowanons.

Magtatampok ang mga tao sa Danao City upang makilahok sa mga aktibidad at

meron itong mga parangal pagkatapos. Ito ay upang bigyang-diin ang

kagandahan sa lungsod ng Danao. Meron din sa Charter Day sa Danao ang

iba't-ibang patimpalak na nagbibigay aliw sa mga tao. Halimbawa, patimpalak sa

kagandahan, paligsahan sa pagkanta at pagsayaw. Makikita din natin ang iba't-

ibang parada sa kalsada na may maraming nagtatambol, lira at iba pang

instrumento na nagbibigay kasiyahan at aliw sa mga manonood. Ang Charter

Day ay nagsisilbing patunay na ang lungsod ng Danao ay sumusulong patungo

sa kahusayan sa iba't ibang larangan.

Ang Danao City ay nagdiriwang ng kanilang piyesta sa pamamagitan ng

Karansa Festival. Ipinagdiriwang ang ito sa pamamagitan ng sayaw bilang

paraan ng kanilang pasasalamat sa kanilang Patron na si Sr. Sto. Tomas De

Villanueva. Ito ay magaganap sa ikatlong Linggo ng Setyembre. Ang Karansa

Festival ay magsisimula sa Sayawan sa Kalye kung saan ang mananayaw ay

tatanghal sa kalye, makikita natin sila na may makulay at kaakit-akit na kasuotan.

Pagkatapos ng sayawan sa kalye ay may Showdown Competitions na gaganapin

sa CTU Oval. Ito ang oras na ang mananayaw sa iba't-ibang koponan

magpakitang gilas at ipakita ang kanilang galing para manalo sa kompetisyon.


Panghuli ay Karansa Festival Queen Competition, ito ang pinaka bigyang-diin ng

nasabing pagdiriwang. Ang bawat kalahok ay may kani-kanilang representante

para sa Karansa Festival Queen.

Ayon kay (Claveria 2015) ang pagdiriwang ay isang alaala ng muling

pagkabuhay ng kultura o pamana at mga ritwal ng pamayanang kinabibilangan.

Ito ay isa ring pagdiriwang ng komunidad, na nakatuon sa ilang mga aspeto ng

sikat na bayan, madalas na may label na lokal holiday para sa kabataan ng local

government unit sa isang serye ng mga kaganapan na ginanap sa mga

henerasyon Linggo ng Pagdiriwang.

Sa pamamagitan ng kaganapang ito, nakikita ng mga tao sa komunidad

ang pagdiriwang bilang isa sa mga paraan upang maibahagi nila ang kanilang

mga karanasan. Nagbibigay din ito ng puwang para sa pagkamalikhain na

maaaring magpapahintulot sa mga tao na maglaro sa iba't ibang aspeto ng

komunikasyon at kultura. Ang ganitong uri ng kaganapan ay maaari ding maging

isang arena kung saan nabuo ang isang kultura ng mga espiritung may

kamalayan sa kapaligiran upang maipasa ang mga tradisyon sa pamamagitan ng

pakikipag-ugnayang panlipunan sa bawat isa.

Ayon kay (Bamero, 2013) ang bawat pista ay may kanya-kanyang

pinagmulan. Ang pista ay halaw sa lumang tradisyon . Ito ay bahagi na ng

buhay-Pilipino. Masayahin tayo at mahilig tayong magtipun-tipon upang

magsaya. Inaanyayahan natin ang mga kaibigan at malalayong kamag-anak

upang makipagsaya sa atin, makisalo sa ating inihandang pagkain at manonood

ng mga kasiyahan.
Sa pananaliksik na ito, matatalakay ang mga pamanang Kultural at Pyesta

na makapagbigay kaunlaran sa Danao City. Tatalakayin din dito ang mga

benepisyong makapagpanatili at makapagtaguyod ng mga ito. Matutukoy dito

ang positibo at negatibong epekto na dulot nito sa mga mamamayan lalong-lalo

na sa mga taga Danao City. Sa paksaing ito, makikilala ang mga kultura at

piyesta meron ang Danao City. Dito mailalahad ng mga mananaliksik na ang

kultura at piyesta ng Danao City ay siyang nagiging pagkakakilanlan ng

komunidad at ng lahi. Makikita din kung gaano kayaman at kayabong ang

diwang makabayan at makasaysayan sa pamamagitan ng mga mahahalagang

pangkulturang kasanayan at kaalaman ang napapanatiling buhay sa pagsalin-

salin ng maraming henerasyon.

Pagbabalik – tanaw ng mga Babasahing Kaugnay

Ang pag-aaral na ito ay nakaangkla sa teorya ni (Bandala, E. R. (2017),

napapanatiling pag-unlad ng isang balangkas para sa mga pista ng bayan na

nagbibigay-diin sa kanyang panlipunan, kultura at kapaligiran na pananatili sa

pamamagitan ng pagranas, paggalugad at pagsusuri sa mga gawi nito.

Nakakatugon sa mga pamantayan sa mga panauhin kwalipikasyon sa

pagtanggap sa kanila ay maraming mga kadahilanan, kabilang ang mga

benepisyo ng pananatili at pagtataguyod ng pamanang kultural at pyesta sa

Danao City. Ang mga tauhan ay ang mga mukha ng Danao City; sila ang una at

huli impression ng mga bisita (Capin 2014). Ang kanilang buong serbisyo at
mahusay na tirahan ay ang mga base ng mga turista upang matukoy ang

kanilang kultura ng pamanang at mga benepisyo sa pagpapanatili at

pagtataguyod ng isang magandang isa na karapat-dapat na tawaging

destinasyon ng mga turista.

Ang proseso ng destinasyon ay naiimpluwensyahan ng mga motibo, saloobin, at

pananaw ng mga turista. Ayon kay (Capin 2014), ang persepsyon ay ang mga

proseso kung saan ang mga turista piliin, ayusin, at bigyang-kahulugan ang

kultura at sa pyesta sa Danao City. Naranasan nila ang isang makabuluhan at

magkakaugnay na larawan ng mga taong gumanap ng Karansa Festival at

Sinugdan sa Danao. Katulad nito, tinukoy ni (Solomon 2001) ang perception

bilang ang proseso kung saan ang mga sensasyon ay pinipili, organisado, at

kung paano binibigyang kahulugan ang mga tao. Higit pa rito, ang sensasyon ay

tumutukoy sa kagyat tugon ng mga pandama ng tao, tulad ng mga mata, tainga,

ilong, bibig, at balat sa basic stimuli tulad ng mga tanawin, tunog, amoy, panlasa,

at damdamin. Kapag bumibisita sa Danao City at sa kanilang kultura (Manong

Amon’s Anniversary at Charter Anniversary), pyesta (Karansa Festival at

Sinugdan sa Danao) ang kanilang mga benepisyo ng pagpapanatili at

pagtataguyod ng pamanang kultural at pyesta para sa ikakaunlad ng DANAO

CITY. Ito ay inihahambing ng mga turista ang aktwal na sitwasyon sa kanilang

mga inaasahan. Ang proseso ng pagsusuri ay lubos na nakadepende sa

kanilang pananaw tungkol sa kalidad ng serbisyo at kanilang pagganap bilang na

mananayaw. Tinukoy ni (Robbin 2005) ang percepsyon bilang isang proseso


kung saan ang mga indibidwal ay nag-oorganisa at bigyang-kahulugan ang

kanilang mga pandama at iniimportasyahan ang kanilang pamanang kultura at

pananatili ang impresyon upang bigyan ang kanilang kapaligiran at para

ikakaunlad ng Danao City. Ayon sa kanya, tatlong pangunahing salik ang

nakakaimpluwensya sa persepsyon ng mga indibidwal. Ang mga ito ay mga

kadahilanan sa ang sitwasyon, mga kadahilanan at mga kadahilanan kung bakit

ito ay dapat panatilihin.

In an article of Hong [22], it is mentioned that through

festivals, intangible cultural assets such as living

cultural knowledge, identity, meaning, and core

values embedded in certain traditional customs or

rituals are preserved in which museums cannot

adequately display. She reiterated that festival share

a characteristic of celebration with a specially defined

time and space in which it raises public awareness

regarding cultural significance.

Ayon kay (Hong 22) ang mga pyesta ay nagbibigay kulay at nagbibigay

kahulugan sa mga pamumuhay ng mga taga Danawanons. Ito ay nagsisilbing

pagkakilanlan at katangian ng mga mamamayan sa lungsod ng Danao City. Ito

ang daan para mailantad ang pyesta ng Danao sa buong lugar ng Cebu.

Austero (2009) exposed that Our fiestas reflect who

and what we are as a people. Everything about us


finds expression in the way we celebrate our fiestas,

even the state of our community spirit. The value of

bayanihan may be dead in other aspects of our life as

a people, but it’s there left, right and center stage in a

fiesta. Our inherent creativity, our natural artistry,

even our flair for the superficial at the expense of

substance all these converge in that annual tradition

that is the Philippine fiesta.

Inilantad ni (Austero 2009) na ang pyesta ng lungsod ng Danao ay sumasalamin

sa kung sino at ano tayo bilang isang tao. Dahil sa pagdiriwang ng mga

Danawanons, mas nabigyang diin ang halaga ng bayanihan sa pagpapakita ng

pagkamalikhain at likas ng talento ng mga naninirahan sa Danao.

Sam (2015) believed that “Festivals are one of the

main reasons why it is more fun and incredible to visit

and stay in the Philippines. Philippine festivals are

huge cultural celebrations that attract both local and

foreign tourists due to its colorful and festive nature.

Festivals or fiestas are usually celebrated on the feast

days of their patron saints, as determined by the

Catholic calendar.”

Naniniwala si (Sam 2015) na ang pyesta ay may napakalaking kontribusyon sa

isang lugar gaya ng Danao sa kanilang Karansa Festival na nagsisilbing tourist


attraction at higit sa lahat ito ay nagsisilbing papuri at alay sa kanilang patron na

si Sto. Tomas De Villanueva na gaganapin tuwing ikatlong linggo ng Setyembre.

Hattours (2012) cited that All festivals are cultural in

one way or another. There are many types of cultural

festivals such as National, Religious and Seasonal.

They all serve the purpose of bringing happiness to

our lives, and strengthen our sense of community…

Seasonal festivals reflect attitude of people towards

nature. These festivals are important because they

are related to food supply. Human beings should

adore the nature and acknowledge its beneficence

before partaking any of its gifts.

Para kay (Hattours 2012) kahit anong uri ng pagdiriwang, lahat ng ito ay

nagbibigay kasiyahan at kagalakan. Sa Karansa Festival pinagkakaisa ang mga

tao sa isang lugar na ito. Bawat tao ay dapat bigyang pugay at pagkilala sa

kanilang pinagdidiriwang.
Kaligirang Teoretikal ng Pag-aaral

Mga Benepisyo ng Pagpapanatili at

Pagtataguyod ng Pamanang Kultural at

Pyesta para sa ikakaunlad ng DANAO CITY

Paglalahad Ng Suliranin

Ang pananaliksik na ito ay isinagawa bilang tugon sa pangangailangang

mangalap ng impormasyon upang makapagbigay ng kaalaman. Nakatuon ang

pag-aaral na ito sa mga pakinabang ng pangangalaga at pagtataguyod ng

pamanang kultural at pagdiriwang para sa kaunlaran ng lungsod ng Danao.

Ang mga sumusunod ay mga tiyak na tanong na sasagutin sa pag-aaral

na ito:

1. Ano-ano ang mga pamanang kultural at pyesta sa Danao?


2. Paano nakakapekto sa mamamayan ang pagtangkilik ng mga

pamanang kultural at pyesta sa Danao?

3. Paano nakakatulong sa pamahalaan ang pag pagpapanatili at

pagtataguyod ng mga pamanang kultural at pyesta sa Danao?

4. Ano ang mga panukalang solusyon sa mga kinakaharap na mga

suliranin sa pamahalaan?

Kahalagahan ng Pag-aaral

Napakahalaga ng pananaliksik na ito sapagkat karamihan sa mga

mamamayan ng Danao City ay walang pang alam kung ano ang mga benepisyo

na makukuha sa pag pagpapanatili at pagtataguyod ng mga pamanang kultural

at pyesta sa Danao. Karamihan ay nakakalimutan itong pahalagahan at

pagyamanin.

Ang pananaliksik na ito ay magsisilbing gabay at kapaki-pakinabang sa

mga sumusunod:

Mamamayan ng Danao City

Nagbibigay ito ng kaalaman at higit na mapukaw ang interes ng mga

mamamayan ng Danao City para lalong tangkilikin, pangalagaan at pagyamanin

ang mga Pamanang Kultural at Pyesta.


Pamahalaan ng Danao City

Magbigay daan ito sa mga namamahala ng Danao City upang ipagpatuloy

ang kanilang sinimulan sa epektibong hakbang tungo sa pag pagpapanatili nito

at pagtataguyod ng mga pamanang kultural at pyesta at paghikayat sa mga

mamamayanan na bigyang halaga upang higit pa itong tangkilikin. Makatutulong

ang pananaliksik na ito upang magkaroon sila ng kaalaman kung ano ang maari

nilang gawin.

Mananaliksik

Higit na mabatid ang ang mga benepisyo sa pag pagpapanatili nito at

pagtataguyod ng mga pamanang kultural at pyesta sa Danao City. Makatutulong

ang pag-aaral na ito para maging gabay at sangugunian sa mga isasagawang

kaugnay na pananaliksik.

Saklaw at Limitasyon

Ang pananaliksik na ito ay nakatuon sa paglalahad ng mga benepisyo ng

pamanang kultural at pyesta sa sa lungsod ng Danao. Naglalahad ito ng

karagdagang impormasyon para sa mga nasabing kultura at piyesta lalo na sa


mga positibo at maging sa negatibong epekto nito sa lungsod. Sa positibong

pananaw ang pag-aaral na ito ay may layunin na ipaalam sa mga mamayan

lalong lalo na sa Danao, City ang pinanggalingan ng mga nito na isang

maganda at multikultural na lugar na nagbibigay ng lakas, pagkakakilanlan at

layunin sa mga residente nito. Sa negatibong pananaw naman ginagawa ang

pag-aaral na ito sapagkat iilan sa mga kabataan lalo na sa mga makabagong

henerasyon nalilimutan na ang ganitong kultura at mga piyesta at kung ano

talaga ang kahalagahan ng mga ito sa bawat mamayan ng taga Danao City.

Nalimitihan ang pag –aaral na ito sa mga mamayan ng Danao City.

Hinahangad ng pag-aaral na ito na suriin ang mga persepsyon ng mga mamayan

sa Danao ukol sa pagpapanatili at pagtataguyod ng mga pamanang kultural at

pyesta sa lugar. At sa huli, makapagbigay ang mga mananaliksik ng mga ideya

sa pagpapaunlad ng mga nasabing kultura at piyesta.

Katuturan Ng Mga Talakay

Tulad ng nanlalabong mga mata na kinakailangan bigyan ng lunas upang

luminaw pa, ang mga sumusunod na katawagan ay binigyan ng kahulugan batay

sa kanilang pakinabang para sa lubos na ikakalinaw ng pag-aaral na ito.


Piyesta- Ang mga pista ay ang araw na bininukod ng isang bansa o

kultura (sa ibang kaso, maraming bansa at kultura) para sa pagdiriwang ngunit

kadalasang para sa ibang uri ng espesyal na malawakang-kultura (o pambansa)

na gawain o obserbasyon.

Kultura-Ang kultura ng isang bansa ay binubuo ng kanyang mga katutubo

at katangi-tanging kaugalian, paniniwala at mga batas.

Benepisyo-Ang salitang benepisyo ay tumutukoy sa mga mabuting

epekto na maaaring makuha o matanggap mula sa isang bagay at gawain.

Pagtangkilik- Ang pagtangkilik ay ang pagtanggap o pagmamalaki.

Pagpapanatili- ng salitang pagpapanatili, na tumutukoy sa kalidad ng

pagpapanatili, ay lilitaw sa Diksyon ng Spanish Royal Academy , ang salitang

pagpapanatili ay nakuha, sa paglipas ng oras, higit na mga ugat sa mga

nagsasalita ng Espanyol sa Latin America.


Pagyamanin- ang pagyamanin ay nangangahulugang mas paunlarin at

mas bigyang halaga ang mga bagay bagay.

You might also like