You are on page 1of 4

INTRODUKSIYON SA

PANANALIKISIK
SA PILIPINO

1.PAKSA

Putong/tubong

2.Layunin
Ang layunin ng putong o tubong nito ang makapagbahagi ng ritwal o
pagbati para sa mga bisita na may kasamang pasasalamat at samot
dalangin at sinasabayan din nito ang pagdiriwang kaarawan at sa
dumaranas na karamdaman.

3.BIBLIOGRAPHY

https://tl.wikipedia.org/wiki/Putong
http://ugnayan.com/ph/Marinduque/Boac/article/1BUG
araling panlipunan iii /page. 337/

thea joy g. manalo


author
4.KABUUAN

Ang lalawigan ng Marinduque ay hindi lamang


kilala sa Moriones. Kilala rin ito sa tradisyon nitong Putong.
Ang Putong sa ibang lugar ng lalawigan ay tinatawag
na Tubong. Sa mga naunang pag-aaral, walang eksaktong
salin sa salitang Ingles ang Putong. Ito ay isang matandang
gawi sa pagbati sa mga bisita. Ito rin ay isang ritwal na paulit-
ulit nang ginagawa sa sino mang paparangalan at
sasalubungin.
Ang Putong, gaya ng ibang ritwal, ay hindi lamang awit
at sayaw ngunit may kasamang pasasalamat at samot
dalangin. Ang bawat bayan ng Marinduque ay may ibat-ibang
bersyon nito at pagusal ng dalangin. Magkakaiba man ay
nagkakatulad din sa adhikaing ang bisita ay mainit na
tinatangap at ipinagdarasal na may kasamang pasasalamat.
Halimbawa ng mga dalanging nakapaloob sa awit ng Putong
ay ang mga sumusunod:
Kahi manawariy habaan ng buhay at sa madlang taon,
walang karamdaman.
Bigyan ng biyayang mabuhay nang masagana, magandang
ani sa pananim at malayo sa sakit, panganib, tukso at diyablo.
Linisin ang lugar o bahay sa masamang Espiritu bagkus
puspusin ng banal na espiritu.
Ang tradisyonal na Putong ay mabagal sa simula, bumibilis
at tumataas ang tiyempot tono sa gitna na sinasaliwan ng
sayaw. Ibat-ibang kulay at klase ng bulaklak na isinasabog sa
mga panauhin. Ito ay simbolo ng masayang buhay at malusog
na kalusugan. Mayroon ding kasamang pera na simbolo ng
kasaganaan.
Pagpuputong ng korona at pagbibigay ng palma ang pinaka-
naiiba sa lahat ng parangal sa mga panauhin. Dito ang mga
bisita ay pansamantalang itinuturing na mga bughaw ang
dugo, bilang mga hari at reyna, prinsipe at prinsesa pati na
mga dama kung marami ang bisita. Isa- isa silang puputungan
ng korona at palma, na animoy setro ng hari.
Ang putong ay napakarangal at hindi madaling malimutan
dahil ito ay may kasamang dalangin at saya na iniaalay ng
mga Marinduqueno.

Tungkol ito sa sayaw, para sa ipinuputong sa ulo


tingnan ang korona (putong).
Ang putong ay isang uri ng sayaw. Isa sa mga tutog
ng sayaw na ito ay tinugtog ni Juan Silos, Jr. at kanyang
rondalla noong dekada 1960 sa ilalim ng album
na Philippine Folk Dances Vol. IX ng Villar Records. At ito
rin ay katutubong gamit pang-ulo ng mga sinaunang
Pilipino bago pa man dumating ang mga Kastila. Ang
putong o tubong ay isang katutubong gawain na ginagawa
pa rin sa lalawigan ng Marinduque.

Bukod sa pagiging Lenten Capital ng bansa, kilala din ito


sa tradisyong putong mula sa tubong pasyon noong
panahon ng Kastila. Ito tradisyon na awiting panalangin para
sa mga taong nagdiriwang ng kaarawan, at dumaranas ng
karamdaman at para sa iba pang kahilingan sa angel dela
guardia ng pinuputungan.Sa ngayon ang putong ay naging
isang tanyag na ritwal ng maligayang sa isla ng Marinduque.
Ang bisita ay pinauupo at sinusuotan ng koronang yari sa
bulakak at aalayan ng sayaw at awit ng mga babaeng taga
Marinduque.

You might also like